webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 50

"Nakabili na kami!" Masayang sabi ng asawa niya pagkatapos nitong lumapit sa sasakyan kung saan muna sila nanatiling lima.

Ang lumang van ng ama niya ang ginamit nila papunta sa EK para hindi masyadong halata sa ibang tao.

Nilahad nito sa kanila ang mga entrance ticket nila na binili nito at ni Grace at agad rin nilang kinuha 'yon dito. His wife looks so ecstatic kahit na sabi nito ay pangsampung balik na nito 'yon sa naturang amusement park. Natatawa na lang tuloy siya dito.

She can be childlike and mature, and both personality suits her well. Pero mas gusto niya 'yong pagiging isip-bata nito.

Maybe they can do a role play in bed, hmm? She's gonna call him daddy, then-

'Fuck! Ano bang pinag-iisip ko! Parang galawang pedo ampota!'

Gusto niya tuloy batukan ang sarili. Pero hindi naman minor ang asawa niya. And he never tried role-playing yet and mas masaya kung gagawin nga nila 'yon. But he needs to ask permission from his wife first bago siya bumili ng mga props.

Tae! Namamanyak na talaga siya.

Naalala na naman niya ang nangyari kanina. Nakabawi nga siya sa asawa niya. Tatlong rounds pa. Siniguro niya ring naipasok niya lahat ng katas niya sa loob nito.

Aaminin na niya, hindi lang niya gustong bumawi sa mga araw na magkalayo sila. He wanted to get her pregnant too, kaya nga sinabi niya 'yon sa ama niya kagabi sa dining. Akala yata ng asawa niya ay nagbibiro lang siya, but he's a hundred percent serious with his words. Having their own children can help them grow stronger as a married couple. Gusto niya ring makasiguro na wala ng magiging rason para maghiwalay pa sila ng asawa niya, at ang mga anak nila ang magpapatunay na pang habang buhay na talaga ang pagsasama nila bilang mag asawa.

He sounds gay, tangina! Pero 'yon talaga ang naging desisyon niya. Lalo na noong magkalayo sila ng asawa niya at noong napatunayan na niyang mahal na talaga niya ito. Kinontrol pa kasi niya 'yong pagputok sa loob nito noong honeymoon nila, kaya hindi talaga ito nabuntis. But now he's fucking determined to make it happen.

Mas naging determinado pa nga siya habang tinitingnan niya ang mukha nito habang natutulog sa tabi niya kagabi at kaninang umaga. He slept late and woke up very early just to see her sleeping face. Naadik na yata siya sa asawa niya. And this is all fucking new to him!

"Hubby? Isuot mo na ang shades at cap mo." Dinig niyang sabi ng asawa niya na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Ah. Sorry." Anas niya at tumalima din agad.

Nakasuot na pala ng pang disguise nila ang mga kaibigan niya, siya na lang ang hindi pa.

"Napatulala ka, Bry." Sabi ni Nathaniel.

"Naalala ko lang ang nangyari kanina." Sabi niyang nakangisi.

"T-Tara na!" Agad na sabat ng asawa niya.

"Bakit, 'tol? Anong nangyari kanina?" Sabi ni Russel at parang curious ang lahat sa isasagot niya.

"W-Walang nangyari! Tara na! Pagabi na!" Sabat ulit ng asawa niya at nauna pang lumabas sa van.

"Ahh..." Sabay-sabay na sabi ng mga kasama nila na nagets na yata ang nangyari, except kay Justin na naguguluhan pa rin ang itsura.

"Bakit? Ano 'yon?" Tanong nito na tinawanan lang nilang lahat.

Napangisi na lang siya at lumabas na rin para abutan ang misis niya. Nahihiya na panigurado ang misis niya, kaso 'di niya maiwasan ipangalandakan 'yon. Naeexcite na kasi siyang maisip na mabuntis niya ito.

Sana makabuo na sila.

"Ninong ako, 'tol ha?" Pahabol pa ni Russel na agad niyang binigyan ng thumbs-up.

"Wifey!" Tawag niya dito noong naabutan na niya at agad nilagay ang kamay niya sa bewang nito.

"Hubby naman eh. Nakakahiya." Sabi nito.

"Sorry, wife. Kaso totoong natulala talaga ako kakaisip ng nangyari kanina. Baka makabuo na din." Sabi pa niya at hinimas ang tiyan nito.

Bigla tuloy ito napatigil sa paglalakad at napamaang na tiningnan siya.

Napangisi siya dito. "Yes, wife. I want you, I mean us to be pregnant." Sabi niya dito at hinalikan ang sentido nito.

"Hoy! Mamaya na kayo mag-PDA, big bro and Kyra ganda! Tss!" Anas ni Justin na nakaglasses at may suot na sumbrero na may wig sa loob.

Nauna na din ito at si Nathaniel sa kanila. "Nagpapainggit pa. Inggit na nga kami, 'di ba, bro? Maghanap na tayo ng girlfriend." Dagdag pa ni Justin na tinawanan lang ni Nathaniel.

"May sugar mommy ka na, ulol!" Sabi naman ni Russel na sumunod sa mga ito.

Naunahan na rin sila ng magsyota na sina Wilbert at Grace. Ang usapan kasi nila ay hindi sila magpapahalata na magkasama pero sabay-sabay silang sasakay sa mga rides. Nasa entrance na ang lima pero heto at nanatiling nakatulala ang misis niya.

"Wife? Nasa loob na sila. Let's go." Sabi niya ditong nakangisi pero nakatulala pa din talaga ito kaya winagayway niya ang kamay niya sa mukha nito. "Wife? Ano? A-Ayaw mo bang magkababy?" Tanong niya dito na kinabahan na.

Hindi niya kasi muna ito tinanong kung gusto din ba nito ang gusto niya. Shit! Pakiramdam niya'y namumutla na siya dahil nanatiling nakatulala ito.

Hanggang sa umangat nga ito ng tingin sa kanya at ngumiti na.

"G-Gusto mong magkababy tayo?"

Napangiti rin tuloy siya at nawala din ang kaba niya. "Of course, wife. I want to see your mini-version. Kaso baka mas magmana sa 'kin, wife. Mas nasarapan ako sa loving-loving natin, eh."

Napakagat-labi muna ito bago ito lumundag sa harap niya at niyakap ang dalawang braso nito sa leeg niya. Natatawa tuloy siyang niyakap din ito ng mahigpit at hinalikan pa sa mga labi.

Natigil lang ang paghahalikan nila ng may lumapit na isang lady guard sa kanila.

"Uhm.. Excuse me po, Sir, Ma'am.. Bawal po 'yan dito, may mga bata po kasi." Sabi ng guard.

Shit! Nawala sila sa sarili. Halos lahat pala ng tao doon malapit sa entrance ay nakatingin sa kanila. Ang mga kaibigan nila na nasa loob na din ng EK ay hindi rin maiwasang mapangisi habang pasimpleng tumingin sa kanila.

But he doesn't care, anyway. He's fucking happy and so is his wife, na kahit na namumula ang buong mukha habang nakapila na sila papasok sa entrance ay hindi pa rin naiwasang ngumiti.

Damn! I fucking love her!

"Mag Anchors Away naman tayo!" Mungkahi ni Russel sa kanila pagkatapos nilang bumaba sa EKstreme Tower Ride.

They already rode 4 other rides, including the Flying Siesta, the Disk-O-Magic, the Rio Grande Rapids, and the Space Shuttle. And so far, ay hindi pa rin napapansin ng mga tao ang lima kahit na panaka-nakang tinatanggal ng mga ito ang suot na pang disguise. Lalo na noong kumain sila kanina sa isang snack house. Gabi na kasi pero maliwanag pa din naman sa ibang parte ng EK, kaya masyadong nakakatense lalo na kung may makakasalubong silang grupo ng mga teenage girls.

Sobrang saya niya talaga na pupunta sila dito ngayon, pero mas dumoble pa 'yon noong sinabi ni Bryan kanina na gusto nitong magkababy na sila.

My gosh!

Sana nga mabuntis na talaga siya. Excited na siyang makita ang mini-version nila ni Bryan, pero mas gusto niyang maging kamukha nito ang mga anak nila kaysa sa kanya. Hindi pa nila napag-usapan kung ilan pero kung siya ang tatanungin, she wants to give him three or four kids. Pareho silang only child ni Bryan kaya dapat bumawi talaga sila.

Kinikilig nga siya kanina noong sumasakay sila sa Space Shuttle because her husband kept on screaming, "I love you, Kyra." on top of his lungs. She can already feel her heart beating tremendously and its amazing how one person can make her feel like she's a very rare and precious type of gemstone.

Kakilig, bes!

Pumayag din ang lahat sa gusto ni Russel kaya lumakad na sila papunta doon. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Bryan habang nakapila na silang lahat. Noong sila na ang sasakay ay agad din siyang inalalayan ng asawa niyang sumakay.

See, how sweet and gentleman her husband is? Sa kama lang talaga ito medyo wild. My ghad! But still, lahat ng galaw nito ay may halong pagmamahal na talaga, and she felt very lucky to have him as her husband.

Nakapwesto na silang pito sa third row ng Anchors Away pero meron pang ibang sasakay din na pumipili pa ng uupuan. A group of loud teenage girls settled on the seats behind them kaya medyo nakakakaba.

Hopefully, ay hindi mapapansin ng mga ito ang limang celebrity na nasa harap lang ng mga ito.

Paandar na ang ride kaya nagsisigawan na ang halos lahat ng mga taong kasama nila, lalo na ang mga batang nasa likod nila. Parang naghahyperventilate at nagpapanic pa ang iba sa mga ito.

"Nasusuka ako!" Sigaw pa ng isa sa mga ito na tinawanan lang ng mga kasama nito.

"Promise! Nasusuka ako!" Sabi ulit ng parehong babae. "Ku-Kuya! Bababa na po ako!" Sabi nito.

Napabaling tuloy siya sa mga ito at nakitang nakapwesto ito sa likod mismo ni Justin. Kinakaway-kaway nito ang kamay para matawag ang pansin ng mga ride operators. Tapos napamaang na lang siya ng bigla nitong natabig ang suot na sumbrero ni Justin at natanggal talaga 'yon.

Nawala din yata sa sarili si Justin at nakalimutang wala na itong suot na shades. Kasi bigla itong tumalikod para hanapin ang sumbrero nitong nahulog.

"J-J-Justin?! Justin Murilloooo!!" Sabi ng batang babaeng kanina ay nasusuka pa.

"Oh-em-gee!! Justin!!!" Sigaw naman ng katabi nito.

"Si Justin!!! I love you!" Sabi pa ng isang boses na mukhang nasa ibang row na ng upuan.

"Shit!" Anas ni Justin na napatulala pa at biglang tumalikod sa mga ito.

'Yon nga lang ay kahit ang nasa harap nila ay napabaling na din sa pwesto nila, kaya agad niyang hinila ang kamay niya sa pagkakahawak ni Bryan.

Naging matuwid lang din sa pag-upo ang apat na lalaking kasama nila. Ramdam din niya ang tensyon ng asawa niya. Pero lahat sila ay napamaang ng biglang hinablot ng mga batang sa likod nila ang mga suot na sumbrero ng apat.

"Oh my God!!!!" Sabay-sabay na tili ng mga ito.

At halos lahat na ng tao, kahit 'yong mga nasa pila pa lang sa baba ay napapatili na para bang kinikilig ng makitang hindi lang si Justin ang nandoon kundi ang buong grupo!

The crowd even chanted at the same time the signature cheer of the group. Mas dumami ang mga taong lumapit sa ride na kahit ang mga EK personnels at guards ay lumapit na doon para pigilan ang pagwawild ng mga tao. Lalo na ng mga babaeng fans. Kaya mas tumagal ang oras ng pag-andar ng sinasakyan nila habang hinahandle ng mga tauhan ng EK ang mga tao. Bakas sa mukha ng mga tao ang galak habang nakatingin sa lima. May nagvivideo at kumukuha na din ng litrato ng mga ito.

"Fuck!" Dinig niyang mura ni Nathaniel.

Binigay sa kanya ni Bryan ang shades nito. "Wear it, wife."

Agad naman niyang sinunod ang sinabi nito at sinuot nga ang shades nito. Nakapwesto na ang mga tauhan ng EK sa mismong labasan nila. Noong tumigil na ang ride ay agad na silang bumaba at inassist ng mga tauhan para magiging matiwasay ang pagbaba nila. Baka kasi magkagulo, lalo pa't masyadong agresibo talaga halos lahat ng fans ng mga ito.

Her husband secretly hold her hand habang naglalakad sila sa ginawang barrier ng mga tauhan ng EK. Hanggang sa dinala sila sa office ng manager ng mismong amusement park. Doon daw muna sila mananatili habang hindi pa umuuwi ang mga tao. May sumunod pa rin kasi sa kanila kahit na mahigpit ang security measures na ginawa ng EK.

"Sorry, wife." Bulong sa kanya ni Bryan na umupo agad sa tabi niya sa sofa pagkatapos ng mga itong pagbigyan ang hiling ng manager ng EK na mag picture taking kasama ito.

Tinanggal na niya ang suot na shades na pagmamay-ari nito at kitang-kita niyang ang pagkadismaya sa mukha nito dahil sa nangyari. Kahit ang apat ay parang naging problemado din kasi paniguradong papagalitan ng manager ng mga ito.

"Its okay. Happy pa din ako. Super." Balik na bulong niya dito na siyang ikinangiti na din nito.

"Parating na daw ang manager niyo with your body guards." Pagbibigay alam ng manager ng EK sa kanila.

"Sige, Ma'am. Salamat talaga at pasensiya na." Sabi ni Nathaniel dito.

"No problem! Maybe next time you guys should inform us earlier para magawan namin ng paraan. Some famous celebrities like you are actually renting the whole place for a day or the whole night pagkatapos ng closing namin. Maybe, you guys should do that." Suhestiyon ng manager.

"Sige, Ma'am. Maybe I'll do that soon." Sabi ni Bryan na nakatingin sa kanya.

Naeexcite din na tumango ang manager at agad na binigyan si Bryan ng calling card nito.

Maya-maya lamang ay dumating na nga ang manager ng mga ito na humawak agad sa sentido nito. Nagpasalamat muna ito sa manager ng EK bago sinermonan ang lima. Kaya napalabas na lang ang manager ng EK at iniwan sila sa office nito.

"Aalis na tayo't lahat bukas gumawa pa kayo ng problema! Gusto niyo talagang makalbo ako ng tuluyan!" Anas ng manager nito.

Gusto niya sanang tumawa kasi malapit na ngang makalbo ang manager ng mga ito na si Lander kahit nasa early 30s palang yata ito. Pero pinigilan niya talaga ang sarili at kinagat ang pang ibabang labi niya.

"Oh!" Anas ng manager nila na nabigla yata at ngayon lang siya napansin. "H-Hi."

Kita niya ang pagkunot ng noo ng asawa niya habang nakatingin sa manager ng mga ito.

"Hello po." Bati naman niya dito.

"She's my wife, Lander." Mariin na sabi ni Bryan at agad siyang niyakap na siyang ikinatawa lang ng apat na kaibigan nito.