webnovel

Prologue

*

Alas tres palang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ko— o mas magandang sabinhin na hindi pa ako natutulog.

Pinagpuyatan ko kasing gawin ang thesis report namin sa General Chemistry. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ni Ms. Castillo at may paganito sya ngayon. This is the first time she gave us this kind of work. Halos patapos na ang school year ay ngayon pa siya nagbigay ng ganito, ang masama pa 'don eh kahapon lang siya nag announce pero mamaya na kami magrereport! Hay naiistress ang braincells ko. Isama mo pa ang mga pabigat kong ka grupo, naturingang mga matatalino tamad naman.

Mabuti nalang at natapos na ako, kung hindi ay baka lumulutang akong papasok nito mamaya.

*

Hindi pa man tumunog ang alarm clock ko ay bumangon na ako, sanay na sanay akong gumising ng ala sais ng umaga. Sa araw-araw na ganito ang nangyayari sa umaga ko ay nasanay na ako. Parang kabisado na ng katawan ko.

Dahil mag-isa lang ako, natutunan kong gawin ang mga bagay na minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na gagawin ko.

Magigising ako sa umaga at maghahanda ng pagkain para sa sarili, maghahanda sa pagpasok sa eskwela. Kapag walang pasok ay maglalaba lang ako at gagawa ng kung anong mga gawaing bahay.

Lumaki ako sa isang marangyang pamilya at hindi ko naisip na mangyayari sakin 'to. Ang maparusahan ng ganito.

I am a well known student back in my old school, sino ba ang hindi makakakila sa anak ng may-ari ng Sville High?

Everyone thinks that my life was perfect. Little did they know, I was living in hell. Para sakin impyerno na yun, hindi man magdudusa ang katawang lupa mo, ang kalooban mo naman ang magdurusa.

Nabuhay akong nakukuha ang lahat ng gusto— pero hindi ko man lang makuha ang loob ng mga magulang ko. For years, naramdaman ko kung gaano sila kalayo sakin kahit na nasa tabi ko lang naman sila. Para silang bituing mahirap abutin, yung tipong kaya ko silang hawakan pero hindi ko sila  madama. They are giving me everthing I need, exept the love I am longning for. Palagi nila akong pinapaboran, ngunit ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pagmamahal mula sa kanila.

Nagsisikap akong abutin ang mga pangarap nila para sa'kin nang sa ganon ay maging proud man lang sila sa'kin. Pero sa lahat ng mga nagawa ko, yung mali lang ang nikita nila. Pressure at masasakit na salita lang ang natatanggap ko mula sa kanila. Wala sila tuwing lugmok na lugmok ako. Mas mahal nila ang trabaho kesa sakin, pano ba naman ay malas daw ako kesyo dumating ako, wrong timing naman. Ako ang sinisisi nila dahil nasa rurok na sila ng tagumpay tapos bigla akong dumating. Hindi ko sila maintindihan, naging matagumpay naman sila sa buhay ah? heto nga at may sarili na silang paaralan at negosyo. Ano pa bang kulang? Bakit isinusumbat parin nila sakin 'yon? Ako talaga siguro ang mali. Kasi isang mali lang ang nagawa ko ganito agad ang kinahinatnan ko.

I locked the door before leaving. Nakatira ako sa  isang maliit na apartment. After the incident three years ago, dito na ako tumutuloy, minsan na lang kung umuwi ako 'samin.

Hinayaan talaga akong tumira rito ng mga magulang ko, alam ko namang malaki ang naging kasalanan ko kaya dapat lang sa'kin 'to, pero ang malamang wala silang pakealam sa'kin ay nakakadurog ng puso.

After highschool ay babalik na rin ako sa kanila dahil yun ang napagkasunduan namin.

Humiga ako nang malalim bago pumunta sa sakayan ng jeep. Naghintay ako ng ilang minuto bago nakasakay.

Pagpasok sa room ay ganoon palagi ang nadadatnan ko. May mga nag-uusap sa gilid, may iba namang mag-isa at walang pakealam sa paligid. Mayroon ding naghahabulang parang mga bata.

Umupo ako at nangalumbaba sa upuan, buti nalang talaga at natapos ko ang report namin, hindi ko pa naman maaasahan ang mga ka-grupo ko. And speaking of ka-grupo, heto ang isa at palapit saakin, alam ko na ang kasunod nito.

"Chae, Natapos mo ba thesis report natin?" tanong ni Veronica. 'natin'? ano bang ambag mo? Gandang pambungad, wala man lang good moring.

"Oo, kayo nalang ang bahalang magreport mamaya." Sagot ko at kinuha sa bag ang ginawa kong thesis report namin at binigay 'yon sa kanya.

Kinuha nya lang 'yon at umalis na. Walang modo! Kuhang-kuha niya ang inis ko. Umagang-umaga badtrip na'ko, hays!

Nababalikwas ako sa upuan ng may humawak sa balikat ko. Ito pang isa! Aga-aga nangugulat!

"Masasapak talaga kita Ria! Nagiging hobby mo na ang gulatin ako ha!" bulyaw ko sa babaeng kadarating lang.

"Ikaw naman, galit agad." Hinigit niya ang upuan sa tabi ko at naupo roon.

"Sumasakit ang ulo ko, wag mo ng dagdagan."sabi ko at napahimas sa sintido.

"Sus! May chika ako, mag-almusal muna tayo." nakangising saad nito.

"Busog na ako, hindi ko na kailangan niyang chika mo." tinatamad kong tugon.

"Kj ka talaga! 'di mo na ba 'ko lab? "sabi niya at kapagkuwa'y ngumuso pa.

"Kadiri! Ano ba kasi yun, ha?!"

"Ganito kasi yun—" napatigil siya sa pagsasalita ng pumasok si Ms. Castillo. Natahimik ang lahat, sino bang hindi tatahimik kung kapag bumuka ang bibig mo ay siguradong sa labas ang diredsto mo.

Sa lahat ng mga guro, siya ang napaka strikta to the highest level! Takot ang lahat sa kanya. Kahit yung ibang guro ay hindi siya nakakasundo.

Tumuwid ng upo ang lahat nang pumunta siya sa gitna.

"Wala tayong reporting today, but let's have a short quiz. " sabi niya. Walang umangal, walang suminghap. Kahit alam nilang short quiz na hanggang 50 items ang naghihinta sa kanila.

Nakakainis lang, pinagpuyatan ko yun eh! Pero ayos lang, at mabuti nalang talaga ay nakapag review ako at nag-advance study rin kaya hindi naman ako bumagsak.

Nang maka-alis si Ms. Castillon ay siya namang parang mga hayop na pinakawalan ang mga kaklase ko. Puro sila reklamo kesyo bakit daw biglang may ganon? Hindi daw sila nakapag review.

Ganoon rin itong katabi ko, nanlulumo dahil mababa ang score. Ang swerte ko talaga at advance ako mag-isip!

Nang mag break ay hinila ko ang katabi ko papunta sa cafeteria. Nagugutom na ako at may naudlot pa itong kwento na alam kong hindi maaatim na hindi sabihin sa'kin kahit hindi ako intesesado.