Juliet
"Señorita!"
"Binibini!"
"Señorita Juliet!"
Dinilat ko na ang mga mata ko at bumungad sa akin ang bubong ng kama ko. Iidlip pa sana ako sandali dahil halos kakatulog ko lang pero narinig ko na naman ang katok at tawag ni Adelina mula sa labas ng kwarto ko kaya bumangon na ako.
"Binibini! May mga sundalo po sa baba. Mag-ayos na kayo at nais ka raw nilang makausap." Bungad sa akin ni Adelina pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
"Sundalo?" Tanong ko at kinusot ang mata ko.
"M-May... nais yata silang malaman na maaaring may kinalaman ka, binibini." Sagot ni Adelina atsaka yumuko.
Pumasok na ulit ako atsaka nag-ayos ng sarili ko bago bumaba para harapin 'yung mga sundalong naghahanap daw sa akin. Pagkababa ko, nakita ko naman agad ang dalawang sundalong nakatayo lang sa may sala at agad na napalingon sa akin nang makababa na ako. Bumati sila pero agad kong binigyan ng bakit-nakatayo-lang-sila-rito look si Caden na nakatayo rin sa tabi ng sofa kung saan nakaupo si Ama at binigyan lang ako ni Caden ng wala-siya-sa-mood look atsaka ngumuso-nguso kay Ama na nakatalikod sa kaniya.
Napatingin ako sa dalawang sundalong nakatayo lang at nakatingin sa akin ngayon pero mukhang may pumipigil sa kanilang magsalita kaya napatingin ako kay Ama na mukhang hindi nga maganda ang timpla ngayong umaga.
"Pinagbibintangan niyo ba ang anak ko na isang dalagang gumagawa ng masama?!" Halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Ama. At what?! Ako? Gumagawa ng masama? Kaya ba nandito 'tong mga sundalong 'to para ikulong ako? Omyghad! Wala akong ginagawang masama!
"Hindi po sa gano'n, Don Horacio. May nais lang po sana kaming itanong kay Binibining Juliet."
"Ni hindi pa mga nakakapag-agahan ang anak ko at kung tratuhin niyo siya ay para siyang isang kriminal!" Burst out na naman ni Ama kaya lumapit na agad ako sa kaniya at pinakalma siya, ganun din naman si Ina na katabi niya.
"Ayos lang po, Ama." Ngiti ko sa kaniya at humarap na sa mga sundalo. "Ano ang itatanong niyo?"
"B-Binibini... nagkita ba kayo ni Heneral Enriquez kahapon?" Hakbang ng isa palapit sa akin.
Si Niño nga pala!
Kung tama ang pagkakaalala ko, sabi ni Angelito na pinaghahanap daw si Niño ng mga kapwa niya sundalo at maaaring madawit ang pamilya ko kapag nalamang may kinalaman ako rito.
"Hindi." Sagot ko na nakapagpataas ng kilay ng isa sa mga sundalo. Mukhang hindi siya convinced sa sagot ko ah.
"Telegrama? Liham? Wala ka bang natanggap mula sa heneral?" Tanong nung mukhang doubtful sa akin.
"Wala. Hindi pa ako ulit nakakarinig mula kay Niño simula nang umuwi ako rito mula sa labanan nang mabaril siya." Sagot ko.
"Pumunta ka sa labanan sa may timog?" Tanong ulit nung doubtful sa akin kaya bigla akong kinabahan. Mukhang may kung anong kutob na siya ah.
"Labis na nag-alala si Juliet nang mabalitaang nabaril si Heneral Enriquez. Natural lang na ginawa niya iyon dahil mapapangasawa niya ang heneral." Biglang singit ni Caden kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat.
"Pumunta ka lang doon?" Tanong ng doubtful sa akin.
"Kagaya ng sinabi ng aking kuya, pumunta nga ako roon dahil nag-alala ako kay Niño. Ano ba'ng masama roon? At bakit niyo ba ako tinatanong tungkol sa kaniya? Kapwa niyo sundalo, hindi niyo alam ang kalagayan??" Balik ko sa kanila ng tanong kahit na alam ko naman talaga ang sagot.
Clinear ng isang sundalo ang throat niya bago nagsalita. "Hinahanap namin si Heneral Enriquez sapagkat isa siyang traydor. Tumakas siya matapos tangkaing patayin ang isa sa aming mga kasamahan."
Original plan ko ay umarteng nagulat anuman ang isagot ng mga sundalong 'to pero it turns out na hindi ko na kailangan pang umarte dahil kagulat-gulat talaga ang pamimintang nila kay Niño. Like, wow! Si Niño pa talaga ang nagtangkang patayin ang kasamahan nila sa dalawang balang bumaon sa katawan niya na tinanggal ko kagabi ah?
"Anong ibig mong sabihing traydor? Hindi niya magagawa iyon!" Sagot ni Ama.
"Kataksilan ang pagtatangka sa buhay ng kasamahang sundalo, Don Horacio. Kung ako ho sa inyo'y ititigil ko na ang nakatakdang kasal ng binibini sa traydor na iyon. Kapag nahuli siya'y hindi na siya makakapaglingkod pa muli at mabubulok nalang sa kulungan kung sakali mang hindi siya mapatay sa pagdakip." Sabi ng medyo mayabang na sundalong doubtful sa akin at magre-react pa sana si Ama pero pinakalma agad siya ni Ina.
Nagpaalam na rin ang mga sundalo atsaka tinuloy ni Ama ang reaction niya.
"Pagtataksil? Hindi magagawa ng anak ni Luis ang gano'ng bagay! Napakabait ng batang iyon at may prinsipyo. 'Di tulad ng mga sundalong nagpapalaki lang ng bayag sa kampo!" Halong galit at 'di makapaniwalang saad ni Ama.
Sobrang ganda nga ng image ni Niño sa buong San Sebastian at hindi rin ako makapaniwala na masisira 'yon nang ganun-ganun nalang.
"Kahit na gano'n..." Napalingon ako kay Ama nang maramdaman kong tumingin siya sa akin at tama nga ako.
"Kailangan ngang ihinto na ang kasal ni Juliet sa binatang 'yon."
What?!
"Pero Ama—" Pinutol agad ni Ama ang pagprotesta ko.
"Marami pang ibang binatang mas nababagay sa iyo, anak. Hindi ko hahayaang madamay ka pa sa gulong kinasangkutan ng batang heneral na ito." Sabi ni Ama at napatingin ako kay Ina, nagbabakasaling kampihan niya ako pero hindi 'yun nangyari.
Gets ko naman na ayaw nila akong mapahamak dahil lang itinakda akong ikasal kay Niño. At ayaw ko rin silang mapahamak dahil sa akin kaya hindi na ulit ako sumagot at umakyat nalang ulit sa kwarto ko.