CHAPTER 2
Nahuhulog sa lupa ang puso ko
Nakatutunaw mga titig mo~"
Pag ka pasok ko palang ay rinig na rinig ko naman ang pag ka kanta nila, kaagad akong napairap ng marinig ito, gusto kong takpan ang dalawang tenga ko dahil sa pang aasar nila.
"At dahan-dahang mga hawak mo~"
Umacting pa sila sa nangyari kahapon bago nila ako tinignan, hindi ako natutuwa sa pinag gagawa nila kaya naman mas lalo silang tumawa, hindi parin sila maka move on doon kaya ganyan sila .
"Nabubuo ang buong pagkatao ko
Kapag ikaw na ang kapiling ko
Habang-buhay, dito lang sa tabi ko~"
Padabog kong binagsak ang mga libro ko sa lamesa ng upuan ko, sinamaan ko sila lahat ng tingin bago umupo ng maayos at iniayos ang bag at mga libro ko doon, ang mga notebook kong nag kalat ay dinapot ko dahil sa inis ko sakanila.
"Okay class, Goodmorning" napatayo ako ng makitang pumasok na ang teacher namin buti nalang madali ang subject ngayon kaya naman tinuon ko ang sarili ko doon, nag susulat na agad ang teacher sa board ng sasagutan namin kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.
Napatigil ako sa pag susulat ng makita ko ang lalaki sa harapan ng pinto, maayos ang uniporme sa katawan niya mukha siyang mabango at malinis pati ata dumi mahihiyang lumapit sakaniya.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ng principal" seryosong saad niya, nakita kong kinausap naman siya ng teacher namin kaya naman napatango naman siya bago pumasok sa room.
"Siya muna ang bantay niyo ha, wag maingay at babalik din ako" lumabas ang teacher kaya naman ang mga kaklase ko ay nag ingay na.
Lumapit ang ibang kaklase ko sakaniya pero ngintian niya lang ito. tumama ang tingin namin kaya nag iwas ako ng tingin.
"Umupo na kayo, baka pagalitan din ako ni ma'am niyan" natatawang saad niya sa mga kaklase namin, napanguso naman ako bago sagutan ang nasa board.
Kinuha ko ang notebook sa bag bago sagutan ang sampong tanong, napakamot naman ako sa ulo ng tignan ko ang sagot ni kelly at sa sagot ko.
"Baka tama naman iyo?" alanganing saad niya habang tinitignan ang sagot namin.
"O baka ikaw ung tinamaan?" kaagad ko siya tinignan ng masama dahil hindi parin siya tumitigil.
Tinignan ko ang sagot ko bago tumingin sa board, lumingon ako samay teacher's table ngunit wala siya doon kaya inikot ko ang tingin ko ngunit hindi ko siya makita.
"Mali ang sagot mo" nagulat ako ng mag salita ito sa likod ko. tumaas ang tingin ko at nag katinginan kami.
Nahihiya kong tinakpan ang sagot ko kaya naman umupo siya sa tabi ko bago kunin ang notebook ko.
"Let me help you po" ngumiti siya saakin bago dahan dahan tanggalin ang kamay ko na nakapatong sa notebook ko.
Hindi ako makaimik o ano dahil parang umatras ang boses ko ng makita ko siya, seryoso niyang tinignan ang sagot ko bago tumango.
"You must be confused because your 5 and 8 are baliktad" pinakita niya saakin iyon. sinulat ko rin kasi ang tanong kaya inunderline niya iyon.
"Yung number 5 is energy storage in plants and number 8 is energy storage in animals, right?"
Isang tango lang ang binigay ko sakaniya bago niya iunderline ang energy storage of plants and animals.
"Number 5 should be starch and number 8 is glycogen, remember when storage in plants it is starch and when storage of animals it is glycogen"
Tumango ako sakaniya bago kunin ang notebook ko sakaniya, siguro iyon lang ang mali ko dahil iyon lang ang napansin niya sa sagot ko.
"Are you okay na?" seryoso parin ang tingin niya saakin kaya naman tumango ako, sinuklian niya pa ako ng isang tango bago tignan ang braso ko.
Nag lapag siya ng band aid sa table ko bago tumayo, tinignan ko siya bago palihim na ngumiti.
"Gwapo na nga talino pa" rinig kong saad ng mga kaklase ko, ang iba ay kunot noo nakatingin saakin dahil ako lang ang tinuruan niya.
"Pass your paper, thank you valderama" isang tango lang ang ibinigay ng lalaki bago sumulyap saakin at lumabas.
Naririnig ko na ang sigaw ng kaibigan ko dahil recess na, kinuha ko ang wallet at ang phone ko bago lumabas.
"Kung ako magiging girlfriend non paniguradong tatalino ako" ngumisi si joy bago ako tignan, inirapan ko naman siya ng ikinatawa niya.
"Boto ako don para sayo chiara" nag thumbs up pa si Isaiah bago umakbay kay hael na ngayon ay inaasar ako sa tingin.
Natahimik kami ng bumasok ang grupo nila, naka akbay siya sa tropa niyang si mark na ex ni kelly noon, nakipag apir pa siya sa ibang lalaki bago lumingon sa gawi namin.
"Chiara na ccr na ko e.." rinig kong saad ni joy bago hilain ang dalawa, naiwan sila hael at Isaiah kasama ko pero umalis din dahil daw naiihi rin daw sila.
Kunot noo ko silang tinignan paalis dahil tumatakbo na sila, tumayo na ako para sana bumili ng may umupo sa harapan ko.
"Hi, I'm damon pala" unang pakilala niya saakin, ni hindi ko alam kung anong magiging reaksyon kong nandito siya ngayon sa harapan ko.
"Chiara" ngumiti ako sakaniya at alam kong may halong kaba iyon, pinatong niya ang dalawang turon sa harapan ko at isang chocolate na inumin.
"Here, eat it" napaisip ako kung bakit siya narito, ramdam niya ang tingin ko kaya napatigil siya sa pagkain.
Napaiwas siya ng tingin bago ibaba ang kinakain niya at unti unting nginuya ang nasa bibig niya, palihim naman akong ngumiti bago kunin ang turon na lagi kong binibili.
"Thank you pala.. sa lahat" utal pa ang boses ko ng bangitin ko ito bago ako pasimpleng umubo pa.
Tinignan niya lang ako kaya naman umiwas ako ng tingin, ayoko ng tinitignan ako habang kumakain kaya naman nakaisip ako ng kalokohan.
"Bakit moko tinitignan? siguro ay nagagandahan ka saakin ano?" ngumisi ako at nakita ko ang konting ngisi sa labi niya.
"Oo naman.." ako naman ang napatigil ngayon habang tinitignan ko siya na ngayon ay naka tingin siya saakin para bang may confidence siyang sabihin saakin iyon.
"sino bang hindi nagagandahan sayo" ngayon ay napaiwas na siya ng tingin saakin na ngayon ako naman ay hindi nakapag salita, medyo humina na rin ang boses niya kaya nahiya ako lalo.
Kinuha niya ang inumin bago itusok ang straw doon bago ilahad sa harapan ko. napakagat ako sa ibabang labi dahil sa ginawa niya.
"Pinopormahan mo nanaman ako.. alam na alam mo kung paano ako kunin ha" ngumisi siya saakin ng sabihin ko ito. natawa nalang ako bago simulang kumain.
Nang lumingon ako sa gilid ng lamesa nakita ko ang tropa ko at ang tropa niya na kinakantyawan kami pareho.
"Ang chimon!" tuwang tuwa si joy ng sabihin niya iyon, inirapan ko siya dahil sa sinabi niya bago tumingin sa lalaking kaharap ko ngayon.
Kumakain siya ng tahimik habang tinitignan ako, tinaasan ko naman siya ng kilay dahil doon, unti unti naman siyang umiling at umiwas ng tingin.
"Hoy! akin yan e" kinuha ni kelly ang tinapay niya sa kamay ni mark na ngayon ay tinatakbo na iyon.
Nag habulan ang dalawa sa quadrangle kaya naman pinag titinginan sila ngayon, natawa naman ako ng makita ito.
"Hoy!" sigaw ni kelly habang tinatanggal ang sapatos niya para maayos niyang habulin ang lalaki, kita ko naman ang pang aasar sa mukha nito kaya napa iling na lamang ako.
"Gusto mo ba?" tanong ko ng makitang hindi parin niya tinatanggal ang tingin saakin, umiling lang siya bago kumain ulit.
Tinignan ko ang orasan ko bago tumayo, mag papaalam na sana ako pero tumayo na rin siya bago niya kinuha ang milk shake niya sa lamesa.
"Hatid na kita" saad niya kaya isang tango lang ang ginawa ko, nag lakad kami paakyat sa room kasabay ko rin ang mga kaibigan ko.
Ang ibang estudyante ay naka nakatingin saamin pati na rin ang mga teacher kaya nginingitian ko sila dahil sinusuklian din naman nila iyon.
"Dito na ko" saad ko sabay pasok sa room namin, tumango siya bago siya akbayan ng mga kaibigan niya na ngayon ay inaasar siya.
Ilang oras din kaming nag aral at tumambay dahil ang ibang teacher ay hindi na rin pumasok dahil daw may pinapagawa ang principal.
"Jollibee naman tayo," aya ni isaiah kaya napalingon kami sakaniya, isang tango lang ni hael alam ng sasama ang lahat.
Bumaba ako para mag palit ng damit bago ilugay ang buhok ko, tumakbo na ako pataas dahil alam kong inaantay ako ng mga kaibigan ko, nag pabango na rin ako bago tiklupin ang damit ko at sinuot ang bag.
"Isaiah" kumurap kurap ako bago tumingin sa mga libro ko, alam na niya ang gagawin niya kaya bumuntong hininga ito.
Sinuot ko ang bag ko bago tumingin sa salamin, ibinigay ko naman kay Isaiah ang susi bago umupo sa isang monoblock.
"Ayusin mo nga" saad ni bea ng mag palit din ito, niribbon ko ang damit niya bago tumingin kay Isaiah na inipit na ang susi sa bag ko.
"Thank you, best friend" saad ko at inirapan lang ako neto, labag pa sa loob niyang tulungan ako ha.
Nag lakad na kami papunta sa sakayan ng jeep bago sumakay, nag bayad na kami bago ako sumamdal kay bea na ngayon ay nakatingin sa labas.
"Puno na nga yan" rinig kong saad ng isang lalaki, hindi ko na dinilat ang mata ko dahil kilala ko na kung sino iyon.
"Ang arte mo!" sigaw ng isa pang lalaki kaya napamulat ako, nakita kong gulat itong tumingin saakin na para bang hindi niya inaasahan na nandito ako.
"Usog" saad niya para maka upo ito sa unahan ko, pinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa ginising nila ako dahil bababa na.
Bumaba na ako bago pumasok sa jollibee, rinig ko naman ang sigawan ng mag totropa kaya naman lumingon ako.
"Gago, nag ccrave ako sa sopas" rinig kong saad ni damon na ngayon ay nakikitawa sa tropa niya.
Umupo ako sa upuan at iniwan nila ako dahil sila nalang daw ang mag order, pang sampo ang lamesang ito at anim lang naman kami.
"Pwede maki upo?" seryoso tanong ni damon kaya isang tango lang ang ginawa ko, umupo ito sa tabi ko kaya.
Yumuko ako dahil inaantok parin ako, hindi ko na ulit naramdaman na naka tulog na ako ng marinig ko na ang boses nila.
"Kumain kana muna, uuwi na rin" bulong ni damon kaya tumango ako, lumingon ako sakaniya kaya naman tinaas niya ang amay niya para hawakan ang noo ko.
Wala naman akong sakit kaya napabitaw na rin siya, sinimulan ko na kumain para maka uwi na.
________________________________________________________________________________