webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
303 Chs

Chapter 6: Attention please

Nakaalis na ang mga nagkagulo kanina sa tapat ng Section 1-B. Dumating na ang sumunod naming guro. Lalaki. Payat ito at may suot na salamin. Sinuyod ko ulit ng tingin ang naksaulat sa likod ng notebook ko. 9:15-10:00am. P.E subject. Para akong nanlumo sa binasa. Ayoko pang lumabas ngayon. Di ko pa nalulunok yung nangyari sakin kanina. AYOKO NA!. UWI NALANG AKO!

"Ehem!. Good morning class.. My name is Peter Tan.." malalim ang kanyang boses habang sinusulat ng mabilis sa green board ang kanyang pangalan. Matapos magsulat. Humarap sya samin. Sakin pala. Nasa gilid ako ng row one. Katabi ng wall. Taas ng ceiling fan na umiikot. At eksaktong tumama sakin ang kanyang mga mata. Gosh!. Nag-init agad ang pisngi ko. Napayuko ako ng bahagya dahil sa hiya. Nahihiya talaga akong makipagtitigan sa mga tao. Ayoko ng ganun.. Tumatayo balahibo ko.

"Introduce yourself first. Bukas nalang tayo lumabas.." naglakad ito patungo sa gilid. Malapit sa may kabinet na lalagyan ng mga libro. Saka nag-umpisa na ring magpakilala ang lahat. Nakakasawa. Paulit ulit. Hanggang matapos ang araw. Ganun pa rin ang ginawa namin.

Palabas na sana ako ng room ng pigilan ako ni Joyce.

"Maglalakad ka ba o sasakay?." humawak pa sya sa balikat ko. Tinignan ko ang kamay nyang nakasampay sa aking balikat. Ngumiti sya at nagkibit balikat sa pagtanggal ng kanyang kamay. Nahiya bigla. Joke ko lang naman yun e. Hay naku Joyce!

"Pasakay ako ah.. hehe.." anya. Di na hinintay pa ako kung papayag ba ako o hinde. Or ang dapat kong sabihin ay kung papayag nga ba ang driver ko. Masungit pa naman.

Sasakay?. E ang lapit lang ng bahay nya. Tsk!. Ano bang nangyayari sa'yo Joyce?

"Ikaw bahala." sagot ko nalang.

"Talaga?.." napatalon pa sya sa saya.

Eh?. Why is she so happy? That's so weird huh?

"Kung may space pa." biro ko.

"Ano!?." bagsak ang kanyang mga balikat.

Hindi naman sa ayoko syang sumabay samin. Ang lapit lang kaya ng bahay nila dito sa St. Mary School. Mga benteng hakbang lang bahay na nila. Anong nakain nya at sasakay pa?. Tsk. Baliw rin minsan.

"Sige na Bamby.. please.." pagmamakaawa nya.

Nasa labas na kami ng room dahil ilolock na ng may hawak ng susi ang room. Hinabol pa rin nya ako. Desididong makisabay sakin. Bakit kaya?.

Hay!.. Bahala sya.

"Sasabay na ako ha.." patalikod pa itong maglakad. Paatras. Nakaharap sakin. With hands on her sling bag. With a sweet smile.

Tsk. Whatever!.

"Bamby, let's go!.." tawag sakin ni Kuya Lance ng nasa gym na kami. As usual, kasama ang kanyang barkada.

Pagkalapit ko sa kanila. Kinuha nya agad ang bag ko tsaka libro na isa. Ang sweet nya diba?. Dapat lang!. Dahil kung hinde. Aba!. Wala syang sasakyan na idridrive. Hihi..

"Joyce tara na!.." tawag ko dito sa malayo dahil nakatayo lang sya duon. Nakatitig samin. I mean, kay kuya pala?.

Umiling sya. "Joke lang te. Ano ka ba?. Sige na. Bukas nalang ulit. Bye.." mabilis pa sa tubig ng gripo sya lumabas ng gate. Nagtawanan pa ang grupo ng barkada ni kuya dahil muntik pa syang madapa sa bakal na gate na pang isang tao lang.

Nagtataka kong tinitigan ang kinatatayuan nya kanina. Kanina. Desidido syang sumabay. Bakit noong makita nya si Kuya biglang nagbago isip nya?. Wait! May di ba ako alam sa kanya?.

Duon ko lang rin naisip na tignan si kuya. Nasa may gate pa rin ang paningin nya. Nakangisi na para bang tawang tawa sya pero pilit nya lang tinatago ito.

What the hell! Ano itong naiisip ko?. Kaibigan ko at kuya ko?. Ehhh?. That's really impossible!! No way!

Hay Joyce!. Bakit dyan ka pa kasi dumaan?. E open naman yung malaking gate. Tsk. Tsk. Wala ka pa ring ipinagbago.. Kagaya ng puso kong tinitibok pa rin ang isang tao. Na kahit nasa malayo. Sya pa rin ang hinahanap nito.

Sigh!.

Kailan nya kaya ako mapapansin?.