webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

Goodnight

Pagbukas ng pintuan ay agad siyang lumingon dito at nakita niyang nakaayos na ito.

She's wearing a black spaghetti strapped, denim pants na highwaist, at denim jacket nakababa ang left side nito. Nakabun ito at liptint lang ang nilagay.

Kahit ano ata suot nito maganda pa din.

"Ayos lang ba?" nahihiyang tumingin ito sa kaniya.

Hindi na siya nagdalawang isip na tumango at ngumiti dito.

"Kahit ano naman suot mo bagay naman sayo. You're beautiful" lumapit siya dito at inakbayan. Natawa siya ng tarayan siya nito.

"Whatever! papatayin ko lang yung tv"

Pagkasakay nila sa car niya ay nagpatugtog agad ito.

"Wow sayo tong kotse? nauna ka pang nagpatugtog sakin" biro niya dito.

"Excuse you Mr. Fortelojo! hindi ka naman nagpeplay ng music eh. Tse!" tinarayan siya nito at plinay ang paborito nilang kanta.

"Saan mo gusto?" lumingon siya dito.

"I want seafood! pleaseee? I want seafood" nagpuppy eyes pa ito sa kaniya. Ang kulit talaga nito.

"Okay madam, tara na. Seatbelt mo"

Nang makarating sila sa Resto na kaniyang tita ay namangha na naman ang kasama niya.

"Sa inyo din ito diba?"

"yep sa tita ko."

Totoo yon, sa side kasi ng mommy niya ang mahilig magluto. At lahat ng pinatayo nilang restaurant ay kilala at talagang dinadayo pa.

"Wow cool! ang aesthetic ng mga resto  niyo, next time yayayain ko yung ibang friends ko and pati si dad." tuwang tuwa ito habang naglalakad sila papunta sa uupuan nila.

"Sure. Actually may mga free wine dito, kaya alam kong mas magugustuhan nila" ngumiti siya dito. Inalalayan niya itong umupo at sumunod siya sa tapat nito.

Lumapit sa kanila ang Aunt niya. Kamukhang kamukha nito ang mommy niya lalo na kapag nakangiti.

"Ohh Ethan! what brought you here?" napatingin ito kay Maze at napangiti, parang alam niya na ang nasa isip nito. "Girlfriend mo? hi hija! what's your name? hindi nagkukwento itong si Ethan na may girlfriend palang maganda kagaya mo." natawa naman si Maze sa kaniya.

Kahit kailan talaga hindi siya nito pinapasagot sa mga tanong.

"Queenery Natasha Maze fajardo po ma'am" she sweetly smiled at my aunt.

"Nako! napakahaba naman ng pangalan mo. Okay na ba sayo ang Maze na lang?"

Tumango naman ito "Sure ma'am"

Napangiwi naman ang tita niya. "Ohh please don't call me ma'am hija. Call me tita na lang"

"Okay po tita"

Humarap naman sa kaniya ito. "Anong order niyo?" sinabi niya naman dito ang order nila ni Maze. Bago umalis ito ay piningot pa siya nito "ikaw bata ka magkwento ka sakin sa susunod."

Narinig niyang tumawa si Maze, nagkunyari siyang naiinis pero natutuwa talaga siya.

"Are you laughing at me?" tinaasan niya ito ng kilay dahilan para pigilan nito ang tawa niya.

"No! you're so cute pati na din ang tita

mo" tumawa ulit ito "ang kulit niyo noh?"

"Hays yun talagang si tita, sasabihin na non sa buong angkan namin ang tungkol satin" napasapo siya sa noo niya.

Madami silang nakain ni Maze, lalo na yung buttered shrimp. Favorite pala nilang dalawa iyon. Buti na lang ay hindi na ulit bumalik ang tita niya at may inaasikasong iba.

"Did you enjoy the foods we ate tonight?" tumingin siya dito ay ngumiti. Nakita niya itong nagpupunas bibig.

"Yep! sobrang sarap. Next time dalhin mo ulit ako dito. Thank you!" natawa naman siya dito. Kung hindi lang nakaayos ang buhok nito, guguluhin niya ito katulad ng lagi niyang ginagawa.

"You're always welcome madam" nagtawanan naman sila at nagkukwentuhan habang nainom ng wine.

Habang naglalakad sila papasok sa building ay para siyang nalulungkot. Dahil minsan na lang sila makakapag-bonding nito, but he have his own ways. Napangiti siya.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" nakakunot ang noo nito at nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"Wala, by the way goodluck bukas. You can do it." umakbay pa siya dito at iniba ang usapan.

"Thank you! goodluck din. Kaya mo din yan! ikaw pa dean's lister ka kaya" hinampas siya nito.

Pagkarating sa tapat ng condo ni Maze ay humarap ito sa kaniya.

"Thank you for tonight, I enjoyed it." ngumiti ito sa kaniya halata dito ang saya.

"Of course for you I will do everything to make you happy. And next time ulit ha? goodluck ulit bukas." he patted her head.

"Sure! goodluck din. Sige na medyo inaantok na ko" humikab pa ito, halata sa mga mata ang pagod, medyo malayo kasi ang kinainan nila. "Goodnight Ethan, sweetdreams"

Nanlaki ang mata niya ng dumampi ang labi nito sa pisngi niya. May sasabihin pa siya ng biglang pumasok ito sa loob.

Napangiti na lang siya. She kissed me.

"Goodnight" he whispered.

Hanggang sa makapunta siya sa sarili niyang condo ay hindi pa din mawala ang ngiti niya.

"I think maganda ang gising ko bukas"

______________________