webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
98 Chs

XCIII

Nanatili lang na nakatitig sa puntod si Niño nang makarinig ng pagdating ng karwahe. Napalingon siya at nagulat nang makita ang ama.

"Ama," Lapit niya rito.

"Ipinahanap kita sapagkat nais kitang batiin bago ka pa man maging pangulo." Wika ng alcalde sa anak at bahagya pang tumawa. Napayuko nang kaunti si Niño dahil sa narinig. Napansin naman ito ng Ama kaya hinawakan nito ang kaniyang balikat.

"Hindi ka ba tutuloy?" Malumanay na tanong ni Don Luis kaya napatingin sa kaniya ang anak.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo sa isang bagay na hindi mo nais gawin, anak. No tienes que complacer a todos." (You do not have to please everyone.) Saad nito. "Ya hiciste más que suficiente." (You already did more than enough.)

"Matagal mo nang napatunayan ang iyong sarili sa bayang ito, anak. At ipinagmamalaki ko sa buong mundo na ikaw ang anak ko. Eres todo lo que puedo pedir, estoy orgulloso de tenerte como mi hijo." (You are everything I could ask for, I am proud to have you as my son.)

Napaluha si Niño sa narinig mula sa ama. Mula pagkabata'y ito na ang inaasam niya. Wala nang ibang mahalaga sa mundong ito kundi ang sasabihin ng kaniyang ama tungkol sa kaniya. Niyakap niya nang mahigpit ang ama. Bahagyang natawa si Don Luis sa ginawa ng anak atsaka yumakap din siya pabalik.

"Estoy orgulloso de ti, hijo mío." (I am proud of you, my son.)

Pagka-alis sa yakap ay nagtawanan ang mag-ama. Pinunasan ni Don Luis ang luhang tumulo sa mata ng anak. "Ya hiciste tu parte, puedes hacer lo que quieras ahora." (You've done your part, you can do whatever you want now.)

"At kahit saan ka man magpunta, lagi mong tatandaan na ikaw si Enrique Luis Enríquez el cuarto. Ikaw si Niño, anak ka namin ng iyong ina at kapatid ng iyong Kuya Ernesto. Sa murang edad ay pinangunahan mo ang rebolusyon upang makamit ang ating kalayaan mula sa kamay ng mga dayuhan at tinulungan mo ang ating mga kababayan makawala sa mali at mapang-abusong pamamahala. Tandaan mo iyan, anak. Tandaan mo kung sino ka."

Tumangu-tango si Niño habang hawak-hawak ng kaniyang ama ang balikat niya. Ramdam niya mula rito ang suporta ng kaniyang ama sa kung ano man ang landas na nais niyang tahakin. Nagkuwentuhan pa sila sandali ng ama bago ito mag-aya umuwi ngunit nais magpaiwan ni Niño kaya nauna na ngang umuwi ang alcalde.

"Pasensiya na at ngayon lang kita nakausap kahit pa ang tagal ko nang nandito." Wika ni Niño na nakatingin sa puntod ni Fernan. "Pumunta talaga ako rito para sabihin sa'yo na nagwagi tayo, Fernan."

"Malaya na ang Pilipinas." Ngiti ng heneral at naramdaman ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang mukha.

Nanatiling nakatayo si Niño sa tapat ng puntod habang nakasara ang kaniyang kaliwang kamao at may hawak naman na maliit na kuwaderno sa kaniyang kanang kamay. Tumingala siya sa kalangitan at sandaling pinagmasdan ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid atsaka tumingin sa kaniyang nakasarang kamao. Pagkabukas niya nito ay bahagya siyang ngumiti, ito ang kwintas ng dati niyang kasintahan. Tinignan niya ang 'Juliet' na nakalagay sa kwintas na ito atsaka tinignan ang kuwadernong hawak sa kabilang kamay. Binuksan niya ito at binuklat ang nakaipit na papel, may iginuhit itong larawan ng kaniyang dating pag-ibig.

"Ikaw ang unang nakakita nito, kaibigan." Yuko ni Niño at inilapag ang kwintas sa puntod ni Fernan.

"Kaya't iiwan ko ito sa'yo."

"Heneral Enriquez," Napalingon ang heneral at nakita si Angelito Custodio. Umayos na siya ng tayo atsaka nagsalita. 

"Ginoong Angelito." Bati ng heneral. Napatingin si Angelito sa kwintas na nasa puntod atsaka ibinalik ang tingin kay Niño.

"Nais mo bang bumalik sa kaniya?" Napakunot ang noo ni Niño sa tanong ng binata.

"Kaya kitang ibalik kay Binibining Juliet."

Mas lalong kumunot ang noo ni Niño sa huling sinabi ng kausap. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"Alam kong alam mong hindi sa panahong ito nabibilang si Juliet. Nalaman mo iyon matapos mabasa ang kaniyang mga sinulat, hindi ba?" Halong gulat at pagtataka ang bumalot sa mukha ng heneral atsaka nagtanong.

"Paano mo nalaman ang bagay na iyon?"

"Nang magpunta ako sa hinaharap, matagal din akong nagtrabaho roon bilang doktor at doon ko nakilala si Juliet. Sa katunayan ay sa tagal ko roon ay nakasaksi pa ako ng muling pagkabuhay ng isang batang inihayag ko nang patay. At iyon ang dahilan kung bakit napunta si Binibining Juliet sa panahong ito." Paliwanag ni Angelito.

"Nang kausapin ako ni Koronel Fernan at sinabing pakasalan ko si Juliet at dalhin sa Espanya upang ilayo sila sa gulo, nag-alangan ako sapagkat alam kong kahit kailan ay hindi ko makukuha ang puso niya kahit pa nadidiin ka na noon sa kasalanang alam naman ng lahat na hindi mo magagawa. Tumanggi ako dahil alam kong ikaw lang naman ang nagmamay-ari sa puso niya pero nang sabihin sa akin ni Koronel Fernan na ikaw mismo ang humihingi ng pabor ay nagkaroon ako ng pag-asang baka maaari ko ring makuha ang puso niya sa pamamagitan ng pagligtas sa kanila." Kuwento ni Angelito at nagpatuloy pa.

"Handa na akong iwan lahat ng pangarap ko rito upang makasama siya sa Espanya ngunit... bakit ikaw pa rin ang mahal niya? Ikaw na pinili ang iyong ambisyon, pangarap, at prinsipyo kaysa kaniya?"

"Napaisip ako kung bakit ikaw pa rin ang mahal niya kahit pa nadamay ang kaniyang pamilya dahil sa'yo at kahit na maka-ilang beses mo siyang iniwan para sa iyong adhikain at layunin. Atsaka ko napagtanto na baka kasi... ang dali kong sinuko ang pangarap ko. Baka kasi hindi ko mapanindigan ang aking prinsipyo, hindi ako katulad mo."

"Naging sakim ako. Pinilit ko ang aking sarili sa dalagang umiibig na sa iba." Yuko ni Angelito at bahagya pang natawa sa sarili. "Nang mabalitaan kong nasawi ka ay hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Tinuloy ko pa rin ang kasal namin kahit na napatunayan na noong unang beses na hindi niya talaga gustong maikasal sa akin."

"Masiyado akong nabulag dahil sa pag-ibig." Pag-amin ng binata.

"Inisip ko na dahil wala ka na, may pag-asa na ako dahil wala na rin naman siyang magagawa kapag kinasal na kami. Nang makatunog akong maaaring buhay ka pa, hindi ako nagpatinag at pinilit pa rin ang kasal dahil kahit naman bumalik ka, kung kasal na siya sa akin ay wala na kayong magagawa. At ang karma nga naman talaga'y napakabilis. Biruin mo, sa pangalawang beses ay naudlot na naman ang kasal namin." Pailing-iling na sabi ni Angelito.

"Gusto ko sana itong gamitin muli upang sundan siya ngunit naisip ko... mas gugustuhin ko siyang maging masaya, kahit pa hindi dahil sa akin." Nilabas ni Angelito ang pilak na relo.

"Ngunit ide-deklara ka ngayon bilang bagong presidente ng republika, hindi ba?" Tanong ni Angelito.

"Kaya ang tanong ko sa iyo Heneral Enriquez," Humakbang si Angelito palapit sa heneral habang hawak ang relo.

"Bayan o pag-ibig?"

Hindi maaaring umalis si Niño kapag siya ang naging bagong presidente. Hindi niya maaaring iwan ang kaniyang bayan kung siya ang mamumuno rito kaya naman nakadepende sa sagot niya kung ibibigay ni Angelito ang relo niya sa heneral na ito.

"Pag-ibig para sa bayan." Sagot ng heneral atsaka tumingin sa gintong singsing sa daliring nasa kaniyang kanang kamay.

". . . . at ang tangi kong pag-ibig."

Ngumiti si Angelito at inabot ang pilak na relo sa heneral. Kasabay nito ay ang pagpapalit ng pangalan na nakaukit sa loob nito.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts