webnovel

CAUGHT IN HIS TRAP

"Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."

jadeatienza · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
28 Chs

Business

Chapter 10. Business

NASANAY na si Heizen na ganoon ang routine niya araw-araw. Si Ali ay naging mas abala sa preparasyon para sa upcoming debut ng grupo nito. Last Christmas, his brother went home and they celebrated the Christmas Eve together. Nalaman niyang dalawang taon lang pala ang agwat ng magkapatid pero kung titingnan ay parang kambal ang mga ito. It's just that his brother, Prince Alejandro, has softer features than him. Pero halatang mas firm ang katawan ni Prince dahil batak sa military training.

Isang linggo lang naglagi si Prince dahil ipapadala naman daw ito sa ibang bansa. Isang araw bago umalis si Prince ay umuwi ang haligi ng tahanan. Dr. Alexander Quijano was like the older version of Ali. Kahit hindi niya makitang tumanda si Ali ay may ideya na siya sa magiging hitsura nito.

The old man didn't stay longer because he had to go with his son. Sa parehong bansa naman pala maglalagi ang dalawa ngayon.

"Hindi ka ba nalulungkot na laging wala ang Papa't kapatid mo rito?" she asked Ali while they were swimming. Gabi na nang magyaya siyang mag-swimming dahil ayaw niyang mag-isa sa labas. Nakaupo siya ngayon sa sunlounger habang si Ali ay kaaahon lang sa pool.

"Malamok na, pumasok na tayo?"

"Wala kang narinig?"

"I heard you," sagot nito. "I just saw you scratching your legs. Let's go inside, baka mamantal ang balat mo."

"Oo na. Magbababad na lang ako sa tub." Masungit na tumayo siya matapos magsuot ng flip-flop. Hindi na siya nag-abalang mag-roba pa dahil medyo tuyo na rin naman siya. She's wearing a tube top and a short shorts.

Agad siyang hinabol ni Ali at pinasuot sa kanya ang puting roba. "It's cold. Baka ginawin ka."

"I'm fine. Sanay ako sa aircon," she lied. Dahil totoong maginaw nga.

"About your question, I am sad, yes. But it's their compassion that made me accept their respective jobs. I see them very accomplished doing what they love to do. Kaya kahit minsan lang kami magkita ay naiintindihan ko. At masaya ako para sa kanila," seryosong sagot nito sa tinanong niya kanina.

"I was just curious. Kasi nakita kong umiiyak si Ma'am noong gabing umalis na sina Sir," pagbibigay-alam niya rito.

"It feels weird whenever you address my parents that way, Heize."

"And it feels weirder whenever you utter my name that way," ganti niya. Totoo iyon dahil hindi maipaliwanang ang awtomatikong pagtaas ng balahibo niya sa tuwing sinasambit nito ang pangalan niya. She was like feeling so much emotions from him.

"Why? What should I call you, then?"

'Nga naman. Ano'ng itatawag nito sa kanya? Baby? His Princess? Agad siyang umiling.

"Pumasok na tayo. I'll get some mosquito cream after we take a shower."

Napakurap-kurap siya. Why did he have to say "we"? Pilit na bumabangon ang pinapatay niyang hindi maipaliwanang na damdamin para rito.

She pouted and went inside.

Gaya nga ng sinabi ni Ali ay hinintay siya nitong makababa sa sala. Base sa pagpindot-pindot nito sa cellphone ay alam niyang kanina pa ito naghihintay. Siya na ang naglagay ng cream sa mga kagat niyang lamok, at nag-offer na rin siyang lagyan ang mga kagat nito.

"Sorry," bulalas niya. Biglang nakonsensya dahil sa pag-aaya niyang mag-swimming.

"Why?"

"Kasi nga niyaya pa kitang mag-swimming kahit alam kong malamok tuwing gabi."

Ngumiti ito. "Na-relax naman ako."

She sighed. "Kumusta naman?" pag-iiba niya sa usapan.

"I'm fine now," seryosong tugon nito.

"Huh?"

Hindi ito sumagot at tumayo.

"Let's go to the entertainment room? I want to binge-watch some movies tonight." Nagyaya siya nang sa palagay niya ay magpapaalam na ito para matulog.

There's a ghost of smile on him when he nodded.

"Ay, excuse me. Narinig ko kayong nag-uusap na pupunta ng entertainment room, may gusto ba kayong snacks? Ipe-prepare ko," si Wella iyon na kagagaling lang sa kusina.

"Ako na lang, Wella, matulog ka na," sambit niya at tumango ang huli.

Buong gabi silang nanood ni Ali ng mga nakakatakot na palabas. Panay ang tili niya at kagat sa mga kuko sa tuwing pakiramdam niya ay magugulat siya. Bandang alas dose na nang matapos ang ikalawang palabas na pinili niyang panoorin.

Pero parang mas nagulat siya nang gagapin ni Ali ang isang kamay niya at diretso lamang ang tingin sa screen.

"Don't bite your nails," anas nito.

Sa tuwing magugulat ay sumisigaw na lang siya at humihigpit ang hawak kay Ali.

"Nabingi yata ako sa sigaw mo, hindi sa sound effects," nakatawang komento nito nang hinihingal siyang nakatitig sa after credits ng movie. It was almost three in the morning when the third movie they watched was done.

"Cartoons na lang panoorin natin."

"Hindi ka pa ba inaantok?" he asked.

"Why? Are you sleepy? I'm fine here, you can sleep on your bed."

Saglit itong natigilan at tumayo. Hindi pa nakalalayo nang magsalita ito, "Are you sure you'll be fine alone in this dark room?"

Naningkit ang mga mata niya sa tanong nito, alam niyang nasa likuran lang ito ng couch na inuupuan niya. Pagkuwa'y naalala niya ang pinanood kanina, at maiiwan siyang mag-isa sa silid. Tama si Ali, madilim ang paligid. Napalunok siya nang bumaling siya sa bandang likuran ay napatili nang bahagyang nakayuko si Ali, malapit na lang ang distansya ng mukha nila, kasabay nang panggugulat nito sa kanya.

Ang akala niya'y babaliktad siya pero nakaalalay pala ang isang braso nito sa likuran niya. At imbes na bumalandra siya sa sahig ay si Ali ang bumalandra sa couch, sa ibabaw niya. Mabuti na lang at mabilis nitong naitukod ang isa pang braso sa sandalan ng couch, kung hindi ay napitpit na siya ng kabigatan nito.

"Pinahihirapan mo ako nang husto, Heizen." Pumungay ang mga mata nitong tumitig sa kanya. Unti-unting bumaba ang ulo nito papalit sa kanya nang bigla siyang lumayo. Hindi niya alam kung saan nakakuha ng lakas para itulak ito.

"Hindi na p-pala ako manonood," nauutal na dahilan niya 'tsaka tumayo. "Ikaw na ang magpatay riyan. Iligpit mo na rin ang pinagkainan natin. Inaantok na talaga ako, eh." She faked a yawn and was half-running went she stormed outside the entertainment room.

She heard him chuckled loudly before she rushed to go upstairs.

The following months were the time where Ali became busiest. He became most focused on recording Eclipse' debut album, and was busy practicing to bring out the best in their group.

On the third month, Eclipse' members were introduced to the public and was set to debut a month after.

Halos hindi na sila magkitaan ni Ali, at hula niya'y madaling-araw na nakakauwi. Minsa'y dalawang araw na hindi umuuwi. Hindi niya namalayang halos tatlong linggo na agad ang lumipas mula nang ipakilala ang mga ito sa madla.

"Hija, bakit hindi ka mag-aral ngayong taon? Magiging abala na rin naman ang anak ko kaya wala ka nang gaanong aasikasuhin," turan ni Dra. Aliana sa kanya. Nasa hardin sila at nag-aalmusal. Maagang umalis si Ali kaya sina doktora at Lola Elizabeth ang kasama niya.

"Baka next year po, Ma'am. Hindi pa po sapat ang ipon ko, eh."

"Sasagutin namin ang pag-aaral mo."

"Nakakahiya naman po!"

"Don't feel that way. Do you know Wella's younger sister?"

Tumango siya. Bukambinig ni Wella na nagna-Nurse ang kapatid.

"Manang Rica's granddaughter?"

Tumango ulit siya. She remembered he's in Senior High School.

Marami pang binanggit na mga kamag-anak ng mga naninilbihan sa kanila at pinagtakhan niya kung bakit nito nabanggit ang mga iyon.

"They're all our scholars."

Namangha siya. Nalaman niyang may foundation pang sinusuportahan ang pamilya at iba't ibang charities din.

Nanghinayang siya sa yaman ng mga Salazar. If only she's equipped on how to handle business a year ago, she wouldn't had let their companies fail.

"Maraming salamat po!" Napayakap siya sa ginang.

Si Lola Elizabeth nama'y huminto sa pangagantyilyo. "Nabanggit mo noon na gusto mong mag-Fine Arts, hindi ba?"

Tumango siya. "Pero nagbago na po ang gusto ko kalaunan, Lola. Gusto kong kumuha ng Business-related course."

Namamanghang tiningnan siya ni Aliana.

"Kahit may hindi ka magandang karanasan sa larangang iyan?"

She smiled and nodded. "I want to redeem myself. I want to know where did I go wrong so I could learn."

Both women were in awe. "You are a great daughter," si doktora.

"Sana'y pumayag ka nang maging apo ko."

"Si Lola talaga, o!"

Hindi pa rin kasi ito sumusuko sa 'panliligaw' sa kanyang maging parte ng pamilya Quijano.

That night, she went inside Ali's room. Hindi niya ito mahihintay sa sala dahil papapanhikin din siya ni doktora kapag naabutan na namang natutulog doon, kaya sa kwarto nito siya maghihintay. She couldn't wait to tell him the news!

Kaya lang, alas onse na ng gabi ay wala pa ito. Inaantok na siya pero hihintayin pa rin niya ito.

"Maybe I should sit on his bed. Laging gising ang himaymay ng katawan ko sa tuwing lumalapit ako sa kama niya, eh," bulong niya sa sarili.

But she was wrong. Because the moment she unconsciously hugged his pillow, she was immediately drawn to lie down on the bed and fell asleep soundly.