webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Dead 6 (Part 1)

Aira POV

"Ganito ang plano. Walang maghihiwalay. Bantayan niyo ang mga kasama niyo. Grupo grupo ang lalabas pero naka linya, pag nakalabas na ang first five. Susunod na rin ang iba. Mga lalaki ang mauuna para sigurado tayo."sabi ko sa kanila na para bang nagpupulong.

"Vans, pumunta kayo sa back gate mamaya pagkababa natin sa fire exit. andun naka park ang bus ng school, magdala ka ng kasama ko, hintayin ka namin doon." Sabi ni Mia.

"Okay." Pag sang-ayon naman ni Vans.

"Mike, kayo muna ng tropa mo ang first five, magdala kayo ng pwedeng pandepensa, tandaan niyo walang magliligtas sa inyo kundi ang sarili niyo, kung gusto niyong makaligtas sa delubyong ito magtulungan tayo." Pagdidiin ko.

Huminga ng malim si Mike at naghanda na silang lahat.

Lumabas na ang first five. Bawat isa sa kanila ay nakabantay sa bawat isa.

Sunod naman ang pangalawa hanggang kami na ang sunod ni Mia.

Luckily safe ang lugar namen ngayon. Walang tumambad sa'min. Nag-ala ninja nanaman kami sa pagpunta sa Fire exit. Bumaba na kami sa parang spiral na hagdan.

Nasa hulihan si Mia. Nasa harap naman namin ang dalawang unano--este sina Abe at Den.

Nagulantang ang buong pagkatao ko, ng may biglang malakas na kumalabog sa pinto kasunod nun ang malakas na pag-ungol.

O___O

*LUNOK*

"Guys! Bilisan niyo!"

"Ahhhhhh!!!"

Agad naman silang nagmamadali sa pagbaba.

Napatingin ako sa taas.

Ayan na siya!

Third Person POV

"Guys! Parang awa niyo na! Nahihilo na ako!!!" Sigaw ng isa sa mga estudyante.

Maski sina Aira nahihilo na. Pero lingid sa kaalaman ni Mia na unti-unti na siyang inaabot ng Zombie.

Swerte, natapilok ang gaga at nadamay ang isa pang gaga.

Parang nag slow mo ang lahat ng nakikita nina Aira at Mia habang nakanganga at nakatingin sa lumilipad na zombie. Kanya-kanya namang iwas ang mga babae sa gitna ngunit sa kasamaang palad napunta ito sa mga kalalakihang walang kaalam-alam sa nangyayari sa taas. Aksidente namang naupuan ng isa ang zombie na dere deretso sa pagdausdos sa hagdanan kaya naman napadausdos din ang iba na animo'y nag sa slide sa spiral na hagdanan.

"Waaaaaaaaaaa!"

Sigawan ng lahat.

*Boggssh*

Mia POV

Sunod-sunod ang pagkalabog sa ibaba.

"Wow, ganda ng landing." Saad ko.

Hindi ko alam kung kanino ako maawa, sa mga kasama ko ba na ngayon ay dinadaing ang sakit ng katawan dahil sa paglagapak o sa zombie na ngayon ay nagkalasog-lasog na ang pangagatawan.

Napailing nalang ako.

Tsk tsk.

"Guys huminto muna tayo, Vans pumunta na kayo 'dun, hihintayin namin kayo. Mag-iingat kayo." Sabi ko at ngumiti.

Tango naman ang iginanti niya saakin.

"Guys, kinakabahan ako."sabi ni Aimee , school mate namen.

Amputs. Pinaalala pa -__-

"Wag kayong mag-alala as long na magkakasama tayo walang mangyayaring hindi maganda." Banggit ng isa.

Tama nga naman.

Muling namayani ang katahimikan at maya-maya'y.

"Guys, andyan na sila." Bigla akong napatayo sa pagkakaupo at lumapit sa pinto na ngayon at kaharap na ang bus.

Nagsipasukan naman ang lahat pero naiwan kami ni Aira at nina Abe.

"Oh? Ba't di pa tayo aakyat?" Tanong niya.

"Tangi! Yung sasakyan natin?! Iiwan natin ganun?" Sabi ko -____-

"Oo nga noh?"

Kahit kailan talagang babaeng 'to, may pagka gaga.

"Guys, mauna na kayo, kukunin namin yung kotse namin, hahabol kami." Sabi ko.

"Sasama kami!" Sigaw nina Abe at Den.

"Okay, tara."

Di naman kami mahihirapan dahil malapit na lang yung parking lot dito kaya mahahabol at mahahabol namin ang bus.

Nagsimula na ring umandar ang bus kaya nagmadali na kami papuntang parking lot.

Nang makarating na kami sa parking lot agad naman naming nakita ang kotse namin.

"Abe, dito ka sumbay saakin, Den dun ka kay Aira."

"Sige." Sagot naman nila.

Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at pinaharurot na namin ang sasakyan.

Aira POV

Nawindang ang buong pagkatao ko nang makalabas kami ng School Zone.

"Oh My God." Mahinang usal ni Den.

Mga Gusaling nawasak at umuusok, mga sasakyang nakaharang sa gitna ng kalsada para ba talagang inatake ng mga terorista at binomba ang buong siyudad.

At ang mas malala pa ang mga katawang nakasabit at nagkalat kung saan-saan.

*Huk*

Napatingin ako kay Den, na ngayon ay umiiyak. Ngayon ko lang naalala. Nasan na ang Pamilya niya?

"De-Den? Okay ka lang?" Haist. Napakaboba mo talaga Aira, malamang hindi.

Ano bang gagawin ko sa batang 'to.

>3<

"Waaaaaaa!!!"

dT Td

Jusmiyo! Mas lalo pa siyang umiyak.

Naiiyak na rin ako! Waaaaa.

"DenDen, maayos rin ang lahat."Sabi ko .

Ayan ka naman Aira, ano ka?! Advance mag-isip?!

(>_<)

"Den, wag kang mag-alala, pupuntahan natin pamilya mo."

"A-ate, na-tatakot a-ako, wha't if---Waaaaa!" Atungal nanaman niya.

Haissst.

"Wag kang mag-isip na ganyan Den, di ka naman siguro Advance mag-isip? He he?"

No response pa din. Tsk

Di na ko maapakali sa pagdrive dahil agaw pansin ang mga nadadaraanan namin. Parang Ghost Town na.T_T

Maya-maya pa ay huminto ang bus sa may gas station nakita kong bumaba si Vans at sinenyasan kaming wala ng gas.

"Den dito ka lang ha? Wag kang lalabas." Sabi ko at lumabas ng sasakyan. Nakita ko ring bumaba si Mia at lumapit saakin.

"Paubos na rin yung gas ko." Saad nito, napagdesisyon muna naming pumasok sa mini mart ng station.

"Aira, ganito yung napapanuod ko sa mga movies eh. Yung mga bida ay hihinto sa gas station para magpagas tapos may papasok sa mart ng gas station tapos may lalabas na mga zombieeesss!" Sabi ni Mia

"Tumahimik ka nga, sa bunganga mo palang tatakbo na palayo ang mga zombies!" Angil ko.

"Ang harsh mo naman! Diyan ka na nga!" Sabi niya at nagtuloy tuloy sa papasok sa mini mart. Sumunod na rin ako sa kanya dahil balak ko naman talagang pumasok doon.

Magulo ang buong mini mart, maraming nagkalat na gamit doon.

Pati na rin ang mga paninda ay nagkalat din. Tsk. Sayang.

Nakakita ako ng malaking plastic at kumuha ng mga pagkain doon at isinilid sa plastic na nakita ko, sigurado akong nagugutom na ang mga kasama ko. Nagulat na lamang ako ng biglang may marinig na kalabog.

"Mia?!"