webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
46 Chs

Chapter Twenty Three

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. She tried to break free from his grasp pero tila bakal ang mga bisig nitong nakapulupot sa kanyang baywang. His other hand reached out for her hair, mula sa kanyang batok, ang gently held it upang tumigil siya sa pagpipiglas. Whenever she tried wriggling away, he would gently pull her hair, causing her to stop.

Nagbago ang paraan ng paghalik nito nang maramdaman nitong tumigil siya sa pag galaw. Mula sa pagiging "rough" ay naging mas malumanay ito, encouraging her to respond. She kept her lips tightly closed but his tongue was persistent, it didn't stop seeking entry hanggang sa nagkamali siyang bahagyang binuksan ang mga labi upang sumagap ng hangin. He took the chance to deepen the kiss, exploring each area of her mouth with his tongue, seeking response.

Pakiramdam ni Louise ay naging jello ang kanyang mga tuhod. Napakapit siya sa mga braso nito, as if to find some strength upang manatiling nakatayo. He was an expert kisser, dahil hindi nagtagal ay parang may sariling isip ang kanyang mga labi na tumugon sa halik nito. The moment she responded was the moment he decided to end the kiss. She was still waiting for some more ngunit lumipas ang ilang sandali na wala ang mga labi nito sa kanya. She slowly opened her eyes only to see him staring at her, desire still evident in his eyes. Tumaas bumaba pa rin ang dibdib nitong kagaya niya.

Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito "I think my charms still work" his breathing still rugged.

She's not a teenager anymore but she felt blood rushed to her cheeks, pati punong tenga niya ay ramdam niya ang pag iinit. Sobrang pagkapahiya sa binata at sa sarili niya ang kanyang naramdaman! Inilayo niya ang sarili dito, this time, hindi ito tumutol.

"I admit that you're an expert in the kissing department, Mr. Aragon, but I'm sure I would have responded the same way to any guy na hahalik sa akin kagaya ng ginawa mo. It's called instinct" she retorted, trying to hide her embarrassment sa nangyari. Ang tanga mo talaga, Louise! You have let your guard down!

Gael grabbed her arms at muli siyang hinatak palapit dito "instinct? You really think that was just instinct, Louise? I felt how you wanted me too, there's no sense denying that" nakalulusaw ang tingin nito sa kanya.

Taas noo niyang sinalubong ang tingin nito "don't flatter yourself Mr. Aragon. Tao lang ako, it's only natural for me to get affected that way. Nasisiguro kong parehas din ang magiging reaksyon ko sa kahit kaninong lalaki"

Bagahgyang bumaon ang mga daliri nito sa pagkakahawak sa kanyang braso, nagbabadya sa mukha nito ang tinitimping galit. Gusto niyang mapangiwi sa pagdiin ng hawak nito sa kanyang bisig.

"There will be no other man, Louise. Don't even try it. You will be my wife, whether you like it or not"

Marahas niyang binawi ang braso dito "sino ka sa tingin mo para sabihin yan?"

Dumeretso ito ng pagkakatayo at isinuklay ang kamay sa buhok " huwag mo sana akong piliting gawin ang isang bagay na hindi ko gusto, Louise" naroon ang warning sa boses nito.

"Like what?" hamon niya.

"Like telling your dad the truth. Na wala na sa kanya ang lahat ng mga pinaghirapan niya, at ang lalaking matagal na niyang kinasusuklaman ang nag mamay-ari na ngayon ng lahat halos ng mayroon siya" he smiled like the devil.

"This is blackmail! I hate you!" nagpupuyos ang kalooban niya sa galit. Ito na nga ang may atraso sa kanya, ito pa ang may ganang mang blackmail? Kapal din naman talaga minsan!

"2 weeks, sweetheart. You have 2 weeks to decide" tumalikod ito at humakbang palabas ng pamamahay na iyon.

*******

Makalipas ang isang linggo ay nagbigay na ng discharge order ang ospital para kay Enrique. Masigla ang matandang lalaki ng umagang dinalaw niya ito. Inalis na ng mga doktor ang mga nakakabit na aparato dito.

"Sa wakas hija ay makababalik na tayo sa hacienda. Maraming salamat ulit anak sa pagsalba mo rito" puno ng pasasalamat ang mga mata nito nang tiningnan siya "the hacienda has been in our family for generations, simula pa sa lola ko, kaya naman hindi ko alam kung ano ang gagawin kung tuluyan itong nawala"

Louise swallowed. Hindi pa rin niya masabi sa ama ang katotohanan

"Uhm, Papa... iniisip ko lang na duon muna tayo sa bahay natin sa San Martin tumuloy pagkalabas ninyo ng ospital"

Nagsalubong ang kilay nito "but why, hija? matagal akong nawala at hindi ko natutukan ang hacienda, nararapat lamang na doon tayo umuwi"

"B-baka lang ho kako mas makabuti sa inyo ang isang lugar na mas malapit sa dagat, para mas maka recover kayo" pagsisinungaling niya rito.

Marahan itong tumawa "kung gusto mo akong gumaling agad anak, bring me to Hacienda Saavedra. My life is there"

Alanganing ngiti ang ibinigay niya rito bago marahang tumango bilang pagsang ayon sa gusto nito. Damnit! Now more than ever ay alam niyang hindi niya maaaring itama ang maling paniniwala nito. She can't take the chance of her dad suffering another heart attack na ayon sa mga doktor ay maaaring hindi na nito maligtasan.

*******

Nag ring ang intercom ni Gael sa kanyang opisina. He was in the middle of reviewing a contract from a business deal in Davao na pinuntahan ni Kurt kamakailan. He really didn't want to be disturbed right now ngunit hindi tumigil ang pag ring niyon.

"What?" iritado niyang sagot.

"Sir, there's someone here to see you" tugon ng sekretarya niya sa kabilang linya

"I don't remeber I have any meeting booked for today" .

"She doesn't have an appointment sir, pero mapilit po siya. I can tell her you're really not available - "

"Wait" maagap niyang wika dito "did you say she?"

"Yes sir. She said her name is Louise. Louise Saavedra"

She finally came! A smile crossed his lips. He's been waiting for her for more than a week now. Sa totoo lang ay nagsimula na nga siyang mag alala na baka magmatigas ito at hindi kagatin ang offer niya. He made every effort upang ma-corner ito, upang hindi ito makatanggi sa kanyang alok.

"Sir?" untag ng sekretarya sa kabilang linya.

"Please send her in" he put the receiver back in its cradle.

Ilang sandali pa ay kumatok ang sekretarya at pinapasok ang dalaga.

Gael looked at the woman from head to foot. She was wearing a black A-line satin skirt na ang laylayan ay bahagyang lumampas sa mga tuhod nito. Ang pang itaas nito ay satin midriff in fushca color, na lalong nagpatingkad sa kaputian ng kutis nito. Ang dulo ng blusa nito ay sakto lamang upang maitago ang tiyan, but when she moves, bahagyang nasisilip iyon. She was wearing a 3-inch black pumps on her feet.

Ang unat nitong buhok ay itinali nito into a ponytail and just like the usual, wala itong make-up sa mukha bagaman ngayon ay nagpahid ito ng pulang lipstick sa mga labi.

Damn! She looks so delectable that he aches every time he looks at her.

"You win" walang emosyong wika nito.

Tumaas ang kilay ni Gael sa naring, but his heart was beating so fast daig pa ata niya ang nag jogging "meaning...?"

"I- I will...m-marry you" she said almost in a whisper "but...but I have some conditions"

"Tell me." ipinagsalikop niya ang braso sa harap ng dibdib

"You said there'll be no feelings involved...that it will be a marriage of convenience..." huminga ito ng malalim "then, hindi natin kailangang magsama kagaya ng isang tunay na mag asawa"

"You need to elaborate on that sweetheart. It may be a marriage of convenience but a marriage is still a marriage"

"I mean.. hindi natin kailangang..." hindi nito maituloy tuloy ang nais sabihin "alam mo na, hindi natin kailangang maging pisikal..."

"Making love you mean?"

Tumango ito.

He stood up and walked towards her. Hinawakan niya ang baba nito at bahagyang iniangat ang mukha. She didn't complain although uneasiness was written all over her beautiful face. He's very tempted right now to kiss those lips again. He just can't seem to get enough of her.

"I can't say yes to that sweetheart..." namilog ang mga mata nito sa sinabi niya  "but I can promise not to make love to you, until you ask me to" seryosong wika niya.

"Well that will never happen then" she confidently answered "because I'd rather die than let your filthy hands touch me." Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, anger in her eyes "I hate you Gael. I can never forgive you in this lifetime. Just remember that"

Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. He can't blame her for despising him. After all, siya ang nakitang may kasamang iba sa kama. He was the one who broke her heart. I wish I could explain everything to you Louise, but maybe now's not the right time...maybe someday.

"Another thing" pagpapatuloy nito, inilayo ang mukha mula sa kanya "the marriage should be annulled after a year"

He chuckled. This is entertaining.  Ang dalaga ngayon ang nagsasabi ng mga kundisyones nito na para bang hawak nito ang bintahe sa sitwasyon nila. She has become fierce and confident like that, napangiti siya.

"Why a year?" Curious na tanong niya.

"Sa tingin ko ay fair na bayad na ang isang taon sa piling mo, para sa hacienda. Kahit ang hacienda lang ang ibalik mo ay sapat na"

He saw determination in her eyes, na kahit gusto niyang humindi sa sinasabi nito ay minabuti niyang magpahinuhod. A lot can happen in a year, ang mahalaga ay pumapayag ito ngayon sa gusto niya.

"Fine"  he answered "but I can guarantee you that after a year sweetheart, you wouldn't want to leave"

Nang sandaling iyon ay isang matibay na plano ang nabuo sa kanyang isip: he will do everything to keep her, even if that means making her fall in love with him again!

Thanks for reading! Please vote if you enjoyed this chapter. I try to upload new chapters every M,W & F. Thanks so much!

-April