webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

I Love Everything About You

"Hindi ko alam eh, you know me puro crush lang ako. Pero ngayon iba yung nararamdaman ko sa lalaki na friend ko, ito yung feeling na hindi ko naramdaman sa iba. At yun yung hindi ko maintindihan at hirap akong malaman kung ano ba talaga tingin ko dun" tumingala ako sa kanila at nakita kong nakangiti sila ng malapad sakin na ipinagtaka ko naman.

"May question ako sayo ha at gusto ko lahat yung masasagutan mo" seryosong sabi ni Joana. Tumango naman siya dito at tahimik na nakikinig ang dalawa.

"Masaya ka ba tuwing kasama siya?" tanong nito. Tumango naman siya bilang sagot.

"Masaya ka kahit anong ginagawa niya para sayo maliit na bagay man o malaki? Nag-aalala ka para sa kaniya? Para kang nakukuryente kapag nagkakadikit ang mga balat niyo? And may nararamdaman kang parang butterflies sa stomach mo lalo na kapag kinikilig ka?" sunod sunod na tanong nito.

Agad naman siyang tumango dahil lahat yun ay nararamdaman niya.

"Magsalit ka naman hays puro tango ka eh" singit ni Mishy.

"Oo lahat yun nararamdaman ko. It is the sign that I'm inlove with him?" tanong niya sa mga ito. Sabay sabay naman itong tumango.

"Hulaan ko si Ethan yan noh?" tanong ni Kat.

"Yeah, how did you know?" nagtataka niyang tanong.

"Wala lang halata sa mga tingin mo eh. Lahat kami napapansin yon."

"Anong gagawin mo teh? sabi mo friend lang kayo. Aamin ka ba?" tanong ni Mishy. Sa totoo lang hindi niya alam ang sagot dito, oo nga arrange marriage sila at next year official na yon, pero natatakot pa rin siyang malaman nito dahil hindi sila sigurado sa isa't isa kahit nagkakamabutihan na.

"Hindi muna sa ngayon, gusto ko munang makumpirma kung totoo ba lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya. Kung malaman ko man yon hindi muna ako susugal agad. Mahirap na, this is my first time tapos masasaktan din pala ako"

"Yes girl tama yan, pero tandaan mo to hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Normal lang naman masaktan eh pero sa situation mo ngayon hindi mo pa deserve" niyakap naman siya ng mga ito.

"Basta nandito lang kami ha? support kami kay fafa Ethan" nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Mishy at nanatili sa ganong position.

Napatingin siya sa phone niya na nakapatong sa side table nagriring kasi ito. Nang makita nila ay agad niya itong kinuha at binigyan siya ng nang-aasar na tingin ng kaniyang mga kaibigan.

"Hello?" patanong niyang bati dito.

"Hi Maze sorry to disturb you but can I talk to you muna? please" pagpapacute nito, pinilit din nito na liitin ang boses kaya natawa siya.

Tumayo muna siya at binuksan ang sliding door at umupo sa upuan na nasa terrace.

"Yeah sure, why?" nakangiti siya habang nagsasalita. Para kasing may nagliliparan na butterflies sa tiyan niya, isa sa mga sign.

"Hmm wala naman I just want to hear you voice. I miss you" medyo husky ang boses nito.

Napangiti naman siya dahil ang ganda ng boses ng lalaki kahit inaantok na.

"Aww I miss you too, you should sleep na inaantok ka na oh"

"Okay, but can you sing a song for me? pleaseeeeee" para itong bata na gustong makantahan ng nanay kaya pumayag na din siya.

Umubo muna siya bago magsimula.

𝘞𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢 𝘭𝘪𝘧𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘶𝘴 𝘪𝘯 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘐 𝘸𝘢𝘴 𝘺𝘰𝘶𝘳𝘴?

𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘮𝘦, 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘸𝘦 𝘵𝘳𝘪𝘦𝘥 𝘨𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯 𝘢 𝘭𝘪𝘵𝘵𝘭𝘦 𝘮𝘰𝘳𝘦

𝘛𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘳𝘮𝘵𝘩 𝘸𝘦 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦.

𝘛𝘢𝘯𝘨𝘭𝘦𝘥 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳'𝘴 𝘦𝘺𝘦𝘴

𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘮𝘪𝘯𝘥, 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘮𝘪𝘯𝘦

𝘎𝘭𝘪𝘮𝘱𝘴𝘦 𝘰𝘧 𝘮𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘺𝘰𝘶

𝘖𝘩, 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘢 𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘥𝘳𝘦𝘢𝘮

𝘞𝘢𝘴 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢 𝘭𝘪𝘧𝘦𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘸𝘢𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘶𝘴 𝘪𝘯 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘐 𝘸𝘢𝘴 𝘺𝘰𝘶𝘳𝘴?

𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘮𝘦, 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘸𝘦 𝘵𝘳𝘪𝘦𝘥 𝘨𝘪𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯 𝘢 𝘭𝘪𝘵𝘵𝘭𝘦 𝘮𝘰𝘳𝘦

𝘛𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘳𝘮𝘵𝘩 𝘸𝘦 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦

Natahimik silang dalawa pagkatapos.

"I love your voice Maze. I didn't know na magaling ka pala kumanta" alam niyang nakangiti ito ngayon sa pagsasalita pa lang nito.

"Whatever pwede ka na matulog, nakatahan na kita" natawa silang dalawa.

"Okay goodnight and sweetdreams Maze. Matulog ka na din."

"Yes boss, goodnight Ethan."

Akala niya ang nawala na ito pero biglang nagsalita ulit ang kausap.

"Maze?"

"Hmm?"

"I love everything about you." pinatay na nito ang call at hindi pa din mawala ang ngiti niya sa labi.

I'm really in love.

____________________________

song title: lifetime by ben&ben

alxandracolecreators' thoughts