Nagmisking kumot ang dilim.
Natakluban parang lilim.
Ang nakikita ay itim.
Walang ilaw, parang silim.
***
Ang ilaw ay hinahanap.
Miski kahit isang kislap.
Pag-asa ay pinangarap.
Kadiliman ang natanggap.
***
Matagal na paghihintay.
Liyab sa puso'y namatay.
Nabago sa isang silay.
Isang kislap ang binigay.
***
Biyaya mula sa Diyos.
Iingatan nang maayos.
Upang dilim ay matapos.
Kalungkuta'y makaraos.