webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 30

Takam na takam talaga si Kyra noong nilapag na ang mga pagkaing inorder ni Arthur para sa kanilang dalawa. Kahit hindi siya masyadong maalam sa mga Italian dishes ay nagpapasalamat na lang siya at kasama niya si Arthur para turuan siya sa tamang pag pronounce ng mga pangalan niyon.

Sa anim na dishes na inorder ni Arthur, 'yong carbonara at pizza lang talaga ang alam niya, tsaka 'yong prosciutto.

Yummy!

Natatawa si Arthur sa kanya habang nakatingin sa pinggan niyang punong-puno ng pagkain.

"Mauubos ko 'to, nu! Tawa ka diyan! I can always count on my pets. Kaya nila 'to!" Natatawa ding sabi niya dito habang hinihimas ang tiyan.

"I didn't say anything!" Sabi nito at nagsimula na ulit kumain habang nangingiti sa kanya.

"Ang kunti naman niyang laman ng pinggan mo!" Reklamo niya habang nakatingin sa pinggan nito.

Dinagdagan niya ang laman niyon at nangingiti lang itong tumingin sa kanya habang ginagawa niya 'yon.

Para fair, aba!

Nang pareho na ang laman ng pinggan nila ay itinigil na din niya ang paglalagay at binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti.

"Yan! Ubusin mo, ha? Bawal leftovers! Let's eat, let's eat!" Sabi niya dito at sinimulan na ang pagkain na siya ring ginawa nito habang ngumingiti sa kanya.

Nakatatlong subo na siya ng pagkain nang natigilan siya. May pakiramdam kasi siya na parang may matatalim na matang nakatutok sa kanya. At hindi nga siya nagkamali kasi pagbaling niya sa kaliwa ay may taong papalapit sa kanila. Awtomatikong napanganga siya habang nakatingin sa taong 'yon.

Kahit naka cap at face mask pa ito ay kilalang-kilala na niya kung sino 'yon. Tindig pa lang, pati na 'yong mga mata nitong galit na galit na nakatingin sa kanya ng diretso.

"Fancy meeting you here, lovebirds." Nanunuyang bati nito sa kanila ni Arthur pero ang mga mata nito ay nananatili sa kanya.

"Bryan?" Tanong ni Arthur dito. "What are you doing here?"

Dinig niya ang nanunuyang pagtawa ni Bryan, "Why? Is it wrong for me to be here? Nakakaistorbo ba 'ko sa date niyo? Hmm?"

My gash! Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Parang nakaramdam siya ng guilt dahil nakita sila nito ni Arthur na magkasamang nagdidinner.

Pero... Its just a friendly dinner date.

Ba't siya magiguilty?

"Get a chair and sit down, Bryan. Don't create a scene here." Dinig niyang anas ni Arthur sa mababang tono.

Kinakabahan na rin siya. Nararamdaman na kasi niya ang pagbaling ng ibang mga taong kumakain din doon sa resto. Medyo malakas kasi ang pagtawa at ang boses ni Bryan kanina.

Sinunod nga ni Bryan ang sinabi ni Arthur. Humila ito ng isang upuan sa katabing mesa at pinwesto 'yon malapit sa tabi niya. Iniwas niya agad ang tingin dito lalo na noong tiningnan siya nito na parang nanunuya ang mga mata.

"So, both of you are dating, huh? Gaano na katagal?" Dinig niya ang paghalakhak nito. "Does my father know? I guess not. Did both of you plan this fucking scheme? First to deceive my father, then me?"

"What the hell are you saying, Bryan? And we're not dating!" Sagot ni Arthur dito sa mababa pa ring tono. "Magkaibigan lang kami ni Kyra."

"Really?" Patuyang tanong nito.

Napapiksi na lang siya ng biglang hinawakan ni Bryan ang pisngi niya and forcefully held it para tumingin siya dito ng diretso. "Totoo ba ang sinasabi niya, hmmm? My alluring yet innocent-looking fiancee?"

Nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa pisngi niya kaya hinawakan niya ang braso nito para sana'y tanggalin 'yon. Pero mas lalo lang dumiin ang mga daliri nito sa pisngi niya. She was about to hissed at him nang biglang tumayo si Arthur at malakas na tinanggal ang kamay ni Bryan sa pisngi niya.

Naririnig na niya ang malakas na bulungan ng mga tao sa paligid nila.

Kunti lang ang mga kumakain doon, siguro'y anim na mesa lang ang naoccupy at ika-pito sila. Pero alam niyang pati ang mga ito ay nabubulabog na sa nangyayari sa mesa nila.

"Ba't ka nangingialam, huh? 'Di ba magkaibigan lang kayo? Don't tell me you like my fiancee here, Atty. Tiu?" Galit na anas ni Bryan at nagpalatak pa. "May karapatan akong magalit dito! She's my fiancee and she's dating another man behind my back! Hindi pa kami kasal tapos ngayon pa lang may kabit na siya! Bullshit!" Maanghang na sabi ni Bryan sabay tawa ng malakas.

"What if I do like her, Bryan? Anong magagawa mo? Huh? Remember, fiancee ka lang kasi pinilit kayo! Hindi ka niya mahal kaya huwag kang magpakahambog diyan!" Anas din ni Arthur na ikinagulat niya.

Parang natitigilan na napatingin si Bryan kay Arthur, malakas na tumayo din ito at inilapit ang mukha kay Arthur.

"What did you say?" Mariing tanong ni Bryan.

"You heard me, fucker!" Galit na anas din ni Arthur.

Tumayo na din siya lalo pa't parang nagbubugahan na ng apoy ang dalawa. Parang may usok na din na lumalabas sa ilong ng mga ito.

Oh my, ghad!

"T-Tama na yan. Please, magsiupo na kayo. People are watching."

She tried to get in between the two para paghiwalayin sana ang dalawang higante. Pero tinabig siya ni Bryan palayo sa mga ito at napabalik siya sa pagkakaupo. Nauna ng umigkas ang kamao ni Bryan sa pisngi ni Arthur at sumuntok din pabalik 'yong huli. At tuluyan nang nagpambuno ang dalawa.

"Stop! Ano ba!" Sigaw niya at pilit na hinihila si Bryan para tumigil. Eto kasi ang malapit sa kanya. "Tama na 'yan! Please!"

Kita niyang dumugo na ang labi ni Arthur kaya mas lalo niyang nilakasan ang paghila sa damit ni Bryan pero hindi man lang ito tumigil at patuloy lang ito sa pakikipag-suntukan. Sa sobrang galaw ni Bryan ay nahulog na ang sumbrerong suot nito.

"Kuya! Tulong please!" Panghihingi niya ng tulong sa isang waiter na payat na lumapit sa kanila.

Pero hindi man lang ito nagtangkang pumagitna sa dalawa. Bakas sa mukha noong waiter ang takot na baka madamay pa ito.

"Hala! Si Bryan Lopez 'yan!" Dinig niyang tili ng isang babae, siguro'y customer sa likod niya.

"Sino?"

"Shit! Its Bryan Lopez!"

"Oh my God! Si Bryan Lopez nga!"

"Bryan! OMG!"

Nahihindik pa siya sa nangyayaring suntukan ng dalawa. First time niyang makakita ng live na away. Kahit ang mga katabing mesa ay natabig na ng dalawa at nabasag na ang mga pinggan, baso, at ang mga maliliit na vase na nakadisplay doon.

Pero mas nagulantang siya ngayon kung paano nakilala ng mga tao si Bryan. Paniguradong laman ito ng balita mamaya.

My ghad!

Pero agad niyang nalaman kung bakit nga ito nakilala at dahil 'yon sa natanggal na pala ang face mask nito at nasa sahig na 'yon. Mas lalo siyang nabahala ng marinig na ang malalakas na tunog ng mga camera malapit sa kanila. Kinukuhaan na pala ng picture ang dalawa or worst baka may nagvivideo na rin.

"Mga kuya, ano ba!! Titingin lang ba kayo? Stop them!" Malakas na sigaw niya sa mga waiter na nagsilapit na rin pala sa kanila pero nananatiling nanonood lang sa dalawa.

Doon lang yata nagising ang anim na waiter at tuluyan na ang mga itong gumalaw para paghiwalayin at pigilan na ang dalawa sa pagsusuntukan. Tig-tatalong waiter ang nakahawak sa dalawang lalaki para mapigilan lang ang mga ito.

"Bitiwan niyo 'ko!" Malakas na sigaw ni Bryan sa mga nakahawak sa kanya. Takot nga yata ang tatlong waiter at agad na binitawan si Bryan.

Lalapit sana siya kay Arthur dahil kitang-kita niya na mas napuruhan ito kaysa kay Bryan. Putok ang labi at dinudugo ang isang kilay nito. Pero mabilis na hinawakan ni Bryan ang braso niya at hinila siya palayo kay Arthur.

"B-Bryan.." Anas niya at pilit na binabawi ang braso niyang hawak nito pero sobrang lakas at diin ng pagkakahila nito sa kanya.

Dinig niya ulit ang malalakas na bulungan ng mga taong nakatutok pa rin ang camera kay Bryan.

"Sino 'yan?" Dinig niyang sabi ng isang babae.

"Who's that girl? Girlfriend niya?" Sabi pa ng isa.

"Parang rinig ko kanina fiancee eh?" Isang boses pa ulit.

'Hala! Paano na 'to?' Sabi niya sa isip at nahihindik na sa nangyayari.

"Kyra!" Dinig niyang tawag ni Arthur sa kanya pero hinahawakan pa din ito ng tatlong waiter. Napabaling ang tingin niya dito at pilit na binabawi ulit ang kamay niya kay Bryan para balikan sana si Arthur.

"B-Bryan, teka lang. Si Arthur." Anas niya pero hindi man lang siya binalingan ni Bryan at tuloy lang ito sa paghila sa kanya.

"Shut it!" Galit na sabi nito sa kanya pero nanatiling nakatalikod at hila-hila siya.

Dinig niyang kinausap din ni Arthur ang tatlong waiter na nakahawak dito para pakawalan ito pero hindi ginawa ng tatlo ang pakiusap nito.

"Here! I'll pay for all the damages! May kukuha na lang 'yan dito mamaya." Dinig niyang sabi ni Bryan at binigay nito ang black card sa manager ng restaurant na 'yon.

Nang kinuha 'yon ng manager ay hinila na siya ulit ni Bryan palabas sa restaurant na 'yon.

Nakaabot na sila sa sasakyan nito at mabilis nitong binuksan ang pinto at tinulak siya sa loob. Sinuotan din siya nito ng seatbelt bago pabalibag na isinara ang pinto sa side niya. Mabilis din itong umikot sa driver's seat at pagkaupo nito ay sinuntok ng paulit-ulit ang manibela niyon.

"Fuck! Fuck! Fuck!"

Kinakabahan siya sa ginagawa nito pero mas iniisip niya kasi si Arthur. Kita niya din na namamaga ang kanang pisngi at ang kilay ni Bryan pero hindi ganoon ka grabe ang natamo nito kaysa kay Arthur.

Noong pinaandar na nito ang sasakyan ay agad siyang umapila dito.

"T-Teka, Bryan! Si Ar-"

"Shut up!" Sigaw nito sa kanya. "Isang sabi mo pa sa pangalan niya babalikan ko siya doon sa loob at susuntukin ko siya ulit! You want that? Huh?"

Natameme siya dahil sa sinabi nito. Of course ayaw niyang mangyari 'yon!

Nagsimula na itong magdrive paalis sa restaurant at nanatili na lang siyang tahimik at napabaling na lang ang tingin sa dinadaanan nila. Gusto niya sanang tanungin ito kung saan sila pupunta pero baka ano na naman ang sasabihin nito sa kanya na ikakabahala lang niya.

Naabutan pa sila ng trapik sa daan. She checked the time malapit sa dashboard nito and its almost 8 in the evening. Nangangati na talaga ang dila niyang magtanong dito pero pinigilan na lang niya ang sarili.

Gusto niya sanang kahit matext man lang si Arthur para malaman ang lagay nito. Pero alam niyang hindi naman siya pahihiramin ni Bryan. Wala rin kasi siyang cellphone na dala. Sinadya niyang iwan ang phone niya sa bahay nila kanina sa pag-aakalang matiwasay siyang ihahatid ni Arthur pauwi pagkatapos ng dinner nila.

Pero heto siya ngayon, kasama si Bryan..

Siguro'y mag 15minutes na silang na stuck sa traffic nang biglang nagring ng malakas ang cellphone nito sa bulsa nito. Kinuha nito 'yon at malakas na napabuntong-hininga muna bago 'yon sinagot. Agad na niloudspeaker nito 'yon noong umusad na nang kunti ang mga sasakyan sa harap nila.

"What the fuck is this Bryan?! There are pictures and videos of you fighting with another man that are spreading all over the internet! Tangina naman! Ano na naman ba nangyari, huh?! Ano na namang gulo 'tong napasukan mo! First, you were seen in a police station, then with a girl on a hotel last week! And now this?! What the hell is wrong with you? Paano ko na naman i-eexplain 'to sa mga big boss, huh? Ano?! Sagot! And where the hell are you?" Dinig niyang galit na boses ng isang lalaki sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga ulit si Bryan bago sinagot ito. "I'm driving." Tipid na sagot ni Bryan.

"What?! Potangina! Umuwi ka dito sa penthouse niyo! Mag-uusap tayong lahat!" Galit na sabi ulit ng sa kabilang linya.

"Okay. May ihahatid lang ako."

"Ano?! Sino ang ihahatid mo? Is this the same girl, huh, Bryan? The one on the hotel incident? People on the restaurant are saying that they heard you say na fiancee mo ang babae! Totoo ba 'to? Huh? Nakakalbo na ako sa 'yo!"

"I'll talk to you later, Lander." Sabi nito at agad na pinatay ang tawag.

Mas lalo siyang nabahala sa narinig. Naalala niya ang sinabi ni Mr. Sevilla na bawal daw magkaroon ng relasyon sina Bryan base sa kontrata ng mga ito. Ngayon, ay nasasangkot na pala ito sa mga issues at kasama siya sa mga 'yon.

Hindi naman kasi ibinalita sa TV ang tungkol sa hotel, kaya ang buong akala niya ay hindi naman kumalat 'yon. Hindi na kasi niya ulit sinesearch si Bryan sa internet, katulad ng dati niyang ginagawa noong die-hard fan siya nito.

Pero paano na 'to ngayon?

Paniguradong magkakaproblema si Bryan dahil sa mga issues na 'yon! Baka masira na talaga ang career nito. Lalo pa't alam niya na masyadong aggressive at obsessed ang ibang mga fans. She can't help it but to blame herself for this.

Hays.