webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

In Love

Tinitigan ko ang damit na suot ko ngayon na bili ni Axel para sakin. It's a high waisted black short, and white fit croptop, bumili din siya ng undergarments ko na ikinahiya ko naman. It's a simple outfit but he has a good taste of fashion.

I learned a new lesson, always bring extra clothes when I have some fun or going out with my friends. Hindi ako sigurado kung hanggang saan aabot ang paggagala namin. So yeah, next time magdadala na talaga ako ng extra tapos iiwan ko sa sasakyan.

Paglabas ko ay nakita kong nakaupo si Axel sa chair na malapit sa sliding door papuntang terrace habang nakatingin sakin. He's wearing a jersey clothes siguro magttraining ito. He's really a tall guy bagay na bagay sa sport niya.

"Let's go?" tumayo na ito at kinuha ang gym bag niya. Likod pa lang nito malaki na yummerz, charot! may hangover pa nga ata ako! ano ba yan!

Tumango na lamang ako at sinuot ang heels na nasa gilid ng room. Bagay na bagay pala yung sapatos ko sa clothes na suot ko ngayon.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang akong nakatingin sa labas habang iniisip ang nangyari kagabi, naalala ko naman yung sinabihan naming napakapogi ni Axel which is true. I'm wondering if may nasabi or naisip ba akong kaharutan kagabi, I hope wala naman. Sobrang ikakahiya ko yon.

Hanggang sa condo unit ko, sinamahan ako ni Axel at nagkukwentuhan. Well, siya lang naman. yung maraming kwento kaya hindi ko din mapigilang magkwento sa kaniya kapag may parehas kaming karanasan. Sobrang saya niya kausap parang sila Mishy lang, same vibes. I think I found my new homie, thanks to my favorite bar around makati.

"Gusto mo ba muna kumain? o deretso training ka na?" binuksan ko na ang door at pumasok sa loob habang nakasilip sa kaniya.

"Hindi na! baka sumakit tiyan ko habang nagtetraining. Maybe next time"

"Sure ka ha? text na lang us kapag may free time labas tayo!"

"Sure why not? sige na baka pagalitan na ko ni coach. Una na ko ha? thank you sa pag-aaya" malapad pa rin ang ngiti ng lalaki dahilan para sumingkit ang mga mata nito.

"Sure sure! ingat ka ha? thank you nga pala ulit bawi ako sayo next time" kumaway na ko sa kaniya at naglakad na siya paalis.

Bago ko pa man maisara ang pintuan ay dumaan si Ethan at masama ang tingin sakin. I'm not sure kung kanina pa ba siya doon or napadaan lang pero I don't care, dun siya sa girlfriend niya hmmp.

Ganon pa din naman ang epekto nito sakin, kinikilig pa din ako, pero mas lamang yung sakit. Hindi na siguro mawawala yon, sino ba naman ako para magreklamo diba? I'm just his friend and a future wife na hindi sure kung matutuloy pa ba.

Nakakainis lang yung paraang ng pagtingin niya na parang papatayin ako. Akala mo naman may ginawa akong masama, eh para naman sa kaniya yun. Kasi may girlfriend na siya! ayoko makasira ng relasyon dahil lang sa close kami.

Nagpahinga na lang muna ako at nagluto ng sinigang. Masakit pa din ang ulo ko dahil sa hangover kaya kailangan ko ng mainit na sabaw. Ayoko pumunta sa bahay nila Drake na mukhang zombie. Nandun din ang parents nito, sila tito Tyler, kaya nakakahiya.

Hindi ko maiwasang maexcite na makikila ang girlfriend ng best friend ko! like sobrang loyal ng lalaking yon. Dalawang beses pa lang nagkagusto sa babae, pag nagkakagusto kasi ito sobrang tagal umaabot ng ilang years. Nakakainggit nga kasi kaunti na lang ang mga lalaking katulad ni Drake.

Kadalasan kasi ngayon mga playboy, laging may reserba, hindi man lang alam ang 3 months rule. Well okay lang naman makahanap agad basta mahal mo talaga! hindi yung pinaglalaruan mo. Hindi naman ginawa ang mga tao para lang paglaruan, you need to be in love only in one person as much as you in love with God.

______________________