webnovel

Chapter 8

Maagang gumising si Lexi. Mainit ang ulo ng amo niya kagabi kaya kailangan maaga siya para hindi siya mapagalitan. Maagang umaalis ng bahay ang tatay niya para makapagbukas ng maaga sa palengke. Ang nanay naman niya ay nagluluto muna bago buksan ang tindahan nila sa bahay.

Nabanggit na niya kagabi na tanggap na siya sa trabaho, ang kaso lang ay hindi bilang Medtech kundi bilang Secretary pero natuwa ang nanay niya ng malaman na si Rhian ang magiging kasama niya. Naging malapit si Rhian sa kanyang ina. Tinuring nitong bunsong anak ang dalaga. Ngunit nag-alala ang kanyang magulang ng malaman si Jake ang magiging boss niya.

Open siya sa kanyang mga magulang. Dahil iisa nga lang siyang anak, lahat ng kwento sa buhay niya ay alam nila at isa na nga doon si Jake.

"Ok ka lang ba talaga anak na siya ang boss mo?" Tanong ng kanyang ama. "Tay, ok lang. Nandoon naman si Rhian saka matagal na nangyari yun." Sagot ni Rhian habang kumakain sila ng hapuna. "Matagal na ngang nangyari pero nandyan pa din ang sakit." Sabi ng kanyang ina na nakaturo sa dibdib niya. Ngumiti si Lexi. "Hugot si Nanay ah." Sabi niya na ikinatawa ng kanyang ama't ina. "Ikaw talagang bata ka." Nakatawang sabi ng kanyang ina.

Nang nakahiga na siya sa kanyang kama ay napabuntong hininga si Lexi. "Kaya ko ba talaga? Paano kung hindi? Ha'ay..." Kausap niya sa sarili. "Lexi! Aja! Kaya mo yan! Lalaki lang siya!" Pagpapalakas ng loob niya sa sarili.

"Nay, alis na po ako." Paalam niya sa ina. "Oh, hindi ka na kakain?" Tanong ni Tessie. "Hindi na Nay, may usapan kami ni Rhian na sabay kami mag breakfast." Sagot ni Lexi. "Sabihin mo nga kay Rhian na dalawin naman ako. Miss na miss ko na kamo siya." Bilin ni Tessie. "Sure Nay, sabihin ko sa kanya maya." Sagot ni Lexi at humalik na sa ina at sumakay na sa kanyang kotse.

Tumunog ang phone niya nang nakapasok na siya sa parking ng hospital. "Saan ka na? Nagugutom na ko." Tanong ni Rhian. "Nandito na ko sa baba. Magpark lang ako." Sagot ni Lexi. "Ok, bye!" Sabi ni Rhian

Pagbukas ni Lexi ng pinto ay halos sabay ng pagbukas din ng pinto ng katabi niyang kotse. Nang tumingin siya ay nakangiti sa kanya si Shane at pinauna siyang makababa.

"Thank you Doc." Nakangiting sabi ni Lexi. "Welcome. Good morning." Sabi naman ni Shane. "Morning din po." Sagot ni Lexi. "First day mo today di ba?" Tanong ni Shane. Tumango si Lexi. "Welcome and Good Luck." Sabi ni Shane. "Thank you po." Sagot ni Lexi. "Sobrang galang mo naman. Pwedeng wala ng po. Di di pa naman ako ganoon katanda." Sabi ni Shane. "Ok po." Sabi ni Lexi at nagkatawana sila. "Ok Doc." Sabi ni Lexi. "That's better." Sagot naman ni Shane. "Tara, pasok na tayo." Patuloy ni Shane at sabay silang naglakad papasok sa ospital.

Hindi alam ng dalawa na sa fourth floor ay mayroon dalawang naniningkit na mata na nakatingin sa kanila. "Dre, ang aga niyan ha?" Nakangising sabi ni Anthony. "Hindi niya ba alam na late na siya? Inuna pa talagang makipag-usap sa doktor na yun kesa magpakita sa akin!" Inis na sabi ni Jake. "Dre, ang aga pa. Hindi siya late. Remember 8-5 ang pasok niya. It's only pass 7 am." Sabi ni Anthony. Natahimik si Jake. Iiling-iling naman si Anthony. "Tara na sa canteen. Kumukulo na tiyan ko." Sabi ni Anthony at nauna ng lumabas sa opisina ni Jake. Sumunod naman sa kanya ang binata dahil nagugutom na din siya.

Ang balak sana niya ay ayain muna si Lexi mag breakfast sa canteen kaya hindi siya nagpaluto kay Nanay Marie. Pero ng makita ang eksena kanina ay nauna na ang inis niya.

"Ang tagal mo naman!" Sabi ni Rhian na nakaupo na sa isang mesa sa canteen. Dahil maaga pa, kakaunti pa lang ang kumakain. "Nakasabay ko kasi si Dr. Shane sa parking kaya medyo natagalan ako." Sagot ni Lexi na ikinataas ng kilay ni Rhian. "At bakit naman kayo natagalan?" Makahulugang tanong ni Rhian. Natawa si Lexi. "Wala po Ma'am, welcome at good luck lang ang sinabi niya." Sagot ni Lexi. "Lagot ka kay kuya!" Sabi ni Rhian. "At bakit? Wala naman akong ginagawa ah." Sagot ni Lexi.

Biglang kumaway si Rhian at pagtingin ni Lexi sa gawi ng entrance ng canteen ay nakita niya ang papasok na si Anthony kasunod si Jake. Nagtaka si Lexi ng makita ang itsura ni Jake. Nakasimangot at kunot ang noo pero hindi pa din nabawasan ang kagwapuhan.

"Morning!" Bati ni Anthony. "Mukhang maganda gising mo ah." Sabi naman ni Rhian. Tumingin si Rhian sa kuya niya. "Aga naman niyan kuya!" Sabi ni Rhian ng makita na nakasimangot ito at alam niya na bad mood na naman ito. "Menopausal stage mo na ba kuya? Kagabi pa mainit ulo mo ah." Sabi ni Rhian. Nakayuko naman si Lexi kaya hindi niya nakita na tumingin sa kanya si Jake.

"Secretary Del Rosario." Sabi ni Jake na kinakunot ng noo ni Anthony at Rhian. Tinaas naman ni Lexi ang ulo at tumingin kay Jake. "Yes, Sir?" Sagot ni Lexi na lalong kinainis ni Jake. "Starting tomorrow, you should be here at exactly 7 am. Deretso agad sa opisina ko. Wala ka ng ibang dadaanan. Is that clear?" Seryosong sabi ni Jake. "Pero kuya..." Hindi natapos ni Rhian ang sasabihin dahil tiningnan siya ng kanyang kuya ng may pagbabanta. "Is that clear, Secretary del Rosario?" Muling tanong ni Jake. "Yes, Sir!" Sagot ni Lexi. Yoon lang ang hinintay ni Jake at umalis na siya.

"Ano bang problema ni kuya ha?" Tanong ni Rhian kay Anthony. Nagkibit balikat lang ang binata at tumayo na para mag-order ng pagkain. Hinarap ni Rhian ang kaibigan. "Pasensya ka na kay kuya. Dati naman hindi siya ganyan. Umiinit ang ulo niya pero alam namin ang dahilan pero ngayon kakaiba talaga siya." Sabi ni Rhian. "Ok lang, madami siguro siyang iniisip." Sagot ni Lexi. "Tara, kain na tayo para makapunta ka na sa opisina." Aya ni Rhian at tumayo na. Sumunod naman sa kanya si Lexi.

Habang umuorder si Anthony ng pagkain ay nakatanggap siya ng text. "Dre, pabili naman ako ng breakfast." Text sa kanya ni Jake. Natawa siya. "Ang arte mo kasi." Sabi niya sa sarili.

"Mauna na ko sa inyo, doon na kami kakain sa opisina. Take your time Lexi. Huwag mong intindihin OIC natin. Nasa menopausal stage nga siguro kaya ang sungit." Nakatawang sabi ni Anthony. "Naku, Anthony, sabihan mo yang kaibigan mo. Paghindi siya nagpakabait kay Lexi, susumbong ko siya kila Daddy at Mommy at alam ninyo na ako kakampihan ng mga iyon." Banta ni Rhian. "Opo, VP." Nakangising sabi ni Anthony saka deretso ng lumabas.

"Sabi nga pala ni Nanay dalawin mo naman daw siya at miss na miss na niya ang kanyang bunso." Nakangiting sabi ni Lexi. "Sige, sige. Sa Sunday doon ako maglunch para matikman ko na ulit luto ni Nanay." Excited na sabi ni Rhian. "Kamusta na pala sila Tito at Tita?" Tanong ni Lexi.

Naging malapit din si Lexi sa mga magulang nila Rhian at Jake. Sa tuwing may occasion kila Rhian ay lagi niyang bisita si Lexi. Pero sa mga occasions na iyon ay iba-iba din ang kasama ni Jake. Kaya halos sa kwarto lang ni Rhian sila nagstay para hindi makita ni Lexi si Jake at ang kasama nito. Nagtataka man ang ina ni Rhian ay hindi na siya nagtanong. Dinadalan na lamang niya ng pagkain ang dalawang bata sa kwarto.

"Ok naman sila. Pagkatapos ibigay kay kuya ang pamamahala sa ospital ay ayun nagbuhay binata at dalaga na. Pero matutuwa si Mommy pagnalaman niya na dito ka na magwork." Sabi ni Rhian. Ngumiti si Lexi. Nang matapos nila ang pagkain ay lumabas na sila ng canteen. Hinatid ni Rhian si Lexi sa opisina ni Jake.

"Parang kailangan din kitang sabihan ng good luck ah." Nakangiting sabi ni Rhian. "Sira! Tinatakot mo naman ako eh." Nakangiti din sabi ni Lexi. "Babye na, mamaya na lang ulit lunch." Sabi ni Rhian at naglakad na papuntang opisina nito na nasa HR department.

Bago pumasok si Lexi sa loob ay bumuntong hininga muna siya. "Kaya ko to!" Sabi niya saka binuksan ang pinto. Inabutan niya na nagkakape na lang si Jake at Anthony.

"Oh, nandito na si Lexi so babatse na ko at baka makaistorbo pa ako sa inyo dalawa." Nakangising sabi ni Anthony. Gustong hilahin pabalik ni Lexi si Anthony pero nakalabas na ito ng pinto.

"Maupo ka." Sabi ni Jake. Umupo naman si Lexi sa sopa. Si Jake ay tumayo naman mula sa upuan niya. Ang opisina ni Jake ay simple lang. Mayroon lang dalawang sopang magkaharap at may lamesa sa gitna nito. Sa pader naman ay may dalawang cabinet ng mga libro. At ang lamesa at upuan niya ay nakalagay naman malapit sa bintana.

"Sa ngayon ay dito ka muna sa lamesa ko magtrabaho. Pinapagawa ko pa kasi ang magiging table mo." Sabi ni Jake at umupo sa tabi niya. Nailang naman si Lexi at umusod siya ng konti. Naramdaman ni Jake ang kilos na iyon ni Lexi at napabuntong hininga siya.

"Pasensya ka na kagabi at kanina. Madami lang akong inisip kaya mainit ang ulo ko." Pagsisinungaling ni Jake. Ang gusto sana niyang sabihin ay, "Nagseselos ako!". "Naiintindihan ko po, Sir." Magalang na sabi ni Lexi. Bumuntong hininga ulit si Jake. "Call me Jake, Lex." Sabi ng binata. Nang madinig ni Lexi ang nickname na si Jake lang ang tumatawag sa kanya ay namula siya. "Pero, Sir..." hindi natapos ni Lexi ang salita dahil lumapit sa kanya si Jake na ikinagulat niya kaya napaatras siya at napasandal sa sopa.

Halos malapit na malapit ang mukha nila sa isa't isa. Lalong namula si Lexi at hindi makatingin sa mata ng binata. Ngumiti naman si Jake. "Isa pang tawag ng Sir, hahalikan na kita." Sabi ni Jake at napatingin sa kanya si Lexi. Nagtama ang mga mata nila. Bumilis ang tibok ng mga puso nila. Pero naghiwalay agad sila ng madinig ang "ehem" ni Rhian.