Juliet
"Binibini! Nariyan po sa baba si Ginoong Angelito Custodio!"
Angelito Custodio?
Omyghad! Angelito as in 'yung doktor na Angelito?!
"Anong ginagawa niya rito??" Nagtatakang tanong ko kay Adelina.
"Nais ka raw po niyang makausap." Sagot ni Adelina na halatang kinikilig-kilig pa at nang-aasar.
Grabe, lahat nalang yata ng lalaki sa bayang 'to aasarin sa akin ni Adelina.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita kong tumatawa si Ama at kasama niya sila Ina at Caden. Bakit nandito 'tong mga 'to? Bakit hindi sila bumaba?
"Sabi ko sa iyo, anak. Walang lalaki sa bayang ito ang makakaligtas sa kagandahan at kapuruhan ng iyong kapatid!" Tuwang-tuwang sabi ni Ama habang tinatapik-tapik pa ang likod ni Caden.
Napapailing-iling nalang si Caden hanggang sa mapansin niya ako kaya napansin na rin ako nila Ama at Ina. Agad namang lumapit sa akin si Ina at inayos ang buhok at mukha ko.
"You should go now, my dear." Nakangiting sabi ni Ina at aNO RAW!? PINAPALAYAS NA BA NIYA AKO???!!!
"Dalian mo na at kanina pa naghihintay 'yung tao." Singit ni Caden kaya naman bumaba na nga ako.
Pagkababa ko ay nakita ko rin agad si Angelito Custodio na nakaupo sa may sala habang hawak ang sumbrero niya at agad din naman siyang tumayo nang makita ako.
"Magandang umaga sa iyo, binibini." Bati niya at bumati rin naman ako pabalik.
"Bagamat nagkakasama na tayo noon sa pagamutan ay nais kong pormal na magpakilala sa iyo ngayon." Simula niya.
"Ako si Angelito Custodio." Lagay niya ng sumbrero niya sa dibdib niya atsaka magalang na nagbow.
Omygosh, first time ko yata makakita nito sa panahong 'to?? I mean, alam kong ganito ang pagpapakilala sa panahong 'to pero malinaw na nawawala na rin ang ganitong practices sa taong 'to since nasa 1899 na ako at next year ay 1900's na tapos mga nakakasalamuha ko pa sa panahong 'to ay mga heneral o kaya mga sundalo kaya ngayon lang talaga ako nakakita nang harapan na nagpakilala nang ganitong way.
"Juliet Cordova." Magalang na pagpapakilala ko rin at tumango siya bilang tugon. Niyaya ko siyang maupo kaya ginawa naman niya at umupo naman ako sa katapat niyang upuan.
Ito na yata ang pinakamalapit na distance namin sa isa't-isa at hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganito siya kalapit sa akin ngayon na kitang-kita ko bawat detalye ng mukha niya.
Maganda ang mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin ngayon. 'Yung tipong bawat salitang lumalabas sa bibig niya eh parang ipinapahayag din ng mga mata niya kaya kitang-kita ang sincerity sa mga mata ito, 'yung tipong pati mga mata niya eh nangungusap.
Maganda rin ang katamtaman niyang ilong, hindi matangos pero hindi rin pango. Pati 'yung manipis niyang labi eh bagay din sa skin tone niya na hindi maitim at hindi rin maputi. Moreno siya pero 'pag tinignan mo siya eh mas maputi siya sa karamihan ng mga moreno pero 'pag clinacify mo naman siyang tisoy eh mas maitim siya kumpara sa mga tisoy. Gets niyo ba? 'Yung features niya eh hindi sobrang perfect kundi puro katamtaman at tama lang pero nang magsama-sama lahat ng features niya eh ang ganda ng combination kaya siguro malakas din ang dating niya sa mga kababaihan.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, binibini. Narito ko upang imbitahan ka sa pagbubukas ng aking pagamutan at nais din kitang alukan ng posisyon sa pagamutan ko." Saad niya kaya natigil ako sa pag a-admire sa features niya.
Teka, posisyon? Bibigyan niya ba ako ng trabaho?
"Nabalitaan ko na nag-aral ka ng medisina sa Inglatera at sigurado rin naman akong nais mo ring gamitin ang iyong pinag-aralan kaya... tutulungan mo ba akong tulungan ang mga mamamayan ng San Sebastian?"
Bigla akong nakaramdam ng pressure nang tanungin niya ako at diretso pang nakatingin ang mga mata niya sa akin na naghihintay ng kasagutan.
"A-Ah... tatanungin ko pa sila Ama at Ina k-kung ano... kung papayagan nila ako." Sagot ko at nakita ko naman siyang tumangu-tango na pinapahiwatig na naiintindihan niya.
"Nauunawaan ko kung hindi mo pa maibibigay ang sagot mo. Sa ngayon ay mauuna na muna ako, binibini. Magandang araw muli sa iyo." Saad niya at tumayo na kaya tumayo na rin ako.
"Magandang araw rin sa iyo, Ginoong Angelito." Sagot ko.
"Inaasahan ko ang iyong pagdalo sa pagbubukas ng aking pagamutan at ang iyong pagpayag . . ."
". . . hihintayin kita." Dadag pa niya at tuluyan nang nagpaalam.
Ghad! In fairness, 'yung trabaho ang lumalapit sa akin sa panahong 'to ah? Sana ganito rin sa present pero ghad! Anong gagawin ko?!
Hindi pa naman ako ganap na doctor at hindi ko rin naman pwede i-explain 'yun. Hindi rin naman ako pwedeng magpanggap dahil ayaw ko ring ilagay sa panganib ang mga magiging pasyente ko. Argh! Mababaliw na talaga ako sa panahong 'to!
Narinig ko ang pagbaba nila Ama at Ina sa hagdan kaya lumingon ako sa direksyon nila. Mukhang narinig na nilang umalis 'yung karwahe ni Angelito kaya siguro bumaba na sila.
"Kamusta, anak?" Tanong ni Ama. Bakas sa mukha niyang nang-aasar siya.
"What did he tell you?" Tanong din ni Ina at lumapit pa sa akin at umupo kami.
"Uhm... inalok po niya akong magtrabaho sa pagamutan niya." Sagot ko at nakita kong napapalakpak ang tenga ni Ina sa tuwa.
"What did you say? That's a great idea! I think he wants to get close to you by having you in the same workplace as him. He's a gentleman after all." Sabi ni Ina.
"Hindi niya sinabi sa iyong gusto ka niya?" Tanong ni Ama na mukhang napapaisip na ngayon.
"Hindi po atsaka, Ama... bakit naman po niya ako magugustuhan?" Sabi ko.
"Oo nga naman." Singit ng boses ni Caden na kakababa lang.
"Bakit ka nga naman niya magugustuhan eh napakasikat niya pagdating sa mga kababaihan saang lupalop man ng bayang ito at isa pa, isa siyang mahusay na manggagamot na nagtapos pa na may mga matataas na marka sa Espanya."
Inirapan ko nalang si Caden at hinayaang si Ina ang sumagot para sa akin.
"You're teasing your sister again, Caden..." Saway ni Ina at nanahimik naman na sandali si Caden samantalang parang natatawa lang sa amin si Ama.
Hay... naalala ko tuloy sila Tito Daddy at Tita Mommy. Wala akong kapatid na nang-aasar sa akin pero lagi rin nila akong kinakampihan kahit sino man ang nang-aasar o nang-aaway sa akin. Pero kahit papano, thankful din akong napunta ako sa panahong 'to dahil naranasan kong magkaroon ng kapatid sa katauhan ni Caden at 'totoong' mga magulang.
Pero anong sasabihin ko kay Angelito Custodio? Ghad, ayoko na maging great pretender huhu.