webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
98 Chs

XC

Juliet

Nagkakagulo ang lahat pero hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko nang makita ko siya.

Ilang beses akong nanaginip na nakita ko siyang muli. Ilang beses ko siyang nakikita kahit saan man ako magpunta pero lahat ng iyon ay ilusyon ko lang. Pero ano ito? Siya na ba talaga ito? Si Niño ba talaga ang lalaking ito?

Napayuko ang lahat maski ako nang may magpaulan na naman ng bala sa loob ng simbahan. Ilang beses akong hinila ni Angelito para tumakas na pero hindi ko talaga magawang umalis dito. Hinila siya ni Don Pablo at natangay na rin sila sa mga taong pumasok sa looban pa ng simbahan habang ginu-guide ng mga sundalong kasamahan nila Andong.

Nang magsimula na naman ang maingay na putukan ng mga baril ay napaupo nalang ako sa lapag, sumandal sa likod ng lamesa sa may altar at pinikit ang mga mata ko habang nakatakip sa tenga. Sobrang lakas ng putok ng mga baril na feeling ko pagkatapos nito ay bingi na ako kung sakali mang makaalis ako rito nang buhay.

Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin kaya naman napadilat ako at nakita si Fernan. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko nang makita siya. Andito si Fernan, kasama ko si Fernan. Pakiramdam ko ligtas na ako as long as kasama ko siya. Thank you, Lord at dumating si Fernan.

"Magiging maayos na rin ang lahat, binibini. Kumapit ka lang." Sabi ni Fernan at pakiramdam ko ay ligtas na nga ako. Ang mga salita niyang 'yun ang nagreassure sa akin na matatapos ang lahat ng ito na ligtas ako.

"Sumama ka sa akin." Sabi niya at akmang hihilahin ako patayo na ikinagulat ko kaya hinila ko siya pabalik.

"S-Saan?" Tanong ko.

"Dadalhin kita kay Niño." Sagot niya kaya sandali akong natigilan pero sumunod na rin.

Tuloy pa rin ang putukan ng mga baril. Maingat akong prinoprotektahan ni Fernan at maya't-maya siyang may binabaril na kalaban na lumalapit o tumututok ng baril nila sa amin. Nang makapasok sa loob ay naabutan namin ang ilan sa mga huling tumatakas na sibilyan kasama ang mga sundalong nagp-protekta sa kanila. Habang iniiscan ng mata ko ang paligid ay nahagip nito si Niño at saktong narinig ko ang sigaw ni Fernan.

"Niño!"

Ilang segundo matapos ang sigaw ni Fernan ay umalingawngaw ang apat na putok ng baril sa loob ng silid. Agad akong napalingon at pakiramdam ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa nang makita ang unti-unting pagkalat ng dugo sa asul na uniporme ni Fernan.

"FERNAN!!!"

Boses 'yun ni Niño at kasunod nito'y sunud-sunod na putok galing mismo sa baril niya. Tumama iyon sa lalaking may hawak ng baril na nasa likod ni Fernan bago siya matumba sa lapag.

Agad akong tumakbo papunta kay Fernan habang patuloy sa pagbaril si Niño sa labas sa galit. Napaluhod ako sa tapat ni Fernan at agad na sinandal ang ulo niya sa akin. Tinignan ko agad ang mga tama niya habang tuluy-tuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

Sa likod siya binaril ngunit kahit sa dibdib niya'y may lumalabas na dugo. Posibleng tumagos ang mga bala at iniisip ko palang ay nanginginig na ang mga kamay kong tignan ang dibdib niyang punung-puno na ngayon ng sarili niyang dugo.

"J-Juliet..." Tawag niya sa pangalan ko, nanghihina ngunit nakangiti. Napailing-iling ako at pinipilit gisingin ang sarili ko. Panaginip lang 'to. Hindi 'to pwedeng mangyari kay Fernan. Lord naman, please. Hindi pwedeng mangyari 'to kay Fernan.

"Tumingin... k-ka sa akin..." Narinig kong sabi niya kaya naman minulat ko ang mga mata ko.

"Maaari ba kitang hawakan... s-sa huling pagkakataon?"

Nakita ko ang pagtulo ng luha niya na mas lalong dumurog sa puso ko. Hindi ko na napagilan ang sarili ko at napahagulgol nalang ako ng iyak habang tumatangu-tango. Inangat niya ang belo ko kaya tinulungan ko siya at naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa pisngi ko. Sandali ko ring hinaplos ang kamay niyang nasa mukha ko at nakita ko ang bahagyang pagngiti niya nang makita ang pulang lasong nasa pulsuhan ko. Ito ang ginawa niyang pulseras para sa akin na simula nang ibigay niya sa akin ay lagi ko nang suot.

"F-Fernan..." Sambit ko sa pangalan niya habang tuluy-tuloy na umaagos ang mga luha mula sa mata ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Pero Lord, please. Huwag naman. Huwag naman si Fernan.

"Ibang klase rin itong natipuhan ni Niño..." Nakangiting sabi niya na bahagya pang tumawa dahilan para maubo siya at lumabas ang dugo mula sa bibig niya.

Pakiramdam ko pinipisil nang sobrang higpit ngayon ang puso ko dahil sa nakikita ko. Ayaw kong makitang ganito si Fernan. Hindi ko kaya. Naramdaman kong pinunasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya.

"Masaya... akong nakilala kita." Nanghihinang sabi niya na halos bulong nalang. Nakita kong pinikit niya ang mga mata niya dahilan para mas tumulo ang luha mula sa mga mata niya.

"M-Masaya akong... nakita k-kita noon... sa barko..." Nakapikit sa sambit niya.

"...kahit pa hindi ako ang nakasayaw mo."

Nang maramdaman kong babagsak na ang kamay niya mula sa mukha ko ay agad ko itong sinalo. Basang-basa na ang mukha ko sa luha at 'di ko alintana ang sunud-sunod na putok ng baril sa labas.

Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal na nasa lapag habang hawak-hawak si Fernan. Natapos nalang ang mga putukan at unti-unti nalang akong pinalibutan ng mga sundalo ay nandito pa rin ako. Nakayuko habang nakatitig kay Fernan. Hindi ko na makita ang malalim niyang mga mata na punung-puno ng emosyon ngayon pero kitang-kita ko ang maliit at matangos niyang ilong at maputla na niyang labi.

Tumigil na ako sa pag-iyak. Kanina pa. Pakiramdam ko wala na akong luhang maiiyak pa sa dami ng luhang tumulo mula sa mga mata ko kanina pero mali ako. Nang hawakan ko ang malamig na kamay ni Fernan at makaramdam na naman ng matinding kirot sa puso ko dahil sa pagkawala niya ay may tumulo na namang luha mula sa mga mata ko.

Bakit... bakit kailangang mangyari 'to? Bakit si Fernan?

Nang maramdaman kong sabay-sabay na napalingon sa isang direksyon ang mga sundalo sa paligid ko ay napatingala ako at nakita sila Niño at Andong. Naramdaman ko na namang nabasag ang puso ko nang makita ang mga mukha nila. Sobrang sakit. Sobrang sakit na wala na si Fernan at sobrang sakit na makita silang tatlo sa ganitong sitwasyon.

Ilang buwan ko lang nakilala si Fernan at pakiramdam ko ikamamatay ko na ang sakit pero paano pa kanila Andong at Niño? Hindi ko na maisip kung anong klase ang pagkadurog sa puso nila ngayon. Hindi ko na magawang tignan pa ang mga reaksyon nila dahil unti-unti ring dinudurog sa milyun-milyong piraso ang puso ko habang nakikita silang ganito.

"Fernan..."

Boses 'yun ni Niño. Nanghihina, tipong onti nalang ay bibigay na. Hindi ako nakatiis. Tinignan ko ulit sila. Nakaluhod si Niño sa tapat ni Fernan at nakatalikod si Andong pero kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya dahil sa paghikbi.

God.

Ang sakit. Sobra.

"N-Nagwagi tayo, Fernan..." Sabi ni Niño sa wala nang buhay na Fernan. Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa isang mata ni Niño bago niya hawakan ang isang kamay ni Fernan.

"S--Salamat..." Yumuko siya at nilagay sa noo niya ang kamay ni Fernan na hawak niya sa kaniyang dalawang kamay atsaka bumuhos ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Fernan..."

Wala akong masabi. Masyado akong malungkot para sa chapter na 'to.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts