webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 52

Kanina pa hindi mapakali si Bryan habang tinatawagan ang numero ng asawa niya. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hangover pero mas gusto niyang makausap ang asawa niya.

Kanina pa nga niya gustong suntukin ang sarili!

Nawala niya ang phone niya kagabi at ngayong tanghali lang naihatid 'yon ng isang tauhan ng bar kung saan sila pumunta ng mga kaibigan niya. At malapit ng mag 1pm siya nagising!

Naalala niyang itetext niya sana ang asawa niya na pauwi na sila kagabi noong bigla na lang silang dinala ng organizer ng concert nila sa California sa isang kilalang bar. Pahinga kasi nila ngayong araw na 'to, kaya tinreat sila nito na magbar kagabi.

Nakacompose na siya ng panibagong text message sa asawa niya na nagsasabing dumaan muna sila sa bar at isesend na sana niya 'yon ng bigla siyang hinila ng mga guards na nagbabantay sa kanila kasi nahuhuli na siya sa paglalakad. Muntik na tuloy niyang sinuntok ito. Nabura kasi ang tinype niya!

Tinago na lang muna niya ang phone niya para kapag magkakaroon na siya ng pagkakataon na makapunta sa CR ay doon na lang siya magtext dito. Pero sobrang daming tao talaga ang lumalapit sa kanila, pati na ang mga fans nilang nakabase na sa America at hindi talaga siya nagkaroon ng oras para magtext sa asawa niya.

Naalala rin niya na hawak-hawak niya ang phone niya kagabi ng bigla silang tinawag ng Amerikanong may-ari ng bar para magphoto shoot daw doon malapit sa pangalan ng bar nito at binigyan pa sila nito ng tour sa buong bar. Malaki kasi talaga 'yon at may mga VIP rooms pa sa taas. Meron ding entertainment area sa taas kung saan pwedeng mag billiard, card games, dart, at video games ang mga bisita. May rooftop balcony pa na may tatlong jacuzzi at pwedeng uminum din doon ang mga guests kasi may bartender din doon na nakadestino.

Hindi na niya naalala kung nadala ba niya ang phone niya o naiwan sa sofa kaya nga nataranta na siya kakahanap niyon sa sahig baka kasi nahulog lang niya. Pagbalik nila sa sofa kung saan sila nakaupo kanina ay nagulat siya ng makita si Georgina na nakaprenteng upo na doon malapit sa pwesto niya.

Nagpakilala daw itong kaibigan niya kaya pinayagan ito ng mga guards na umupo sa sofa nila. Pinatayo niya pa nga ito sa inuupuan habang hinahanap niya ang cellphone niya pero wala talaga. Sinabihan na rin niya ang mga kaibigan at ibang mga kasamahan nila tungkol sa nawawala niyang phone.

Nagiging balisa na talaga siya at kahit kinakausap siya ni Georgina ay hindi siya nakikinig dito. He was about to ask for help from Grace noong bigla siyang binigyan ni Georgina ng isang shot glass na ininum naman niya agad para matuloy na niya ang gagawing pakiusap kay Grace.

Ang hindi niya alam ay sobrang tapang pala niyon at agad siyang nalasing kahit isang shot lang 'yon. Tinamaan talaga siya lalo pa't pagod siya dahil sa apat na araw na rehearsals nila. Tapos hindi na niya alam ang nangyari kung paano siya nakauwi sa kanila pero may naalala siyang isang pangyayari na nagpapakonsensiya sa kanya.

He remembered he let Georgina kissed him but he didn't respond because he was fucking stunned pero pagkatapos nitong umungol ay agad na niya itong tinulak. Pakiramdam niya'y nawala na din ang pagkalasing niya ng mga oras na 'yon pero bumalik lang ulit ang pagkalasing niya noong palapit na siya sa sofa kung nasaan ang mga kaibigan niya. And everything went fucking black!

Sobrang naguilty pa rin siya sa nangyari at talagang aaminin niya 'yon sa asawa niya mamaya. Ayaw niyang magtago ng anumang sekreto dito. Hirap na! Baka malaman pa nito 'yon sa ibang tao. Mas mabuti ng maging honest kaysa magkaroon ng mas malaking problema sa huli.

Hindi pa rin talaga sinasagot ng asawa niya ang tawag niya at hindi rin ito nagrereply sa text niya kaya si Grace na lang ang tinawagan niya.

"Senyorito, ay Bryan pala, bakit?" Sagot nito na agad iniba ang tawag sa kanya.

Sinabihan na niya itong huwag na siyang tawaging senyorito lalo pa't hindi na ito nagtatrabaho sa kanila at girlfriend na ito ng kaibigan niya.

"Grace, please pakitawagan ang asawa ko. Hindi siya sumasagot sa mga texts at tawag ko."

"Huh? Kaso madaling-araw pa lang doon sa Pilipinas, Bryan."

"Damn! Nakalimutan ko!" Usal niya. "Sige, sige. Salamat."

Fuck!

Tanga na talaga niya. Nakalimutan niyang iba pala ang oras sa Pilipinas at dito sa Amerika. Nagtext na lang ulit siya dito at nanghingi ng tawad dahil hindi siya nakapagpaalam dito na mag bar. Akala nga niya noong una kaya hindi ito sumasagot ay dahil nagtatampo ito at gusto rin sana niyang magtampo dito. Wala man lang kasi itong ni isang text o kahit miscall sa kanya.

He was still composing another text message for his wife ng biglang may tumawag sa kanya. Unknown number. Hindi talaga siya sumasagot ng tawag ng hindi niya kilala at wala sa contacts niya kaya agad niyang nireject 'yon.

Pero nakatanggap siya ng text message on that same number. Si Georgina pala and she's asking him if they can meet later.

Hindi na niya nireplyan 'yon at agad na binlock ang number nito. As much as possible ay ayaw na niyang iinvolve ulit ang sarili kay Georgina, baka makagawa na naman siya ng kasalanan sa asawa niya.

"Bry, punta daw tayo sa beach. Nag-aaya sina Justin at Russel magswimming. Para mawala din ang hangover mo." Sabi ni Nathaniel sa kanya pagkatapos nitong kumatok sa kwarto niya.

They're currently staying in a big penthouse with 6 bedrooms kaya nga tig-isa sila ng kwarto. Napabuntong-hininga muna siya at pumayag na din sa sinabi nito.

Siniguro niyang dala niya ang phone niya and this time ay nilagay na niya 'yon sa isang lagayan na may lanyard at waterproof. Nilagyan niya rin ng alarm na 4pm kasi 7am na 'yon sa Pilipinas. Baka magising na rin ang asawa niya at makausap na niya ito.

Lampas 11pm na nakatulog si Kyra kagabi at hindi na niya namalayan ang ilang beses na pagtawag ni Bryan sa kanya. Pero nakavibrate lang din naman kasi ang phone niya at hininaan niya ang volume ng ringtone. Kahit sinabi niya kagabi na kakausapin niya ito, pakiramdam niya'y hindi pa siya gaanon kaready marinig ang sasabihin nito.

Quarter to 7 na siya nagising at agad siyang nagulantang ng makita ang notifications sa phone niya. Nakikita niyang aside sa 46 missed calls nito ay may 32 text messages din ito sa kanya.

'Brace yourself, Kyra Mae..' Sabi niya sa isip and was about to read his text messages ng bigla itong tumawag sa kanya.

'Kaya mo 'to, Kyra! Para sa anak mo..' Sabi niya ulit sa sarili at nakapikit na sinagot ang tawag nito.

"W-Wife? Wife! Shit! Wife! I'm sorry!" Agad na bungad ni Bryan sa kanya.

Hindi talaga niya alam kung ano ang sasabihin niya sa sinabi nito. Nagsosorry na nga yata ito kasi magkakabalikan na ito at si Georgina. Pero bakit wife pa rin ang tawag nito sa kanya? Pag-aantayin na naman ba siya nito?

"Wife? Please answer me.. Please.."

Napatikhim muna siya, "I-Its okay, Bryan."

"W-Wife? B-Ba't Bryan lang ang tawag mo sa 'kin? Wife, nagtatampo ka? Galit ka? Please, sorry na.. Please, please, hear me out first.." Pagkatapos ay kinwento na nito ang nangyari kagabi, kahit ang paghalik ni Georgina dito ay sinabi nito.

Maniniwala ba siya dito? Kaso inamin nito ang lahat at todo rin ito sa pagsorry sa kanya sa nangyari.

"Wife! Maniwala ka, I didn't kissed her back! She even called me today but I didn't answer her call. You know I don't answer calls from strangers, right? Tapos, she sent me a text message and she wants us to meet but I immediately deleted her text and blocked her number. I-I can give you a screeshot if you want. Wife! Please. Say something." Dinig niya ang pagkakataranta ng asawa niya sa kabilang linya.

"H-Hindi kayo magkakabalikan?"

"What? Of course not!" Agad na sabi nito. "Ikaw ang asawa ko! Ikaw ang mahal ko! Ikaw ang Mrs. Sevilla ko! Nakalimutan mo ba, wife? Shit!" Anas nito at nakarinig siya ng pagsinghot sa linya nito sa kabila ng malakas na tunog ng mga alon sa paligid nito.

Umiiyak yata ang asawa niya. Napakagat-labi tuloy siya para matigil din ang mga luha niyang sumungaw.

"D-Damn it, wife! I wouldn't cheat on you kaya patawarin mo na ako, wife. Please. Sorry na because I was not able to text you na pupunta kami ng bar and I let her kiss me but I promise you I didn't respond kahit mamamatay pa ako ngayon!" Sabi nito sa kanya.

"Siraulo!" Galit na anas niya dito.

"D-Do you believe me now, wife? I wouldn't dare cheat on you. Sana ikaw ganoon din kasi baka makakapatay talaga ako, wife." Tunog nahihirapan na ito.

"Hinding-hindi ko gagawin 'yon sa 'yo, hubby.. I miss you and I love you so much." Sabi na niya dito.

"I miss you and I love you more, wife. Tangina! Pinaiyak mo ako sa public, wife!" Sabi nito sabay tawa. "Nagtatampo nga ako sa'yo. You didn't even text me or called me last night. Tapos ang sarap pa yata ng tulog mo kahit hindi mo 'ko nakausap. Pero binaba ko pa din ang pride ko para sa 'yo at binalewala ang tampo ko sa 'yo. That's how much I love you, wife."

"H-Huh? I texted and called you last night, hubby.."

"What? Ba't wala akong may nareceive? Wait, let me check!" Tapos narinig niya ang paglayo nito ng phone. "See! Not even a single text or call in my phone, wife! I'll screenshot our last text convo and my call logs and I'll send it to you. Wait."

Pagkatapos ay nakarinig siya ng notification tone at agad niyang binuksan ang sinend nito sa kanya.

Wala nga!

Wala 'yong sinend niyang text dito kagabi, kahit ang tawag niya wala.

"B-But, I did call and text you hubby. S-Sinagot mo pa nga ang tawag ko.. I-I even heard you and Georgina talking. She called you honey tapos pumunta kayo ng CR. I even heard your kiss and her moan." Pag amin niya dito.

"What the f-! How could I answer your call when my phone is missing before I even saw Georgina sitting.. on the.. couch. Fuck! Si Georgina ang kumuha! She fucking planned this!" Galit na anas nito.

"H-Hubby.. Baka hindi naman... L-Let's not point fingers here.. At least you have your phone back and okay na tayo.. I love you so much, hubby.." Sabi na lang niya para mabawasan ang galit nito, naririnig niya kasi ang lakas ng paghinga nito sa kabilang linya.

"Damn! D-Did you cry last night? Fuck! I promised myself that I wouldn't let you cry again! Shit! Wife.. I'm sorry.."

"Hubby, okay na." At nagpatunog siya ng isang halik para marinig nito. "I love you, husband. Video call? I.. I'm kinda horny.." Sabi niya dito para mas lalong mawala ang galit nito pero ang totoo ay horny talaga siya.

Shocks! Nakakahiya!

"Y-You are? Wait! Shit, wife! Wait!" Natatarantang sabi ng asawa niya at narinig niyang parang tumatakbo na ito.

"Bros! Balik na ko!" Dinig niyang pagpapaalam nito at dinig ulit niya ang pagtakbo nito.

"Wife? Wait lang ha? Baka mawala ang tawag pag-"

"Hubby, slow down!" Pagputol niya sasabihin nito kasi sobrang hinihingal ito. "I'll wait for you, so, take your time. Tawagan mo na lang ako kapag nasa loob ka na ng kwarto mo."

"Sorry, wife! First time mo kasing mag-aya! I can't help it." Natatawang sabi nito. "Damn! Ba't kasi ang layo ng beach na 'to!"

Natawa na rin siya tuloy at sinabihan itong patayin muna ang tawag para hindi ito mapressure magmadali. Pagkapatay ng tawag ay lumapit siya sa pinto at nilock 'yon bago siya pumasok sa CR para mag-ayos at hubarin ang suot niyang damit.

"Sorry, baby. Loving-loving muna kami ng dada mo, ha? Okay na kami, baby. Mali pala ang iniisip ni mama kagabi. Your dada loves us." Sabi niya at agad na hinimas ang tiyan.

She's already lying on their bed habang nag-aantay sa tawag ng asawa niya. She's wearing a bathrobe na tatanggalin na lang niya mamaya pagkatawag ng asawa niya.

Nakaisip na siya ng plano kanina sa CR. She will tell their parents about her pregnancy but she's going to keep it a secret from Bryan for the mean time. She's going to ask them not to spill it to Bryan, as well. Mas gusto niyang makita talaga ang reaksyon nito sa personal. She's going to plan an intimate surprise welcome home party for him with their close friends and families. And she will reveal her pregnancy to him on that same day. Total kulang tatlong linggo na lang at uuwi na rin ito. Mabilis lang naman ang mga araw. Naeexcite tuloy siya sa naisip na plano.

She was still thinking about some details for the surprise party that she's going to organize for her husband ng tumawag na ito sa kanya. Naeexcite na hinubad muna niya ang bathrobe na suot before she answered his video call.

"Wife! Nakahubad ka na?" Agad na bungad nito na sobrang excited talaga.

Natawa tuloy siya, "Hulaan mo.." Malanding sabi niya dito.

Pinindot niya ang button kung saan magfunction ang lens sa likod ng phone niya to show her husband her naked body. She even rubbed her left nipple para tumigas 'yon bago niya pinindot ulit 'yong parehong button para ang mukha naman niya ang makikita nito sa screen.

"Fuck!" Usal agad ng asawa niya pagkatapos niyang makitang lumunok ito ng laway ng tatlong beses.

Mabilis na din itong naghubad ng shorts na suot, at ayon, nag-anuhan na nga sila through video call.

Thank you po sa lahat ng nagbibigay ng PS at patuloy na nagbabasa at sumusuporta nitong story kong ewan HAHAHA Minsan hindi ko na talaga nasusunod ang orig kong story line. Bigla na lang talaga kasi pumapasok sa isip ko ang tinatype ko. Pero sana'y magustuhan niyo pa din ang mga updates ko. Thank you po ulit sa inyo! ♥♥♥

Aybeemingcreators' thoughts