Juliet
Huminto si Fernan sa tapat ng isang bahay-kubo at inalalayan akong bumaba pagkababa niya. Bago pumasok ay may napansin akong pamilyar na karwahe kaya napaisip ako kung kanino 'yun. Pagkapasok ay bumungad sa amin ang mga sundalong sugatan. Ang du-dumi nila, duguan pa ang iba.
"Tuloy pa rin?" Tanong ni Fernan sa isang sundalong may nakabenda sa braso.
"Oho, Koronel. Umaatras na ang mga kalaban kaya tinuloy ni Kapitan Hernandez ang laban." Sagot nito.
"Nandoon pa si Andong?!" Natarantang sabi ni Fernan at kumaripas ng takbo palabas.
Dahil sa ingay ni Fernan ay napalingon sa direksyon namin ang mga nasa loob. Laking gulat ko nang makita si Angelito Custodio.
"¡Gracias a Dios! ¡Estás aquí!" (Thank God! You're here!) Sambit niya at dumiretso sa akin atsaka ako inabutan ng mga gamit.
"Alam mo na ang gagawin mo." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko kaya tumangu-tango ako.
Tama. Alam ko na dapat ang gagawin ko. Ilang buwan ang ginugol ni Angelito sa akin para turuan ako simula nang magtrabaho ako sa pagamutan niya at hindi ko sasayangin lahat ng 'yon. Sinimulan ko na ngang gamutin ang mga sundalong dinala sa bahay-kubo na 'to. Lahat sila puros tama ng bala ang dahilan ng pagpunta rito.
Omyghad, Juliet! Tungaks ka ba? Malamang nasa labanan sila kaya puros tama ng bala ang sakit nila, magtaka ka kung nalunod 'yan!
Habang ginagamot ang ikatlong pasyente ko, nakita ko ang lalaking nasa sulok. Tumigil ang pag-ikot nang mundo ko nang masilayan kung sino 'yun.
Niño...
"Juliet, ituon mo ang atensyon mo sa ginagawa mo." Saway ni Angelito sa akin kaya naman agad kong binalik ang atensyon ko sa pasyente ko pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung ano na kaya ang kalagayan ni Niño at kung ano ang nangyari. Kung tama ba ang nakita ko... kung 'yun nga ang nangyari sa kaniya.
Tanungin ko kaya si Angelito?
Sumulyap ako kay Angelito at nakitang abala siya sa pagtahi sa sugat ng isang sundalo.
"Saan ka pupunta?" Biglang sabi niya kaya nagulat ako.
"W-Wala akong pupuntahan! Hindi naman ako aal—" Naputol ang sinasabi ko nang may magsalita.
"Kailangan kong bumalik doon. Nandoon pa sina Kapitan Hernandez at Koronel Fernandez." Sagot ng isa sa mga sundalo.
Omyghad, akala ko ako 'yung kinakausap ni Angelito huhu ang feeler ko talaga.
"Ako rin." Tayo pa ng isa.
Napabuntong hininga nalang si Angelito.
"Kung gusto niyong matulad sa heneral ninyo, kayo ang bahala." At ginupit na niya ang sinulid sa tinatahi niya.
Teka, magaya kay Niño? Bakit? Ano ba ang nangyari kay Niño??
Lumabas na ang mga sundalong nakakapaglakad pa kaya 6 nalang kaming natira rito. Ako, si Angelito, si Niño, dalawang nakahiga sa papag at itong pasyente ko.
"Anong kondisyon ni Niño?" Tanong ko.
"Malala." Tipid na sagot ni Angelito habang nililinis ang mga kagamitan niya.
Malala pero kalmadong-kalmado lang siya?!
Nang matapos kong gamutin 'yung pasyente ko ay agad akong lumapit kay Niño. Nakahiga siya sa papag, gupit na ang uniporme niya pati shirt niyang nasa loob nito na malamang gawa ni Angelito Custodio nang operahan siya. Tinignan ko ang nasa loob ng damit niya at nakitang may nakabalot lang na tela sa tagiliran niya. Sinara ko na ulit ang gupit niyang shirt at uniform na suot pa niya. Bakas ang may dugong parte sa telang nakabalot sa kaniya pati na sa uniform niya kaya kitang-kita kung saan ang tama niya.
Napatingin ako sa mukha niya at halos madurog ang puso ko nang makita kung gaano ka-hirap ang itsura niya ngayon. Alam kong unconscious siya pero hindi natatago no'n ang sakit at hirap na nararamdaman niya. Sobrang putla rin niya at sa tansya ko, hindi siya magtatagal sa ganitong lagay.
"Kailangan natin siya salinan ng dugo. Alam mo ba kung ano ang blood-type niya?" Tanong ko.
"Blad tayp?" Kunot-noong tanong ni Angelito.
Omyghad... anong taon ba nadiscover na may iba't-ibang blood types? Come on brain cells, gumana ka naman!
Teka, si Karl Landsteiner ang nakadiscover ng tatlong blood types A, B, and C na yung C ay later on naging O. Two years later dinagdag ng mga colleagues niya ang type AB at... sure akong 1902 dinagdag yung AB so siguro mga 1900 pa madidiscover ang blood types!
Omyghad, Juliet! Ini-spoil mo si Angelito Custodio sa discovery na next year pa mangyayari!
"A-Ang ibig kong sabihin.. ano, uhm... masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya. Mamamatay siya sa ganitong lagay." Sabi ko.
"Ipasa-Diyos mo nalang ang kaligtasan niya." Sagot ni Angelito na hindi man lang tumingin sa akin.
WTH?! Anong ipasa-Diyos?!!! Omyghad, Angelito are you even listening to yourself?!!! Ipapasa-Diyos mo nalang ang kapakanan ng pasyente mo??
"Alam kong nagmula ka sa ibang lugar kaya't may mga nagagawa roon na gusto mong gawin dito pero binibini, walang sapat na kagamitan sa bayang ito sa panahong 'to para sa mga gusto mong mangyari. Wala pang ganoong mga kagamitan rito." Sagot niya at chineck 'yung mga nakahiga sa papag.
Grabe, kahit pala sa taong 1899 nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa ganitong mga bagay. At ghad... nasa 1899 nga pala ako. Ni hindi pa nga na-aayos ang lahat tungkol sa blood transfusion hanggang 1908 kung kailan nadiscover na hindi feasible ang vein to vein transfusion kaya malamang wala pang ganito rito.
Napatingin ulit ako kay Niño. Tama nga si Angelito. Wala naman akong ibang magagawa kundi ipasa-Diyos nalang ang kaligtasan ni Niño.
Maya-maya pa'y may nagsidatingan na mga sundalo kasama sila Fernan.
"Si Niño?" Bungad niya pagkapasok na pagkapasok.
Kung anong dinumi niya kanina, mas kinalala pa ngayon ng itsura niya. Sobrang dumi nilang lahat, halong dumi at dugo ang nagdikit sa mga damit at katawan nila. Grabe, hindi talaga biro ang maging isang sundalo.
"Malala pa rin." Sagot ni Angelito.
"Iuwi na natin siya. Gomez, ikaw na ang bahala rito. Ipagbigay-alam mo agad sa amin kapag sumubok ulit sumugod ang mga kalaban." Utos ni Andong sa isang sundalong kasama nila at lalapit na sana kay Niño nang harangin siya ni Angelito.
"Saan niyo siya dadalhin?" Harang ni Angelito kay Andong.
"Iuuwi, saan pa ba?" Sagot ni Andong.
"Gusto niyo ba talaga siyang matuluyan? Kulang na siya sa dugo at kung isasakay niyo pa siya sa karwahe ay mas matatagtag pa siya." Saad ni Angelito na nakapagpa-alerto naman agad sa akin kaya humarang din ako kay Niño mula kanila Andong at Fernan.
Tama si Angelito. Hindi pwedeng magalaw si Niño ngayon. Hindi sa ganitong kalagayan.
"Ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Doña Isabela na iuwi agad si Niño. Hindi ba, Fernan?" Sabi ni Andong at humarap kay Fernan.
"Sinabi niyang iuwi nang ligtas si Niño kaya... kung ang pananatili rito ang mas makabubuti sa kaniya ay mananatili tayo rito." Sagot ni Fernan at wala nang nagawa pa si Andong.
Nakita kong sumulyap pa sandali sa akin si Fernan bago tumalikod sa aming lahat at lumabas ng kubo. Sumunod na rin naman sa
kaniya si Andong at iba pang mga sundalo at tumambay lang sila sa labas at nagpahinga.