webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Dead 35 (Part 1)

Mia PoV

Sinundan namin si Kyler dahil hindi maganda ang kutob ko.

Kinakabahan ako, kinakabahan ako para kay Aira.

Kasalukuyan kaming bumabyahe. Hindi ako mapakali habang nakatingin sa bintana, feeling ko ang bagal bagal namin. Hindi na ako nakatiis at nagsalita.

"Stop the car!" Sigaw ko.

"What?!" Gulat na tanong ni Lee na nasa tabi ko. Nakaupo ako sa passenger seat at siya naman sa driver seat.

"I SAID STOP THE CAR!"

Halos ma subsob kaming lahat sa ginawang pagpreno ni Lee. Agad akong bumaba at umikot papunta kay Lee.

"Baba ako ang magdadrive." Sabi ko. Wala na siyang nagawa kundi ang makipagpalit ng pwesto saakin.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan, dali dali namang sinuot ni Lee ang seatbelt at napakapit ng mahigpit sa kanyang kinauupuan ganun din ang iba sa likod.

Hindi ko sila masisi dahil para na kaming lumilipad sa mabilis na pagpapatakbo ko.

"Mia dahan dahan naman!"

"Waaa! Papatayin mo ba kami?!"

"Ahhhhhh!"

Hindi ko na sila pinansin bagkus mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo.

Agad kong inihinto sa malayo ang sasakyan. Tanaw na tanaw ko a g daanan pababa sa star labs.

"Guys tara." Saad ko habang kinukuha ang seatbelt ko, ngunit wala akong narinig na nagsakita o gumalaw man lang.

Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay tulala at mahigpit parin ang pagkapit sa kaniyang kinauupuan. Tumingin ako sa iba pang kasama ko.

-___-

Takte! Kailangan bang pareho pareho ang reaksiyon?!

"Hoy!"

Malakas na sigaw ko dahilan upang bumalik sila sa katinuan.

Bigla bigla pang lumabas si Vans ng sasakyan at sumuka.

Ewww.

"Tara na nga!" Inis kong sita sa kanila. Sumunod naman sila saakin.

Umakyat kami sa pader upang makapasok sa kabila.

Maingat ang bawat paggalaw namin.

Walang mga bantay sa paligid kaya malaya kaming nakapasok hanggang sa elevator. Thanks sa guwardiyang walang malay at nakuha namin ang card.

Nang bumukas ang pinto, tumambad saamin ang tahimik at maliwanag na pasilyo. Tinahak namin ng tahimik ang pasilyo, ngunit maya maya pa ay nakarinig kami ng ingay at mukhang papunta sa direksiyon namin.

Napatigil kami dahil sa mga tumatakbong scientist.

Nakarinig rin kaming ng nakakabinging ingay na para bang emergency alarm.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo.

Nakarinig kami ng kaguluhan sa isa sa mga silid.

Nayanig ang buong paligid sa isang pagsabog.

Dali-dali kaming pumasok sa naturang silid. Nakita namin na ang gulo gulo ng paligid.

"What the hell?!

"Oh Shit!"

Nagmadali si Lee na kinuha si Kyler na ngayon ay nakasalampak sa sahig.

"Kyler! Shit! Guys! Let's get outta here!"

Binuhat niya si Kyler at nagmadaling lumabas dahil napaka delikado na dito.

Napalinga ako sa silid dahil nagbabasakali akong makita si Aira ngunit ni anino niya 'di ko nakita.

Inaalalayan nila si Kyler dahil wala itong malay at maraming galos sa kanyang katawan dahilan ng pagsabog.

"Guys may mga bantay!" Sigaw ni Lee. Kaya nabaling saamin ang atensiyon ng mga ito at hinabol kami.

*bang*

"Langya!"

Agad kong kinuha ang baril na nakasukbit sa bewang ko at pinatamaan ang mga bantay na humahabol saamin.

Wala na kaming nagawa kundi ang bumalik at tahakin ang kabilang daan habang pinapatamaan ang mga bantay.

"Guys! Mukhang naliligaw na tayo!"

"Hala!"

"Kailangan nating magpatuloy sa paglalakad!"

*bang*

Bumalik si Ace at Xander upang kumuha ng baril sa napatumba kong bantay. Paking tape! Maraming bantay ang nagbabantay kaya mahihirapan kaming bumalik at makatakas.

"Mia!"

Napantig ang pandinig ko nang may pamilyar na tinig ang tumawag sa pangalan ko.

"Tita chelle." Nasabi ko at lumingot kung saan ang pinanggalingan ng tinig.

Nagulat nalang ako dahil si tita chelle ay nakaalalay kay Aira na walang malay. Agad kaming lumapit sa kanya at kinuha si Aira.

"Tita chelle---"

"You need to get out here! Dalhin niyo si Aira sa ligtas na lugar.

Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Tita---"

"Please Mia, I'm begging you. Umalis na kayo---"

*bang*

"Run!"

"Teka tita chelle!" Tawag ko sa kanya.

"I'm sorry." Sinserong saad niya at nagpalitan ng putok sa mga bantay.

"Guys! Tara na!"

Lalo kaming nahirapan dahil dala dala namin sina Aira at Kyler na walang malay.

Bigla nalang tumigil ang mundo ko ng unti-unting bumabagsak ang duguang katawan ni tita chelle sa sahig.

No.

"Tita!!!" Sigaw ko at napaiyak.

"Tita chelle!" Sigaw ni Xander. Akma sana siyang pupunta doon ngunit kinaladkad siya ni Ace. Nakaramdam naman ako ng paghila saakin, wala na akong nagawa kundi ang magpahila.

Wala na.

Wala na si tita chelle.

She save us.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagtago kami sa isang sulok at hingal na hingal wala pa ring malay sina Aira at Kyler.

Napahikbi nalang ako ng maalala ko ang pangyayari kanina.

Nanginginig ang kamay ko.

Hindi ko na alam kung makakalabas pa kami ngayon ng buhay.

"Arrghhh!"

"Xander, stop it! Nangyari na ang nangyari! Wala na tayong magagawa!"

"Yun na nga eh! Nangyari na! Kaya wala na tayong magagawa para ibalik si Tita Chelle!" Sigaw ni Xander at napaupo habang umiyak ng umiyak na parang isang bata.

Hindi ko napigilan ang umiyak sa halo halong emosyong nararamdaman ko.

F*ck this Bullsh*t!!!

"G-guys."

"Kyler are you okay?!"

"Kyler!"

Napatingin ako kay Kyler na ngayon ay hirap na hirap sa pagbangon.

But still hindi parin gumigising si Aira. 

"I-im fine but Aira--'

"Huwag ka munang magsalita Kyler." Pagsingit ni Lee.

"Kailangan nating makatakas dito." Sabi ko.

"What happen?"

Nagulat na tumingin ako sa nagsalita.

"God! Aira you're awake!" Sigaw ko at yinakap siya ng mahigpit.

"Why are we here? What happen here?" Nagtatakang tanon niya.

"Nagtagumpay na ang ekspiremento." Sabat ni Kyler.

"Ha?! Pero paano?!"

"You are out of control, they used you, they controlled you."-Kyler

"F*ck! It's all my fault!"

"Don't say that! Walang may kasalanan saatin!" Sigaw ko

"We should go now guys!"-Christine

"I'll stay here."

Gulat akong tumingin kay Aira.

"Are you out of your Mind?! Nagbuwis buhay kaming lahat dito para ilabas ka tapos--ha! I cannot believe you Aira!"

"You s-should all go, I should stop Alfonso."

"No! Tatakas tayong lahat! Walang maiiwan! Walang mamatay! So Get up and we should go!" Sigaw ko sa kanya at inalalayan ko siyang makatayo.

"Let's go!"

Nagsimula na kaming umalis sa lugar na iyon.

Patuloy parin ang kaguluhan.

"Guys watch out!"

*bang*

Nakita namin ang nakahandusay na zombie.

Shit!

"Bilisan natin!"

Napayuko nalang kami sa sunod sunod na putok.

Tumigil kami at nagtago sa gilid ng pader.

"Gosh Mia! May Tama ka!"

"What?!"

Nakaramdam ako ng hapdi sa kanang braso ko.

Shit!

Agad ko iyong hinawakan dahil marami ang dugong dumadaloy na nagmumula doon.

Shocks!

"Shit Mia! Ang putla mo!" Sigaw ni Aira at pinunit ang kanyang laylayan ng damit at tinali sa braso ko.

"Are you okay?"-Abe

"We should be careful okay?"-Ace

"Hand me your gun."- Kyler

Ibinigay ko sa kanya ang baril ko at pinaputukan ang mga guards.

Tumulong na rin sa pagbaril sina Ace dahil maraming mga guwardiya ang nakapalibot saamin.

"San na tayo ngayon?!" -Lee

"I don't know." Mahinang sagot ni Aira.