webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

World

Four o'clock pa lang ay nagising na agad siya dahil sa tunog ng kaniyang alarm. Maaga siya gumising para hindi malate sa first day niya. At isa pa hindi niya ugali ang malate sa klase, depende na lang kung may importante siyang pupuntahan o gagawin.

Napabuntong hininga na lang siya. Sa totoo lang kinakabahan talaga siya ngayon, normal naman sa mga students ang kabahan lalo na kapag balik ekswela. Pero masaya pa din siya dahil kaklase niya pa rin ang mga kaibigan niya, except kay Kat na taga ateneo. Silang apat kasi ay pare parehas ng kinuhang kurso. Hindi niya napigilan mapangiti sa sarili dahil parang goals silang magkakaibigan, lahat sila ay dean's lister. And she's very proud of herself and of course to her friends. Ang pangarap ng mga kaibigan niya ay pangarap niya din.

Tumayo na siya at pumunta sa kitchen. Nagtimpla ng ice coffee at nagluluto ng breakfast. Bata pa lang talaga siya natuto na siyang magluto, lagi niya kasing pinapanood magluto ang nag-aalaga sa kaniya dati, si manang linda. Nanay talaga ang tawag niya dito dahil lahat sila ay pamilya na ang turing dito. Pero dahil sa katandaan ay binawain na din ito ng buhay. Isa siya sa mga taong pinakanasaktan, mula bata hanggang sa magdalaga siya ay ito na ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa kaniya.

I really miss nanay linda, isa ito sa mga taong humahanga sa kaniya. And she promised to her na kapag naging doctor na siya, siya ang maggagamot dito. Pero hindi ito umabot, nanay linda is one of her inspiration to achieve her dreams. Hindi man niya nagawang gamutin ang nag-alaga sa kaniya, siya naman ang tutulong sa pamilya nito. Napangiti siya ng maalala ang dalawang apo nito, si Kevin at Kimmy, ang cute ng dalawang batang yon. Makulit pero napakamasunurin. Kaya hindi sila nagdalawang isip ng kaniyang ama na tulungan ito sa pag-aaral.

Napangiti na lang siya. Kahit ang daddy niya ay malapit din sa matanda, malaki ang utang na loob nila dito sa pag-aalalaga sa kaniya. And she will never forget her.

Pinagpatuloy niya na lang ang pagkain at inubos ito. Hinugasan niya ang pinagkainan at pumunta na sa kwarto para ligpitin ang pinaghigaan. Ugali kasi niya ang mag-ayos o maglinis muna bago maligo at ayusin ang sarili. After non ay hinanda niya ang susuotin niya at dumeretso na sa cr para maligo.

Hindi niya mapigilang maexcite ngayong araw, konti pa lang naman ang ipapagawa ng mga prof niya ngayon, kaya medyo chill muna siya.

Ginamit niya ang favorite body wash niya, ito ang ginagamit niya kapag may importanteng pupuntahan. Pero ngayon mukhang araw araw niya na itong gagamitin dahil pasukan. Dalawa ang body wash niya sa banyo, ang isa ay ang ginagamit niya talaga. Weird right? pero iba kasi ang amoy ng ginagamit niya ngayon, makapit ito at parang may natural scent talaga, at isa pa sobrang soft ng skin ko dito, hindi katulad ng isa na hindi masyadong maamoy.

Hindi niya minadali ang paliligo dahil maaga pa naman. fifty minutes lang ang tagal ng byahe papunta sa paaralan niya. Habang nagbabad sa shower ay hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kagabi. She kissed him. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at ginawa niya 'yon, mukha nacarried away siya. Halata naman sa mukha ng lalaki ang pagkagulat sa ginawa niya, kaya agad agad siyang pumasok sa condo niya, kahit alam niyang may sasabihin pa ito.

Siguro masaya lang talaga siya kaya niya nagawa yon. Pero mali pa rin yon. Walang sa sarili nahampas niya ang pader dahil sa kahihiyan. Hindi niya alam kung kailan ulit sila magkikita ng binata o may maihaharap pa ba siya pagkatapos ng nangyari.

Natuwa talaga siya sa tita nito, masyadong makulit at madaldal mukhang magkakasundo sila. Naalala niya na naman ang pagpingot nito kay Ethan, inakala talagang sila na. Nagplay na naman sa utak niya ang asar na mukha nito, habang tinatawanan niya, he's so cute kapag naaasar ang expression nito.

Sobrang naenjoy niya talaga ang mga pagkain kagabi, bukod sa masarap, ay mga paborito niyang seafood ang inorder nito at parehas pa nilang gusto ang buttered shrimp. Napangiti siya ng maalala ang ilang beses na pag-order nito ng buttered shrimp para sa kanilang dalawa. Sinaway niya na ito pero hindi din siya makatanggi dahil masarap talaga ang luto nila. Hindi na siya magtataka kung bakit sikat at malago ang negosyo ng mga ito. They can really handle their own business, that's the most important thing when you have your own, it means you really love your passion. And because of that she really admire his family. She can see how successful they are.

Nakangiti siyang nag-aayos pagkatapos maligo. Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang isipin ang mga masasayang ala ala nila ni Ethan sa maikling panahon. Mukhang maganda ang mood niya ngayon.

Naglagay siya ng simple make up lang, nangangati kasi siya masyado kapag makapal ang nilagay niya. Hinayaan niya ding nakalugay ang wavy long hair niya. She's wearing a white cropped top shirt, black and white checkered pants, denim jacket, pair of black boots and black small back pack. Dinala niya na lang isang bag kung nasaan ang mga gamit na kailangan sa school, dahil hindi naman siya sanay magdala ng malaking bag.

5:30 ng umaga siya umalis ng condo. Nagdrive thru muna siya sa isang sikat na coffee shop at umorder ng banana bread. Nagcrave kasi bigla siya dito kaya biglaan din ang pagbili niya.

6:35 siya nakarating sa school niya at konti pa lang ang mga nagsisipasukan. Masyado pa kasing maaga ngayon, seven thirty pa kasi ang simula ng klase at for sure hindi exact time magsisimula ito. May mga ilang bumati sa kaniya ang iba dito ay hindi niya matandaan, ang iba naman ay close friends niya rin.

Pagkarating sa room ay may limang students na doon, and good thing kakilala niya ang mga ito. She don't hesitate to greet and smiled at them.

"Goodmorning" kumaway pa siya sa mga ito at ganon din naman ito sa kaniya. May dalawa pang yumakap sa kaniya. Umupo na siya sa tabi ng may bag. Walang nakaupo dito pero kilala niya kung sino ang may ari nito.

Pagbukas ng pinto ay napalingon agad at napangiti siya. Kahit kailan talaga ang aga din pumasok ng isang to.

"Hey sweetie, goodmorning! did you eat na?" bumeso pa sa kaniya ito at umupo na din. One week din silang di nagkita at ang laki ng pinagbago ng itsura nito.

"Goodmorning Joana! yeah, kumain na ko" pinakita niya dito ang supot ng banana bread. "You want?" tumango naman ito at kumuha.

"Thanks babe! actually nagcoffee lang ako wala kasi akong gana kanina, pero nakakainis talaga bigla akong nagutom kung kailan nasa school na ko. Nakakatamd na kaya lumabas!" natawa naman siya dito ang aga aga magreklamo.

"Don't worry may pagkain ka na oh! init ng ulo mo dzai" pinalo naman siya nito at natawa. "And by the way you should eat before you leave" tumango naman ito.

"Why did you cut your hair?" nakataas na kilay niyang tanong.

"Wala lang trip ko lang. Bagay ba?" sinuklay pa nito ang gitnang bahagi ng buhok nito. Mas gumanda ito dahil don, lalo na't maliit lang ang mukha nito.

"Yes of course you're so stunning!" pumalakpak pa ito dahil bagay talaga sa kaibigan niya ang hanggang balikat na buhok. "But seriously? natripan mo lang talaga?"

Hindi kasi ito basta naggugupit ng buhok, inaalagaan kasi nito mabuti yon, silang dalawa mismo ng mommy nito ang naggugupit, kaya ganon na lang ang pagtataka niya.

Tumango ito at ngumiti "Yeah I want to try something new, nakakasawa din ang puro long hair noh!"

"Sabagay samahan mo ko mamaya? papagupit din ako" Gusto ko din itry. Hindi dahil sa nainggit ako, sa buong buhay ko hindi pa ko naggugupit ng maiksi, pinapatrim niya lang ito dahil pinapanatili niya ang pagiging mahaba nito.

"Sure! oh my g girl! I'm so excited!" she chuckled a bit, mas excited pa ito kaysa sa kaniya.

Maya maya ay narinig nila ang pagkalakas lakas na boses ng isa pa nilang kaibigan na bumabati ng goodmorning sa students.

"Maganda ata gising ng bruha, hula ko daming chika niyan" nag-apir naman sila dahil alam nilang ganon talaga ang kaibigan nila. Ilang days din sila hindi nagkita kita kaya siguradong madami itong kwento mamaya.

"Hello goodmorning world!" natawa naman sila at kumaway dito.

"Ingay mo gaga ka!" hinila pa ni Joana ang buhok ni Mishy.

"Arat ko teh ha? mashaket yon."

At hindi nga sila nagkakamali napakarami nito kwento at puro about sa boys. Wala naman silang masabi kaya nakikinig na lang sila at nakikikilig na din.

_____________________________