webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
156 Chs

Entry #3

Dear Future Boyfriend,

Biglang umulan habang nasa internet cafe ako at nagpapa-print ng assignment. Ang malas ko kasi wala akong payong na dala. Papagalitan na naman ako ni Mama kasi hindi ako nakinig sa kanya nung pinaalalahanan niya ako na magdala ng payong. Ayoko kasing magdala ng payong dahil mabigat sa bag. Sana nandito ka. Siguradong isang text ko lang sa'yo, pupuntahan mo ako at susunduin na may dalang payong. Payong lang okay na ako. Pero hindi rin naman madalas na nagdadala ng payong ang mga lalaki. Nakita ko kasi 'yung bag ng mga kaklase ko, ballpen lang ang laman at isang maliit na notebook. Bakit ang unti nyong magdala ng gamit sa school?

Kung wala kang payong. Isilong mo nalang ako sa jacket mo. Maliit lang naman ako. Sigurado kasya tayo diba?

Love,

Kayleen