webnovel

CAUGHT IN HIS TRAP

"Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."

jadeatienza · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
28 Chs

Toyed

Chapter 6. Toyed

"WE decided to let you stay here for a month. At kapag nagustuhan mo rito, tatapusin na namin ang pag-process sa adoption papers," esplika pa kay Heizen ni Aliana. Pero wala roon ang buong atensyon niya.

"Kaya natutuwa akong malapit na kayo ni Ali, dahil siya lang naman ang kasama namin dito, dapat lang naman na maging magiliw siya sa magiging nakababata niyang kapatid," dagdag pa ni Lola Elizabeth.

"We only have two sons. And bunso ko'y nasa militar. Just like my husband, he's serving the military."

"My son, Alexander, is a military doctor, he's in Korea now. Kaya tayo lang ang naririto sa mansyon, pati ang ibang mga kawaksi," dagdag pa ng matanda.

"Ano'ng April Fools?" biglang tanong niya kay Ali, hindi niya sinasadyang hindi pansinin ang dalawang nakatatanda.

"April Fools?" nagtatakang tanong ni Aliana sa anak nito.

She knew why the latter was confused as well. It's not even April the first. Ika-dalawampu na ng Abril.

"Pasensya na po. I'm really happy that you wanted me as your daughter and granddaughter," baling niya sa dalawang ginang. "Pero isa po akong Salazar, Ma'am. A Princess or not, I am still a Salazar, daughter of Mariano and Luzviminda Salazar." She tried to sound in her most polite way.

"Oh!" si Lola Elizabeth.

"We're sorry, hija. Hindi namin... Oh! Bakit ba kami nagdesisyon agad-agad? Hindi namin alam na ganyan ang magiging dating sa iyo, na pinapalitan namin ang pamilya mo."

Napakagat-labi siya at nag-angat ng tingin kay Ali, na ngayo'y nahahalata na ang tunay na pagngisi sa mukha nito.

"Gusto lang naming makatulong. Gusto ka naming ialis sa ampunan."

"Thank you so much for your concerns po. Pero hindi na ako babalik ng orphanage. I'm planning to land on a job so I won't live on that hellish place." Hindi niya napigilan ang sarili at kumuyom ang mga kamao. Napayuko rin siya.

"Why...?" nag-aalalang tanong ni Dra. Aliana.

"I... Uh... None po," tanggi niya nang natauhan siya.

"What happened to your face, apo? Kagabi ko pa gustong itanong pero mas ninais kong makapagpahinga ka na muna."

"Wala po, accident lang po sa orphanage."

Suminghap ang doktora at hindi napigilang magsalita.

"Were you bullied?"

She remained silent.

"Please let us adopt you. You will be safe here. Kaya naming ibigay ang lahat ng pangangailangan mo. You don't have to go back to the orphanage and live poorly."

I think I heard this yesterday...

"'Ma, kung ayaw niya, huwag na nating pilitin," sansala ni Ali. Mabilis na bumaling siya rito, tila nanlilisik ang kanyang mga tingin.

"But son, it's obvious she was being bullied..."

"Leave it to me," determinadong tugon nito.

"Please, hija, stay here for a month before you decide."

Umiling siya. "Kahit dumito po ako ng ilang buwan, ng ilang taon, hindi po magbabago ang desisyon ko."

"Kahit nasanay kang mamuhay ng marangya, kakayanin mo ba'ng magtrabaho agad? You just turned eighteen."

Parang nangangati ang tainga niya sa bawat sabihin ni Ali. Minamaliit ba nito ang kakayanan niya? Paano kung ipakita niya ritong kaya niya? Na kahit laki sa layaw ay kaya niyang tumayo sa sariling mga makikinis at magagandang hugis na mga paa niya?

Ha! Easy. Challenge accepted.

"Kaya ko!" taas-noong sagot niya.

Mukhang naramdaman naman ng matanda ang tensyon kaya bahagyang tinapik si Ali na nasa tabi ng huli.

"It doesn't matter if your decision will be firm, apo. Please stay here for a month. Isipin mo na lang na inaanyayahan ka naming magbakasyon dito," si Lola Elizabeth, pinaparating sa kanya na gustung-gusto siya nitong maglagi roon.

Ayaw niyang tanggapin. Baka masanay siya at kapag dumating na ang oras na kailangan na niyang umalis, ay mahirapan siyang umalis.

"Please, hija..." Ginagap ng ginang ang kaliwang palad niya.

"I'll... Uh..."

Dumating si Wella na may dalang isang pitsel ng orange juice.

"Mag-a-apply po akong yaya sa inyo. Please hire me," bulalas niya.

"What? No!" mariing tanggi ni Ali. Obviously, ayaw nito. Isa pa, hindi siya pwedeng maging yaya dahil wala namang alagain sa mansion.

Bakas din ang pagkatutol sa mukha ng dalawang ginang.

"Pero kailangan ko po ng trabaho, Ma'am. Hindi ko po matatanggap ang offer ninyong I should stay here for a month. If I do that, sayang po ang one month. That's like buong sweldo ko if makahanap na ako ng work by tomorrow," esplika niya.

"Sa opisina ka dapat na magtrabaho, hindi ka—"

"No one will hire me sa corporate world," putol niya sa sasabibin ni Ali. "With my bad reputation noong i-handle ko ang kumpanya namin, I doubt there will be a company who'd hire an incompetent leader like me," katwiran niya.

"Pero, hija, tama ang anak ko, hindi ka lumaki sa hirap."

"K-Kakayanin ko po. I can work same kay Wella. Matututo ako on how to clean and magluto po." Damn her speech pattern! Dapat ay sanayin na niyang magsalita ng maayos, hindi iyong papalit-palit siya ng lenggwahe. She sounded so conyo. Baka mamaya, hindi na nga siya Salazar Princess, maging Conyo Princess naman siya.

"But, I can't accept that!"

Kagat-labi siyang lumingon sa mga ito. "I understand. H-Hahanap na lang po ako ng iba."

"Hindi ka aalis dito. Tinatanggap ka na namin," sabad ni Ali, umiigting ang mga panga nang lumingon siya rito.

"No, son! Hindi siya mamamasukan sa atin! I want to her to be my daughter."

"She won't accept that, 'Ma. And she'll not stay unless we hire her as our worker," he pointed out.

Napansin niya si Wella na nakamaang sa kanya.

"G-Gusto ko pong magpahinga, excuse me..." Hindi na niya kayang tapusin ang pagkain kahit pa nga kahali-halinang tikman ang tatlong putaheng nakahapag sa rectangular long table.

Hindi na siya pinigilan ng mga ito nang tumayo siya't iniwan na ang mga ito sa hapag 'tsaka pumanhik na.

Nalito siya sa mga silid kaya nagpasya siyang bumalik sa hapag. Mabuti na lamang at nakita niya si Wella na papanhik na rin kaya hindi na siya tumuloy na bumaba.

"Uh, Wella, pwedeng pakituro iyong room ko," pakiusap niya rito.

"Dito po, Miss."

"Heizen na lang, Wella."

"Naku! Hindi ko yata kaya. At Miss, nakakahiyang magtanong, pero seryoso ka bang mamamasukan ka rito?"

Saglit na natigilan siya at tumingin sa nakayukong si Wella.

"Kung tatanggapin," she smiled when she surprisingly stared at her.

"Parang hindi bagay, Miss! Masasayangan ako sa mga kamay mo kung magkakaroon ng kalyo! Mukha pa namang malalambot," komento nito.

"What can I do? Hindi na ako mayaman, Wella."

"Napanood ko nga sa News, Miss. Ang tapang mo kasi hinarap mo iyong problema ninyo kahit napakabata mo pa."

"Ilang taon ka na ba?" takang-tanong niya.

"Twenty-seven po."

"What? It's not halata, ah! I thought we're just at the same age."

Namula naman ang huli. "Naku, si Miss, bolera!"

"Iwan mo muna kami, Wella," si Ali na nasa likuran na pala niya.

"Ay, sorry, Miss Heizen, naki-chismis pa ako, hindi na kita nahatid sa silid mo."

"Ako na ang maghahatid sa kanya," sabad ni Ali.

Magalang na nagpaalam ang kawaksi.

Tahimik na sumunod siya kay Ali at nang mahatid siya, imbes na iwan siya ay pumasok ito sa loob ng silid.

"Get out!"

"Are you serious about that?" tanong nito. Alam niyang tinutukoy nito ang pag-a-apply niya bilang kasambahay.

"It's alright if hindi kayo nangangailangan. I can still find some amo na magha-hire sa akin," pilit na pinatigas niya ang boses.

"You could just say yes and you will become a Quijano, Heizen. But I'm glad you declined."

Nakagat niya ang labi sa sobrang inis dito.

"Or we can just get married—"

"Fuck you ka!" Girl! May 'you' na, may 'ka' pa. Redundant.

Napamaang itong tumitig sa kanya. Pagkuwa'y ngumisi. "You just cursed at me... But why did you sound so cute?"

She just hissed.

"And your face is all red. Adorable."

"You toyed me," akusa niya, halatang-halata ang pagkairitang nadarama. Sumeryoso ulit ito.

"I didn't."

"You did! You asked me to marry you. Tuwang-tuwa ka siguro kasi napa-oo mo ako, 'no? At bakit mo ba naisip iyon? Pinagpustahan n'yo ba ako? Are you masaya na nauto mo ako? You even stole my first ki—" Ginagap niya ang bibig nang mapagtantong hindi siya nito ninakawan ng halik. Buong-puso siyang tumugon sa bawat dampi ng labi nito sa labi niya.

"I was a fool for saying that was just April Fools. I didn't mean to—" Natigilan ito nang makitang nangilid ang kanyang luha. She tried to suppress her tears.

"So, it was real that you toyed my feelings, huh?" With that thought, she felt more irritated. Sinamaan niya ito ng tingin at halos manlambot siya nang makitang sinsero ang paninitig nito sa kanya. Napalunok siya.

"Heizen..."

"Get out," garalgal ang tinig niya. "I've never felt this humiliated in my life! Ang akala ko noon, wala nang mas lalala pa sa pagbagsak ng negosyo namin because of my incompetence... But I was wrong... Mas nakakahiya ito para sa sarili ko, Ali, para sa pagkababae ko."

"I'm sorry..."

"Iwanan mo muna ako, gusto kong mapag-isa."

Matagal bago ito kumilos. Pero nanatili pa ring nakatayo sa likuran niya. Hindi na siya nagtangkang lingunin ito at ilang minuto pa ang nakalipas nang tahimik lamang itong sinundan siya ng tingin hanggang sa magtalukbong siya ng kumot sa kama. Kaya lang ay nakalitaw ang binti niya. Hindi na siya nag-abalang talukbungin iyon.

Narinig pa niyang may tumunog na kung ano, at nang nanuot ang ginaw sa kanyang mga paa ay mapagtanto niyang sinindi nito ang air-con.

"We will talk later," bulalas pa nito pero hindi niya naramdamang bumukas ang pinto ng silid.

Halos dalawang minuto nang magpasya siyang sumilip at hindi siya nagkakamaling nakatayo lamang ito sa tabi ng kama, tila nag-iisip kung aalis ba o hindi.

Bumalikwas siya ng bangon at umupo sa kama. Bahala nang nagulo ang kanyang buhok.

"Pinaglalaruan mo talaga ako, 'no?" singhal niya.

"Hindi... I was about to go out."

"Bakit hindi ka pa mag-go out?"

"Baby..."

"Don't call me that! I told you I'm an adult now!"

He just sighed and critically stared at her.

Nag-angat siya ng tingin at nangunot ang mga mata niya nang hindi niya maintindihan ang nasa mga mata nito. Was he planning to do something funny again?

"I'll go now. Magpahinga ka nang husto," paalam nito. She watched him walked away and before he could touch the doorknob, she called his attention.

"April Fools din ba iyong mga kisses?"

My pasmadong mouth! I should've just stayed silent!

Pumihit ito at mariing minasdan siya. Pagkuwa'y tumaas ang isang sulok ng labi nito. He looked sinfully handsome with that smirk!

"Hindi mo na kailangang sagutin. Alam ko na ang sagot. Lumabas ka na."

He glanced at her seriously, then he sighed heavily, and finally went out.

Hindi maipaliwanag ang bigat na nadarama niya. It's possible that he toyed her, right? Pinag-trip-an lang siya nito kaya ganoon na lamang kabilis nang alukin siya ng kasal. Wala sa sariling napahawak siya sa kumikirot niyang dibdib...

At hinayaang tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang kumawala.