Juliet
Maingat silang lumapit sa baba ng terrace kung nasaan ako ngayon, maingat na walang makapansin sa kanila. Napansin kong lahat sila ay hindi nakauniporme ngayon, nakaputing camisa de chino lang sila pero ang gwa-gwapo pa rin nila jusko.
Nagulat ako nang kumuha ng bato sa lapag si Fernan at binalot 'yun sa papel na galing sa satchel niya atsaka binato kung nasaan ako.
Napakunot ang noo ko sa inis kasi muntik na akong tamaan. Ano bang iniisip ng itlog na 'to?!
Tinignan ko ulit sila at para kaming nag cha-charades ngayon kasi may inaarte sila tapos hinuhulaan ko kung anong gusto nilang sabihin. Hindi rin naman ako makasigaw para magkaintindihan na kasi baka marinig ako rito.
Kumuha ulit ng bato si Fernan at binalot sa papel na galing sa satchel na nakasabit sa katawan niya. Binato niya 'yun kay Andong at tumama sa braso nito pero nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Tinuro niya ako at biglang umarte na nagpapaypay at naglakad na parang babae atsaka pinulot 'yung bato na nakabalot sa papel at binuksan 'yun.
OOOHHH! Gusto niyang kunin ko 'yung papel na nakabalot sa bato! Siguro may sulat 'yun.
Hinanap ko naman 'yung batong hinagis ni Fernan dito sa terrace atsaka tinanggal 'yung papel na nakabalot dito at nakitang may sulat nga.
'Nais kang makausap ni Niño, binibini. Maaari mo ba kaming tulungan iakyat siya? Kung oo ay kunin mo ang pinakamahabang kumot sa iyong kuwarto o 'di kaya'y pagdugtungin mo ang dalawang kumot at itali sa asotea upang makaakyat siya. -Fernan'
Napasilip naman ulit ako sa kanila at binigyan sila ng nababaliw-na-ba-kayo look pero mukhang seryoso sila sa balak nila kaya pumasok na nga ulit ako at kinuha 'yung mga kumot sa kama at tinali nga 'yun nang mahigpit para makaakyat si Niño.
Nakita ko naman ang biglang pag-aliwalas ng mukha ni Niño nang ihulog ko na 'yung kumot na nakabuhol sa railing ng terrace para makaakyat siya. Triny muna niyang hilahin nang malakas para icheck kung matibay at nang hindi naman bumigay ay sinumulan na niyang umakyat.
Grabe, ngayon sigurado na talaga akong sundalo siya jusko tignan niyo naman kung paano siya umakyat. Grabe ang bilis at ang hot niya tignan, omyghad.
Nang makaakyat naman na siya ay sinalubong ko siya ng tanong.
"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko pero napangiti agad siya.
"Sa palagay ko'y may koneksyon tayo, binibini." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Batid kong nababagot ka kaya nandito ako upang sagipin ka." Ngiti niya nang nakakaloko. Abnoy talaga 'tong tukmol na 'to eh.
"Oh, ano naman kung nababagot ako eh wala naman akong choice—este—magagawa kundi tumunganga rito." Sabi ko naman at biglang nawala ang ngiti sa labi niya.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang noo ko dahilan para medyo mapaatras ako pero lumapit lang siya at mukhang desididong malaman kung mainit pa ako.
"Buti naman at wala ka nang sakit. Sa totoo lang ay... inisip kong ipagpabukas na lamang ang pagpunta sa iyo upang makapagpahinga ka ngayon ngunit..." Biglang humina ang boses niya kaya napakunot na naman ang noo ko.
"Ngunit...?" Sabi ko kaya napatingin siya nang diretso sa mga mata ko na nakapagpabilis na naman sa tibok ng puso ko. Ghad wala namang ganyang tinginan Niño, marupok ako.
"Ngunit hindi ko kayang palampasin ang isang araw na hindi man lang nasisilayan ang kagandahan mo." Saad niya na hindi pa rin pinuputol ang pagtititigan namin kaya napalunok nalang ako sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Mas lumapit pa siya sa akin kaya napasandal na ako sa pader kakaatras. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin, omyghad!
"Napakaganda mo, binibini."
Ngumiti siya na nakalabas ang ngipin jusko po bukod sa ang bango-bango niya na nga, ang ganda rin ng mapuputi niyang ngipin. Sobrang gifted niya huhu sana all.
Napatitig ako sa mga ngipin niya at nakitang ang ganda pala talaga nito, grabe! Uso na ba ang braces sa panahong 'to??
Pagbalik ko ng tingin ko sa mga mata niya, nagulat ako kasi nakatingin nga pala siya sa akin at malamang nakita niyang tinitignan ko 'yung ngipin—oMYGHAD PAANO KUNG AKALA NIYA TINITIGNAN KO 'YUNG LABI NIYA?!?!?!?!
Ngumiti siya nang nakakaloko nang makaramdam siya na natauhan na ako mula sa pagpapantasya sa kaniya.
"Matagal-tagal pa, binibini." Pilyong ngisi niya at omyghad naamoy ko 'yung breath niya at ang bango huhu nagm-mouthwash ba 'to? Palibhasa mayaman eh.
"O gusto mo ngayon na?" Mapang-asar na sabi niya at lumapit pa kaya natulak ko siya palayo.
"A-Anong ngayon na?" Pagmamaang-maangan at pagtataray ko.
"Bahala ka, kung 'yan ang gusto mo binibini." Sabi niya at sa tono pa niya ay parang kawalan ko pa aba't—! Talaga 'tong lalaking 'to!
Lumayo na siya at umiling-iling, 'yung pang-asar lang na iling. Kainis talaga 'to.
"Nais sana kitang isama sa kabilang barrio, binibini. Ito ay kung... papayag ka lang naman." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at nagtama muli ang mga tingin namin.
"Isa rin sa mga dahilan kung bakit mas pinili ko pa ring pumunta rito kahit na gusto ko ring magpahinga ka ay dahil may isang espesyal na okasyon ngayon sa kabilang barrio na nais ko sanang masaksihan mo." Saad pa niya dahil hindi ako sumagot.
"Bakit mo naman gustong makita ko 'yun?" Tanong ko naman.
"Tinutupad ko lamang ang sinabi kong sasamahan at tutulungan kita sa bayang ito, binibini." Ngiti niya at nagflashback sa utak ko noong nagsasayaw kami.
Sinabi niya na handa siyang samahan at tulungan ako sa bayang 'to dahil alam niyang hindi ako taga-rito at hindi ako sanay.
Hindi ko alam pero may parte sa aking sobrang thankful dahil nakilala ko si Niño. Isa siya sa mga taong nagpaparamdam sa akin na hindi ako iba sa kanila kahit na nagmula ako sa sa ibang panahon. Feeling ko sa sarili ko isa akong alien sa lugar na 'to pero dahil sa kaniya, kay Niño, feeling ko kabilang na ako sa kanila.
"Sige, sasama ako." Sagot ko at lumawak naman ang ngiti sa mga labi niya.
Pasimple akong bumaba sa sala at hinila si Adelina at sinama siya paakyat sa terrace ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Niño na nahihiyang nakangiti ngayon sa kaniya at bumati.
Binalik ni Adelina ang tingin niya sa akin at binigyan ako ng malisyosong tingin.
"A-Ano pong binabalak niyo, binibini?" Nagtatakang tanong niya at bakas sa boses niyang siya ang kinakabahan sa isasagot at balak kong gawin.
"Gusto ko kasing makita 'yung okasyon sa kabilang barrio, pwede mo ba akong pagtakpan ngayon?" Tanong ko at nagpuppy eyes pa para pumayag siya.
Napangiwi si Adelina at halata sa mukha niyang tutol siya sa gagawin ko pero wala naman siyang magagawa kaya dahan-dahan siyang tumangu-tango.
"Yehey! Maraming salamat, Adelina!" Tuwang-tuwang sabi ko at nayakap ko pa siya dahilan para mas lalo siyang magulat.
Inadvice-an niya akong magpalit ng simpleng damit atsaka ako bumaba gamit ang pinagdugtong na mga kumot pagkatapos ni Niño.
"Ang tagal niyo namang nag-usap." Bungad sa amin ni Andong pagkababang-pagkababa namin.
Tumingala naman ako sa terrace at nakitang inakyat na nga ulit ni Adelina 'yung kumot at ngumiti sa amin.
"Kinausap pa ni Binibining Juliet ang kaniyang tagapagsilbi upang pagtakpan siya." Sabi naman ni Niño.
"Tara na." Saad ni Fernan at nauna nang maglakad. Sumabay naman sa kaniya si Andong at sumunod kami ni Niño sa kanila.
Nagsuot sila ng sumbrerong gawa sa abaniko para siguro hindi sila mahalata at makilala at naglakad na kami papuntang kabilang barrio.