webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

Drake Anderson

Today is sunday. Ang bilis ng araw parang kailan lang nagparty at nag-overnight pa kami ng mga kaibigan ko. And yeah three weeks ago nangyari lahat yon, bukas naman ay pasukan na, kaya nagreready na ko kahapon pa lang. Masyado akong excited dahil may makikilala na naman akong new friends and classmates, sana talaga ay maayos ang mga ito katulad last school year.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari nung mga nakaraang araw, masyado itong madami at magulo. Pero isang bagay lang ang naging malinaw sa kaniya. Yun ay ang nararamdaman niya para sa binata. Kay Ethan.

Masyadong complicated ang nangyayari sa kaniya ngayon. Hindi niya alam kung saan sisimulan, kung aamin na ba siya agad, o sa kaniya at sa mga kaibigan niya muna ang tungkol dito. Natatakot siya sa magiging reaction ng binata, baka iwasan siya nito lalo na't hindi pa si official na engage. Ayaw niya mawala ang mga pinagsamahan nila.

Alam niya kasing ganon talaga ang binata sa lahat. Gentleman, sweet, jolly, understanding, makulit and caring. Lahat ng nagugustuhan niya sa lalaki ay na kay Ethan na. Yun nga lang hindi siya sigurado kung sa kaniya lang ito nagiging sweet at caring.

Sa ilang weeks na dumaan, mas nakilala niya si Ethan. Malapit ito sa babae normal na dito na maging mabait at maalaga sa lahat. At yun ang kinakatakutan niya, na baka siya lang sumalo sa sarili niya. Sigurado siya na madaming nagkakagusto dito hindi lang sa physical appearance pati na rin sa ugali nito.

Ang advice sa kaniya nila Joana ay tanungin kung ano ang tipo nito sa mga babae. Masyado siyang nahihiya para tanungin ng personal ang binata, because one month of friendship is not enough para maghimasok sa buhay ng isa't isa.

Hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung paano at saan nagsimula ang pagkagusto niya dito, ang alam niya lang tuwing magkalapit sila parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan niya. Pag magkadakit naman sila ay para siyang nakukuryente.

Napasabunot na lang siya sa sarili dahil sa napakaraming iniisip. Naalala niya na dapat bumibili pa siya ng ibang kakailanganin para sa pasukan bukas at hindi nakatulala lang kung saan. Masyadong kinain na kung ano anong palaisipan ang utak niya.

Nakatambay siya sa terrace ng condo niya tinatanaw ang magandang tanawin, ang mga nagtataasang building, ang sikat ng araw, mga puno at bulaklak sa park, mga taong nagkakasalubungan. Ito ang paborito niyang tanawin kahit magulo. Ito lang ang nagpapagaan ng loob niya habang umiinom ng hot chocolate.

Maaga siyang nagising ngayon dahil madami siyang gagawin at bibilhin. Six o'clock pa lang ata ay gising na siya, maaga na kasi siyang natutulog para sa nalalapit na pasukan kaya hindi muna siya naggala gala, kailangan niya ng tamang tulog at kain dahil malamang sa malamang makukulangan siya nito simula bukas.

"Maghahanda na nga ako" tinapon niya ang pinaglagyan ng inumin sa trash can pagkapasok.

Pumunta siya sa kusina para magluto. Ngayon niya lang naalala na hindi pa pala siya nakakakain. Nagjogging muna siya kanina bago pumunta sa malapit na coffee shop.

Habang nagluluto ay naisip niya na bumisita sa mansion mamaya, tutal wala na din namang siyang gagawin pagkatapos mamili. Namiss niya kasi bigla ang daddy niya. Kahit strikto, malambing at maalalahanin pa rin ito.

She really miss her dad. Nung isang araw ay katawagan niya ito at humihiling na bumisita muna sa mansion, kaya napagdesisyunan niya na ngayon na ito gagawin.

Naghanda na siya ng plato at baso sa mesa, saka inayos ang mga niluto niyang pagkain. Bacon, egg, and ham ang niluto niya nagce-crave kasi siya dito.

Pagkatapos kumain ay agad niyang niligpit ang pinagkainan. Nag-vacuum siya sa kwarto at sa sala, nagmop na rin siya para malinis tignan ang condo niya. Pumunta na siya sa kwarto at hinanda ang susuotin niya mamaya, she wants a simple outfit for today. Magpapahinga muna siya bago maligo at mag-ayos.

She's just scrolling on her social media account dahil wala na siyang magawa. Nang maging okay na ang pakiramdam niya ay agad siyang dumeretso sa cr.

She's wearing a black top, light blue denim short, yves saint laurent belt, and a pair of black balenciaga shoes. Nagbun siya ng buhok para maayos tignan, hindi na siya naglagay ng make up dahil tinatamad siya, tanging liptint lang ang nakalagay sa muka niya. Nagdala din siya ng black shoulder bag. Nang maayos na ang lahat, lumabas na siya at pumunta sa parking lot.

Meron kasing private parking lot dito at dun nakapark ang kotse niya katabi lang naman ito ng building.

Twenty minutes ang naging byahe niya malapit lang naman ito at hindi pa masyadong traffic. Kung traffic sa dinaan niya ay aabutin siya ng forty mintures bago makarating sa mall.

Pagkapasok niya pa lang ay agad na may nangalbit sa kaniya kaya agad siyang napalingon dito. Nanlaki ang mata niya ng makita ito.

"Hi Maze! you look beautiful today." bati ng lalaki na matagal niya ng hindi nakikita.

"Omaygad! Drakeeeeee!! I miss you!" yumakap siya ng mahigpit dito. Muntik na sila matumba dahil sa biglaang pagyakap niya, buti na lang talaga nasa gilid sila.

Drake Anderson is her childhood friend. Ngayon na ulit sila nagkita dahil sa America ito tumira kasama ang pamilya nito, at high school sila ng magkahiwalay.

Half american ito dahil sa tatay niya si tito Tyler. Matangkad ito at maputi may mga asul na mata, sobrang tangos ng ilong, may maliit at pinkish na labi, long lashes, makakapal na kilay, daig pa nito ang mga babae. Mabait ito at may pinag-aralan, kaibigan din ni daddy, kaya ko nakilala si Drake dahil sa kanila.

Si tita Marielle naman ay pure filipina. Morena si tita, mahabang ang kulot na buhok, saktong laki ng mukha, long lashes din, makapal ang kilay, matangos na ilong, mapulang labi at simpleng ganda lang. Para siyang si mommy dahil sa pagiging simple nito. Simple but elegant.

Si Drake naman ay nakuha ang pagkamorena ni tita, gwapo ito at mabait, responsable din sa mga bagay bagay. Maayos ang pagkakagupit ng buhok malinis tignan, kulay blue na mata, long lashes, perfect jaw line, malinis na mukha wala man lang bakas ng pimples or blackheads. Kasing tangkad nito si tito kaya hanggang dibdib lang siya nito.

I heard him chuckle "hindi naman halata noh bunny. But I miss you more." Humiwalay na sila sa pagkakayakap at inakbayan siya nito.

Ang tawagan nila ay bunny. Nung mga bata pa kasi sila mahilig sila sa bunny stuff toy.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Wala pa ring pagbabago sa ugali nito, naging mas matured pa nga ito pati na ang itsura. Nakasuot ito ng black white shirt, black pant, vans sneakers at belt bag, nakarelo din ito. Kahit simple ang pormahan nito ngayon, malakas pa din ang dating.

_________________________________