webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

Through Night and Day

Pagkauwi ay agad akong naghanda ng damit pang tulog. Ngayon kami mag-oovernight kela Kat dahil nag-aya iya kanina nung nasa Starbucks kami.

Nilagay ko sa bag ko ang pink pajamas ko na susuotin sa pagtulog mamaya. Hindi na ko nagpalit ng damit dahil naghihintay sila Kat sa sala.

Pagkalabas ko ay agad kong nakita na nagdudukot sila ng pagkain sa kitchen.

"Nats pwede pahingi?" nakangiting pagpapaalam ni Mishy. Hawak hawak nito ang gummy bears niya na nasa ref. "Please ate natasha" nagpout pa ang bruha.

"Okay fine, kala mo naman may choice ako" tinarayan ko na lang siya at tumawa ng mahina, kahit kailan talaga may pagkaisip bata ang isang to minsan.

"Thanks! love you" tumabakbo ito papunta sa kaniya at yumakap.

"Hoy Miguel Aze bakit si Nats may hug? kami wala?" kunot noong tanong ni Joana.

"Gaga! binigay niya sakin gummy bears eh" bumelat pa ito at umalis na ng kitchen.

"Kahit kailan talaga may favoritism yon" umiiling iling pa ito habang sinasabi yon.

"Ito naman alam mo namang parehas kami ng favorite ehh" niyakap niya ito at binatukan, dahilan para matawa sila.

Habang nagkukwentuhan sila ni Joana ay nagtatawanan naman si Kat at Mishy sa sala.

Sabay sabay silang napatingin sa pintuan nang may mag doorbell dito.

"Ako na" prisinta ni Mishy.

"Hindi na, ako na baka si Dad yan."

Pumunta na si Natasha sa pintuan at laking gulat niya na hindi tatay niya ang bumungad. Naisip niya naman na hindi nga pala nagsabi ang daddy niya na pupunta ito sa condo niya.

"Hey Maze, aalis ka?" bungad sa kanya ni Ethan.

"Uy hi, oo eh kasama ko sila Joana mag-oovernight kami kela Kat. Why?" kumaway siya dito at ngumiti.

"Uhm wala naman I just want to give this to you" inabot nito ang paper bag na may mga chocolates. "Umuwi yung cousin ko from Australia kaya I decided to give you some of this" ngumiti ulit ito sa kaniya.

Kinuha niya ito tinignan nakita niya ang tobleron, ferrero rocher, kisses and hershey's. Madami dami din ito kaya napangiti siya. She loves sweet foods.

"Thank you! actually mahilig ako sa chocolate, so thank you talaga! Tell your cousin na thank you so much for giving this chocolates." I sweetly smiled at him at ganon din naman siya. At ginulo niya na naman ang buhok ko.

"You're always welcome Maze. And yeah i will tell him" he smiled.

"So alis na ko ah? Ingat kayo. Kumain ka." Kumaway na siya sakin at akmang aalis na biglang tinawag ko siya.

"Hey Ethan" I called him.

"Yes?" tumingin ulit siya sakin.

"Thank you again and kumain ka din ah? sige na bye" kumaway na ko sa kaniya at ngumiti ganon din siya at umalis na.

"Yiee may chocolate si friend" tumawa naman ang dalawa sa sinabi ni Mishy.

Tinarayan niya lang ito at ngumiti nung nakatalikod na siya. Masaya siya ngayon dahil madagdagan ang sweet foods niya sa ref.

"Hoy ano na? tara na!" sigaw sa kanila ni Kat.

Pagkarating sa parking lot ay agad silang sumakay sa sarili sariling sasakyan. Una nilang pinuntahan ang bahay nila Joana, hinintay na lang nila ito dahil hindi sila papalabasin ng mommy niya. Sumunod naman ay kay Mishy, mabilis niya lang nakuha ang gamit niya dahil siya lang mag-isa ngayon.

Nang makuha na ang mga kailangan nilang magkakaibigan, they decided to buy some food sa pinakamalapit na store. Masyado kasing healthy ang pagkain sa bahay nila Katrina, because of her work as a model kailangan niyang imaintain ang magandang katawan.

"Namiss ko mamili at kumain ng mga junk foods!" masayang sabi ni Kat, natawa na lang kami sa kaniya. Halata naman dito na excited siya dahil madami na itong nakuha na pagkain.

Lahat talaga kami nagiging isip bata kapag nakukuha favorite foods namin.

Pagkarating sa mansion nila Katrina ay agad kami pinapasok ng mga guards. Kaya sila may guards sa bahay para safe dahil actor at actress ang parents niya. Pero imbes na maging artista ay mas pinili niya na lang maging model. Mas nasestress daw kasi siya kapag naging artista pa. Sabi naman ng iba na pwede niya namang pagsabayin yon pero ayaw niya bitawan ang pag-aaral.

Madalas lang nandito ang parents niya dahil sa mga movie projects na ginagawa mga ito. Minsan sa ibang bansa pa, kaya laging mag-isa ang kaibigan nila. Pero wala naman daw itong problema sa kaniya, susuportahan na lang daw niya ang mga parents niya instead of being sad.

Dumeretso muna sila sa kitchen para makapag dinner. Coffee lang kasi ang inorder nila kanina at hindi na nakakain pa.

Nagsarili sariling ligo naman sila, tutal 7 rooms ang meron dito at mga cr sa loob.

Pagkapunta ni Natasha sa kwarto ni Kat ay nandun na ang mga kaibigan. Sa kanilang apat kasi siya ang pinakamatagal maligo.

"Lumabas ka pa? akala ko dun ka na matutulog" nagtawanan naman sila at nag-apir pa ang tatlo.

"Hoy kayo! kanina pa kayo nang-aasar ha. Pinagtutulungan niyo ko." nagpout naman siya sa mga ito.

Lumapit naman ang tatlo at niyakap siya.

"Joke lang! love ka namin kaya ganon" sabi naman ni Joana.

"Arte naman neto alam mo namang ikaw ang pinakamasarap asarin" sabi ni Kat. Tinampal niya naman ang kamay nito.

"Para namang hindi ka pa nasanay samin" sabi naman ni Mishy. nag-agree naman ang lahat dun kaya natawa sila.

Nag-aya na lang ang mga ito sa theater room para manood ng mga movies. Dinala naman nila ang pagkaing binili para may makakakain sila habang nanonood.

Pagbukas ng double doors ay agad nilang naamoy ang vanilla scent sa loob. Color black and white ang halos kulay ng kwarto, malaki din ito at maaliwalas.

Inayos agad nila ang pwede panoorin and they decided to watch romance movie, it's a filipino movie na ang title ay Through Night and Day.

Naghanda na sila ng tissue dahil iyakin sila sa mga gantong movie, madami kasing nagsabi na maganda ito at nakakaiyak.

Nang mapalingon siya sa mga kasama ay grabe pa rin ang mga iyak nito at ganon din siya. Masyadong masakit ang movie na pinanood nila kaya ganon ang nangyari.

Nang makamove on na sila ay nagkwentuhan sila ng kung ano ano about love and crushes nila. Hanggang sa siya naman ang tinanong sa seryosong usapan.

"Ikaw Natasha, nainlove ka na ba o nakagusto sa lalaki" tanong ni Joana.

"Baliw to malamang lalaki, babae yan eh" sagot naman ni Mishy.

"Hindi naman ikaw tinatanong ko eh" mataray na pagkakasabi ni Joana. Hanggang sa nagtuloy tuloy ang bangayan ng dalawa.

"Kayong dalawa! manahimik nga kayo!" sigaw ni Kat sa kanila dahilan para matahimik ang dalawa at matawa siya.

Tumikhim muna siya bago magsalita, feeling niya kasi sobrang dry ng lalamunan niya dahil sa lamig at kaba.

___________________________