webnovel

CHAPTER 8

It feel so weird today.

I mean, no alarm clocks and no knocks from Kent. Maybe walang schedule si Kent to day. "Good morning Manang."

"Good morning, anong gusto mong kainin?" Manang asked.

"Kung ano pong niluto niyo kakainin ko." I said, "Manang si Kent po ba gising na?"

"Si Kent? Umalis na, kanina pa. May mga aasikasuhin siya para sa music video niya eh."

At that very moment, I knew I screwed up. Napatingin ako sa orasan, I have still 30 minutes para makapasok sa work.

"Oh saan ka pupunta? Hindi ka kakain?" Sigaw ni Manang.

"Manang, mamaya nalang po. Ma-lelate na ako!"

Kumaripas ako ng takbo paakyat sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili ko. Halos hindi ko na nga nasuklayan buhok ko. Pag baba ko, I still have 20 minutes.

"Hi — woah, whats with your hair?" Tanong ni Andre, "Mukha kang binagyo."

"Wala akong time makipag asaran sayo today, I'm gonna be late for work." I said habang nagbbook sasakyan.

"Where are you headed?" Tanong ni Andrè, "I'm on the way to the office kasi need ni Kent ng back up sa music video niya."

"You mean, nasa office pa siya?" Tumango siya, "Okay, thats where I'm going."

Napatingin ako sa phone ko na, nainis ako lalo nang makita ko kung ilang minuto bago makarating dito yung ni-book ko.

"Gusto mo sumabay sakin?" Andrè offered.

"Tapos pareho tayong late, tapos ako lang mapapagalitan?" I said, "No thanks!"

"Okay, if you said so —" nakita ko na nag helmet siya kaya bigla kong inagaw yung isa pang helmet, "What are you doing?"

"Pero kung mag-mmotor ka, we will not be late so lets go!" Alam mo yung natatakot ka pero wala kang choice? So bahala na si batman.

"Okay sabi mo eh."

Road to hell na ata 'to.