webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 31

Nakahinga ng maluwag si Kyra nang nakitang papasok na ang kotse ni Bryan sa subdivision nila. True to his words ay ihahatid nga siya nito sa kanila. Pero nataranta na lang siya ng nilampasan nito ang bahay nila at itinigil nito ang kotse three houses away from her parent's house.

Napabaling ang tingin niya dito pero nakatingin lang ito sa harap.

'Ba't dito siya nagpark?' Naguguluhang tanong niya sa sarili.

Hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin dito kaya imbes na kausapin ito ay tinanggal na lang niya ang seatbelt niya. Tiningnan niya ulit ito para sana'y magpaalam man lang pero hindi man lang ito bumaling sa kanya.

Pumasok na lang sa isip niya na siguro'y ayaw rin siya nitong kausapin at wala rin itong sasabihin sa kanya.

Akmang bubuksan na niya ang pinto para makalabas na sa kotse nito ng bigla nitong inabot at malakas na hinila ang kaliwang braso niya. Sa sobrang lakas ng pagkakahila nito ay napaharap talaga ang buong katawan niya dito.

Mariin itong nakatingin sa kanya, and she was about to ask kung may sasabihin ba ito pero mabilis na hinawakan nito ang likod ng batok niya, hinila ang katawan niya palapit sa katawan nito, at hinalikan siya ng mariin sa labi.

Sobrang riin ng pagkakahalik nito sa kanya na parang uhaw na uhaw ito sa mga labi niya. Ramdam niya ang kasabikan nito and because of that she too can't stop herself from responding.

See kung gaano siya katanga and karupok when it comes to Bryan? Laway lang nito parang nabusog na siya. My ghad!

She should be mad at him for calling her a deceiver kanina and inakusahan pa silang may relasyon ni Arthur.

But look at her now, tumutugon sa halik ng halimaw na 'to. Ginagalaw niya rin ang mga labi niya katulad ng ginagawa nito. Napaungol pa siya nang ipinasok ni Bryan ang dila nito sa loob ng bibig niya. His tongue is exploring the insides of her mouth and ginaya na rin niya ang ginagawa nito.

Naghahabol na silang dalawa ng hininga nang tumigil na ito sa paglapa sa bibig niya. Hinaplos nito ang pisngi niya gamit ang isang kamay at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. Kahit medyo madilim sa loob ng kotse nito ay kitang-kita niya pa rin ang mga mata nito habang masuyong nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang lakas na pagtibok at pag-aalburoto ng puso niya dahil doon.

Iba't-ibang emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito pero ayaw niyang pangalanan ang mga 'yon. Ayaw niya kasing umasa at paasahin ang sarili baka masaktan lang ulit siya.

Pero.. hindi niya talaga maiwasan.

Muling bumaba ang mga labi nito sa labi niya at pinatakan siya ng isang mabilis na halik, bago nito ipinagdikit ang mga noo nila. Pumikit ito pagkatapos which made her do the same.

Tanging paghinga lang nila ang maririnig nilang dalawa, at ramdam niya ang mas malakas na pag tambol ng puso niya. Akmang ilalagay niya ang kamay niya sa dibdib ni Bryan para madama sana kung pareho lang ang bilis ng tibok ng puso nito sa tibok ng puso niya. Pero napapiksi na lang siya ng biglang nagring ng malakas ang cellphone nito.

Napatingin siya sa cellphone nito at nakitang 'Manager' ang tumatawag dito. Maging ito ay napatingin na rin doon at malakas na napabuntong-hininga. Umayos na ito ng upo at binitawan na siya bago nito inabot 'yon.

"Yeah, Lander? Hmm.. Yeah.. I'm on my way." Dinig niyang sabi nito sa kabilang linya. "Huh? Okay. Bye." 'Yon lang at agad na binaba na nito ang tawag.

Narinig niya ulit ang pagbuntong-hininga nito. Nanatili siyang nakatingin dito pero imbes na gawaran din siya nito ng tingin ay humawak na ito sa manibela at pinaatras na nito ang kotse nito at itinigil 'yon sa tapat ng bahay nila.

Hindi man lang ito lumingon sa kanya.

"Uhm.." She wants to say something pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito.

Hindi pa rin siya nito nilingon at nanatiling nakatingin lang sa harap. Maya-maya lamang ay may pinindot ito at narinig niya ang pag-unlock ng kotse nito.

"Get out."

Napamaang siya dahil doon.

What the fudge? So, ganoon na lang 'yon? After that magical moment between them ay magiging cold lang ulit ito sa kanya?

Ba't pa kasi siya nagulat? Bryan is always like that to her ever since. Ba't kasi hindi pa siya nasanay.

'Kasi umaasa ka.'

Ramdam niya ang pag-init ng mga mata niya. Naiiyak siya pero ayaw niyang ipakita 'yon kay Bryan kaya mabilis niyang kinagat ang pang ibabang labi para mapigilan ang paghikbi bago niya binuksan ang pinto nito at lumabas sa sasakyan nito.

Kakasarado lang niya ng pinto ng kotse nito nang mabilis na pinasibad 'yon ni Bryan. Hindi siya makaalis sa pwesto niya. Tumayo lang siya doon sa labas ng gate nila habang nakasunod ang tingin sa likod ng kotse nito. Her eyes are getting blurry. Yumuko na lang siya nang tuluyan noong nawala na ang kotse nito sa paningin niya, and that's when her tears fell and her sobs came out.

"Shit!" Sigaw ni Bryan sa loob ng sasakyan niya sabay hampas sa manibela.

Gusto niyang ibangga ang kotse niya ngayon sa sobrang galit sa sarili. Nawala na naman siya sa sarili kanina. He can't stop herself from kissing her. He can't just let her go without having a taste of her lips again kaya pinigilan niya itong lumabas nang tuluyan kanina sa kotse niya. Ramdam niya ang pagkasabik niya pagkalapat pa lang ng mga labi niya sa mga labi ni Kyra. Na para bang galing siya sa disyerto ng ilang araw, at ang mga labi lang ni Kyra ang sagot para mawala ang pagkauhaw niya.

Iba ang nararamdaman niya kanina, lalo na nang nagkatinginan sila. He shouldn't have felt that when he has other goals and plans in mind. Why can't he just focus on those? And nakalimutan na naman niya ang girlfriend niya. Fuck him and his idiocracy! Mas lalo lang niyang dinadagdagan ang problema niya!

Their manager is fucking furious again and its all because of him!

He used to be very careful not to tarnish his image and reputation to the public. Kaya ginawa niya ang lahat para hindi masayang ang paghihirap niya noong nagsisimula pa lang siya. Ngayon sirang-sira na siya! Nakakagawa siya ng mga bagay na makakasira sa career niya! It will not only affect him, but also his entire group and the people around him!

But everything fucking started with his father's stupid stunt tapos gago siya kasi tinuloy-tuloy niya 'yon!

Gago talaga siya!

Pumapasok pa rin sa isip niya ang nangyari kanina. He felt fucking guilty but he immediately brushes it off. May mas importante pa siyang haharapin ngayon, and his beloved career is at stake!

Nagmamadali na siya sa pagdadrive. He needs to get there on their penthouse immediately. Hindi lang kasi ang mga kagrupo at ang manager nila ang nandoon na naghihintay sa kanya. Kundi pati na ang presidente ng company nila, that's what his manager told him on his second call.

He was still catching his breath noong binuksan niya ang pinto ng penthouse nila. Kitang-kita niya agad ang mga taong itinuring na niyang ikalawang pamilya for the last ten years. Nakaupo ang mga ito sa mga couch na nakapwesto sa sala nila.

Kahit ayaw niyang magsinungaling sa manager nila ay ginawa niya para sana'y hindi na maging komplikado ang lahat. Nalusutan niya ang dalawang issues sa manager nila, pero paniguradong hindi na ito maniniwala sa gagawin niyang rason ngayon.

All of their gaze immediately went to him when he started walking towards them. Kinabahan siya lalo na nang nakita niya ang disappointment at galit sa mga mata ng presidente at manager nila. Habang ang mga kagrupo niya ay nakangiti lang ng tipid sa kanya.

"Sit down and explain everything, Bryan." Seryosong sabi ng manager nilang si Lander.

Umupo nga siya sa tabi ng mga kagrupo niya napahugot muna siya ng hininga bago niya kinwento sa mga ito ang nangyari sa restaurant. Inamin na rin niya sa mga ito kung sino talaga si Kyra at ang tungkol sa pagblackmail ng ama niya sa kanya.

Kita niya kung paano nagulat at nabahala ang manager nila at ang presidente ng entertainment company nila.

"Does your father know that its against your contract, Bryan?" Tanong ng presidente nila.

Tumango siya dito. "Kaya gagawing pribado ang kasal namin ni Kyra."

Narining niya ang malakas na pagbuntong-hininga ng manager nila. "What are we going to do now, Sir?" Tanong nito sa presidente nila.

"Well.. Wala na tayong magagawa. As long as, hindi lalabas sa publiko ang kasal niyo then everything will be fine. Pero itong insidente sa restaurant ay mahirap itanggi, Bryan. Lalo pa't ang mga videos at pictures na nakuhanan ng mga tao ay kitang-kita ang itsura mo." Sabi ng presidente nila.

Kinuha niya ang cellphone niya at sinearch ang pangalan niya. Agad na lumabas ang iba't-ibang pictures at videos niya. Meron pa doon na hila-hila niya si Kyra palabas ng restaurant.

"Fuck!" Mura niya.

Biglang may tumawag sa phone ng manager nila at agaran naman nitong sinagot 'yon.

"Hello?" Paunang bati nito. "Shit!"

Binaba na nito ang tawag at mabilis na kinuha ang remote ng TV nila para buksan 'yon. Agad nitong nilipat sa tamang channel at lumabas ang balita tungkol sa kanya.

"Fuck shit!"

Noong una ay ginawa pang blind item pero sinabi din naman sa huli ang pangalan niya. Sabi sa balita ay nainvolve daw siya sa isang love triangle. Ang mas ikinabahala niya ay namention din ang pangalan ni Arthur na kababata niya at kay Kyra na siyang fiancee niya. May kasama pang pictures ng mga ito! May relasyon daw ang dalawa at nagalit at nagselos daw siya kaya nakipagsuntukan siya sa kababata niya dahil nahuli niya ang mga ito na nagdidate.

'Fuck! Everything is so fucking accurate! Tangina! Ngayon paano niya malulusutan 'to?!'

Kita niyang napatulala ang presidente nila pagkatapos i-off ng manager nila ang TV.

"Tatawagan ko ang TV station na 'yon." Sabi ng manager at akmang idadial na ang numero ng station ng pinigilan ito ng presidente nila.

"Sir?"

"Here's what we're gonna do. Bukas mag press conference ka, Bryan. Aminin mo sa kanila ang tungkol sa arranged marriage niyo ng babae na siyang pinilit ng ama mo. Pero mag sinungaling ka. Sabihin mo na dahil sa nahuli mo sila kagabi ay napagdesisyonan mo na lang na itigil ang lahat at hindi na matutuloy ang kasal niyo. Ipalabas mo na nagmakaawa ang babae sa 'yo dahil ang totoong mahal nito ay ang kababata mo. In that way, ay makukuha mo ang simpatya ng mga tao at tuluyan na ring mawala ang issue tungkol sa arranged marriage mo. Do you understand?"

"Good idea, Sir!" Agad na pag sang-ayon ng manager nila at pumalakpak pa.

"Do you understand, Bryan?" Ulit nitong pagtanong sa kanya sapagka't napatulala siya.

Mabagal lang siyang tumango dito. Maalam na ang presidente nila when it comes to these issues, and hopefully it will work. Pero nag-aalala siya na baka pagbuntunan ng galit ng mga tao, lalo na ng mga fans niya si Kyra. Pero agad niyang winaglit 'yon sa isip.

"Good! Then that settles it! I hope hindi na 'to mauulit, Bryan. Maging matalino ka na sa pag-iwas na magkaroon ulit ng ganitong issues, okay?"

"Yes, Sir. Pasensya na ulit."

Tumango lang ito sa kanya at agad na binalingan ang manager nila. Bukas ng umaga daw gaganapin ang press con niya kaya aayusin daw ang venue niyon. Pinaaalahanan din siya nito na mag ensayo sa sasabihin niya para hindi siya magkakamali bukas.

Napabuntong-hininga na lang siya ng malakas nang tuluyan ng umalis ang manager at presidente nila. He eyed his friends and they're all looking at him intently. He needs to ask for their forgiveness and to explain further about what happened. They deserve to know everything, pero iniwasan lang niyang ikwento 'yong nangyari sa kotse niya.

Sabi nga niya, hindi lang ang career niya ang masisira dahil sa kapapabayaan niya kundi pati na rin sa mga ito. Mabuti na lang at naintindihan siya ng mga ito. He can see on their faces that they wanted to say something to him, pero nagsitahimik na lang ang mga ito. And he doesn't want to know what they're thinking, as well, baka gumulo lang lalo ang isip niya.

Hopefully, bukas after ng press con niya ay maayos na ang lahat ng problema niya. Biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Kyra kanina when he asked her to get off his car.

'Fuck!'

Agad niyang pinilig ang ulo niya. He fucking needs to divert his mind and attention to something else. Mabilis niyang inabot ang phone niya at idinial ang numero ni Georgina.