webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
46 Chs

Chapter Thirty Three

Hindi makapaniwalang tinignan ni Gael si Louise. Her eyes look puffy, na tila ba galing ito sa pag iyak. She was looking at him with those eyes that were both dreamy and determined. Muntik na niyang ipilig ang ulo to make sure he's not dreaming.

"What do you mean, sweetheart?" Sa wakas ay naiusal niya.

Bahagya muna itong nagbaba ng tingin na para bang nahihiya sa sasabihin "I...I mean... I want our relationship to be...real" she looked up at him again, biting her lower lip.

What's going on Louise? Bakit biglang bigla ang pagbabago ng dadmdamin mo? Could it be that she found out about?... he gently shook his head. He already decided that he would keep the truth from her, hindi bale nang siya ang masama at kontrabida para sa dalaga, kaysa naman mas masaktan ito sa katotohanan.

"Gael..." untag nito sa kanya, ang boses ay nagsusumamo.

He gently cupped her face with his hands at inilapit ang mukha dito "hindi mo na kailangang hilingin iyan sweetheart dahil you, and only you are my wife... " whom I love, gusto niyang idugtong. He gently kissed the tip of her nose.

Nang gabing iyon ay nakatulog silang magkayakap, in the same bed. Bagaman nasa isip ni Gael hanggang sa pagpikit ang mga katanungan, he couldn't complain that Louise is finally taking him as her husband.

*******

"Good morning!" masiglang bati ni Louise

Gael slowly opened his eyes at nagisnan ang nakangiting mukha ng dalaga. God! how wonderful it is to wake up to that beautiful face na ni minsan ay hindi nawala sa kanyang ala-ala.

"Bangon na, I made breakfast" naupo ito sa gilid ng kama "I mean, I tried...I am not a very skilled cook but-" hindi nito natapos ang sinasabi dahil hinila niya ito payakap sa kanya, napahiga ito sa kama and landed almost on top of him.

Gael wrapped his arms around her at muling pumikit, inhaling the scent of her hair. Kung nanaginip man siya, he wanted to stay trapped in this dream forever.

"Uhmm... lalamig ang niluto ko... saka amoy bawang pa yata ako oh" bulong nito.

He groaned "can't we just stay here the whole day? I have a different 'breakfast' in mind" tukso niya rito.

Agad na inilayo nito ang katawan sa kanya at nagpilit muling umupo "hoy, Mr. Aragon! ang bilis mo naman yata! ano'ng feeling mo sakin? easy to get na basta basta na lang?" sinimangutan siya nito.

"What?" painosente niyang sagot "hindi ko alam kung ano'ng iniisip mo, but I was only thinking of cuddling" aniyang kibit balikat.

"Hmp! yeah right!" inirapan siya nito at tumayo "kapag hindi ka pa bumangon ay ililigpit ko na ang ihinain ko"

"Eto na po" natatawa niyang sagot at bumangon sa kinahihigaan. Nagtungo siya sa banyo upang maghilamos at sipilyo, pag balik niya sa kuwarto ay inabutan niya si Louise na inaayos ang kamang kanilang hinigaan. She looks like the perfect, pretty little wife. What sparked these changes in her? Overnight ay tila ito naging ibang tao. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip, giliw na pinagmasdan ang ginagawa nito.

Napatingin ito sa gawi niya at hindi niya inaasahan ang ngiting ibinigay nito sa kanya. For a moment ay tila tumigil sa pag ikot ang mundo niya, muli niyang nakita ang dise-sais anyos na dalagitang minahal niya. That smile that he had last seen 6 years ago, when they were madly in love, noong mga panahong inakala nilang walang kahit sino o ano mang bagay ang makakahadlang sa kanila.

*******

"Hija, natutuwa akong makita na mukhang maligaya kayo ng pamangkin ko" ani Tiyang Amelia, nakangiti ito sa kanya at bahagyang hinaplos ang kanyang braso. Abala siya sa pagtulong sa matanda at kasambahay sa pagliligpit sa hapag.

Isang ngiti ang kanyang naging tugon sa matandang babae. It was indeed a good day lalo pa ng malaman niyang maagang umalis pa-Maynila ang bruhildang si Patty, hindi raw nagsabi kung kailan babalik. Sana huwag ng bumalik! piping dalangin ng kalooban niya.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Amelia "matagal na panahon ko ring inasam na makitang masayang muli ang batang iyan" wika nito na ang tinutukoy ay ang pamangkin.

"Ano ho ang ibig niyong sabihin?" tanong niya, habang tinatakpan ang natirang ulam sa mesa.

Bumuntong hininga ang matandang babae "maraming pinagdaanan si Gael, Louise. Kung minsan nga ay nawalan na ako ng pag asang muli pang makikita ang kaligayahan sa mukha niya. Salamat sa pagbalik mo sa buhay niya hija"

"Simula pa lang ho ito, tiyang" she said smiling "I will be the perfect wife I can be to Gael" at least for a year... dugtong ng kanyang isip.

*******

Tinanaw ni Louise ang kalawakan ng karagatan sa kanyang harapan. The sun was setting down at tila ginto ang kulay niyon kapag tumama sa karagatan. She closed her eyes and inhaled the sea breeze that was blowing. Nililipad niyon ang kanyang buhok.

Matapos ang agahan nila kanina ay nag-aya ang asawang maglayag sa yate nito. She was a bit hesitant at first lalo nang sabihin nitong sila lamang dalawa ang papalaot, isang pilyong ngiti ang nasa mga labi nito nang sabihin iyon. Isipin pa lamang niya ang maaaring mangyari sa kanila ay hindi na niya marendahan ang pusong huwag kumabog.

"What are you thinking?" anang baritonong tinig.

She looked at the man standing next to her, nakatukod ang mga siko nito sa railing ng yate, leaning forward while his eyes were glued to the ocean in front of them. Mataman niya itong pinagmasdan, ang buhok nito, tulad niya ay nililipad din ng hangin. He looked peaceful and content.

Gael, I'm sorry for what my father did... for everything you've been through, just because you loved the wrong woman...

Nag init ang kanyang mga mata, agad niyang muling itinuon ang paningin sa karagatan upang hindi ito mapansin ng binata.

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan sa pagbabago ng ihip ng hangin, sweetheart" humarap ito sa kanya, he reached out for her hair na humaharang sa kanyang mukha ang gently tucked it behind her ear "pero gusto ko lang malaman mo na masaya ako, that you're finally accepting the truth that you are my girl, Louise. That you are for me" isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Louise sucked in a breath. Kay tindi pa rin ng epekto ng lalaki sa kanya. Simula noon, hanggang ngayon, isang ngiti lamang nito sa kanya ay tila ba pinakakawalan ang daan-daang paru-paro sa kanyang sikmura. Nagbawi ng tingin si Louise at muling itinuon ang paningin sa karagatan.

Gael moved behind her and wrapped his arms around her waist, he rested his head against her shoulder, magkasabay nilang pinagmasdan ang kagandahan ng karagatan.

Makalipas ang ilang sandali ay marahan siyang iniharap nito. He reached for his pocket habang ang mga mata nito ay hindi naalis sa pagkakatitig sa kanya. Louise is equally mesmerized by his gaze, hindi niya mabawi ang tingin sa mga mata nito, as if she's being sucked in by those piercing black eyes. Hindi na siya magugulat kung bigla na lamang siyang matunaw sa kinatatayuan.

He raised his hand at kuminang sa sikat ng araw ang hawak nito between his fingers "I hope you will accept it this time, sweetheart" malambing na wika nito.

Hindi siya nakasagot, sa halip ay awtomatikong nag init agad ang kanyang mga mata. Ano ba Louise?! naging iyakin ka na lately! she silently scolded herself.

Nanatiling nakatingin sa kanya si Gael, his expression was full of hope and....love? don't be delusional, Louise! love? lust and not love is what he's feeling towards you. Tama. he wants you, something na hindi niya nakuha noon. Huwag kang masyadong nagmamaganda! sermon ng utak niya.

Hindi na hinantay ng binata ang kanyang sagot at inabot ang kaliwang kamay niya, hinubad muna nito ang wedding ring na nakasuot sa kanyang palasingsingan upang ilagay ang engagement ring doon. He then put back her wedding ring on. A satisfied smile crossed his lips. "It looks perfect on you" kumento nito.

He took a step closer towards her, closing the small distance between them. Sa taas nitong humigit kumulang anim na talampakan ay hanggang dibdib lamang siya nito. She looked up to him, napalunok as she watched him bent down to her, hinawakan nito ng kanang kamay ang kanyang baba, tilting her face a bit upwards upang salubungin ang mukha nito.

She closed her eyes when she felt his breath on her face. Ang sikmura niya ay parang pinagbubuhol-buhol habang ang kanyang dibdib ay tila may bombang sasabog anumang oras. Pigil hininga niyang hinintay ang pagdampi ng mga labi nito sa kanya. His lips brushed hers softly, like a feather gently caressing them. It felt exactly like their first kiss that she couldn't help a single tear escape from her eyes.

God! I still... I still love this man! It was shocking for her to finally realize that after all these years, she has never really let him go. Natakot siya sa sariling damdamin, dahil kahit pa sa kaisipan noon na pinagtaksilan at sinaktan siya nito, ay hindi ito nawala sa puso niya. Yes, she thought she had moved on, pinilit niyang maskarahan ng galit ang damdaming nakalaan pa rin para rito.

The warning bells in her head were blaring. Mas masasaktan ka kapag itinuloy mo ang kahibangan mo Louise! let go and walk away...walk away habang may pagkakataon ka pa. She disregarded all those warning signals at sa halip ay ikinawit ang mga kamay sa leeg ni Gael. Ibinuka niya ang mga labi, encouraging him to deepen the kiss. She heard him gasp dahil sa ginawa niyang iyon. Mas hinapit nito ang kanyang baywang palapit sa sarili nitong katawan. Louise tiptoed upang lalong maabot ang mga labi nito.

She inhaled sharply when she felt his tongue delicately exploring her mouth, teasing and asking her to respond. She responded to his kisses the way she knows how at tila libo libong boltahe ng kuryente ang nanalaytay sa kanyang buong pagkatao when he caught her tongue with his mouth and gently sucked it. Napaungol siya, lalong sumidhi ang pag ganti niya sa ginagawa nito sa kanya. His other hand trailed from her waist to her back, dinadama ang kurbada ng kanyang likod at balakang.

Naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kanya, all the while never leaving her lips. Ang mga kamay ni Louise ay nanatiling nakakawit sa batok nito, ang mga labi niya ay tila walang pagod sa pag ganti sa masasarap na halik na iginagawad sa kanya ng binata.

*******

Tila nababaliw na si Gael sa sensasyong nararamdaman. Louise is letting him kiss her without any reservations, mainit ang tugon nito sa mga halik niya. He kicked the door of the cabin open at marahang inilapag ang dalaga sa kamang naroroon. Bahagya niyang inilayo ang mukha upang sumagap ng hangin, he looked at her face and fuck! He was even more turned on by her expression. Her face radiates both sexiness and innocence, her hair dishveled, namumungay ang mga mata nito at ang mga labi ay bahagyang namamaga because of his kisses. He heard her groan to complain ng bahagya niyang inilayo ang sarili dito, she reached out for him at hinila siyang muling palapit dito. He was on top of her and he had to be careful na hindi ibigay ang buong bigat sa katawan nito.

Muli niya itong siniil ng halik, bumaba ang mga labi niya sa leeg nito and heard her moan in pleasure. His lips made sweet trails from her neck to her earlobes and gave one a gentle bite. With gentleness ay nagsimulang maglikot ang kanyang kamay sa katawan ng dalaga, hindi niya ito gustong matakot o mabigla.

He gently unbuttoned her blouse, exposing her bra, one of his hand landed on top of her still covered chest, habang ang mga labi niya ay bumaba sa pagitan ng dibdib nito. Bahagyang itinaas ni Louise ang katawan dahil sa kanyang ginawa. He could feel his manhood grow at bahagya siyang nasaktan sa pagsikil doon ng pantalong suot niya.

Despite her protests ay inilayo niyang muli ang sarili dito. His breathing was heavy, and with eyes full of passion and desire ay tinitigan niya ito, tila lasing si Louise sa mga nangyayari. Yes, she is as drunk with desire as he is! God knows how much he wanted to take her right there and then but he is a man of his words. He promised that he will not do anything to her unless she permits him. It might kill him if she backs away from him now but he needs to keep his word.

"Sweetheart" aniya sa garalgal na tinig "are you sure? kung hindi ka sigurado, we can stop here. If we go any further, I can't promise you that I could stop..." tumaas bumaba ang dibdib niya sa paghinga, ang buong pagkatao niya ay natutupok sa pagnanasa.

Walang lakas nitong muling hinila ang nabuksang polo niya, nagpatiubaya siya at muling inilapit ang sarili dito. It was almost a whisper but he heard her say:

"I...I want to, Gael...please, make love to me."