webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Dead 44 (Part 2)

CHAPTER ⁴

Keira Pov

"Ate, nakikita mo ba yang matataas na pader?" Tanong ni Tyler habang nakatingin sa lugar na iyon mula dito sa mataas na bundok.

"Hmmm." Tanging tugon ko. Habang nakatingin din doon.

"Nakapunta ka na ba 'dun?" Tanong nito.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Eh San ka galing?"

"Hindi ko alam." Tanging sagot ko habang patuloy ko paring pinagmamasdan ang matataas na pader doon.

"Safe zone nila 'yan, diyan lahat nakatira ang mga survivors." Napatingin ako sa kanya.

"Eh bakit andito kayo? Kung lahat naman pala ng  ay 'dun nakatira, bakit kayo nandito?" Deretsong tanong ko.

Ngumiti naman ito ngunit may bahid ng lungkot.

"Oo nirescue nga kami noon ng mga army sa Pilipinas para pumunta dito ngunit nagkaroon ng isang aksidente kaya hindi kami nakaabot sa safe zone, sinubukan naming pumunta doon ngunit hindi manlang kami pinagbuksan kaya wala kaming nagawa kundi ang mamuhay dito." Mahabang litanya niya.

Bumaling uli ako sa pader. Tila ba may nag-uudyok saakin na puntahan iyon.

"Pupunta kami diyan mamayang hating gabi." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Hindi man nila kami papatuluyin ngunit nakagawa naman kami ng paraan para makapasok 'yun ngalang panandalian lang dahil tiyak na mahuhuli lang kami dahil wala kaming pagkakakilanlan na residente kami ng safe zone."

"Anong gagawin niyo diyan?" Takang tanong ko.

"Kukuha ng pagkain."

Kukuha? Pero...

"Paano?" Naguguluhang kong tanong.

Ngumiti naman ito

"May kaibigan kami sa loob." Sagot niya.

Tumayo ito. Magsasalita na sana ako kaso naunahan na niya ako.

"Kaso hindi lang kami ang merong sekretong daanan papunta sa loob."

Bahagya nanamang kumunot ang noo ko.

"May mga grupo ng magnanakaw ang naglalabas pasok sa loob ng safe zone, katulad namin hindi rin sila magtatagal dahil tiyak na mahuhuli sila ngunit magkaiba kami, nagnanakaw sila at nanggugulo sa loob, wala silang pakialam kung may madamay mang mga tao sa kanilang pinanggagawa basta makuha lang nila ang kanilang gusto ."  Narinig ko namang napabuntong hininga siya.

"Sana lang hindi mag krus ang landas namin mamaya sa loob." Saad nito.

"Tara na ate." Pagyaya niya saakin.

"Sasama ako." Sabi ko at ngumiti naman ito.

"Sige."

Bumalik na kami sa kanilang kampo, kanina ko lang napagtanto ng mag-uumaga na na nasa gitna pala sila ng s gusali. May mga nakapalibot na electric fence para pangharang sa sino man at ano mang nais na pumasok dito.

Nadatnan namin silang naghahanda kaya naghanda narin ako. Pumasok ako sa aking tinutuluyan at nagbihis.

Napatingin uli ako sa maliit na salamin at pinagmasdan ang mukha ko.

Napabuntong hininga ako. Nakakita ako ng kapirasong itim na tela at napagdesisyunan kong takpan ang kalahati ng mukha ko.

Hindi ko maintindihan sa aking sarili. Parang may anong kulang sa pagkatao ko. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman kung sino ako at saan ako nanggaling at anong kailangan nila saakin.

I need to find out.

"Handa ka na ba ate?" Pagtatanong ni Tyler.

"Yeah."

Sumapit na ang madaling araw at naglalakad kaming lahat papunta doon. Walang maririnig saamin kahit na tunog ng kanilang talampakan ay hindi maririnig. Napakaingat. Kikilabutan ka nalang sa sobrang tahimik.

"Malapit na tayo."

Napatingin ako sa unahan at natatanaw ko na ng malapitan ang pader.

Napakatahimik sa loob, hindi ko alam kung anong meron sa loob. Naghihintay lang ako dito sa likod nila kung ano man ang kanilang gagawin.

Nagulat ako ng merong maliit na butas ang pader at sakto lang sa isang tao. Kinuha nila ang takip nito at isa-isang pumasok. Nang nakapasok na silang lahat ako naman ang pumasok. Merong natira sa labas na nagsisilbing look out.  Sinara muna nila ang butas. Nailibot ko ang aking paningin. Nasa masukal kaming bahagi ng safezone.

"Tara guys."

Nagsimula na uli kami sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mapamangha sa loob. Para bang isang normal lang itong lugar. May mga halaman puno at mga bahay. Hindi rin mawawala ang maliliit na gusali.

"Andito na tayo."

Nandito kami sa isang maliit na abandonadong bahay. Kung saan may mga karton ng pagkain. Nagsimula na silang magbuhat pabalik doon. Tumulong din ako sa pagbubuhat.

Marami ang karton kaya may tendency na magpabalik balik kami dito.

Nagulat ako dahil sa biglaang mga putok ng baril.

"Ano yun?!"

"Sh*t! Nandito rin sila!"

Sila? Sinong sila?

Naalala ko ang sinabi saakin kanina ni Tyler.

"Hoy! Sino kayo?!"

May isang gwardiya ang nakakita saamin. Magpapaputok na sana siya ngunit mabilis ang aking pangkilos, binato ko siya ng bato at nasapol sa kanyang noo kaya nawalan siya ng malay.

"Galing mo ate!!" Biglang saad ni Tyler.

"Tara na! Lumabas na tayo dito!"

Napayuko kami sa biglang pagsabog. Pagsabog ng isang bahay na malapit saamin.

"Guys! Tara!"

Aalis na sana kami ngunit napantig ang aking pandinig sa batang umiiyak.

"Mauna na kayo! Susunod ako!" Sigaw ko. Narinig ko pa ang pagtawag saakin ni Tyler ngunit hindi ko iyon pinansin.

Umakyat ako sa isang pader at tumambad saakin ang nasusunog na bahay. Pumasok ako sa loob. Sinundan ko ang iyak na iyon ngunit nahuli na yata ako, may isang babaeng karga-karga ang bata. Nakatingin lang ako sa kanya. Naghanap ako ng tubig na pwedeng pambuhos sa apoy sa may daraanan ko. 

Napatingin ako sa may gilid ko, nandun ang babae kaya wala na akong nagawa kundi gamitin ang bintana palabas. Tumakbo ako at sinusundan niya ako.

"Hey! Tigil!" Sigaw niya

Ngunit patuloy parin ako sa pagtakbo.

Napahinto naman ako dahil dead end na, hindi ako nagkaroon ng pagbwelo sa pag-akyat.

"Sino ka?!" Tanong niya. Nilingon ko nalang ito at nagtama ang mata naming dalawa. Nakita kong napatigil siya kaya ginawa ko iyong pagkakataon upang umakyat ng pader. Tumakbo ako papunta sa kanila at naghihintay si Tyler sa loob.

"Tara na Ate!" Sigaw nito kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Ngunit hindi ko inaasahan ang malakas na pwersang tumama sa ulo ko.

"Ate!"

Kahit nahihilo ako pinilit kong tumayo at nakita ko ang lapastangan na gumawa saakin nito.

Nakamaskara siya ngunit hindi ako natatakot. Hahampasin na sana niya ako ngunit agad kong hinawakan ang kanyang pamalo. Tinadyakan ko ito sa tiyan kaya nabitawan niya ang kanyang pamalo. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at malakas ko siyang hinampas dahilan upang sumalampak siya sa lupa.

"Ate! Okay ka lang?!"

"I'm okay." Saad ko at pumunta na sa butas. Agad kaming pumasok doon at naghihintay ang iba pa naming kasama. Katulad ng kanina, tahimik kami sa paglalakad.

Naisip ko ang babae kanina. Bakit siya napatigil? Dapat binaril na niya ako kanina. Haist. Nevermind sumasakit ang ulo ko kakaisip, peste kasing lalaking kaninang iyon kung hindi sana niya ako hinampas hindi sasakit ang ulo ko!  May pa maskara pa. Tsk. Sila siguro yung mga magnanakaw na sinasabi ni Tyler. Psh. -___-

Done