webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 14

Kahit nanghihina ang pakiramdam niya ay hindi niya pa din pwedeng iwanan na lang ng basta-basta ang responsibilidad niya kay Mr. Sevilla. Medyo guminhawa na din ang pakiramdam niya pagkatapos niyang maligo at makumbinsi ang sarili.

Gusto pa sanang makipag-usap ng may-ari ng inn kanina sa kanya noong paalis na siya doon, pero agad siyang nagrason dito na nagmamadali siya at pupunta pa siya ng hospital. Nabayaran na din lahat ni Bryan ang kwarto at sobra pa nga ang ibinayad nito sa matanda. Siguro ay bayad na din nito 'yon sa paglaba ng mga damit nila kahit na hindi na pinapabayaran ng matanda 'yon.

Pagkakuha niya ng maleta galing sa sasakyan ni Bryan ay sinunod niya ang sinabi nito at iniwan ang susi nito sa loob ng compartment. Marami ng sasakyang dumadaan sa kalsada, at laking pasalamat niya ng kalaunan ay may dumaan ding bakanteng taxi.

Pagkalabas niya ng taxi ay pinilit niya ang sariling ngumiti, pero hindi pa niya magawa sa ngayon. She's also forcing herself to walk with her head bowed down. Akay-akay din ang maleta niya. Kaya ayon, she bumped hard into someone.

"I'm sorry." Usal niya sa nabunggo niya. Hindi man lang ito tiningnan at nananatiling nakayuko at pinagpatuloy ang paglakad.

"Kyra?"

Napabaling tuloy siya sa nabunggo niya.

"A-Atty. Tiu." Bati niya dito at pinilit ang sariling ngumiti.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Huh? Ah. O-Of course. Bakit?"

"I think something's bothering you.." Sabi nito at minamasdan ang mukha niya. "And please call me Arthur. Skip the formalities, Kyra."

"H-Huh? Okay, Arthur. At pasensya na talaga m-medyo antok pa kasi ako." Sagot niya dito at natawa na tunog totoo. Pinilit ang sariling itago ang totoong nararamdaman. Natawa rin ito kaya effective nga yata talaga. "Uhm.. Galing ka ba sa kwarto ni Mr. Sevilla? How is he?" Dagdag niya para maiba ang topic.

"He's doing great! I-I actually asked him about you. And he told me you went home to your parents?" Sabi nito sa kanya pero napasilip ito sa maletang hawak niya.

"Y-Yeah. P-Pero dumaan pa ko sa k-kaibigan ko kaya ngayong araw pa lang ako uuwi."

Siya na! Siya na talaga ang sinungaling!

"Ah. Kaya pala." Sabi nito sabay ngiti sa kanya ng matamis.

"Well.. I better get going, Arthur. Namimiss ko na si Mr. Sevilla. Kailangan ko ding makausap ang doktor niya." Sabi niya dito at akmang tatalikod na pero bigla siya nitong tinawag ulit.

"Ah. Kyra. Can I have your n-number?"

"Sure!" Magiliw na sabi niya dito.

Kita niya kung paano lumiwanag ang mukha nito at mabilis na nilahad ang cellphone nito sa kanya. Tinipa niya rin agad ang number niya doon at ibinalik din ' yon dito pagkatapos.

Nangingiti itong tiningnan ang cellphone nito at tiningnan siya. "Thank you very much. Another thing, Kyra. Can I also invite you for dinner? Mamaya? That is if you're not busy."

"Huh? Uhm.. Sure. K-Kaso lobatt pa ang phone ko ngayon.. Nakalimutan kong icharge kagabi." Pagrarason niya dito. Parang na-awkwardan na kasi siya. May pinapahiwatig ang actuation nito and alam niya kung ano 'yon.

Natawa ito na parang pilit. "S-Sayang naman. But I hope next time.. pwede na. Wala naman sigurong magagalit? F-Friendly dinner date lang."

"Uhm. Tingnan ko na lang mamaya, Arthur, when I get home." Sabi niya dito.

Parang naguilty naman kasi siya para pag-isipan na gusto siya nito. Ang assuming niya kung ganoon. Baka pakikipagkaibigan naman talaga ang gusto nito sa kanya.

"Sige! I'm really looking forward for our dinner later."

Ngumiti siya dito at agad ng nagpaalam dito.

Nasa labas na siya ng pinto ng kwarto ni Mr. Sevilla pero hindi siya agad pumasok doon. Iniwan niya muna ang maleta niya doon sa guard sa baba bago siya pumanhik paakyat. Huminga muna siya ng malalim ng tatlong beses bago niya pinilit ulit ang sariling ngumiti. Nang naayos na niya ang sarili ay doon na siya kumatok sa pinto at binuksan na 'yon ng tuluyan.

"Uncle! Good morning po." Bati niya agad dito.

Nakaupo ito sa kama at kita niyang agad na lumiwanag ang mukha nito pagkakita sa kanya. "Kyra, iha!" Inangat nito ang mga braso nito na parang nanghihingi ng yakap sa kanya.

This is the reason why she can't afford to leave Mr. Sevilla ng ganoon-ganoon na lang. Napamahal na talaga siya dito. Parang pangalawang ama na talaga ang turing niya dito. Kung wala lang sana ang anak nito baka kahit after ng contract niyang six months ay babalik pa rin siya at aalagaan ito kahit wala ng bayad.

Lumapit siya agad dito at niyakap ito ng mahigpit. "I miss you, Uncle! Namiss niyo din ba ako kahit na ilang oras lang tayong hindi nagkita?" Magiliw na tanong niya dito.

Natawa tuloy ito sa sinabi niya. "Oo naman! Walang isip bata na nangungulit sa 'kin dito."

"Uncle naman eh!" Pagmamaktol kuno niya pero natawa din naman. "I'm glad at okay ka na po. Pasensya na at nalate ako. Hindi ko na naabutan ang doktor mo tuloy. Pero dadaan ako mamaya sa station para magtanong."

"Its okay, Kyra, iha. Baka makakauwi na ko sa susunod na araw. Ayoko na din magstay dito. Pakiramdam ko magkakasakit ako lalo kung magtatagal pa ako rito. Nandito rin kanina si Rosa at Andres, pero pinauwi ko rin agad. Nag aalala nga ako kanina kasi ang sabi nasiraan daw ng sasakyan si Bryan sa kalsada kagabi. Mabuti na lang at nang nasiraan siya ay malapit lang siya doon sa isang inn. Doon na rin siya natagpuan nina Rosa at Andres. Pinaasikaso ko na rin kay Andres ang pagkuha at pagpapaayos ng sasakyan ni Bryan."

"H-Huh? B-Buti naman po at nahanap agad siya nina Manang Rosa. Kamusta naman po siya?"

Pwede yata siyang maging artista kasi kahit sumakit ulit ang dibdib niya sa pagkarinig sa pangalan na 'yon at naalala ang nangyari, ay nagpretend siya na parang walang alam sa nangyari sa taong 'yon.

Napabuntong-hininga muna si Mr. Sevilla bago siya sinagot. "Okay naman daw siya sabi ni Rosa pero hindi ko pa rin maiwasang mag aalala sa kanya."

"A-At least okay naman na siya, Uncle." Sagot niya dito at pinilit ngumiti para mapanatag ito.

"Yeah. So, iha kumusta pala ang pag-uwi mo? Kamusta ang parents mo?"

Eto na naman siya magsisinungaling na naman. "H-Huh? Ah. Okay naman po sila, Uncle. M-Masaya nga po sila at nakauwi ako. Uhm.. Ano nga po pala ang sabi ng doktor mo, Uncle?"

"Mabuti naman kung ganoon." Sabi nito sabay kwento sa kanya ng sinabi na ng doktor nito dito. Pagkatapos nitong magkwento ay kitang-kita niya sa itsura nito na parang may gusto pa itong sabihin sa kanya. "Ah.. Iha?"

"Po?"

Parang nag-aalinlangan pa ito kung itutuloy nito ang sasabihin sa kanya, "Maraming salamat pala ulit ha? Ang sabi nga ng doktor kung wala ka doon baka... baka natuluyan na ko.."

"Uncle naman eh! Sabi mo nga masamang damo ka diba! Feeling ko nga lalampas ka pa sa 500 years old eh." Sabi niya dito sabay bungisngis at natawa na lang din ito sa kanya. "Tsaka Uncle, huwag ka ng magpasalamat. Gagawin ko po ang lahat para sa'yo, mas lalo na ang isave ang buhay mo."

"Gagawin mo ang l-lahat, Kyra?"

"Yes naman, Uncle!" Sabi niya agad dito at ngumiti pero bigla siyang natigilan baka kasi 'yong kinakatakutan na niya ang tinutukoy nito.

"'Yong alok ko sa'yo Kyra? Nakapagdesisyon ka na ba?"

'Sabi na nga ba. Shocks!'

Napakagat labi muna siya. Makikita kasi sa mukha ni Mr. Sevilla na parang kinakabahan ito pero parang hopeful ito na papayag siya. "Uhm.. Uncle.. A-About that. N-Napagpasyahan ko po na-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang may kumatok sa pinto. Napabaling tuloy ang tingin nilang dalawa doon.

"Come in."

Bumukas ang pinto at may sumilip na isang mukha na kahit may edad na ay maganda pa rin. Parang same age lang ito ni Mr. Sevilla. Tuluyan na din itong pumasok sa loob.

"Eduardo." Bati ng magandang babae at ngumiti.

Tumingin muna ito sa kanya at nginitian din siya bago nito binalik ang paningin kay Mr. Sevilla.

"Selena." Sobrang lawak na din ng ngiti ni Mr. Sevilla.

Woah there! Eto na si Ma'am Selena! Kaya pala nainlove talaga si Mr. Sevilla dito kasi sobrang ganda niya tapos bakas pa sa mukha nito ang kabaitang taglay.

Sana all maganda kahit may edad na!

Lumapit na ito sa kama ni Mr. Sevilla at agad na inabot ni Mr. Sevilla ang kamay nito. Nagkatinginan pa ang dalawa ng matagal na feeling niya ay nanonood lang siya ng romantic scene sa isang movie. Bakas talaga kasi sa mukha ng dalawa na in love talaga ang mga ito sa isa't-isa. Nangingiti naman siyang nagmasid sa dalawa at ang naisip ay iwan muna ang mga ito kaya maingat siyang tumalikod at tumitingkayad para hindi makagawa ng ingay at maistorbo ang "magical moment" ng dalawa.

Nakatatlong hakbang pa lang yata siya ay tinawag na siya ni Mr. Sevilla kaya napabaling ulit siya sa mga ito. Nakatingin na pala ang dalawa sa kanya. "Kyra, iha. I want you to meet Selena. Selena, this is Kyra Mae, my bubbly private nurse." Pagpapakilala sa kanila ni Mr. Sevilla.

"Hello, iha. It's nice to meet you." Nilahad nito ang kamay nito sa kanya.

Inabot niya rin agad ang kamay niya. "H-Hello po! You're so pretty po, Ma'am! Kaya pala in love na in love talaga si Uncle sa'yo." Tukso niya sa mga ito.

Nahihiyang tumawa si Ma'am Selena at nagkatinginan ulit ang dalawa.

"Uhm.. Uncle, Ma'am, aalis na po muna ako para magkaroon kayo ng privacy. Baka tutuksuhin ko lang po kayo the whole time eh. Babalik na lang po ako mamayang hapon, Uncle. Okay lang po ba?" Pagpapaalam niya sa mga ito.

"Of course, iha." Sagot agad ni Mr. Sevilla.

"Pwede ring bukas ka na lang bumalik, iha. Ako muna magbabantay kay Eduardo." Sabi naman ni Ma'am Selena sa kanya.

Kung kanina ay malawak na ang ngiti ni Uncle ay mas lalong lumawak 'yon sa sinabi ni Ma'am Selena. Kilig na kilig tuloy siya sa dalawa! Parang bumabalik pala sa pagiging teenager si Mr. Sevilla. Jusko!

Dumaan muna siya sa station at agad na nagtanong sa mga nurse na nakaassign kay Mr. Sevilla about sa sinabi ng doktor kanina noong nagrounds ito. Natagalan pa siya sa pagkikwentuhan doon at biniro niya pa na huwag na muna ang mga ito pumasok sa loob ng kwarto ni Mr. Sevilla kasi makakaistorbo ang mga ito. At biniro niya pa na baka kasuhan ang mga ito ng invasion of privacy. Natawa lang ang mga nurse sa biro niya pero dahil oras na para sa pagpalit ng IV fluids ni Mr. Sevilla ay nagprisinta siyang mauna na muna doon. Parang gusto niya kasing mawarningan ang mga ito para hindi malagay sa alanganin, baka kasi nagkikiss ang mga ito 'di ba? Kinikilig tuloy siya sa naisip.

Pakatok na sana siya ng bigla siyang natigilan. Hindi niya pala naisarado ng maayos ang pinto kanina pagkalabas niya at dinig na dinig niya ang seryosong pag-uusap ng dalawa sa loob. Lalo na nang narinig niyang binanggit ang pangalan niya.

"Si Kyra? Sigurado ka na ba talaga sa plano mong 'yan Eduardo? Nakikita ko ngang mabait siyang bata, pero paano kung magalit lalo si Bryan sa'yo? Eduardo.. Pag-isipan mo munang mabuti ang plano mo.. Takot na takot ako noong tinawagan ako ni Rosa kagabi at sinabing isinugod ka dito sa hospital. Please.. Alagaan mo kasi ang sarili mo.."

"You don't have to worry about me Selena, I'm perfectly fine now. Malakas ako." Sabay tawa ni Mr. Sevilla. "Hindi pa ako mamamatay hangga't hindi ko pa natutupad ang pangako ko sa'yong kasal. At hindi pa rin kami maayos ni Bryan. Kaya nga siguro binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon para mabuhay at para magawan ng paraan na mangyari talaga ang naging plano ko. Ang maikasal si Bryan sa isang babaeng mabuti ang kalooban, mapagmahal, at mapag-aruga katulad ni Kyra, ang alam kong sagot para maging maayos ang lahat." Mahabang litanya ni Mr. Sevilla na siyang nagpamaang kay Kyra.

"Eduardo.. Sige.. Kung 'yan ang sa tingin mo ang nararapat. Alam mo namang sinusuportahan lang kita sa lahat ng desisyon mo.."

"Salamat, Selena.. Thank you for not giving up on me. Hanggang ngayon andito ka pa rin.. Hinihintay mo pa rin ako.. Salamat sobra, mahal. Mahal na mahal kita.."

"M-Mahal na mahal din kita."

Tapos hagulgol na lang ng dalawa ang narinig niya. Hindi na rin niya namalayang umiiyak na rin siya. Imbes na dumiretso sa loob at magpakita sa mga ito ay tumalikod na lang siya. Kailangan niyang mag-isip ng mabuti kaya napagpasyahan niyang maglakad-lakad na muna sa buong hospital bago umuwi.

Nakarating na siya sa parang maliit na parke ng hospital at naupo muna doon. Napabuntong-hininga na lang siya. Ngayon nakapagpasya na talaga siya sa inalok ni Mr. Sevilla. Sana gabayan siya ng Panginoon sa naging desisyon niya.