webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
303 Chs

Chapter 19: Who the hell!

Tahimik ang bawat pagtapak ng paa ko sa sahig ng hagdanan. Ayaw gumawa ng anumang ingay. Dahil itong puso ko, nagwawala. Naghuhumiranda sa kaba. Nagsasaya sa excitement na kakausapin ko sya.

Magsasaya ang lahat. Lihim kong kanta. What the fuck Jaden!!!..

"Dilan, I want to talk to her.." Ito ang bumungad samin pagkababa namin papuntang kusina nila.

"Then call her.." inis na bulyaw ni Lance sa kausap nyang Dilan ang pangalan.

Iminuwestra ni tita sakin ang upuan. Dahan dahan naman akong umupo dahil ayokong makaistorbo sa usapan nina Lance.

Kita kong umikot si Lance sa pagitan ng counter table nila sa lugar ng depenser. Kumuha ng baso. Nagsalin ng tubig saka uminim ng kaunti. Hawak pa rin ang cellphone sa kanang kamay na nakadikit naman sa kanan ding tainga.

"Ang daming arte ng taong to.." inis pa nitong reklamo sa kausap.

"Kausapin mo kasi ng matino nak. Ang high blood mo masyado eh.." si tita na naghahanda nang magluto.

Ngumuso lamang ito sa ina.

"Where is she?. Go find her.." malumanay na nyang utos.

Nagpakawala ako ng napakahinang buntong hininga. This is damn awkward. Hindi sana muna ako bumaba. Nakakailang ang makinig sa ganitong usapan.

"I want you to take her home at exactly 12 am. Dilan. Understood?.." umiiling si tita sa kaistriktuhan ng anak. Ako, kung saan saan na dumadapo ang mata. Ayaw salubungin ang mapanuring mata ni Lance.

"No more extensions.." iling nya pa. Naglakad at naupo sa tabi ko. Tinuko ang siko na may hawak na cellphone. Ang isa naman ay pinahinga sa itaas din ng mesa.

"No after party too. Got that?.." Ang higpit pa rin nya. Akala ko sakin lang sya mahigpit. Pati pala sa iba. Kung hindi ko lang talaga sya kaibigan. Matatakot akong lapitan sya dahil sa seryoso nyang mukha. Ewan ko nga kung paano ko sya naging kaibigan eh.

"No more buts Dilan." Yun lang at binaba na nya ang tawag. Huminga ng napakalalim. Mukhang nahirapana sa pinag-usapan nila.

Naglapag si tita ng mga plato sa mesa. Kaya tumulong na rin ako. Noong una, ayaw nya pa ang pagtulong ko. Pero kalaunan. Pumayag na rin sya.

"Anong sabi Lance?." tanong nya sa anak na nakapangalumbaba. Malalim ang iniisip. O may problema.

"May after party daw sila sa bahay nila Dilan Ma. Eh kilala mo naman mga kaibigan nun.."

"Hmm. e anong sabi nung hindi mo pinayagan.."

"Bumuntong hininga tapos pumayag rin. Aba dapat lang. Pinagkatiwalaan ko sya. Tapos sisisrain nya lang. No way in hell. Mabubugbog ko mukha nya pag di ako sinunod.." halakhak ni kuya Mark ang bumalot sa amin. Tinapik ang balikat ng kapatid bago binati ang ina.

"Chill bro. what's up on you?. hahaha.." uminom sya ng tubig bago umupo sa harapan ng kapatid.

Hindi sya sinagot ni Lance. Badtrip.

"Ma, anong nangyari dito?." sa ina na sya bumaling. Sumandal si Lance kasabay ng kanyang malakas na hininga.

Ako naman. Mukhang tanga na dito. Pinipigilang huminga. Badtrip!.

"Tumawag si Dilan. Kinausap ng kapatid mo. Alam mo na. Pinagbawalan." si tita na tinataasan lang ng kilay ang nakabusangot na anak.

"Ahahahaha.. what's new Lance?.."

"Anong nakakatawa kuya?. Baka kung anong gawin nya kay Bamby.." galit nyang suway sa kapatid.

"Hindi nya magagawa yun brother. Relax okay?.."

"How will you be so sure?. We're not even there to watch on them. We don't see them..."

"We are not there Lance but we have contacts too. So chill.." uminom muli ng tubig si Kuya Mark. Hindi na rin nagsalita si Lance. Nakuntento sa sinabi ng kapatid.

"Bat di nalang kasi sumama satin eh." bulong ulit ni Lance matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Uuwi rin naman sila after grad nya. Ano ka ba Lance. Daig mo pa boyfriend nya.. hahaha.." tawa ni kuya Mark.

"Kailan pa?. tsk. Eh kung sunduin ko nalang?.." pilit pa niyo. Nag-aalala.

Anong pinag-aalala ni Lance?. Hindi ba safe si Bamby duon?. Bakit iniwan nila sya?. Sus naman!. Baka mapano.

"Magtigil ka nga dyan Lance Eugenio. Mukha ka ng praning. Nakalimutan mo bang kasama nya Papa nya dun?. Tulungan mo na nga lang ako dito. Kung anu anong iniisip mo..." pinagalitan sya ni tita na tinawanan lang din ng kapatid. Padabog na tunayo si Lance at tumulong kay tita na magluto.

"Kaya di nagkakaboyfriend si Bamby eh. tsk. tsk.." naglaro ang mga kilay sakin ni Kuya Mark. Hindi ko alam kung bakit.

"Ikaw Jaden?.."

"Huh?..." bangag kong sagot. Abnormal ka Jaden. Makinig ka nga.

"May girlfriend ka na ba?.."

"Wala pa.." lintek!. Nautal pa ang dila.

"Wala pa?. Ibig sabihin, may nililigawan?.." tukso nito sakin.

Agaran ang pag-iling ko. "I mean. Wala. Wala akong girlfriend o nililigawan.." paliwanag ko. Para malinaw na stick to one lang ako. Ehem!. Loyal sa kapatid nya. Naman!. Tangina!.

"Bakit?. Imposible. Sa gwapo mong lalaki, wala?." si tita ang nagtanong.

"Wala po talaga tita.." damn!. Sana kainn nalang ako ng lupa dito. O di kaya, bumaba na yung mga ugok na nasa taas para saluhin ako.

"Walang nililigawan at girlfriend. Di kaya, may hinihintay kang bumalik?.." si Lance to na naglagay ng dagdag na placemats. Tinignan pa ako ng mabuti. Binabasa ang magiging reaksyon ko.

Sapilitan kong nilunok ang bagay na hindi dapat lunukin. Ang sobrang kaba. Kumuyom ang palad ko sa ilalim ng mesa. Nagpapawis ito dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

"Sana lang matanggap mo ang makikita mo pagbalik nya. tsk.." iling sakin ni Lance na sinuway agad ng mag-ina.

Parang nasaksak ng ilang ulit ang ang puso ko sa sinabi nya. Ang sakit. Anong ibig nyang sabihin? Tinatakot nya ba ako? Binabantaan?. Ano?. Pakiexplain naman. Hindi ko kasi nagets eh.

Enjoy!. ?

Chixemocreators' thoughts