webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

Heavy Heart

"Bad mood ka? anong problema mo?" hinawakan ni Ethan ang baba niya para magtama ang paningin nila. Nakayuko kasi siya habang naglalakad papunta dito. Iniwas niya naman ang tingin at inalis ang kamay nito.

"Hey what's bothering you? okay ka lang ba?" hinawakan naman nito ang magkabilang balikat niya at medyo yumuko ng konti. Ilang dangkal na lamang ang layo nila sa isa't isa. Nilalabanan niya ang sariling wag bumigay sa mga nag-aalalang mata nito na nakatitig sa kaniya.

"Wala, okay lang ako" walang gana niyang sagot. Inalis niya ulit ang kamay nito at naglakad papunta sa sakayan ng bus, magba-biyahe na lang siya pauwi kaysa makasabay yon.

Hindi niya din alam sa sarili kung bakit gusto niya munang dumistansya dito, hindi dahil sa hindi napansin nito ang kaunting pagbabago sa kaniya. Pero ang totoo ay may pumipilit sa loob niya na unahin muna ang sarili at dumistansya sa lalaki.

Muntik na siyang mabangga ng mga lalaking nagtatakbuhan kaya nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Laking pasasalamat niya ng may humila sa kaniya. Magpapasalamat na sana siya ngunit pag-angat niya ng tingin ay nakatitig ang mga matatalim na mata nito sa kaniya. Napabusangot na lamang siya, sa lahat ba naman ng pwedeng humila sa kaniya si Ethan pa.

"What's your problem Maze? kanina pa kita tinatanong but you didn't answer me, may balak ka pang takasan ako. Seriously? iniiwasan mo ba ko? galit ka ba sakin? kung oo Maze magsabi ka naman. Hindi yung nanghuhula lang ako dito, I already told you that I'm always here, right?" hinila siya nito papunta sa sasakyan ng pigilan niya ito.

"Please Ethan tama na, bitawan mo na nga ako!"

"No Maze! what's your problem ba ha? galit ka ba sakin?" napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa pulsohan niya.

"No, I'm just tired" she tried to calm.

"Edi ihahatid na kita, please hayaan mo muna na gawin ko 'to sayo, kung pagod ka na same building lang naman tayo. Just go inside, okay? promise I won't bother you"

Tumango na lamang siya dahil wala talaga siyang gana ngayon. Kanina naman masaya siya pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Napangiti naman si Ethan at inalalayan siya papasok sa sasakyan.

Inayos niya na ang seatbelt at sinundan ng tingin ang lalaki na umiikot papunta sa kabila. Inayos niya ang pagkakaupo niya at sinandal ang ulo sa bintana. Maya maya ay narinig niya ang pagbukas at sarado ng pintuan kaya ipinikit niya muna ang mga mata para pakalmahin ang sarili.

"Maze?"

Hindi siya sumagot at nagkunyaring natutulog na lang, hindi niya alam ang dapat sabihin kaya hinayaan na lamang ito.

"Bakit mo ko iniiwasan? may ginawa ba ko? galit ka ba?"

Hindi pa din siya nagsasalita, rinig niya sa tono nito ang pag-aalala. Pero pagod siya masyado ngayon. Kailangan niya ng pahinga.

"Hay hindi talaga kita maintidihan minsan. Hindi ko man alam yung rason mo kung bakit ka ganyan sakin, pero hinding hindi ako magsasawa sa ugali mo, paulit ulit kitang iintindihin." bumuntong hininga ito.

"I don't want you to be mad at me kaya nagpapakabait ako sayo. Pero nakakainis ka kasi tinulugan mo ko, but at least I have a chance to tell this kahit alam kong di mo rinig. Para akong baliw dito but it's fine, love naman kita" nagpatugtog pa ito ng kanta ng ben&ben at nakikisabay na din.

Pinipiligilan niya na lang ang sarili na dumilat o makisabay sa kanta dahil paborito niya ang kinakanta at pinapatugtog nito.

𝘐 𝘸𝘰𝘯'𝘵 𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘸𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘰𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘮𝘪𝘯𝘥

𝘐𝘧 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘣𝘦 𝘩𝘪𝘥𝘪𝘯' 𝘣𝘦𝘩𝘪𝘯𝘥

𝘞𝘰𝘳𝘥𝘴 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘮𝘦𝘢𝘯 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘬𝘪𝘯𝘥

𝘞𝘪𝘭𝘭 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘣𝘦 𝘯𝘰 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘦𝘳𝘤𝘳𝘦𝘵 𝘥𝘰𝘰𝘳𝘴?

𝘞𝘦 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘢𝘭𝘬 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦𝘴

𝘞𝘦 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘣𝘦𝘭𝘪𝘦𝘷𝘦 𝘸𝘦'𝘳𝘦 𝘧𝘪𝘯𝘦

𝘛𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘐'𝘮 𝘯𝘰𝘵 𝘭𝘦𝘢𝘷𝘪𝘯' 𝘺𝘰𝘶 𝘣𝘦𝘩𝘪𝘯𝘥

𝘞𝘦 𝘯𝘦𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘵𝘳𝘶𝘦

𝘐 𝘸𝘰𝘯'𝘵 𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘸𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘰𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘮𝘪𝘯𝘥

𝘐𝘧 𝘺𝘰𝘶'𝘭𝘭 𝘢𝘭𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘣𝘦 𝘩𝘪𝘥𝘪𝘯' 𝘣𝘦𝘩𝘪𝘯𝘥

𝘞𝘰𝘳𝘥𝘴 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘮𝘦𝘢𝘯 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘬𝘪𝘯𝘥

𝘞𝘪𝘭𝘭 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘣𝘦 𝘯𝘰 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘴𝘦𝘳𝘤𝘳𝘦𝘵 𝘥𝘰𝘰𝘳𝘴?

He's really have a good voice. Malamig ang boses nito at may mga part na magtataasan ang balahibo mo. Kung hindi lang siya nagkukunyari, kanina niya pa ito kinulit at pinuri. But for now no thanks.

"Remember the day you sang this song for me? yan yung pangalawang kinanta mo sakin. And because of you I already love this song and the ben&ben band. Dapat talaga akong magpasalamat sayo sa pagpapakilala mo sakin ng bandang 'to. And you're right nakakarelax pero masasakit ang mga kanta nila, and some of them really hits me. I love someone who can't love me back, though I'm not sure because we're just friends for now and I'm still waiting for the right time to tell her what I feel. I love her so much. But I'm afraid"

Hindi niya alam kung bakit nanikip ang dibdib niya at may tumulong luha sa pisngi niya. Sobrang sakit pala malaman na yung taong mahal mo may mahal ng iba, ang pinakamasaklap pa sa taong mahal mo mismo narinig ang mga dapat hindi niya malaman. And it's really hurts. And she doesn't know what to do anymore kaya pinigilan niya na lang ang iba pang luha na nagbabadya ng tumulo ulit

Naramdaman niya ang pagtapik sa kaniya ni Ethan kaya umayos na agad siya at nagkusot ng mata para pasimpleng punasan ang taksil na luha kanina. Tumingin siya sa bintana para hindi mapansin ng katabi niya ang mga namumugtong mata niya.

"Hey nandito na tayo" malambing ang boses nito at masarap pakinggan pero hindi pa din mawawala ang bigat na nakadagan sa puso niya. It's really her first time pero talo agad.

Tumango naman siya at nagpasalamat bago lumabas. Narinig niya pa ang pagtawag nito sa pangalan niya, pero mas pinili niyang deretsuhin ang daanan papunta sa sariling condo kaysa lingunin ito. At least nag 'thank you' pa rin siya, but she was guilty for leaving him like that. Pero iisa lang tumatakbo sa utak niya.

Pagbukas ng pintuan ay agad siyang napasandal dito at humagulgol. It's really hard to handle the pain and act like everything is okay.

Dahil alam niya sa sarili na mahal niya na ito sa maikling panahon. And it's make her stupid to fall in love easily. Feeling niya sobrang hina niya sa ngayon. Gusto man niya ng masasabihan pero ayaw niya magmukhang kaawa awa sa iba at ayaw niyang makadagdag pa.

Hindi niya naman alam na gan'to pala kahirap sumugal sa bagay na walang kasiguraduhan. It feels good to have someone who will make you happy. But it hurts when that person breaks your heart too, unintentionally.

Sa ngayon hindi niya talaga alam kung ano ang dapat gawin pero isa lang sinisigurado niya. Iiwasan niya muna ito pansamantala. Ayaw niyang masira ang mga pinagsamahan nila lalo na't next year na sila magiging official, kaya mag-iisip siya ng maganda at kapani-paniwalang excuse dito.

Hindi niya mapigilang umiyak habang nakahiga sa malambot na kama, pati ang pagkain ay nakalimutan niya na dahil wala siyang gana. Hinayaan niya lang ang sarili hanggang sa makatulog.

Dahil sa pagod ay hindi niya namalayang unti unti na siyang kinakain ng antok.

She fell asleep with a heavy heart.

_____________________________