webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

Scared

Umiinom siya mag-isa ng wine, until now she's still thinking what happened earlier. First time niya makita ang ganoong expression ng binata. Hindi niya din alam kung bakit nasabi ito ni Ethan, medyo kinakabahan siya dahil baka may makaalam sa sikreto nilang dalawa. Kahit kinilig siya hindi pa rin panatag ang loob niya. Pero naisip niya rin naman na konting tao lang ang nandoon at mukhang walang pakialam.

Masyadong ginugulo ng nangyari kanina at mga sinabi nito ang utak niya. Pero dahil sa kasanayan ay agad niya itong inalis sa isipan.

Naputol ang iniisip niya nang dumating ang kaniyang mga kaibigan at agad itong nagtanong sa kanya.

"Jusko Natasha Maze! ano ba nangyari dun? nakita naming hila hila ka ni Ethan kanina tas bumalik ulit sa labas para kausapin yung nanghihila sayo." nagpapanic na sabi ni Joana.

"Oo nga! ano ba nangyari dun? halos patayin na ni Ethan si Jhonny sa tingin eh" magkasalubong na naman ang kilay ni Kat.

Ah so Jhonny pala ang pangalan nun. Well, mukha namang itong mabait, alam naman niyang walang ibang intensyon ito sa kanya. Bigla bigla na lang sumusugod ang lalaking yun.

Hindi ko pa rin mapigilang mag-alala para dun sa lalaking nanghihila sakin kanina. Baka kung ano ano sabihin ni Ethan.

Hindi ako tinigilan ng dalawa kaya I tell them the truth. Ang mga loka inasar asar pa ko at kinikilig. Imbes na mag-alala ito para sa kaniya at dun sa lalaki.

"Baka naman may gusto sayo si Ethan?" nang-aasar na sabi ni Joana. Tumataas baba pa ang kilay nito.

"Ano ka ba, wala noh! we're just friends kaya impossible yun" ngumiti ako sa kaniya.

Friends lang ang sinabi niya dahil bawal pa sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa arrange marriage.

"Hindi naman imposible yon sa ganda at bait mo na yan? mygod! malabo naman ata yun" she just rolled her eyes sa sinabi ni Kat.

Naging sunod sunod naman ang tanong ng mga ito sa kanya. Puro pagtanggi naman siya.

"Ang kulit niyo talaga!" napasabunot siya sa kaniyang sariling buhok dahil sa mga tanong ng mga kaibigan niya. Sinalinan niya na lang ang kaniyang mga kaibigan ng wine. "Here girls just join with me, okay?."

Inabot naman niya ito sa dalawa na nagsusuot na din ng robe at agad din nilang tinanggap ito. They just say 'thanks' to me.

They're talking about boys, minsan nakikisali ako sa kanila lalo na kapag may nakikita ako. Masaya din pala mag boy hunting. Sayang wala si Miguel malamang nakausap niya na lahat ng pogi dito.

Napatigil siya sa paghahanap ng mga lalaking type nila Joana para ireto para sa dalawa. Nang sikuhin siya nga mga ito. Siya kasi ang nasa gitna.

Agad naman siyang tumingin at pinanliitan ng mata.

"What?" she said.

May nginuso ang mga ito sa kaniya at sinundan naman niya ng tingin. Nakita niya si Ethan na papalapit sa kaniya.

Nang makalapit na ito ay lumuhod ito sa harap niya at tinitigan siya sa mata. Because of that she frozed in her seat at iniwas ang tingin.

Halata namang kinikilig ang kaniyang dalawang maissue na kaibigan dahil sa pasimpleng siko nito sa kaniya.

Kinakabahan man ay nagawa niya pa ring magtanong at magsalita.

"What are you doing here?" pilit siyang ngumiti dito. para kahit papano ay mawala ang awkwardness sa pagitan nila. Pero agad niya ding iniwas ang tingin niya.

"Hey look at me" marahang sabi nito sa kaniya. "I'm sorry if I scared you" hindi pa din nito inaalis ang titig sa kaniya kahit sa iba na siya nakatingin.

Nakonsensya naman siya sa pag-iwas niya ng tingin dito, Inakala kasi nito na natakot siya.

Tumikhim ang dalawa niyang kaibigan at nagpaalam na lalabas muna. Kahit papano pala naiintindihan nila ang situation.

"Hey Maze, I'm sorry" hinawakan na nito ang kamay ko and his thumb gently stroked my hand dahilan para mapatingin ako dito.

"I'm sorry if I scared you. I thought he's disrespecting you, kaya hinila kita agad sa kaniya. I just don't want anyone touching you like that. You're mine remember? you're my future wife" ngumiti ito sa kaniya. "I'm really sorry" yumuko na ito at hindi na siya tinignan.

Hindi niya alam kung ano ba yung naramdaman niya sa sinabi nito na 'you're my future wife'. Bigla na lang naninikip ang dibdib niya. Naisip niya ang tungkol sa arrange marriage.

Umiling na lang siya at huminga ng malalim. Tinawag niya ito para magtama ang mga mata nila

"Hey Ethan, you don't really scared me, okay? actually I really want to say thank you for being there. Ayoko talaga sumama sa kaniya, wala ako sa mood that time. And because of you nakataas ako" tumawa na lang ako.

"Are you sure?" nag-aalalang tanong nito.

"Yes of course" ngumiti siya dito at ginulo ang buhok. "Tumayo ka nga diyan."

Kanina pa kasi ito nakaluhod sa harap niya. Tumayo naman ito at tumabi sa kaniya.

"Dapat pala hindi kita iniwan or hinayaan eh. I didn't know na magbibikini ka pala" tumingin ito sa kaniya at tinarayan siya.

Natawa siya dahil sa galing nito manaray.

"Why are you laughing?" kunot noong tanong nito habang kumakain ng pizza.

Bumabalik na naman siya sa dating Ethan. Mabilis talaga magbago ang expression nito. Wala sa sariling napangiti siya at iniwas ang tingin.

"Wala lang" tipid niyang sagot.

"Wag mo na uulitin yun Maze ha?" mahinang sabi nito sa kaniya.

_______________________