webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 36

Kyra was stunned on her feet when she saw Bryan run so fast towards Georgina. Naramdaman na naman niya ang pagkapira-piraso ng puso niya lalo na ng hinila nito palayo si Georgina pagkatapos nitong masampal ng huli.

Bryan is still in love with Georgina.

No, scratch that!

He will always be in love with Georgina and she will never replace her in Bryan's heart.

Akala niya kasi may pag-asa. Akala niya panibagong simula na 'yon para sa kanila because of the things and acts he did for her a while ago. Pero parang hiniram na pagkakataon lang pala 'yon.

Reality hits her really hard that she feel like she's going to die as of this moment. She looks around her and almost all of the guests, the four boys, and Mr. Sevilla, her father-in-law, are staring at her with sadness written all over their faces. Some are even murmuring something.

Only her parents went on her side to comfort her and are also confused to who that unwelcomed guest is. She then answered them truthfully but still lied in the end.

"She's Bryan's ex-girlfriend." Napahugot muna siya ng hininga bago dinagdagan 'yon at ngumiti pa sa mga ito. "But don't worry daddy, mommy, nagbreak na sila bago pa nagpropose si Bryan. He loves me now." She assured them.

Sobrang naguilty siya, lalo na ng hinaplos ng daddy niya ang buhok niya, and they believed her lies again.

"Anyway.." Napatikhim muna siya at agad na pinasigla ang itsura niya. "Let's continue the party!" She giggled after that but she can feel her heart churning painfully.

Bumalik na din ulit sa pagsasaya ang iba, though there are still some guests who keeps on glancing at her pero nginingitian lang niya ang mga ito. Nagsimula ulit ang pagtugtog, and the foods and drinks were being served again.

Niloloko lang niya ang sarili niya. Ang masakit pa ay pati ang mga magulang niyang mahal na mahal siya ay niloloko niya.

But what can she do, now?

Kasal na sila.

If only she can change the heart of Bryan, but that's next to impossible.

Sobrang imposible talaga.

For now, she needs to pretend that she's happy. Niyakap niya ang daddy at mommy niya at niyaya ang mga itong isayaw siya. And she did a great job pretending, because their guests are now enjoying themselves. Napasayaw na din ang mga ito.

She was still laughing noong inikot siya ng daddy niya nang masulyapan niya ang pagbabalik ni Bryan sa loob ng function hall. Mukha itong pinagbagsakan ng langit noong una, pero ng nilapitan ito ng ama nito ay agad itong napangiti pero halatang pilit lang 'yon.

Kita niyang kinakausap pa ito ng ama nito, pero iniwan na ito ni Bryan. Wala ng nagawa si Mr. Sevilla kahit na naging malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa likod ng anak.

Hindi man lang ito tumingin sa gawi niya. Dumiretso ito malapit sa emcee at hiniram ang microphone. Nanghingi ito ng pasensiya sa mga bisita nila at sa mga magulang niya sa nangyari. Kahit parang sincere ito sa paghingi ng tawad ay alam niyang inutusan lang ito ni Mr. Sevilla.

Lumapit ito sa kanya nang nakangiti pero kitang kita niya kung gaano ka-peke 'yon. Wala ng ningning 'yon hindi katulad kanina. Hinawakan siya nito sa braso at muntik na siyang mapangiwi ng humigpit ang mga daliri nito doon. Pinilit niya talaga ang sarili na hindi ituloy ang pagngiwi niya. Masakit 'yon but she will handle the pain para wala lang mapansin ang mga tao sa paligid nila, lalo na ang mga magulang niya.

The emcee then told them na magstart na raw ang cake cutting. Iginiya siya ni Bryan doon sa harap ng cake at parang tinatamad na tiningnan ang cake nila na maganda sana ang pagkakagawa at paniguradong masarap din. Pero mukhang magiging matabang 'yon pagkakain nila.

Lumapit sa kanila si Cindy at kita niya na parang sinusubukan nitong basahin ang mukha ni Bryan. Narinig agad niya ang malakas na pagbuga ni Cindy ng hangin.

"Y-You should cut the cake together, Kyra, Bryan." Sabi ni Cindy at agad na binigay ang kutsilyo sa kanila.

Hindi gumalaw si Bryan at napayuko lang.

"Bryan!" Saway ni Cindy dito.

"Okay, Cinds!" Nanunuyang sabi ni Bryan at napangisi pa.

Inabot nito ang kutsilyo galing sa kamay ni Cindy. Parang nagdadalwang isip pa siyang humawak sa kamay ni Bryan pero si Cindy na mismo ang humawak sa kamay niya at ipinatong 'yon sa taas ng kamay ni Bryan.

"Tss." Dinig niyang palatak ni Bryan.

"On the count of five doon na kayo humiwa, ha?" Instruct pa sa kanila ni Cindy.

Pero sa kalagitnaan pa lang ng pagbibilang ni Cindy ay inumpisahan na agad ni Bryan ang paghiwa. He then served the small slice of their wedding cake on a small plate.

"Let's get on with this para matapos na." Mariin na sabi ni Bryan at agad na ginamit ang kutsara para kumuha ng piraso at kinain 'yon.

"Bryan! That's not how it should be! Ano ba!" Cindy hissed at him in a lower voice.

Lumapit ulit ito sa kanila at agad na pinagsalikop ang mga braso nila. Ito na rin ang naglagay ng maliit na piraso sa mga kutsara nila then instructed them to feed each other that way.

"Ang pathetic nito, Cinds!" Natatawang sabi ni Bryan pero agad ding tumino ng si Mr. Sevilla na ang sumaway dito.

Nagpapasalamat na lang siya at hindi na lumapit ang mga magulang niya at ang ibang bisita nila. At least they won't get caught in such an awkward situation.

Kyra just bit her lower lip after they were asked to go back on their seat on the center of the stage. May slideshow presentation kasi na ipapakita sa mga guests nila. Tahimik nga silang bumalik sa gitna and this time Bryan didn't help her with her gown, nor held her hand. The slideshow presentation is hers and Bryan's pictures when they were little. Everybody was awed and amazed with their pictures, especially with their baby pics. Sobrang saya ng mga tao habang habang nanonood doon, tapos sila ni Bryan ay tahimik lang.

Kahit masakit ang puso niya, alam niyang the show must go on and she badly needs to continue pretending. Pinilit ulit niya ang sarili na ngumiti, at sinabayan ang kasiyahan ng mga bisita nila. Hindi na niya tiningnan ulit si Bryan para hindi siya maging malungkot ulit. Kahit sobrang hirap 'yon kasi katabi lang niya ito.

Gago na siya kung gago but Bryan needs to do and show this act to control himself. If he won't do this paniguradong mawawala na naman siya sa sarili. Sabi nga niya, he already made up his mind and this is the first step for that. He needs to show Kyra na mas matimbang talaga si Georgina kaysa dito. Baka kasi isipin pa nito na may pag-asang magtatatagal ang pag-aasawa nila. This marriage will only be a short-lived one. Kung gusto ni Kyra na huwag na ito masaktan pa ay kailangan nga nitong sundin ang plano niya at pakawalan siya. Pero kung tatanggi ito, then kasalanan na 'yon ni Kyra.

Hinding-hindi siya titingin dito kahit katabi pa niya ito. Kasi kung gagawin niya 'yon paniguradong mabibihag na naman siya sa mga mata nito. At sabi nga niya mawawala na naman siya sa sarili niya at kailangan talaga niyang pigilan na mangyari 'yon kung gusto niyang ituloy ang plano niya.

Natapos na yata ang slideshow presentation, kaya napaharap na naman ang mga bisita nila sa gawi nila. Napilitan tuloy siyang ngumiti sa mga ito para ipakitang okay lang sila. Kinausap siya ng ama niya kanina pagkabalik niya dito sa function hall. Pinagbantaan na naman siya nito tungkol sa kontrata nila at plano pa nito'y dagdagan ang ikakaso sa girlfriend niya.

Tangina niya.

"May we call on the bride and groom to get off the stage for the throwing of bouquet and garter!" Maligayang sabi ng emcee sa kanila.

Napilitan tuloy silang tumayo ni Kyra. Plano niya'y hahawakan niya sana ang kamay nito pagkatayo niya pero mabilis na itong nauna sa pagtayo, kinuha ang bouquet nito sa mesa at nagmamadali ng bumaba ng stage. Sumunod na rin siya at agad tumabi dito.

Narinig niya ang pagtikhim ng emcee nila. "Uhm.. Sa mga single ladies diyan. Hali na kayo dito sa gitna! Baka chance niyo na 'to na ikakasal sa susunod na buwan! Malay niyo!" Natatawang sabi ng emcee nila.

"Grace!!! Yoohoo!" Dinig niyang tawag ni Kyra sa kaibigan nito.

Napatingin siya sa pwesto niyong Grace. His friend, Wilbert, was smiling from ear to ear beside her. In love talaga ang gago!

"Ayoko..." Dinig niyang pagtanggi ni Grace sa pakiusap ni Kyra, but Kyra went to her and pulled her to go with the single ladies who are already forming a line facing them.

Kyra then went to the front but she stood away from him, which is good. At least nakakaintindi na ito sa sitwasyon nila ngayon. Hindi naman pala ito manhid para hindi malaman kung ano ang kailangan nitong gawin.

Pero tangina lang, because it bothered him.

Iba ang sinasabi ng isip niya sa nararamdaman niya, but he instantly brushes it off from his system.

'Tama 'to Bryan. Tama 'tong nangyayari, maniwala ka tangina mong gago ka!' Saway niya sa sarili.

"Okay! On the count of three, ihahagis mo na sa likod mo, okay, Kyra?" Sabi ng emcee.

Natatawang tumango si Kyra bilang sagot.

"All right! Ready single ladies! 1... 2... 3!"

Pero hindi niya 'yon tinapon para lokohin ang limang babae. Natawa agad siya ng malakas ng nagreklamo ang mga ito, habang natatawa naman ang ibang bisita.

"Ulit!" Sigaw niya at siya na ang nagbilang. "1... 2... 2 and 1/2... 2 and 3/4...3!!" At tinapon na nga niya ang bouquet.

Agad siyang bumaling sa mga ito at natuwa siya ng makitang si Grace nga ang nakakuha niyon. Galing talaga niyang tumarget!

"Yehey!" Sigaw niya at agad pumalakpak.

Pero bigla na lang nawala ang tuwa niya ng sinabihan siya ng emcee na umupo muna. Kasi kukunin daw ni Bryan gamit ang ngipin nito ang garter niya.

'Hala!' Napakagat-labi tuloy siya.

"Ayiiie! Nahihiya pa ang bride, oh! Dali na!" Agad na sigaw ng emcee at nilapitan na siya para umupo na siya sa itinalagang upuan sa kanya.

"Do I really have to do this?" Parang naiinis na tanong ni Bryan. "Baka pwedeng hubarin na lang niya." Sabi nito sabay turo sa kanya pero nanatiling nakatingin sa emcee.

"O-Oo nga." Pag-sang ayon naman niya.

"Ano ba! Its tradition na, nu! Sige na!" Pagpipilit ni Cindy sa kanila ng lumapit ito. "Ano ka ba, Bryan! Mabilis lang gawin 'yan! Just do it fast para matapos na!"

"Fine!" Galit na anas ni Bryan at agad na lumuhod sa harap niya.

"T-Teka lang. Ibaba ko lang ng konti." Sabi niya dito.

Hindi ito sumagot at hinayaan lang siya sa gusto niya. Mabuti na lang at lumayo sa tabi nila si Cindy, at least hindi ito magrereklamo sa gagawin niya. Pasimpleng inabot niya 'yong garter at binaba below her knee.

"Game." Nangingiting sabi niya at agad na umiwas ng tingin dito.

Kahit ito ay hindi rin nakatingin sa kanya.

Agad na silang pinastart ng emcee at mabilis nitong hinawakan ang paa niya. Kinagat nga nito ang garter at kahit na sa baba lang 'yon ng tuhod niya ay nakaramdam pa rin siya ng kakaiba. Lalo na ng naramdaman niya ang init ng paghinga nito.

'Stop, Kyra! Please be numb!' Saway niya agad sa sarili niya.

"Ay, ang daya! Ba't sobrang baba na niyan?" Reklamo ng emcee nila.

Pero tinawanan lang niya ito para ipakitang parang pinlano lang talaga nila 'yon ni Bryan. Mabilis na ring tinanggal ni Bryan ang garter sa paa niya at agad rin itong tumayo.

"Okay! Mga single men diyan, its your time to shine!" Masayang sabi ng emcee nila.

Natawa siya kina Wilbert at Justin, kasi tumayo ang mga ito ng sabay.

"Huwag ka ng sumali!" Agad na sita ni Wilbert kay Justin kulit at agad hinarangan ito.

Pero yumuko si Justin at dumaan sa baba ng mga kamay ni Wilbert at agad na dumiretso sa mga single na lalaking nakapila na.

"Justin!" Sigaw ni Wilbert at agad na nagmartsa palapit dito.

Pero nilabas lang ni Justin kulit ang dila nito kay Wilbert.

Pasaway talaga!

Tawang-tawa tuloy siya. Kahit si Bryan ay natawa na rin.

"Pwesto na! 1, 2...."

Sa 2 pa lang ay agad ng tinapon ni Bryan ang garter nito. Kitang-kita niya tuloy ang pagkataranta ni Wilbert pero si Justin na ang nakakuha niyon. Agad na tumakbo ito para hindi siya makutusan ni Wilbert. Tawang-tawa tuloy sila at ang mga bisita nila.

"Justin! Give it to me, damn!"

"Bleh, bleh!" Sabi pa ni Justin.

"Papatayin kita kung hahawakan mo ang girlfriend ko!" Galit na anas ni Wilbert.

Napanganga tuloy siya at agad na pumalakpak. "Oh my ghad!"

Nilapitan niya si Grace na naging kamatis na at agad na niyakap ito. "Ang dami mong kailangang ikwento sa 'kin, ha?" Tukso niya pa dito.

Nangiti lang ito sa kanya at sa huli ay itinapon nga ni Justin ang garter kay Wilbert. Bumalik na lang ulit ito sa inuupuan nito at agad na sumimangot.

Loko-loko talaga!

Grabeng hiyaw ang ginawa niya noong sinuot na ni Wilbert ang garter sa paa ni Grace. At pumalakpak pa siya ng malakas noong pinatakan ni Wilbert ng isang halik si Grace sa sentido nito. Sobrang namula tuloy ang kaibigan niya pero halata namang masaya ito.

Kakilig sobra.

Sana all.

Hays.