webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Dead 17 (Part 2)

                Chapter ¹7

Kiera POV

"Salamat dahil sa katiting na oras nagkaroon ako ng kaibigan, salamat dahil pinaramdam niyo saakin na may mga tao pa palang mababait kagaya niyo na handang tumulong at ang naiisip ko lamang na paraan para makabawi sa inyo ay ang paglayo ko."

Sinserong saad ko at bumaba na.

Kailangan kong hanapin ang sarili ko. Kailangan kong malaman kung ano ang kailangan ng mga humahabol saakin.

"Kiera, please don't go." Bahagya akong napatigil sa paglalakad ng marinig ang mga katagang iyon galing sa kanya. Hindi ko na iyon pinansin pa at nagsimula ng maglakad sa likurang bahagi ng safezone. Pero nakalimutan ko palang may electric current ang  bakod kaya napaatras ako.

Napagpasyahan kong bumalik ngunit nakailang hakbang palang ako at bigla  akong tumilapon at tumama sa pader ang likod ko.

Agad naman akong tumayo ngunit biglang bumigay ang katawan ko

Bakit? Akala ko ba malakas ako?

B-baket palagi nalang akong nanghihina. Dala lang ba 'yun ng tinatawag nilang "adrenaline rush?"

Ano ba ang ginawa nila sa katawan ko?

Dahan-dahan akong tumayo at naghanap ng makakapitan. Napapikit at napaubo ako dahil sa usok na kumakalat sa buong lugar.

"H-hey!" Tawag niya sa isang lalaking nagmamadaling tumakbo.

"A-anong nangyari?!"

"Sumabog po ang power system ng buong lugar. Na over heat ata. T-teka ayos lang po ba kayo?" Pagtatanong ng lalaki. Tumango ako at sinenyasan ko lang ito na umalis na.  Napaupo na lamang ako pero kaagad naman akong tumayo para balikan sila.

Paika-ika akong naglalakad-takbo at mapatigil ng matanaw ko sila at parang seryosong silang nag-uusap kasama 'nung Aries.

Sumandal muna ako sa malapit na poste at hinintay silang matapos sa pag-uusap. Kaaagad naman nila akong nakita pagkatapos ng usapan nila at nilapitan ako ni Abe.

"Kiera! Okay ka lang?! May sugat ka!"

"Nah, I'm okay. What happened? Parang nagmamadali kayo?" Tanong ko.

"We need to secure the safe-zone. Wala na ang Power sa buong lugar at matagal pa bago marestore ang electricity. As of today, mata na ang gagamitin namin as CCTV."

"If you need help, count me in." Saad ko, ngumiti naman ito at umalis.

Mauudlot pa 'yata yung pag-alis ko. Naudlot nga talaga.

"Hey, you're bleeding." Napatingin ako sa nag-salita. It's Kyler.

"Are you okay?" Tanong nito.

"Yeah." Maikling tugon ko.

"You need to clean your wound." Saad nito at umalis.

Napatingin naman ako sa braso ko. May sugat pala ako, hindi ko naramdaman tsk.

Manhid na nga ba talaga ako? Nah, nasaktan pa ako kanina eh.

Hahakbang na sana ako ng napalingon ako sa tumawag saakin.

Nakita ko si Mia na paika-ikang lumapit saakin.

"Anong nangyari sayo?" Pagtatanong ko.

"Ikaw? Anong nangyari sayo? Mukhang pareho lang naman 'yung nangyari saatin eh. Tara puntahan natin si Kuya Aries sa opisina niya, doon din kami dati nakatira, ipapakita ko sayo." Anyaya niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Maya-maya pa ay tumambad saakin ang limang palapag na gusali. Pumasok na kami ng harangan ako ng bantay.

"It's okay, kasama ko siya." Sabi ni Mia kaya nagpatuloy kami sa pagpasok.

Bigla naman siyang huminto at humarap saakin.

"Wala palang power, hindi natin magagamit 'yung elevator, gagamit tayo ngayon ng hagdan. Hintayin mo nalang ako dito sa baba." Saad nito at pinigilan ko naman siya.

"Wait sasama ako."

"Sigurado ka?" Tumango naman ako bilang tugon. Hindi ko alam kung bakit may nag-uudyok saakin na sumama kay Mia. Hindi ko alam kung bakit may nag-uudyok saakin na gusto kong makita kung ano man ang meron sa gusaling ito.

Nakarating naman kaagad kami sa ikaapat na palapag. Bigla naman nawala 'yung sakit ng buo kung katawan kaya naging madali lang ang pag-akyat namin.

Hindi naman  nag-abalang kumatok si Mia dahil bahagya itong nakabukas. Nadatnan namin yung pakay niya dito na nakupo, hindi manlang niya kami binigyan ng pansin kahit na nasa pinto ito nakatingin.

"Kuya?" Pagtawag ni Mia ngunit nakatingin lang ito ng deretso saamin.

Agad naman akong napakunot noo.

Nilapitan ito ni Mia at tinawag muli.

"Kuya Aries?"

"What are you doing here?" Saad nito at ngumiti. Ang creepy naman ng ngiti niya.

"Wala naman kuya, kinukumusta ka lang, balak naming pumunta sa taas ni Kiera." Sabi ni Mia at sinulyapan ako. Nabaling naman ang tingin nito saakin at ngumiti.

"Hi Kiera." Plain na saad nito at tumingin muli kay Mia.

Ako lang ba? O kinilabutan ako sa tingin niya? Ganito ba talaga 'to?

"Sige kuya, alis na kami." Pamamaalam nito at bago pa man tuluyang masara ang pinto nagbigay ako ng isang sulyap mula sa loob at nagtama 'yung paningin naming dalawa na nakadagdag sa kilabot na naramdaman ko.

Habang paakyat kami ng hagdan hindi ko maiwasang mapatanong kay Mia.

"Mia, ganun ba talaga yun?"

"Sino? Si Kuya Aries?"

"Oo."

"Ewan ko nga rin eh, namimiss niya siguro 'yung kapatid niya kaya ganun 'yun kanina." Tumango nalang ako at hindi na nagtanong pa.

Nakarating na kami sa ikalimang palapag at hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang kaba ko.

"Anong nangyayari sakin? Dala ba 'to kanina 'ng tumilapon ako?"

"Dito kami namalagi simula 'nung marescue kami sa labas dalawang taon na ang nakalipas at bago pa kami naging isang platoon at nilapat doon sa headquarters. Maayos na 'yung pamumuhay namin dito noon ng biglang nalagay sa panganib 'yung safezone." Mahabang wika nito.

"Panganib?"

"Oo, may mga masasamang loob ng naglalabas-masok at nang-gugulo dito sa loob."

Iyon ba yung---

"Tama! Kaya pala parang pamilyar ka sakin! Ikaw 'yung babaeng nakita ko sa loob ng nasusunog na bahay!" Biglang bulalas niya.

Siya pala 'yung babaeng 'yun.

"Ako nga 'yun." Simpleng sabi ko.

"Ano palang ginagawa mo 'dun sa bahay na 'yun?"

"Dahil sa iyak ng bata kaya ako pumunta doon." Sabi ko.

"Pareho lang naman pala tayo eh, 'nung una akala ko isa ka sa mga masasamang loob na nanggugulo dito. Hindi naman pala." Sabi  ito at ngumiti.

"Ate Aira!!!" Bigla akong nagulat dahil sa naramdaman kong biglang pagyakap saakin ng kung sino sa likuran ko.

Dahan-dahan ko namang inalis ang kamay niya sa bewang ko at tumingin sa kanya. Agad naman itong napaatras ng makita ako.

"Naku, Den-den hindi 'yan si A-aira. Hehehe. Siya si Ate Kiera bago naming kaibigan." Bumaling naman saakin si Mia at humingi ng tawad.

"Ay, ganun p-po ba? Hehe. H-hello po Ate Kiera! Ako po pala si Den-Den." Nag-aalanganing saad nito. Natakot ata sakin. Ginulo ko naman ang kanyang buhok at tiningnan sa mata.

"Teka po! Ikaw po ba yung kasama ni Tyler?" Gulat na tanong nito.

Tyler? Nandito ba siya?

Tumango naman ako.

Agad naman siyang bumaling kay Mia at yinakap ito.

"Ate Mia! Namiss ko po kayo! Asan po yung ibang mga ate at kuya?" Tanong ng batang nag-ngangalang Den-Den.

"Nandoon sa Headquarters, pasensiya na kung hindi ka na namin nadalaw dito miss namiss karin nila. Siguradong bagot na bagot ka na dito."

"Okay lang po ate, may kasama naman ako dito!"

"Sino?"

"Si Chiena po!" Masiglang saad ni Den Den.

"Ayun po siya!" Turo niya sa isang dalagang kakalabas ng pinto na parang hindi  niya pa alam na andito kami.

"Chiena! Si Ate Mia oh! Diba gusto mo siyang  makilala?"

Bigla namang nanlaki ang mata nito at patakbong lumapit saamin.

"Kyaa! Hello ate Mia ako po si Chiena! Idol po kita! Actually po kayo pong magkakaibigan!"

"Ito naman si Ate Kiera." Pagpapakilala nito saakin.

"Woah! Hello Ate Kiera!" Manghang-manghang niyang tugon niya. At itinaas ko lang ang kamay ko bilang tugon

"Ang cool niyo pong dalawa!" Dagdag uli nito.

"Hahaha. Hello Chiena, ikinagagalak kitang makilala. Huwag kang mag-alala ipapakilala kita sa iba."

"Wow! Talaga po!" May pagkaisip bata naman ito, mukhang mas matanda pa siya kay Den-Den eh.

"Ate Kiera!" Napatingin ako sa pamilyar na boses na tumawag saakin.

"Tyler" sambit ko at yinakap ito.

Napabaling naman ang paningin ko sa batang nag-ngangalang Den-Den.

Den-Den

Den-Den

It's sounds familiar huh? Pero ano bang nangyayari?! Why everything is seems so familiar to me?

Ang mga taong ito....

Konektado ba silang lahat saakin?

Done