webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Dead 11 (Part 2)

Chapter ¹¹

Third Person's POV

"Nagugutom na ko!"

"Uhaw na ako shet!"

"Ambaho ko na!"

Napapikit nalang si Kyler ng mariin dahil sa mga reklamo nila.

"Mamatay na ata ako sa Gutom." Hinang hina na atungal ni Lee.

"Guys! Guys! May Gas Station!" Biglang nabuhayan na sambit ni Lee.

"Jusko! Gas station nanaman?! Tapos may convenience store? Tapos susugod nanaman ang mga zombie?! At teka nga?! May makakain ba tayo diyan? Eh baka expired na yung mga pagkain diyan tapos ano? Gas yung Iinumin niyo?!"  Malakas na sigaw ni Mia.

"Ahmm, Mia tuyo na siguro yung Gas Diyan eh." - Christine.

"Tara na nga! Iwanan na 'yang lokaret na 'yan! Ang Arte!" Dugtong uli ni Lee.

"Che!"

Nang makarating na sila sa Gas Station, dumeretso na sila sa loob nagpaiwan naman si Kyler sa labas.

"Bahala na sila kung ano man ang kukunin nila sa loob. Swerte nalang nila kung may mapakinabangan pa sila. Tsk" Saad ni Kyler sa kanyang isip.

Napabuntung hininga nalang siya ng sumagi sa isipan ko ang pangyayaring iyon sa kakahuyan.

Flashback..

Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong bumilis sa pag-pintig. Kahit sulyap lang iyon pero bakit ang lakas ng impact saakin? Sino ba 'tong babaeng to? Bakit ganito 'to makipaglaban para bang bihasa na siya sa pakikipaglaban ayon sa nakikita ko ngayon.

Sa isang iglap lang ay nakahandusay na ang lalaki, hahabulin ko sana ang babae ngunit mabilis pa sa kidlat nitong nilisan ang lugar.

"Who are you?"

End of Flashback...

"Who are you?"

Mga katagang nagpapaikot sa  utak niya.

"Why I have this Urge na gusto kitang makita  muli?" Pagtatanong nito sa kanyang isipan.

"No! Napailing iling ko ang ulo ko.

This is not right! " Saad niya at hinampas hampas ang ulo.

I don't care kung sino man ang babaeng iyon!

I don't care at all!

Arggh! Nahihibang na ata ako.

Hindi siya si Aira okay?! So please Kyler ayusin mo sarili mo! Baka multuhin ka ni Aira!

Shit! Nababaliw na ata ako!

Lahat ng ito ay ang isinisigaw ng kanyang isipan na pilit niyang itinataboy.

Lingid sa kaalaman niya kung ano na ang nangyari sa loob ng station.

"Shit! Bitawan mo siya!" Sigaw ni Vans sa babaeng sakal sakal si Lee at may nakatutok na patalim sa leeg nito.

"Who are you?" Malamig na tugon ng babae sa magkakaibigan.

"Kami ang dapat mag tanong niyan sayo Miss." Kalmadong sambit ni Xander habang nakatutok ang baril sa babae.

Sa kabilang banda ay panay dasal naman ni Lee na sana'y bitawan na siya sa pagkakagigpit na sakal sa kanya ng babaeng ito.

Gustuhin man ng babae ang tumakas at pabayaan ang mga ito ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang lahat sila ay may nakatutok na armas at ano mang oras ay kaya nila itong iputok kung bibitawan niya ang lalaking hawak niya sa leeg at sa kadahilanang napako ang kanyang mga paa ng makaharap ang mga ito na tila ba ay may gusto siyang sambiting mga kataga ngunit hindi niya magawa, ang tangi lang niyang nasabi ay---

"Put your weapons down and I let your friend go." Walang emosyon niyang tugon.

Nanlamig naman ang katawan ni Lee sa boses ng babae na tila ba isang robot na kahit ni katiting na emosyon ay wala siyang narinig o naramdaman man lamang. Napahigpit ang hawak niya sa leeg ni Lee at sa patalim na nasa isa pa niyang kamay ng hindi man lamang nila sinunod ang sinabi nito.

Napangiwi nalang ang binata dahil sa pangangalay.

Unti unti namang lumuwag ang pagkakahawak niya sa binata ng makitang nakababa na ang armas ng mga magkakaibigan. Nagulat na lamang sila sa malakas na kalabog at ang paglitaw ng isang bata sa likod ng babae.

"Ate Keira tara na!" Sigaw nito at hinatak ang dalagang nag-ngangalang Keira ngunit bago pa man nilang talikuran ang mga magkakaibigan nahagip ng mata niya ang isang babaeng nakatayo sa isang sulok at taimtim na nakatitig sa kanya ganun din ang binatang nagmamadali sa pagpasok sa kinaroroonan nilang lahat.

"Lee okay ka lang?" Nagmadaling lumapit ang mga ito sa kaibigan.

"Shit! Akala ko katapusan ko na!" Aad nito at umubo.

"Ano bang nangyari?!" Tanong ni Kyler na kakarating lang.

"May babae dito kanina, bigla nalang niya akong inatake tapos hinostage pa ako pagkakita sa kanila." Saad ni Lee at huminga ng malalim.

"Sinong babae?" Naguguluhang tanong ni Kyler ngunit may kutob siya kung sino man ang sinasabi nitong babae.

"Hindi namin namukhaan, aside sa nakatago siya sa likod ni Lee may tabing ito sa mukha." Paglalahad ni Abegail.

"May bata siyang kasama at tinawag siya nitong Keira."

"Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang babaeng iyon." Napatingin ang lahat kay Mia nang ito'y magsalita.

"Saan mo pa siya nakita?" Tanong ni Kyler.

"Sa Safezone, sa mga panahong pinasok ng magnanakaw ang safe zone."

"Sa tingin niyo isa siya sa mga magnanakaw?"

"Maybe yes, maybe no? Hindi natin alam kung sino talaga siya, hindi natin alam kung kalaban ba siya o kakampi. We cannot trust anyone lalo pa na hindi natin nakita ang mukha niya."

Dagdag ni Mia pero kahit na ganito ang lumabas sa bibig niya, aminin niya man o hindi wala siyang naramdamang panganib sa babaeng iyon bagkus gusto niya itong makilala lalo pa na ikalawang beses na nilang magtagpo.

"So, kung nakita mo na siya sa safe zone, sigurado akong alam niya ang daan pabalik!" Sigaw ni Christine.

"Tara na, marami na ang oras na nasayang. "

Umalis na sila sa lugar na iyon at tumungo sa isang direksiyon. Direksiyon kung saan patungo ang babaeng nag-ngangalang Keira.

Sa kabilang banda naman.

"Locate her! Find her location!"

Giit na sigaw ng isang lalaki.

"Sir, hindi pa po naactivate ang nanomites na nakakabit sa kanya."

"Eh ano pang tinutunganga niyo diyan?! I-activate niyo na!! Mga hangal!!"

"Y-yes sir!" Nanginginig ang kamay ng lalaki sa pagtitipa para lamang maiactivate ang nanomites na nakakabit.

Nanomites, isang device kung saan ibinabaon sa isang parte ng katawan ng tao. Marami ang kayang gawin ng nanomites. Kaya nitong matrack ang lokasyon ng isang tao, kaya nitong pasabugin ang bahagi ng katawan kung saan ito nakabaon, kaya nitong pahinain ang katawan mo at mawalan ng malay at higit sa lahat kaya nitong wakasan ng tuluyan ang buhay mo dahil pag-inactivate ang lason nito tiyak na wala pang isang segundo ang itatagal mo.

Done