webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

Promise

"Why are you still avoiding me? Are you mad? May ginawa ba akong mali? as far as I remember we're okay before. What happened Maze? Kung may mali akong nagawa, can you please tell me? Kasi nahihirapan din ako." napadilat at napalingon ako agad sa kaniya. I didn't expect to heard that from him.

Akala ko mananatili lang kaming tahimik hanggang sa tawagin kami pabalik sa gazebo. Nakayuko lang siya nung sinabi niya yon, hindi ko alam kung anong sasabihin sa tanong niya. Gusto kong tanungin din siya, kung parehas ba kami ng nararamdaman para mahirapan siya? may karapatan ba kong magalit? kaya ko bang magalit sayo? F-ck it! hindi ko kaya tanungin lahat yun sa kaniya.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya, maya maya ay inangat niya ang ulo niya at sinalubong ang tingin ko. I can see the pain in his eyes, pero bakit? para saan nga ba yung sakit na nakikita ko sa mga mata mo? dahil ba sa iniiwasan kita at nag-aalala ka baka masira yung mga pinagsamahan natin? Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon dahil sa sakit ng iniisip ko.

"Why? Anong nangyari? galit ka ba? Please Maze. Tell me." hinawakan niya ang kamay ko at humarap sakin.

"I'll listen Maze, kung ano man yung rason, please just tell me. Masakit para sakin na nakikita kang lumalayo habang ako naghihintay na makausap ka ulit. Masakit para sakin na yung babaeng mahalaga sakin tinatanaw ko na lang sa malayo, na dating nahahawakan at nakakasama ko pa."

Pero mas nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganiyan. May tumulong luha sa mga mata ni Ethan, I don't want to see him crying because of me, I hate it. He's so precious to be hurt. Lahat ng bagay na nagpapasaya sakin binibinigay niya, pero eto ako ngayon nasasaktan ko na pala siya ng hindi ko alam.

Naalala ko yung mga masasayang ala ala namin. Hindi pa naman huli ang lahat para bumawi diba? alam kong mabilis akong bumigay, mabilis din akong nagtayo ng pader sa pagitan namin, pero sa ngayon gusto kong ibalik lahat ng saya na ibinigay niya sakin noon. I'll love myself while loving him too.

Sana pala matagal ko ng narealize lahat ng ito. Ayoko sa lahat yung nakakasakit ako ng tao, kaya hangga't kaya ko iiwasan ko. Napangiti ako, alam ko na ang gagawin ko ngayon. Dahil okay lang naman na ako yung masaktan basta hindi ako makasakit, pero sa ginawa ko, nakasakit na pala ako.

Ramdam ko ang pagkabigla ni Ethan dahil sa pagkakayakap ko. I don't know why I hugged him, maybe because I don't want to see him like that. I decided to make him happier like what he did before.

"I'm sorry, sorry for what I did. Promise hindi ko na ulit gagawin." umalas na ko sa pagkakayakap at ngumiti sa kaniya. And he did the same.

"Pinatawad na kita kahit hindi mo pa hinihingi. But seriously what happened? alam mo namang hindi ako manghuhula para malaman ang rason mo ng hindi mo sinasabi sakin."

"I really don't know, biglang naramdaman ko lang na hindi dapat ako magtiwala agad." nagkibit balikat ako. I lied again. Ilang beses ko pa ba kailangang magsinungaling?

Sobrang laki ng tiwala ko kay Ethan. He's really gentleman and kind, almost perfect guy na nga eh. Hindi lang talaga ako makaisip ng magandang dahilan para pagtakpan ang aking sarili.

Nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko, nakakatitig lang siya sakin na parang hinahalungkat ang buong pagkatao ko.

Bakit sa tuwing hinahawakan o magkalapit tayo pakiramdam ko ligtas ako? Bakit sa tuwing nakatingin ka sakin pakiramdam ko may ibang kahulugan ito? Ano nga ba ang tinatago mo Ethan?

Napailing ako at pinilit na lang ang sarili na ngumiti sa kaniya.

"Don't do that again, okay?" nangungusap ang mga mata nito sakin kaya tumango na lamang ako.

"Promise?"

"Yes of course" ngumiti ako sa kaniya para masiguradong hinding hindi ko na gagawin ulit ang pagkakamali ko. Ang isang pagkakamali ay sapat na para matuto ako ng hindi na kailangang sabihin ng iba.

"Thank you! I'll do everything to make you trust me. I don't want that to happen again, because it hurts for me seeing you avoiding me." He smiled. Yan yung ngiti na miss na miss ko na eh. Nakakatunaw. Nakakarupok. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at bakit ganoon kalakas ang epekto niya sakin.

_______________________________