Juliet
Unang araw ng Hunyo... ibig sabihin, June 1 ngayon at nasa taong 1899 kami. Kahapon ay May 31, 1899 so May 31, 1899 ako nakarating sa panahong 'to.
Napaayos ako ng upo at hindi maiwasang mag-isip. As a med student, isa akong alagad ng siyensya kaya nabobother talaga ako sa fact na nakapagtime-travel ako dahil lang sa isang relo. Atsaka... akala ko nasa early 1800s kami pero nasa huling taon na pala kami ng 1800s tapos mag 1900 na. Ano kaya 'yung kailangang gawin ni Caden na kailangan pa niyang bumalik sa taong 'to?
Natigil ang once in a blue moon na pag-iisip ko nang malalim nang may magsalita sa harap ko.
"Magandang gabi, binibini."
Napatingala ako at nag-expect na si Heneral Enriquez ang bubungad sa akin pero mali ako. Binata siya na may pagka-mestiso, siguro may lahi siyang Kastila. Mukhang kasing-edaran ko lang siya at mukha naman siyang harmless kaya hindi na ako nagtaray.
Wala na rin akong energy magtaray. Ewan ko ba, parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa masyado.
Oo nga pala, nasa bahay kami ng mga Enriquez. Kakatapos lang ng misa at halos lahat yata ng mga tao ay dito dumiretso. Siguro dahil si Don Luis ang... ano nga ulit 'yun? Alcalde mayor? Basta parang mataas na position sa bayan na 'to.
"Ako nga pala si Manuel, binibini." nakangiting pagpapakilala niya.
Mukhang siyang mahiyaing binata, para nga siyang silahis eh. Ang calm kasi ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Ang hinhin.
"Juliet." Ngiti ko pabalik sa kaniya.
"Maaari ba akong maupo sa tabi mo, binibini?" tanong niya.
"Ah... sige lang." sagot ko at umupo nga siya pero may pagitan na isang upuan na ikinataas ng kilay ko.
May sakit ba ako? Baka naman kung anu-anong chismis na tungkol sa akin ang kumakalat dito, jusko. Tatanungin ko sana siya kung bakit ang layo niya sa akin nang bigla niya akong hilahin. Napatingin ako kung saan siya nakatingin at nakita si... sino nga ba ulit 'yun? Heneral... basta 'yung type ni Heneral Enriquez!
Pagkalabas namin ng mansion, agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya at baka mapagkamalan na naman akong may boyfriend, jusko. Oo nga pala! Speaking of boyfriend, nasaan na kaya 'yung koronel na 'yun? 'Pag nakita ko talaga 'yun, yari siya sa akin at pinahamak niya ako!
Mukhang nagulat siya na hinawakan niya ako at napatingin sa kamay niya.
"P-Patawarin mo ako, binibini." sabi niya at sinenyasan ko nalang siya na okay lang.
"Ang totoo niyan ay... may nais makipagkita sa iyo." biglang sabi ni Manuel kaya napa at-sino-naman-'yun look ako sa kaniya.
"Malalaman mo rin mamaya, binibini." sagot niya at sinenyasan akong sumunod sa kaniya kaya sinundan ko na nga lang siya.
Bakit ba kasi laging may handaan sa bahay na 'to eh, wala pa yatang araw na hindi ako pumupunta sa bahay ng mga Enriquez simula nang makarating ako sa taon na 'to.
¤¤¤
Sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan naroon ang mga bisita sa Hacienda Enriquez-Sebatian, naroon ang tatlong binatang abala sa pag-aayos ng kanilang mga sarili.
"Sigurado ba kayong ayos lang itong suot ko?" tanong ni Niño sa ika-pitong pagkakataon. Nagpalit siya ng suot na uniporme. Ang kaninang asul ay pinalitan niya ng puti.
Lumapit sa kaniya si Hernando at tinapik-tapik ang magkabila niyang balikat.
"Kaaya-aya ang kulay puti sa anumang pares ng mga mata, Niño. Ito'y sumisimbolo sa kalinisan at kapuruhan ng iyong puso." sabi ni Hernando na akala mo'y nasa isang balagtasan.
Napailing-iling nalang si Fernan habang natatawa sa mga kaibigan at isinuot na nang maayos ang kaniyang bota atsaka'y lumapit na sa mga ito.
"Ikaw, Fernan... anong tingin mo sa itsura ko?" tanong ni Niño kaya natatawang napailing-iling nalang din si Andong.
"Kahit pa magsuot ka ng sako'y pagkakaguluhan ka pa rin ng mga kababaihan, Heneral Enriquez." Ngiti ni Fernan, paraan niya ng pagbibigay ng lakas ng loob sa kaibigan. Napatangu-tango naman si Niño at nabuhayan na ng loob.
"Tama si Fernan, ikaw si Heneral Enriquez. Walang dalaga sa bayang ito ang makakatiis sa kisig at tikas mo." dagdag pa ni Andong.
Dahil sa narinig mula kay Andong ay bigla na namang nalugmok si Niño.
"Ngunit hindi siya nagmula sa bayang ito." sabi niya at nanlulumong nagtalukbong na ng kumot.
Binigyan naman ng tingin ni Fernan si Andong na nagsasabing, 'ikaw kasi, dinagdagan mo pa.'
"Halika na, Niño at baka naghihintay na si Binibining Juliet doon." Alog nalang ni Andong kay Niño na nakasalampak sa kama.
"Ayaw ko, ayaw ko! Paano kung hindi naman niya ako magustuhan? Ayaw ko na!" pagmamaktol ni Niño na hindi pa rin inaalis ang pagkakabalot sa kaniya ng kumot.
Bumuntong-hininga si Fernan.
"Kung paghihintayin mo si Binibining Juliet doon ay maaaring malagay sa panganib ang buhay niya."
Biglang napabangon si Niño, nakabalot pa rin sa kumot pero nakalabas ang kaniyang ulo.
"Bakit naman malalagay sa panganib ang buhay niya?"
"Maaari siyang matuklaw ng ahas na gumagala roon." sagot ni Fernan.
Nanlaki ang mga mata ni Niño at Andong sa narinig at akmang tatayo na si Niño pero natigilan siya at bumalik sa pagkakabalot sa kumot.
"Sinong niloloko mo? Lumaki tayong lahat sa haciendang ito at lagi tayong naglalaro roon. Nanghuhuli pa nga tayo ng mga alitaptap at ni minsan ay hindi pa tayo nakakita ng ahas." sabi ni Niño at sumalampak muli sa kama.
"Ayaw mong maniwala?" tanong ni Fernan.
"Ayaw ko! Ayaw ko!" sagot ni Niño.
"Kung gano'n..." Kinuha ni Fernan ang salamin niya at sinuot iyon atsaka kinuha ang maliit na kuwadernong nasa bulsa.
"Nasaan na nga ba ang ulat tungkol sa natuklaw na hardinero noon..." wika ni Fernan habang naghahanap-hanap sa mga pahina ng kaniyang kuwaderno.
"May ulat tungkol doon?!" Napabalikwas ng bangon si Niño at dali-daling tinanggal ang pagkakabalot ng kumot sa kaniya.
"Sumunod ka pa rin sa plano nang hindi ka magmukhang tanga!" sigaw ni Fernan kay Niño pagkalabas nito ng kuwarto atsaka tumawa.
"May ahas talaga roon?" tanong ni Andong kay Fernan nang silang dalawa nalang.
"Wala. Naniwala ka naman." sagot ni Fernan.
"Eh ano iyan?" tanong ni Andong at sumilip sa kuwadernong hawak ni Fernan.
"Listahan ng mga utang!" natatawang sagot ni Fernan at tinago na ang maliit na kuwarderno sa kaniyang bulsa.
"Hindi 'yan listahan ng utang eh, patingin!" kulit ni Andong ngunit tumakbo na si Fernan pababa.