webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
42 Chs

Axel James

"You okay? you're Natasha right?" nakahawak pa rin ito sa braso ko at nakangiti pa din sakin. Masyado naman palang palangiti ang isang 'to, type na type ko na talaga. Charot lang huhu.

"Uhmm y-yes! I'm sorry medyo hilo na kasi ako" I give him an apologetic smile kahit nahihiya na sa kaniya.

"No it's okay. San ka ba pupunta? I can help you" He's gentleman din naman pala. I'm wondering if single pa ba ang isang 'to.

"No it's okay I can handle myself" I smiled at him at inalis na ang kamay niya sa braso ko para makapunta na sa restroom. Wala pang limang lakad ay muntik na naman akong matumba.

"I told you! I'll help you na lang" hinawakan nito ang bewang ko at sinabit sa balikat niya ang isa kong kamay.

"Thank you" I whispered, masyado kasing maingay dahil lasing na rin ang ibang tao sa paligid.

Pagkalabas ko sa cubicle ay dumeretso agad ako sa mirror para tignan at ayusin ang sarili ko. Namumula ang cheeks ko at mamumungay na din ang mga mata ko, but I still want to get drunk, yung tipong makakalimutan ko talaga muna lahat.

Pagkalabas ko sa restroom ay nakita ko si Axel na nakasandal sa pader at hinihintay ako. Nang magtama ang panginin namin ay agad siyang ngumiti, hindi ko talaga alam kung legal pa ba yung magkaroon ng sobrang gandang ngiti. He's so pogi talaga, bakit ganon!

"Okay ka na?" lumapit ito sakin at hindi pa din nawawala ang ngiti.

"Yeah I'm already fine! by the way thank you! and sorry din sa pagiging clumsy ko kanina" napakamot ako sa ulo dahil naalala ko na naman ang nakakahiyang scene kanina.

"It's okay" he chuckle. "Let's go na?"

Tumango na din ako dahil gusto ko na din bumalik sa pwesto namin para ikwento ang nangyari. I'm sure maiinggit na naman sila Mishy. And I thought makakabalik na ko sa couch namin pero Axel invited me to join with him so pumayag na ako, we're just talking about schools and hobbies, especially our talents. Actually masaya siya kasama at kausap, kaya mabilis ko siyang nakasundo.

"Ayaw mo talaga magkaroon ng girlfriend?" gulat kong tanong sa kaniya. Grabe sa sobrang gwapo niyang yan ayaw mag girlfriend? kasi sa panahon ngayon lahat ng gwapo may jowa! so I didn't expect na ayaw niya magka girlfriend.

"Yeah actually until now ayoko pa rin magkaroon ng girlfriend" nagkibit balikat ito at uminom ng beer, While I'm drinking tequila.

"Why naman?" nagtataka kong tanong, hindi kasi talaga halata sa mukha na ayaw niya sa mga ganon.

"Distraction lang yan sa studies and passions ko eh! and also I don't want to hurt anyone. Sabihin na nating normal yon at hindi sinasadya pero kung malaman mo na nasasaktan yung isang tao because of you parang nakakaguilty diba? and I'm also afraid na iwan ako because I'm hurting her. Siguro kapag naabot ko na lahat ng gusto ko, pwedeng magbago yung mindset ko. I want to be good enough first before I fall in love and be serious with the woman I will love in the future."

Tumango na lang muna ako, because I don't know what to say! Why this person is so kind and sweet. I was not informed that there was a guy like him who's still existing in this generation, maybe I'm really so judgmental to think what kind of man he really is.

"Do you want to know why?" tumango ako at tumingin sa kaniya. "Because woman is so precious to be hurt, when I already find that girl for me, I want her to feel like a queen. Gusto ko, ako yung magsisilbi sa kaniya at magtatrabaho para sa pamilya namin. And I'll try my best not to hurt her in any way"

Napangiti naman ako, I really admire this guy. I'm sure sobrang swerte ng magiging asawa nito. He's really a good guy.

"I'm sure she's really lucky to have you as her husband. You're the type of guy that everyone dreams of. Keep it up! Just wait for God's perfect timing, and don't stop chasing you dreams! Ngayon lang tayo nagkakilala but i'll promise you to support your dreams!"

"Yeah right thanks! Me too" ginulo nito ang buhok ko at tumawa.

"Bwiset talaga kayong mga lalaki eh noh! hilig niyong guluhin buhok ko! mukha ba kong aso ha?" tinarayan ko siya at uminom ng tequila, sumipsip naman agad ako ng lemon dahil sa sobrang pait.

Humagalpak ito ng tawa dahil sa pag-ngiwi ko.

"May maganda ka pa palang nasasabi kahit may tama ka na" tumawa ulit ito at napahawak sa tiyan.

"Ano akala mo sakin hindi nakakapag-isip kapag lasing? wag mo kong igaya sa iba" natawa naman kami parehas, natahimik naman kaming dalawa at sabay na napainom.

Inabot niya ang kamay niya sakin nang ipinagtaka ko naman.

"I'm glad I met you Queenery Natasha Maze Fajardo. Hope we can be friends!" Nakaabot pa din ang kamay nito at malawak ang ngiti sakin.

"It's nice to meet you Axel James" tinanggap ko naman ang kamay nito at ngumiti sa kaniya.

"I'm happy if we can be friends" I smiled at him. Well, wala namang masama don, sobrang open minded niyang tao and he's full of words of wisdom, nawala na ang pagkakacrush ko sa kaniya dahil mas masaya siya maging kaibigan.

"Yun oh!"

_______________________________