webnovel

Daydreaming (Filipino)

Sort of a cliche love story between a celebrity and one of his fans. ----- Note: Sinulat ko 'to way back in 2012 pa. Kaya pasensiya na ulit sa mga wrong grammars and everything. Hi everything! **If may magbabasa po nito just wanna say that I'm still revising this po. English kasi ang orig eh dumugo ilong ko sa englishan ko doon kaya taglish na lang. :)) Thank you!

Aybeeming · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Chapter 12

"A-Ayoko nga! Mas mabuti pang sa sasakyan na lang ako magpapaumaga!" Sabi ni Kyra kay Bryan.

Kahit nanginginig na ang katawan niya sa sobrang lamig ay hinding-hindi siya papayag na makasama si Bryan sa iisang kwarto lang. Kahit nakakatakot din isipin na mag-isa lang siya sa sasakyan nito pero mas natatakot siya na makasama ito.

Baka may mangyari na naman. Tapos hindi na niya ulit macontrol ang sarili niya.

"Ay? Naglalovers quarrel kayo, iho, iha?" Tanong ng matanda sa kanila.

"Hindi po, Lola! Hindi ko po siya boyfriend!"

"Ay naku! Matanda na ko, ineng! Isang tingin ko lang sa inyo kanina ay alam ko nang may namamagitan na sa inyo. Parang magkahawig pa nga kayo. Alam niyo ba ang sabi nila? Kapag magkahawig daw ang magkarelasyon ay magkakatuluyan talaga."

"Huh?" Napabaling tuloy siya kay Bryan na kanina pa walang imik at nakairap. "Nagkakamali po talaga kayo, Lola! Hindi ko po-"

Natigil na lang din siya sa pagsasalita ng pati ang matanda ay umirap na din sa kanya.

Luh!

"Uhmm.. S-Salamat po, Lola, pero sa sasakyan na po ako." Sabi niya sabay talikod na.

Pero napabalik siya sa dating pwesto ng marahas na hinila ni Bryan ang braso niya. "Hindi ka nga babalik doon! Would you mind checking the time? Its 9:30 in the evening! Do you think I'll let you stay in the car all alone? Huh?! Its fucking dangerous out there!"

Kahit ang matanda ay natigilan sa pagsnap ni Bryan.

Kaso ayaw niya nga talaga!

"B-But.."

Hindi na niya natuloy ang pagtanggi ulit dito kasi mabilis na siya nitong sinampa sa likod nito. Parang ginagawa na talaga siyang isang sako ng bigas ng taong ito.

"Ay!" Tili ng matanda na nagulat din yata sa ginawa ni Bryan. "Itong mga batang ire!" Sabay hagikhik.

Nagpumiglas siya at hinampas-hampas ang likod nito. "Bryan! Ibaba mo ako! Hoy!"

Pero hindi man lang ito nagreklamo sa ginagawa niyang pananakit dito. Napasinghap na lang siya ng bigla nitong tinampal ng mahina ang pwet niya.

"Behave!" Galit na sabi nito.

"Ano akala mo sa 'kin aso?!"

Napahalakhak na lang ito sa sinabi niya. "Saan na po 'yong kwarto, 'La?" Baling naman nito sa matanda na nasisiyahan sa kanila ni Bryan.

Sinabihan sila ng matanda na sumunod dito. Nagpumiglas pa din siya ng humakbang na si Bryan paakyat sa hagdan pero tumigil din siya kasi baka mahulog o maasksidente pa silang dalawa.

Pagkapasok nila sa loob ng kwarto ay itinapon siya nito agad sa kama. Agad naman siyang tumayo doon at mababasa ang kama dahil sa basa ng damit niya. Inunat nito ang katawan at dinig niya ang pagtunog ng mga buto nito.

"Ang sakit ng likod ko! Ang liit mong babae pero ang bigat mo parang elepante!" Reklamo nito sa kanya.

"Ay wow! Sino ba nagsabi sa'yong isampa mo ako sa likod mo, ha?! Kasalanan mo 'yan kaya deserve mo 'yan!" Galit na sabi niya dito.

Natatawang napailing na lang ang matanda sa kanila. "Kayo talagang mga bata kayo! Nakuw! Nakalimutan ko palang itanong, may pamalit ba kayo?"

"Naiwan ko ang maleta ko po sa kotse niya, 'La." Sagot niya sa tanong ng matanda.

"Wala po akong dala, Lola." Sagot naman ni Bryan. "Baka pe-pwede na lang po kaming makahiram ng tuwalya or roba."

"Meron ng dalawang tuwalya diyan sa banyo, pero papahiramin ko kayo ng roba. Tapos ang mga damit niyo ilagay niyo na lang dito sa labas ng pinto at lalabhan ko bukas ng umaga. May dryer rin kami dito. Para pagkaalis niyo ay may masusuot kayong dalawa."

"Maraming salamat po, Lola!" Usal agad ni Bryan.

'Huh? Mag roba lang kaming matutulog?'

"Uhmm.. Lola.. Baka may extra daster ka pa ho?"

"Nakuw, ineng! Ayoko namang mangati ka sa damit ko. Alam mo namang pag matanda na. Marami ng pinapahid-pahid na gamot." Sabi nito sa kanya.

Kita niya na pilit nitong tinatago ang naglalarong ngiti sa labi pero lumabas pa din 'yon.

'Hala naman si Lola. Iba talaga ang iniisip nito sa kanila ni Bryan halimaw..'

"Oh siya. Babalik na lang ako agad. Mag shower na kayo at baka magkasakit na talaga kayo." Nakangiting sabi nito sabay talikod at sarado ng pinto.

Pagkalabas ng matanda ay nagtinginan silang dalawa ni Bryan. Tapos sabay din tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Uhmm. S-Sino mauunang maliligo?" Sabi niya.

"Ikaw na." Sagot nito sabay upo sa isang rattan na upoan at walang sabi-sabi na hinubad agad ang basang t-shirt.

Napanganga at namilog ang mga mata niya tuloy. "Hoy!"

Napangisi lang ito sa kanya at tiningnan pa siya na parang nag hahamon.

'Loko talaga tong halimaw na 'to! Eh 'di siya na ang hot! Siya na ang may abs! Kaya nga crush ko siya 'di ba! Oo na! Naglalaway na ko!'

Ramdam niyang uminit hindi lang ang pisngi niya kundi pati na ang buong katawan niya sa naiisip. Pinilig niya na lang ang ulo at umiwas ng tingin dito bago nagmartsa na papasok sa banyo. Pero agad din nawala ang pag-iisip niya sa katawan ni Bryan ng makitang may heater ang shower.

Nagshashampoo na siya ng kumatok si Bryan at sinabing nasa labas daw ng pinto ng banyo ang roba na hinatid ng matanda. Sa taas daw ng maliit na cabinet nito nilagay.

Hindi na niya ito sinagot at nagpatuloy na lang sa kanyang pagshashampoo. Nang natapos na siya ay maingat siyang tumapak sa tiles at medyo madulas kasi 'yon. Namroblema tuloy siya kung saan niya isasampay ang bra at panty na nilabhan. Dapat pinauna niya palang maligo si Bryan. Naghanap pa siya kung saan niya ilalagay 'yon at napagpasyahan na lang na itatago niya 'yon sa pinakagilid ng shower curtain. Nagdasal na lang siya na huwag sanang mahulog 'yon or mapansin man lang ni Bryan.

Nakuha niya agad ang roba na nilagay nito sa taas ng maliit na cabinet sa tahimik na paraan. Nagtago din siya sa likod ng pinto habang inaabot 'yon. Hirap na baka masilip pa siya ng halimaw, tapos sasabihin pa nitong nilalandi niya ito.

Parang hindi niya kayang lumabas na naka roba lang. Nakailang tingin na siya sa sarili sa pabilog na salamin sa loob ng banyo. Wala siyang suot na kahit ano sa likod ng roba na 'to eh. Kahit underwear wala.

Nakuha niya nga ng mabilisan ang roba, eh paano naman ang paglabas niya dito? Makakatulog ba siya na nakaganito lamang? Tapos kasama niya pa ang halimaw!

Nagdadalwang-isip pa din siya kung lalabas o mananatili na lang sa loob ng banyo pero narinig na lang niya ang pagkatok nito sa pinto.

"H-Hindi ka pa ba-" Umubo ito. "-tapos? Magkakasakit na yata ako." Sabay ubo ulit.

Namilog ang mga mata niya. Shocks! Nakalimutan niyang basa din pala ng ulan si Bryan. Mabilis niyang binuksan ang pinto at nakita niyang parang nanghihina na ito.

"Hala! Sorry!" Agad niya itong inalalayan at binalewala na wala itong damit na pang itaas. Akmang ilalagay na niya ang likod ng palad sa leeg nito ng bigla itong tumawa.

"Bilis mong mauto pala. Paniguradong ang dami ng naka-uto sa'yo. Kawawang babae." Sabi nito sabay umiling-iling ng tatlong beses at nagpalatak.

Napamulagat tuloy siya at nang nakabawi ay tinulak ito ng malakas para makadaan siya.

"Bwisit ka!" Nanggigil siya at gusto niyang murahin ito ng malutong pero hindi na niya madugtungan ang sasabihin dito sa sobrang inis.

Tiningnan niya ito ng masama bago tinalikuran. Natawa lang ito at tuluyan na ngang isinara ang pinto ng banyo.

Pagkatapos niyang nilagay sa labas ang basang damit ay dumiretso na siya sa kama at naghahanda ng matutulog doon kahit medyo basa pa ang buhok niya. Bahala na ang halimaw kung saan ito matutulog. Basta sa kama siya. Tatlo ang malaking unan doon kaya ang ginawa niya ay nilagay niya ang dalawa sa dalawang gilid niya. Spinread niya ang mga binti at braso niya para lalong maoccupy ang buong kama at walang rason ang halimaw na tumabi sa kanya.

Hindi niya din namalayan ang nangyari, basta nakatulog na lamang siya. Siguro din ay sa pagod sa nangyari sa araw na 'yon. Kahit dapat ay hindi siya panatag dahil sa katotohanang kasama niya si halimaw at sa iisang kawarto lamang ay taliwas ang nararamdaman niya.

Sobrang sarap ng tulog niya pero nagising na lang siya ng bigla siyang makarinig ng malakas na ungol.

"Ma.. Gina.. Georgina.. Mommy.. Ma.. Mom-.. My.. Mommy.." Paulit-ulit na usal ng isang tinig na alam niyang kay Bryan.

Napabangon tuloy siya at nakita itong nakahiga at pinilit pagkasyahin ang sarili sa rattan na upo-an. Nanginginig din ito, pabaling-baling ang ulo pakaliwa't kanan at patuloy na umuungol.

Tinapik niya ang balikat nito para gisingin pero nagulat siya ng patuloy ito sa panginginig. Dinama niya ang leeg nito at agad nabahala. Inaapoy pala ng lagnat ang loko!

"Bryan! Gising! May fever ka!" Malakas na sabi niya dito pero ungol lang ang sagot nito sa kanya. "Bryan..." Malakas na ang pagtapik niya sa balikat nito hanggang sa bumukas na ng unti ang talukap ng mga mata nito.

"A-Ang la-lamig." Sabi nito sabay pikit ulit ng mga mata.

"Halika.. Lipat ka na sa kama.." Sabi niya dito sabay alalay dito para makatayo. Napatianod din ito sa kanya at pinwesto niya ito ng maayos sa kama.

Kinumutan niya muna ito bago niya tiningnan ang orasan. Mag 3am pa lang. Paniguradong tulog pa ang may-ari ng inn. Nakakahiya naman kung gigisingin pa niya ito. Minabuti na lang niyang tumayo at nag hanap ng bimpo at palanggana sa loob ng banyo. Pupunasan na lang niya ang buong katawan ni Bryan ng maligamgam na tubig para maabawasan ang init nito. Mabuti na lang talaga at meron nga siyang nakita doon sa loob. Pagkabalik niya ay nakikita niya pa rin ang panginginig ni Bryan kaya uumpisahan niya na ang pag punas dito.

"B-Bryan.. Pupunasan kita ah. TSB lang 'to para bumaba ang lagnat mo." Sabi niya dito. Nagpaalam lang kasi mahirap na baka kasuhan siya nito ng attempted rape. Nyaw. Pero hindi ito tumugon sa sinabi niya at patuloy na nanginginig at umuungol.

Binaba niya ang kumot hanggang sa baba ng bewang nito at napapalunok habang kinakalas ang pagkatali ng roba nito.

"Jusko. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to!" Sabi niya sa sarili at papikit na binaba ang roba nito hanggang sa maexpose ang pandesal nito, este ang maskels nito, ay! Napahugot muna siya ng hininga at inumpisan na ang pag punas sa katawan nito. Sinigurado niyang hindi mahahawakan ng kamay niya ang katawan nito, lalo na ang abs nitong nakakatakam.

Hirap na kasi baka maging manyak talaga siya? Rapist? Ganern?

Nang natapos na ay kumuha muna siya ng tubig na nasa pitsel at tinulungan itong makainom bago inayos ang roba nito at kinumutan ito ng maayos.

Nanginginig pa rin ito kaya binantayan niya muna ito. Hinila niya ang rattan chair palapit sa kama at kahit napapikit na dahil antok pa din siya ay nilalabanan niya 'yon.

"Momma.. M-Mommy.." Dinig niyang ungol nito ulit. Pabaling-baling din ulit ang ulo nito na parang binabangungot.

"Bryan.." Tawag niya dito at tinapik-tapik ang braso nito.

"K-Kyra.." Tawag nito sa kanya.

Medyo nagulat siya kasi unang beses yata 'yon na tinawag siya nito sa pangalan niya.

"K-Kyra.." Nanghihinang tawag ulit nito at patuloy na nanginginig.

"Bryan.. Bakit?"

"N-Nilalamig p-pa din ako.. P-Please.. P-Pwede mo b-ba akong y-yakapin? K-Katulad ng ginagawa n-ni M-Mommy dati p-pag may s-sakit ako.. P-Please.."

Natigilan siya sa pakiusap nito pero sino ba ang makakatanggi sa pakiusap na 'yon? Parang bumabalik pala ito sa pagkabata kapag may sakit ito. Baby damulag. At sobrang ramdam talaga niya kung gaano ito nangungulila sa sariling ina. Mabagal niyang inalis ang isang unan na inilagay niya kanina sa gilid at humiga na sa tabi nito.

Awtomatikong umikot ang mga kamay nito sa katawan niya, at ibinaon nito ang mukha sa leeg niya. Inaapoy talaga ito ng lagnat. Ang init ng buga ng hininga nito sa leeg niya. Nanginginig pa rin ito ng kunti, pero ng niyakap niya rin ito pabalik ay tumigil din ito. Hanggang sa naramdaman na niyang nakatulog na ito.

So, paano naman siya? Paano siya makakatulog nito ulit? Huh?

Ang maskels nitong iniwasan niyang hawakan ng bare hands or bare fingers niya kanina, eh eto na. Ramdam na niya sa katawan niya. Skin-to-skin contact na sila, bes. Nalihis kasi ang roba niya at hindi na niya maayos 'yon. Gusto niyang dungawin 'yon pero hindi siya makagalaw sa ayos nila ni Bryan at ayaw naman niyang magising ito sa paggalaw niya.

Napabuntong hininga na lang siya at kahit ayaw pumikit ng mga mata niya ay pinilit na lamang ang sarili. Kaysa naman umusbong ang nakatagong pagnanasa niya dito sa lalaking kayakap.

Naku, naku!