webnovel

CHAPTER 1: Beginning

...20 YEARS LATER

"Honey, I'm so sorry, okay? Babawi na lang ako next time. I promise," pakiusap ni Carl sa kausap sa kabilang linya ng telepono.

Problemadong ibinaba ni Carl ang kanyang cellphone at napabuntong-hininga. Bahagya niyang minasahe ang sentido at mariing ipinikit ang mga mata.

"Hey, Bro!" Isang pamilyar na boses ang biglang gumulat kay Carl mula sa pinto ng kanyang office. Kilala na niya kung sino iyon kaya hindi na siya nag-abala pang lingunin ito.

Si Alvin. Ang kababata at bestfriend niya. Sa iisang industria lamang umiikot ang negosyo ng kanilang mga magulang kaya hindi na nakakapagtaka na naging mag-bestfriends sila.

"Got a problem?" Nagtuloy-tuloy sa pagpasok ang lalaki at mahinang tinapik ang kanyang balikat.

"Hey, no. I'm just tired," sagot niya.

"Alam mo Carl... ang mga lalaking nasa edad na twenty five hanggang thirty, hindi pa dapat na nagsusubsob sa trabaho kagaya ng ginagawa mo. Sometimes, you need to enjoy your social life too. Hindi 'yong para ka ng pamilyadong tao kung magtrabaho," natatawang saad ni Alvin.

"Have some fun, Dude! Here, I have something for you," dugtong pa nito at kinapa ang bulsa ng suot na jacket. May kinuha itong isang maliit na card at inilagay iyon sa ibabaw ng key board ng computer na nasa harapan ni Carl.

Nagtataka naman siyang napatitig sa card na iyon. Kunot-noo rin niyang sandaling sinulyapan ang kaibigan, bago ito kinuha at binasa ang nasa cover. "An invitation card? Saan mo naman 'to napulot?"

"Ibinigay 'yan sa'kin ng girlfriend ko. Pa-pool party daw 'yan ng kaibigan niya. You must come!" nakangising paliwanag in Alvin.

"Si Monica? At sino namang kaibigan niya? E, 'di ba, wala namang kahilig-hilig 'yon sa mga ganitong party?"

"No. Si Jessica, Pare!" Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Alvin, habang natatawa.

"Who's Jessica? Bago mo na naman? How about Monica?" takang-tanong ni Carl. Hindi na siya nagulat pa na parang pagbibihis lang ng damit kung magpalit ng kasintahan ang kanyang kaibigan. Pero, gusto kasi niya si Monica para rito. Matino itong babae at talagang mahal si Alvin.

Natawa lang ng malakas si Alvin sabay patong ng mga paa sa ibabaw ng isang desk na naroon. Nakatingin ito sa kesame na tila nagi-imagine.

"Kami pa rin naman ni Monica, Pare. Pero, ano nga ba naman ang magagawa ko kung sadyang habulin talaga ako ng mga girls?" pilyong pagdadahilan nito.

"Oh, come on Alvin!" natatawa't naiiling na saad ni Carl. "Are you sure about this?"

"Yeah. Of course, Pare! Sigurado akong maraming naggagandahang mga chiks do'n," mabilis na sagot ni Alvin.

"You're crazy! That's not what I'm asking."

Natawa uli nang malakas si Alvin. "What? Carl, look, give your self some break. Take time to relax. Huwag puro trabaho ang atupagin mo. In fact, nasi-sense ko na nawawalan ka na rin ng time kay Ruella."

Biglang natahimik si Carl sa tinuran ng kaibigan at bahagyang napa-isip. Tama ito. Katunayan nga ay iyon ang dahilan nang pag-aaway nila sa telepono kanina ng nobya niyang si Rue.

"Why don't you invite Rue, to come to the party? It's a nice idea, right?" Walang balak na tumigil sa pangungumbinsi ang lalaki.

"Okay," tipid na sagot ni Carl sabay kibit-balikat.

"Alright!" Napatayo ito bigla sa kinauupuan at muling tinapik ang balikat ni Carl. "Ganyan nga, Pare! Para hindi ka masyadong nai-stress," pangungutya pa nito.

"Saturday night. Eight," muling paalala ni Alvin bago ito tuluyang umalis.

MATAMANG sinisipat ni Rue ang daan habang lulan ng sasakyang minamaneho ng kasintahang si Carl. Masyado na kasing malayo ang lugar na iyon at wala ng masyadong bahay o gusali sa piligid. Panay puno at nagtataasang talahib lang ang tanging nakikita niya.

Bahagya nang nakakaramdam ng takot si Rue. Hindi lang dahil sa hitsura ng lugar kundi maging sa kakaibang katahimikang bumabalot dito. Hindi niya mawari kung bakit ngunit, hindi niya mapigilan ang sariling kabahan.

"Are you okay?" basag ni Carl sa katahimikan. Saglit nitong sinulyapan ang kasintahan at muling itinuon ang paningin sa daan.

"Yeah. I'm okay," saglit na natahimik si Rue at muling nagsalita. "Carl, sigurado ka bang party talaga ang pupuntahan natin? Masyado na kasing malayo ang lugar na 'to, e."

"Yes, Honey. It's Alvin's idea. Don't worry malapit na tayo. Okay?" Bahagya niyang pinisil ang kamay ng kasintahan para pagaanin ang loob ito.

"Okay," aniya at pinilit na lamang niyang kalmahin ang sarili. Siguro naninibago lang siya dahil hindi siya pamilyar sa lugar.

SA WAKAS ay nakarating din sila sa venue ng party. Marami ng tao ang naroon nang dumating sila. Napakalaki ng bahay na pinagdarausan ng party at ito lamang ang nag-iisang bahay sa liblib na lugar na iyon. Mapapansing halos lahat ng mga bisita ay mga binata at dalaga. At kahit saan mang sulok ng kabahayan ay may mga bisita.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ng swimming pool. Pagbungad pa lamang nila sa hardin ay natanaw na agad nila si Alvin na nakikipag-usap sa grupo ng mga kababaihang mga nakasuot ng bikini. Ang iba pa sa mga ito ay halatang kakaahon pa lamang sa tubig.

Nilapitan nila si Alvin upang ipaalam dito na naroon na sila.

"Hey, Alvin!" tawag in Carl sa atensyon ng kaibigan.

Nagtataka naman itong lumingon sa kanila. Ngunit, kaagad ding napalitan ng ngiti ang reaksyon sa mukha nito nang mapagtantong ang mga kaibigan pala niya.

"Oh hey, Carl..." Agad nitong kinamayan ang kaibigang si Carl. "I'm glad you came! Hey, Rue, you look so beautiful tonight. I know you'll enjoy the party," nakangiting baling nito kay Ruella. 

"Yeah, thanks," tipid lang na sagot in Rue at nagpalinga-linga siya sa paligid. 'Well, mukha ngang okay naman itong party. Siguradong magi-enjoy ako dito.' Nasabi niya sa sarili.

Kaaya-aya ang musikang naglalaro sa buong kapaligiran na tila ba nagpapaanyaya sa lahat na sabayan ito ng sayaw.

"Heeeey..." malambing na bungad ng isang babae sa kanila. Agad itong pumulupot kay Alvin kaya naman pinalagay na kaagad nilang ito ang Jessica na sinasabi nito. May kasama rin itong isang sexy hot chick na nakasuot ng itim na two piece bikini.

"By the way, this is Jessica," pakilala ni Alvin sa babaeng nakapulupot dito. Tama nga sila. Pagkuwa'y bumaling naman ito sa isa pa. "And this is her friend, Alicia. The birthday celebrant."

"Nice to meet you guys!" nakangiting saad ni Alicia at inilahad ang palad sa kanilang dalawa. Una kay Carl; huli kay Rue. Kaya hindi niya napigilang mapaangat ang isang kilay sa ginawa ng babae.

"Happy birthday!" bati nila rito.

"Ahm, would you like some drinks?" alok ng babae. Ngunit, hindi na sila nito hinintay pang makasagot at sinenyasan na nito ang waiter na lumapit.

Kumuha si Carl ng dalawa at ini-abot kay Rue ang isang baso ng wine.

"Excuse me for a while okay? Marami pa akong ibang bisitang dapat asikasuhin. Enjoy the night!" malambing na paalam ni Alicia sa kanila pagkuwa'y agad nang tinungo ang iba pang mga bagong dating na bisita.

...to be continued