webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
98 Chs

XXI

Juliet

Inilapag ko ang kamay ko sa nakalahad na palad ni Fernan at inalalayan naman niya ako papunta sa sayawan atsaka nagsimula na nga ang sayaw.

Diretsong nakatingin sa akin si Fernan at ang genuine ng mga ngiti niya ngayon. Siguro masaya siya kasi birthday ng tatay niya.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita si Andong na nakikipagsayaw din. Nakita ko rin sina Don Luis at Doña Isabela na nagsasayaw.

Teka, nasaan nga kaya si Niño?

Nahagip ng mga mata ko si Mateo na may kasayaw din na babaeng kasing edaran niya kaya napangiti ako. Ang cute-cute nila!

"Mas tipo mo ba ang mga binatang mas bata sa iyo, binibini?" Malisyosong tanong ni Fernan at mukhang nang-aasar pa atsaka sumilip kay Mateo atsaka ibinalik ang tingin sa akin. Malisyosong palaka rin 'tong si Fernan eh, hay nako!

"Sampung taong gulang palang ang kapatid kong si Mateo, binibini. Matagal-tagal pa ang iyong hihintayin." Pang-aasar pa ni Fernan.

"Sampung taon palang siya?" Tanong ko dahil sa gulat.

OMG ang tangkad niya at ang mature niyang tignan. Sa batang edad, grabe na 'yung posture niya at manang-mana sa Kuya Miguel niya 'yung tindig niya na ang manly talagang tignan.

"Oo, bakit? Akala mo ba'y kasing edad mo lamang siya?" Asar pa ng mokong kaya pasimple ko siyang inapakan at napa-aray naman siya nang mahina atsaka ko siya tinignan ng tigilan-mo-ako-sa-pang-aasar-mo look na tinawanan lang niya.

Habang nagsasayaw kami, nakatingin lang nang diretso sa akin si Fernan at nakangiti pero may iba talaga sa mga ngiti niya. Nakangiti siya pero 'yung mga mata niya ang lungkot-lungkot habang nakatingin sa akin.

Gano'n ba ako ka-mukhang kawawa kanina kasi walang nag-aaya sumayaw sa akin kaya sinayaw nalang niya ako? Huhu.

Hindi ko naman magawang tumingin din nang diretso sa kaniya kasi nahiya na ako nang maisip na naawa lang siya sa akin kaya niya ako sinayaw kaya tumingin-tingin nalang ako sa paligid.

"Mamaya pa darating si Niño." Bigla niyang sabi kaya nabalik ang tingin ko sa kaniya.

Ang genuine ng ngiti sa labi niya pero bakas sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Makikita mo rin siya mamaya."

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang tugtog kaya naghiwalay na rin kami. Agad ko namang hinanap si Caden at nakita ko siyang kausap si Pia.

Hay nako, Caden! Ikakasal na 'yung tao pumuporma ka pa, tsk!

Nagulat ako nang pasimpleng lumingon sa akin si Caden with a I-can-hear-you look.

OMG! Naririnig nga pala niya iniisip ko huhu.

"Oh! Juliet, nariyan ka pala. Halika rito." Tawag sa akin ni Caden at binigyan ako ng pagsisisihan-mo-panghuhusga-sa-akin look.

Para naman akong natataeng ewan na lumapit sa kanila dahil sa kaba sa kung anong balak gawin ni Caden para gumanti sa akin.

"Binibining Pia, ito ang aking nakababatang kapatid na si Juliet." Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Caden kay Pia.

"Magandang gabi sa iyo, Binibining Juliet. Ikinagagalak kong pormal kang makilala." Nakangiting pagbati ni Pia sa akin. OMG ang ganda niya talaga!

"Magandang gabi rin, Binibining Pia." Bati ko sa kaniya pabalik.

"Ginoong Caden, nakita ko na si Binibining Juliet kaninang umaga kasama si Kuya Fernan sa may palengke." Saad pa ni Pia kaya napatangu-tango si Caden.

"Kaya pala inihatid niya si Juliet sa aming tahanan kaninang umaga." Sagot ni Caden at pareho silang napatingin sa akin na may halong pang-aasar sa amin Fernan kaya natawa nalang ako.

"Oo nga pala, binibini. Maaari bang sumama sa iyo ang aking kapatid upang matutong magburda at magtahi? Sa palagay ko'y batid mo naman na hindi gamay ng aking kapatid ang kultura at mga gawain ng mga kababaihan sa bayang ito kaya't nais ko sanang sa iyo siya matuto sapagkat ikaw ang pinakamagaling pagdating sa ganitong mga bagay sa buong San Sebastian." Puri ni Caden kay Pia na mukhang ikinagalak naman nito.

"Ikinalulugod kong turuan ang binibining nagmamay-ari ng puso ng aking Kuya Fernan." Nakangiting tugon ni Pia atsaka ngumiti sa akin.

Ngumiti nalang ako pabalik kahit na wala akong balak matuto ng mga ganoong gawain atsaka ko pasimpleng binigyan ng bakit-mo-sinabi-yon?! look si Caden at ngumiti lang siya nang mapang-asar.

Nagkwentuhan pa sila at may sumama pang ibang mga hindi ko naman kilala kaya nagpaalam na akong maglilibot-libot at pinaalalahanan ako ni Caden na huwag na lumayo.

"Binibini."

Napalingon agad ako kay Fernan na bigla nalang sumulpot nang makalayo na ako kanila Caden.

"Maaari bang sumama ka sandali sa akin?" Tanong niya.

"Ah... huwag na raw kasi ako masyadong lumayo sabi ni Ca—Kuya Caden. Baka kasi aalis na rin kami." Sagot ko.

"Onting oras mo lamang ang hinihingi ko, binibini. Maaari mo ba akong pagbigyan?" Saad niya at bakas sa mukha niyang nagdadasal talaga siyang pumayag ako kaya pumayag na ako.

Sumunod agad ako sa kaniya nang magsimula na siyang maglakad at biglang nauntog sa likod niya nang bigla rin siyang tumigil. Napahawak tuloy ako sa noo at ilong kong tumama sa likod niya.

"Ayos ka lamang ba, binibini?" Natatarantang tanong niya pagkalingon sa akin.

"A-Ayos lang..." Sagot ko habang hinihimas pa rin ang ilong ko.

"Maaring maglaan ka ng karampatang distansya mula sa akin upang..." Sabi niya at nakuha ko naman ang message sa mga mata niya na baka-kasi-ijudge-tayo-ng-mga-tao-kapag-magkasabay-tayong-maglakad kaya tumangu-tango ako at pinauna na nga siyang maglakad.

Lumabas kami ng mansion at sa likod, may maliit na garden at may nakatalikod sa aming lalaki. Nakatingin siya sa langit at mukhang may hinihintay. Naka blue siyang uniporme na katulad ng suot ngayon ni Fernan at sa tindig at figure palang, alam ko nang siya si...

"Niño." Tawag ni Fernan at lumingon na sa amin ang lalaking nakauniporme.

Nang magtama ang mga tingin namin, agad na sumilay ang mga ngiti mula sa labi niya na nakapagpabilis sa tibok ng puso ko.

Grabe, ba't ba ang gwapo ng taong 'to?

"Magandang gabi sa iyo, binibini." Ngiti niya at humakbang palapit sa akin.

Hindi agad ako nakasagot dahil star-strucked pa rin ang lola niyo sa kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko.

"Rosas, para sa iyo." Abot niya ng isang tangkay ng rosas na kanina pa yata niya hawak.

Gosh, ewan ko ba pero ang gwapo niya sa itsura niya ngayon. Sayang, ang ganda sana picturan at gawing wallpaper. Imagine, isang gwapong 23-year-old na general na may hawak na rosas. Kyaaaaaah!

"Binibini?" Tawag ni Niño atsaka lang ako natauhan. OMG nahalata ba niyang pinagpapantasyahan ko siya?

"Ayos ka lang ba, binibini? Masama pa ba ang iyong pakiramdam?" Nag-aalalang tanong niya.

"A-Ah... hindi. Pasensiya na, lutang lang." Sagot ko.

"L-Lutang? Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya.

OMG! Hindi pa ba uso ganoong term sa panahong 'to?!

"A-Ang ibig kong sabihin ay... wala lang ako sa huwisyo. Kanina pa rin kasi ako rito, medyo pagod na rin ako." Explain ko. Phew, buti mabilis pumick-up brain cells ko ngayon.

"Ah... ganoon ba. Hindi bale, nais ko lang naman talagang masilayan ang iyong kagandahan kahit pa saglit lang. Maraming salamat sa pagpayag makipagkita sa akin, binibini. Tunay na walang kupas ang iyong kagandagan kahit pa binabalot na ng kadiliman ang kalangitan." Nakangiting saad niya at ghad!

Ano raw? Kadiliman? Kalangitan? Anong connect nun sa pinagsasabi niya jusko po mamamatay ako sa loss of blood kaka-nose bleed sa panahong 'to eh.

Inabot na ulit niya sa akin 'yung rosas at nagpaaalam na. Sinamahan naman ulit ako ni Fernan pabalik.

Ang ganda naman ng pinitas niyang rose kaya lang... 'di magtatagal at malalanta rin 'to.

Bigla akong nakaramdam na ang daming nakatingin sa akin kaya napalingon ako sa paligid at nakitang ang dami ngang mga matang nakatingin sa amin ni Fernan at nakarinig ako ng mga bulung-bulungan.

"Napaka-romantiko pala ni Koronel Fernandez umibig!"

"Oo nga, ang ganda pa ng rosas na ibinigay niya sa kaniyang nobya! Halatang pinaggugulan niya ng oras ang pagpili at pagpitas."

Biglang huminto si Fernan sa paglalakad pero this time, hindi na ako nauntog sa likod niya dahil malayo nga ang distance ko sa kaniya sa paglalakad. Mukhang may iba pang purpose ang paglalakad malayo sa kaniya ah... para hindi ako mauntog.

"Andito na pala sila!" Masiglang sabi ni Don Federico nang makita kami na mukhang siya palang iiwasan ni Fernan kaya napatigil siya sa paglalakad at aatras sana pero huli na ang lahat.

Nagulat ako nang palibutan na kami ng pamilya ni Fernan at Caden.

"Uuwi na sila Ginoong Caden, Fernan. Nakapagpaalam ka na ba kay Binibining Juliet?" Mapang-asar na tanong ni Don Federico at 'yung pamilya naman niya kasama si Caden eh parehong nang-aasar sa amin. Natawa nalang si Fernan at napakamot sa patilya niya.

Hinatid nila kaming lahat sa labas ng mansion nila at hinintay na hindi na nila kami matanaw atsaka bumalik sa loob.

"Maghanda ka para sa Sewing 101 mo bukas." Tawa sa akin ni Caden kaya inirapan ko nalang siya.

Kasi naman huhu hindi nga ako humahawak ng karayom except sa needle ng injection tapos papaturuan akong magtahi? Ghad! Nababaliw na talaga ako ngayong 1899!

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts