webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

I Can’t Wait to be With you Again

Napangiti ako sa text na yon, kahit alam kong biro lang yung huli. but still I ignored it, magrereply na lang ako sa text niya.

To: Ethan

'Hey:) buti naman, pahinga ka na. Just call or text me kung kailan ka pwede para we can bond na din. And thank you!

Goodnight Ethan:)'

Pagkatapos non ay nakatulog na din agad ako, buti na lang hindi ko siya masyadong naisip.

It's already 11 am ng magising ako, nagmadali agad ako at pumasok sa cr. 1 pm kasi dadalhin ang mga gamit sa condo ko kaya kailangan ko makapunta agad.

Nagsuot lang ako ng oversized t-shirt, high waisted pants at nilagay ko lang din ng channel belt ko, sinout ko din ang crescent moon necklace ko, and i'm wearing my favorite gucci shoes.

Hindi na ko nagdala ng damit dahil karamihan ay nasa condo ko na, uuwi din naman ako dito kapag may free time ako.

Bumaba na ko at nakita ko si Dad sa sala, umiinom siya ng coffee at may newspaper na hawak, mukhang kakagising lang.

"Hey dad goodmorning!" napalingon naman agad siya sakin at ngumiti.

"Goodmorning baby, eat ka na muna bago umalis" nakangiti niyang sabi.

"Opo dad" yumakap ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"I'll miss you daddy" nagpout ako.

"I'll miss you too princess, take care always, okay? update mo ko minsan. I'll visit you sometimes and visit me din kapag free ka." malungkot na ngumiti sakin di Dad.

"Yes dad I will, lagi po kita itetext" ngumiti ako sa kanya to make sure na gagawin ko talaga.

Sabay na kaming pumunta sa kitchen at kumain, nagkwentuhan pa muna kami at nagbilin din siya ng kung ano ano.

"Bye dad! Ingat lagi ha, always drink your meds and eat vegies, okay? bye dad I love you!" pumunta na ko sa kotse at kumaway kay daddy, ganon din naman siya.

Pagdating ko sa condo ay nag ayos ayos muna ako. 30 minutes na lang ay dadating na din yung mga gamit.

Maya maya pa ay nagring ang phone ko, agad ko naman itong sinagot.

"Hello ma'am good afternoon nandito na po yung mga gamit, ireready na din po namin" magalang na pagkakasabi niya.

"Ahh ganon ba, sige bababa na ko, to guide you" ngumiti ako dahil maaayos ko na din ang sarili king condo, pinatay na nung babae ang call.

Bumaba na ko para maguide sila, mababait naman ang mga nagbubuhat kaya pinadala ko na sa kanila ang isang box ng pizza. Sakto at kakapadeliver ko lang din nun kasama ng dinner ko mamaya, tinatamad na kasi ako bumaba dahil marami pa kong gagawin.

Inayos ko ang mga gamit nilagay sa tama at sa ayos na gusto ko, hindi namalayan na madilim na pala, dun ko lang naramdaman ang gutom. Buti na lang talaga umorder ako ng rice at beef steak, may pizza din at ice cream.

Pagkatapos ko kumain, ginala ko ang mga mata ko at masasabi kong maayos at magaganda ang mga gamit. kakulay nito ang dingding ng condo, favorite color ko kasi ang white, black and gray.

Pagkatapos ko ayusin ang iba pang gamit nagring na naman ang phone ko.

"Hello Nats, how are you? did you eat?" magkasunod na tanong ni daddy.

"Hey dad! i'm fine, ikaw po? I miss you. of course baka magalit ka eh" nakangiti kong sabi, narinig ko namang tumawa si dad.

"Buti alam mo anak, i'm fine here tahimik nga lang at walang makulit dito sa bahay" I heard him chuckle pero maya maya ay naging seryoso ulit. "Ingatan mo ang sarili mo diyan Natasha ha, pag may nangyaring masama sayo ibabalik kita dito."

Tinawanan ko na lang ito "I know dad, I know. behave po ako dito and I promise mag aaral ako ng mabuti" paninigurado ko.

"Okay anak, that's good. sige na matutulog na ko, matulog ka na din."

"Daddy may gagawin po kami bukas ng mga kaibigan ko, okay lang po?" kinakabahan kong paalam.

"Of course may freedom ka na you can do whatever you want just be careful, okay? and text me if nakauwi ka na" napangiti naman agad ako.

"Yey thank you daddy! yes I promise sige na po, goodnight dad I love you and I miss you!" masigla kong sabi.

"Sige I love you too anak, visit me here" binaba na ni daddy ang tawag.

Pagtingin ko sa oras ay 10:30 na pala ng gabi. Kaya naisipan ko munang maligo bago matulog.

Kakatapos ko lang maligo ay agad na nagvibrate ang phone ko, I think someone texted me.

From: Joana

'Hey love! pinayagan ka na ba? kung pinayagan ka magdala ka ng swimsuit mo and extra clothes, it's a pool party. Pupunta din sila Miguel bukas kaya kumpleto tayo. I'll fetch you there just give me your address. I love you mwa mwa! :))'

Pagkatapos kong mabasa ito ay agad kong nireplyan, at binigay ang address ko. Naglagay na ko ng swimsuit and extra clothes ko sa aking malaking louis vuitton bag.

Habang nagsoscroll ako sa social media ay may nagtext na naman.

From: Ethan

'hey:) sleep ka na?'

To: Ethan

'hindi pa naman.'

Nagulat ako nung tumawag sya.

"Hello! sorry nakaistrobo ba ko?" pagbati agad ni Ethan.

"Hi! hindi naman patulog na din sana ako but it's okay, napatawag ka?"

"Uhm gusto ko lang malaman kung kamusta ka?" medyo nahihiya niyang sabi and I heard him chuckle.

"I'm fine, how about you?"

"Okay lang din, your father told me na nasa sariling condo ka na?"

"Uhm yeah, bakit?" nagtataka kong tanong.

"Nalaman ko din na same building lang tayo, I saw you kanina eh" nagulat naman ako.

"Really?! anong floor ka?" gulat kong tanong.

"Nasa 15th floor ako, btw sasama ka ba bukas sa pool party ni William?"

"Uhm yup kasama ko mga kaibigan ko, by the way ba't mo siya kilala?" nagtataka kong tanong.

"He's  my bestfriend, highschool palang kami, parehas din kasi kami ng school at magkalapit lang din bahay namin dati"

Napangiti na lang ako "ah ganon ba, so see you tomorrow?"

"yeah sure see you, madami dami daw bisita bukas but I know makikita kita agad" alam kong nakangiti sya ngayon.

Malaki kasi ang bahay nila William, siguro kasing laki ng samin kaya mukhang madami ngang bisita bukas. Close friend ko din kasi siya dahil kaibigan niya si Miguel, my gay friend. Kaya ilang beses na din kaming pumupunta don, party boy kasi yun eh. And I love parties.

"Anong oras kayo pupunta bukas?" tanong niya.

"Siguro mga 6 pm? hindi ko sure eh susunduin lang kasi ako nila Joana. Kayo ba?"

"Ahh sige ingat kayo ha, baka ganon din mga 7 kasi madami ng tao."

"Sabagay ingat ka dinn" nakangiti kong sabi.

"Salamat may gagawin ka ba bukas?" tanong niya.

"Wala naman, baka magjogging and gym lang then after non chill na lang sa condo ko , bakit?" nagtataka kong tanong.

"Ahh sige sige, sabay tayo bukas? mag-gigym din ako eh. Kung okay lang sayo?"

"Sige ba! anong oras?" nakangiti kong tanong.

"Mga 9 ako naggi-gym eh, ano tara?"

"Tara tara! para naman may kasama ako bukas. Hindi pa kasi ako masyadong sanay na mag isa lang eh."

"Ganon ba? no probs sasamahan na kita lagi" natuwa naman ako sa sinabi niya.

"Yey thank you Ethan!!" medyo nakakaramdam na ko ng antok kaya napahikab ako, siguro dahil sa pagod ng paglilinis.

"Inaantok ka na noh? sleep ka na Maze. Alam kong pagod ka and maaga ka pa gigising bukas, goodnight?" nag aalinlangan niyang sabi.

"Sige goodnight and sleepwell Ethan! see you tomorrow."

"See you! don't forget to set your alarm. I can't wait to be with you again."

Magsasalita pa sana ako kaso bigla niya ng pinatay, siguro nahiya siya sa sinabi niya pero ang cute kaya!. Pansin ko lang lagi akong hindi pinapatapos sa pagsasalita ng mga tao, hays.

Nagset na ko ng alarm katulad ng sinabi ni Ethan, finollow back ko din siya sa social media bago mahiga.

Iniisip ko pa rin yung sinabi niya pero katulad ng lagi kong ginagawa hindi ko na lang pinansin ito, alam kong ganon talaga sya pero iba pa din sa pakiramdam. Hays whatever matutulog na lang ako.

___________________________________

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

alxandracolecreators' thoughts