webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
98 Chs

XV

Juliet

"Sarado naman." Disappointed na sabi ni Andong nang makarating kami sa tapat ng isang malaking gate. Nasa loob pa rin kami ng hacienda Fernandez at dito 'yung sinasabi ni Niño at Fernan na maganda nga raw.

Jusko pagkatapos ng mga 15 minutes na paglalakad namin, sarado naman pala huhu may balat yata ako sa pwet.

"Wala ka bang susi riyan, Fernan?" Tanong ni Niño kaya umiling-iling naman si Fernan.

"Na kay Ama ang susi sa mga pribadong taniman at hardin dito sa hacienda." Sagot niya.

Napatingin nalang ako sa mataas na gate. Ano kayang nasa loob at kailangan pang ilock? Sabi nila maganda raw so... baka magaganda at mamahaling mga bulaklak.

"Maganda ba talaga ang nasa loob niyan?" Tanong ko at tumangu-tango ang tatlong itlog.

"Sayang lang at sarado pero huwag kang mag-alala binibini, at dadalhin ulit kita rito." Saad pa ni Niño pero bakas sa mukha niyang malungkot siya dahil hindi niya maipapakita sa akin ngayon.

"Gusto kong makita ngayon." Sabi ko kaya napatingin silang tatlo sa akin at binigyan ako ng what-are-you-talking-about-nakita-mo-na-ngang-sarado look.

Lumapit na ako sa gate atsaka itataas na sana ang pagkahaba-haba kong saya nang maalalang mga lalaki nga pala 'tong kasama ko.

"Tumalikod kayo." Utos ko na mukhang ipinagtaka nila pero sumunod pa rin sila at tumalikod na nga.

Nang sure na akong hindi na sila nakatingin eh nag ala-Spiderman na ako sa gate para makapasok.

Oy! Hindi ako badass katulad ng iniisip niyo ah! Kaya ako natuto mag ganito kasi may pagka-ulyanin ako sa mga gamit ko lalo na sa maliliit na bagay kaya lagi kong nawawala o nakakalimutan 'yung susi ko kaya instead na gisingin pa sila Tita Mommy at Tito Daddy na mahimbing nang natutulog kapag gabi na akong umuuwi, inaakyat ko nalang 'yung gate namin.

Nang nasa tuktok na ako at tatawid na sa kabila eh bigla akong nalula dahil narealize ko lang na ang taas pala ng gate na 'to huhu. Saktong pagkatawid ko eh lumangon si Andong sa akin at napasigaw.

"Binibini! Anong ginagawa mo riyan? Baka mahulog ka!"

Dahil sa sigaw ni Andong ay agad na ring napalingon 'yung dalawa at mukhang magsasalita rin kaya inunahan ko na sila.

"Tumalikod nga kayo sabi eh! Hindi ako mahuhulog, sanay ako sa mga ganitong bagay."

Mukhang nagulat sila sa sinabi ko, waaah! Mali yata naconclude nila sa sinabi ko huhu.

"Kawatan ka ba, binibini?" Halong gulat at nagtatakang tanong ni Fernan.

"Hindi! Ang ibig kong sabihin... uhm... madalas akong tumakas kaya... basta ayun! Tumalikod na kayo at bababa na ako." Sagot ko at nakita ko ang pagbabago ng expressions sa mga mukha nila. Natatawang napailing-iling nalang sila habang tumatalikod.

"Mukhang mahihirapan kang umakyat ng ligaw dito, Niño." Pailing-iling na sabi pa rin ni Fernan at natatawa pa rin pero hindi ko narinig dahil mahina lang ang pagkakasabi niya, parang kay Niño lang talaga niya gusto iparinig.

"May pagkapilya itong sinisinta mo, tsk tsk tsk." Natatawa ring sabi ni Andong na hindi ko rin narinig dahil nagbubulungan sila.

Dinalian ko nalang bumaba atsaka sila tinawag. Nagsi-akyatan na rin naman sila pagkatawag ko at mas mabilis silang nakaakyat kasi ang hahaba ng legs nila at tumalon nalang sila pababa nang makatawid na sila sa gate.

OMG. Baka mahuli kaming trespassing tapos ako pa mastermind! Grabe ka talaga, self!

"Saan na 'yung sinasabi niyo?" Tanong ko.

"Nandito na 'yon, binibini." Sagot ni Fernan at naglakad ulit sila kaya sumunod ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang garden.

"Handa ka na ba, binibini?" Tanong ni Andong na nakahawak sa gate ng isang garden kaya excited naman akong tumangu-tango.

"Maligayang pagdating sa hardin ng mga paru-paro, binibining Juliet."

Binuksan ni Andong ang gate at halos mapanganga ako sa mga butterflies na nasa loob. Para siyang paradise sa ganda, grabe!

Pumasok ako at sumunod naman sila sa akin. Malawak itong garden at maraming halaman at mga butterflies ang lumilipad-lipad. Grabe, ibang klase rin talaga 'tong hacienda Fernandez.

May dumapong butterfly sa balikat ko kaya napatingin ako rito.

Usually 2 weeks lang ang buhay ng mga butterflies. Ang alam ko ilan sa mga umaabot sa average na 9 months hanggang 12 months ay mga Mourning Cloak, ilang klase ng Tropical Heliconian, at mga Monarch butterflies pero karamihan sa mga butterflies ay sandali lang talaga ang buhay. Pagkatapos kasi nilang makipagmate ay namamatay na sila, para sa mga lalaking butterflies. Sa mga babae naman ay namamatay sila pagkatapos nila maglay ng eggs.

"Para sa akin, malungkot ang buhay ng mga paru-paro." Saad ko nang umalis na sa balikat ko 'yung butterfly.

Napalingon naman sa akin yung tatlong itlog at nagsalita si Andong.

"Paano mo naman nasabi, binibini? Isa kaya sila sa pinakamaganda't makulay na may buhay sa mundong ito."

"Hindi naman porket maganda ka sa panlabas na anyo ay nangangahulugang tunay kang masaya sa loob, Andong." Pangaral naman ni Fernan kay Andong kaya napatangu-tango si Andong nang marealize na may punto ang kaibigan.

"Sabagay... pero bakit mo nga nasabi, binibini?"

"Ang mga paru-paro ay kadalasang nabubuhay lang sa loob ng dalawang linggo." Sagot ko na nagpakunot sa noo ng mga itlog na 'to kaya inexplain ko.

Wooh! Mapapasabak ako sa Tagalog dito ah.

"May apat na stag—" Napahinto ako.

Anong tagalog ng stages? Omyghadd! Uhm... yugto ba? Yugto na nga lang!

"Uhm... ayun, may apat na yugto ang buhay ng mga paru-paro. Una ay yung itlog palang sila na tumatagal nang mga 5 hanggang 10 araw. Pagkatapos, magiging larva o parang uod sila tapos mamamatay ang lumang katawan ng larva habang nabubuo ang bago niyang katawan sa loob, mga 10 hanggang 14 na araw 'yun. Tapos kapag handa na siyang lumabas bilang isang paru-paro, lalabas na siya sa cocoon niya at handa na siyang maghanap ng mate o asawa para makipagtalik pero pagkatapos ng pagtatalik, mamamatay ang lalaki tapos pagkatapos naman mangitlog ng babae ay mamamatay na rin siya. At uulit lang din sa umpisa ang lahat." Paliwanag ko na trying hard mag-straight Tagalog pero palpak naman.

"Lumalaki ang mga uod na magiging paru-paro na sila lang at walang magulang na gumagabay sa kanila?" Tanong ni Andong kaya tumangu-tango ako bilang sagot.

"Ang lungkot nga." Nasabi niya.

Napatingin ako kay Fernan na nakatingin sa lapag, parang pinag-iisipan niyang mabuti 'yung kwinento ko samantalang si Niño naman—teka, kanina pa hindi nagsasalita si Niño ah?

Humarap ako kay Niño at nakitang nakatingin lang siya sa akin. Bahagya siyang nakangiti at tahimik lang palang nakikinig.

Magsasalita pa sana ako ng tungkol sa mga paru-paro nang bigla akong mahilo kaya napakapit ako kay Andong na siyang pinakamalapit sa akin. Halatang nagulat siya pero agad niya akong inalalayan.

"A-Ayos ka lang ba, binibini?" Tanong ni Andong at nagsilapitan na rin sila Fernan at Niño pero bigla ko nalang talagang naramdaman na sumama ang pakiramdam ko.

Actually, pagkagising ko palang talaga hindi na maganda ang gising ko at hindi rin maganda ang pakiramdam ko pagkapasok palang sa hacienda Fernandez pero masyadong maganda ang haciendang ito kaya pinili kong mag-enjoy.

"M-Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Sagot ko at akmang hihipuin ni Andong ang noo ko pero agad din niyang pinigilan ang sarili niya.

"Mainit ka ba, binibini? Baka nilalagnat ka." Saad ni Andong na hawak ang sarili niyang kamay kaya bigla siyang binatukan ni Fernan.

"Paano mo malalaman kung hindi mo papakiramdaman." Wika ni Fernan at nilapat ang likod ng palad niya sa noo ko at nilapat din 'yung likod ng isa pa niyang kamay sa noo niya.

"Mukhang nilalagnat ka, binibini." Sabi niya at nilipat ang kamay niyang nasa noo niya sa leeg niya. Kino-compare niya ang temperature ko sakaniya.

Naagaw ni Niño ang atensiyon ko nang may kinuha siya sa bulsa ng pantaas na uniform niya. Pocket watch 'yun na parang kay Caden pero kulay gold.

OMG. Totoong gold kaya 'yun? Malamang totoong gold 'yun, mayaman 'tong heneral na 'to eh. Magkano kaya isangl—

"Hapon na rin. Halika na, binibini at ihahatid na kita pauwi." Sabi ni Niño pagtapos tignan ang oras sa pocket watch niya at tinabi na rin ulit 'yun sa bulsa niya.

"Ipapakuha ko na ang karwahe." Sabi naman ni Fernan at naglakad na.

Napatingin si Andong kay Fernan na naglalakad palayo at napatingin sa amin ni Niño atsaka ibinalik ang tingin kay Fernan at tumingin ulit sa amin. Mukhang pinag-iisipan niya saan siya sasama at sa huli'y nagpasya siyang sumunod kay Fernan.

"Sandali lang, Fernan!"

Nang maiwan kami ni Niño, lumapit siya sa akin.

"Patawad, binibini... malamang ay dahil sa pagkahulog mo sa lawa kagabi at pagod kaya ka nilalagnat ngayon."

"Sus, wala 'to! Paracetamol lang katapat nito." Sagot ko naman na nagpakunot sa noo niya.

"P-Parsetamol?" Tanong niya na para bang gulung-gulo na ang utak niya.

"Yung iniinom kapag nilalagnat." Sagot ko pero nakakunot pa rin ang noo niya.

"Acetaminophen? APAP?" Sabi ko na mukhang mas lalong nagpagulo sa utak niya.

Napahawak ako sa bibig ko nang maalalang nasa 1899 nga pala ako. Teka, wala pa bang paracetamol sa panahong 'to? Kailan nga ba nadiscover ang paracetamol?

Ang alam ko lang, nang madiscover ang paracetamol ay hindi naman 'to masyadong pinansin tapos simula nung first time siyang ma-synthesize, hindi rin naman siya nagamit for medical purposes for almost 2 decades.

"Ah, sa Englan—este—Inglatera kasi may gamot na iniinom na nakakatulong sa mga sakit sa katawan kagaya nalang ng sakit sa ulo at sama ng pakiramdam at nakakapagpababa rin ng temperatura ng may lagnat." Palusot ko.

Hindi ako sigurado kung meron na ba talagang paracetamol sa England sa taong 'to pero alam ko una siyang nagamit clinically noong 1893 ni Von Mering pero hindi siya nabebenta commercially hanggang 1950 sa US.

Napatangu-tango naman si Niño at may dumating na rin naman ang karwahe sa labas ng inakyat naming gate kaya nag ala-Spiderman na naman ako bago makasakay sa karwaheng pinatawag ni Fernan at hinatid na nila ako pauwi.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts