Alira's pov:
"Iha kailangan ka ng Raja ikaw ang naka takda kailangan mong maikasal sa kaniya sa lalong madaling panahon" ani ng matandang lalaki na hindi pamilyar sa akin
"Masama kayo ayaw ko sa inyo pinatay niyo ang aking ina pinatay niyo nakita ko nakita ng dalawang mata ko" nag tatangis na sagot sa kaniya, sobrang bigat ng nararamdaman ko napaka sakit ng aking dibdib sa hindi ko mawaring dahilan.
"Hindi kami ang gumawa non kay Mina nag kakamali ka hindi namin pinatay ang iyong ina" taimtim na aniya na ani moy tutulo na ang kaniya luha, bakit? bakit? ganyan ang pinapakita nilang ekspresyon sa akin bakit parang nag luluksa siya sa pagkamatay ng aking ina.
"Maniwala ka Mahal na Hera" mariing aniya habang papalapit sa akin......
"Hindiiiii hindi yan totoo hindeeee!!!!!!!" sigaw na halos mapa tayo na sa kamang aking kinahihigaan, nagising ako sa isang malalim na panaginip mali hindi ito panaginip bangungot ito.
Pawisan ang aking noo na wari'y hinabol na limang kabayo sa sobrang pagod hingal na hingal din ako at tuyong tuyo ang akimg lalamunan.
Nang mahimas masan ay bumangon ako mula sa pag kaka upo sa aking higaan pumasok ako sa banyo para maka pag hilamos.
Pag pikit ng aking mata ay sumilay sa akin ang wangis ng isang lalaki naka ngiti ani moy tuwang tuwa na nakikita ako.
Kaya't agad kong iminulat ang aking mga mata "nababaliw na ako" wala sariling ani ko sa sarili sabay punas sa aking mukha gamit ang naka handang tuwalya.
Lumabas na ako ng aking silid tumungo ako sa kusina at inabutan ko don ang kaibagan kong si Arlen o arnold bakla kase kasama ang aking lola at ang kababata kong si Jade.
Naka tira kami sa iisang bahay pamilya na ang turingan namin ni Arlen at Jade wala na din silang pamilya kagaya ko ulila na buti nalang nariyan si lola.
Actually lola ko naman talaga siya nanay siya ng mama ko, siya na ang nag palaki sa aming tatlo kaya't napaka laki ng utang na loob namin sa kanya malakas lakas pa siya noon kaya't marahil nakaya niya kaming palakihin sa mabuting paraan.
"Huyy kanina ka pa ba diyan almusal na" na pa balik ako sa ulirat ng mag salita si Jade kaya't nag lakad na ako palapit sa kanila "Magandang umaga sa inyo" naka ngiting aniko at humarap na sa hapag.
Nag mano muna ako kay lola bago tuluyang umupo "Wow dami nito ahh" puri ko sa mga pagkaing nakahain sa aming mesa " siyempre malaki raket ko ka gabi" pag mamayabang Jade "ohh siya kumain nakayo" sabat ni lola kumuha ako ng kanin at nag lagay ng itlog at tuyo sa aking plato.
"Tinitingin tingin mo" takang tanong ko kay Arlen "sumigaw ka kase kanina na bangungot ka na nan ba?" malumay na aniya " tss oo " tanging sagot ko
Matapos kumain ay umalis na muna si lola ewan kong saan pupunta lagi namn umaalis yun tuwing umaga.
Mag papakilala nga muna pala ang magandang si ako ohh walang kokontra ha baka gusto niyong mabatukan.
Ako nga pala si Alira Calista Chavez
19 yrs old hindi na ako naka pag tuloy sa pag aaral hanggang high school lang ang natapos ko hindi na kaya ng pera ehh walang trabaho sobrang hirap ng buhay sabay sabay kaming tatlo na tumigil sa pag-aaral gusto ko pa naman sanang mag aral nakakatawang isipin pero matanda na ang lola hindi na niya kami kayang pag aralin panahon na din siguro para bumawi kami sa lahat ng sakripisyo niya para sa amin.
Naka tira kami sa probinsiya ng Aurora sa baranggay dimanpudso simple lang naman buhay namin dito bale sa tabing ilog naka tirik bahay namin hindi naman ito kalakihan ngunit hindi rin naman sobrang liit kumbaga ehh sakto lang.
Pag tapos kong mag hugas na kinainan ay humarap na ako sa kaniala "Ohh ano raket ngayon" tanong ko wala kasi kaming permanenteng tabaho pa raket raket lang.
"Ehh yun ang problema wala" dismayadong ani Jade "Hayyss dun sa restaurant sa palengke nag hahanap daw ng taga hugas ng plato balita lang ng kaibigan ko gusto mo bang patusin" pag rerecomenda ni Arlen "magkano sahod malaki ba?" mabilis na tanong ko "350 isang araw libre kain" sagot niya
"Sige papatusin ko yan kaysa naman sa wala diba" aniko tumango tango naman sila "mag luluto muna akong pancit at puto para maka pag lako ako mamaya.
"ehh ikaw bakla san lakad mo" tanong ni Jade "edi don sa Bitong funeral and chapel mag me makeup ng patay sakalin kita ehh" aniya sabay irap at tuluyan ng tumalikod.
"Baklang yun maldita nag tanong lang ehh" ani Jade ahyyss bardagulan na namn to mamaya ganto naman sila lagi ehh "wala ka daw kaseng karapatan mag tanong" tawa sa kaniya sinamaan nitalang ako ng tingin
Bumalik ako sa kuwarto para maligo at ng mapuntahan yung restaurant na sinasabi ni Arlen na malapit sa palengke hiring daw sila ngayon.
Nang makapag bihis lumabas na ako ng bahay inabuta ko si Jade na nag luluto sa kahoy sa gilid ng bahay "una na ako Jade" hindi ko na hinintay ang sagot niya at tuluyan ng lumabas, nag lakad lang ako hanggang maka labas ng eskinita.
Pumunta ako sa sakayan ng tricycle ngunit walang naka parada kaya nag antay muna ako maya-maya ay may huminto na tricycle sa tapat ko may sakay itong matanadang babae na may kasamang bata apo niya siguro kaya't umangkas na lang ako kay manong driver "paleng ho manong" maikling aniko ng maka sakay na.
Inuna ng hinatid ang dalawang pasahero sa loob dito lang naman pala sila sa florida marahil ay galing pa sila ng baler, pag ka baba nila ay lumipat na ako sa loob.
"Magkano ho" tanong ko sa tricycle driver habang kinakalut kot ang bag na dala dala ko "kuwarenta lang ineng" ani ng drive nag abot naman ako ng sinkwenta pesos kaya't inantay ko ang sukli.
Nag lakad lakad ako hanggang sa mahanap ang restaurant na sinasabi ni Arnold este Arlen pala.
Marami ng nag sisikainan dito halata na talagang dinarayo ang kainan ha masarap siguro putahe nila dito dire diretso lang akong pumasok hanggang.. "ano po order niyo maam meron po kaming special tapsilog longsilog at..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng babae siguro ay waitress siya dito "hindi ho ako oorder nag hahanap po ako ng trabaho" aniko sa babae na nag pa tikom ng kanyang bibig.
"Hiring pa po ba kayo ngayon kahit taga hugas lang ng pinggan" mahiya-hiyang ani ko sa dalagang waitress sandali naman siyang napa isip.
"Ahh oo hiring pa nga kami kulang kase kami ng dishwasher halika kausapin mo yung manager namin" aniya at ngumiti pa sa akin 'mhhmm mukhang mabait ahh' aniko sa aking isipan at sumunod din naman agad sa kanya na nauna ng mag lakad.
Pumasok kami sa isang room may mga naka salubong pa kaming kapareho ng suot nitong babaeng kasama ko, maluwang dito may mga locker din na naka hilera siguro sa mga empleyado yan nag lakad lakad pa kami hanggang sa maka rating sa isang naka sarang kuwarto.
"Ikaw nalang ang pumasok nandiyan ang Manager namin...
A/N:Thanks for reading this chapter, follow me in wattpad for more chapter/s .
-Dark_dreamer