webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
71 Chs

Chapter 16

Chapter 16: Friends?

Kanina pa ako pabalik-balik sa pinto ng kwarto ni Oliver. I guess it's been 1 hour na rin ang lumipas nang iwanan niya 'ko dito at mga ilan beses na rin ako nagtangkang katukin ang kwarto niya para humingi ng tawad ngunit lagi ako pinangunguhanan ng kaba at hiya.

So now, I'm trying to calm myself again and again. "Jamilla, huminga ka nang malalim." Tulad ng sabi ko ay huminga nga ako nang malalim. "Just calm yourself, Jamilla. Kakatok ka lang at mag-so-sorry. 'Yong lang ang gagawin mo. So don't be afraid. Si Oliver lang 'yan." Tumayo muli ako sa 'kin pagkakaupo at naglakad papunta sa kwarto niya. Mga ilan hakbang pa lang ang nagagawa ko, my heart starts to beats quickly. I tried to fight it pero hindi ko talaga kayang pigilan. Huhu!

Bumalik muli ako sa sofa at hinilamos ang unan sa akin mukha. Huhuhu! Ba't 'di ko magawang magsorry? Kung pwede lang ipatanggal itong kabang ito, siguro kanina ko pa nagawa 'yong gusto kong gawin at sigurado wala na 'kong iniisip na problema.

"Ano ba self? Please naman, makisabay ka sa gagawin ko, kahit ngayon lang, oh. Pagbigyan mo na 'ko!"

Pinikit ko muli ang aking mga mata at nagsimula muling pakalmahin ang aking sarili. "Relax, Jamilla. Ang dali-daling mong tarayan siya pero magsorry hindi mo pa magawa? Universe? Pahingi namang tulong. Kailangan kita ngayon, e. Magparamdam ka naman kahit nga-"

"Anong ginagawa mo?"

Meron akong narinig na isang taong nagtanong sa akin, mas lalo akong kinabahan dahil sa boses na 'yon. Dahil alam kong 'tong tao na 'to ay si Oliver. What else I do expect? Dalawa lang naman kami dito sa Condo niya.

Kabado akong tumingin sa kanya. Bakas rito ang pagtataka habang kinakamot ang batok niya. Bakit hindi ko manlang narinig na bumukas 'yong pinto? Gosh.

"Hmm.. Naghahanda para magsorry sa 'yo?" Patanong kong sagot at sabay tungo dahil ayokong makita kung ano magiging reaction niya. Bes, wala na itong atrasan, ito na 'yong perfect time to say sorry to him. Kabang-kaba na ako. Gosh. I don't like this feeling anymore.

"Seriously? Hahahaha." Teka nga. Hindi naman ganito ang reaction na i-ne-expect ko mula sa kanya, ah. Kasi imposibleng naman tawanan niya lang ako. Hindi rin naman siguro mali 'yong sinabi ko.

"May mali ba akong sinabi?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Wala. Haha. Natatawa lang ako kasi hindi ko akalain na hindi ka pa rin maka-get over sa nangyari kanina." Matatawa-tawa niyang saad. Tsk. Eh, kung hindi kaya siya nag-walk out kanina, e di sana okay ako ngayon.

"Feeling ko kasi nasaktan ko 'yong damdamin mo kaya bigla kang naglakad pabalik sa kwarto mo." Nakita ko siyang lumapit sa akin at naki-upo rin sa sofa.

"Jamilla, 'wag kang OA. It's doesn't mean na umalis ako ay nasaktan mo na agad ang damdamin ko. Haha. Gusto ko lang ulit matulog, kaya wala lang 'yong pagwalk-out ko." Ano ba 'yan. Kanina ko pa binibigyan 'yong sarili ko ng lakas ng loob tapos siya paeasy-easy lang pala sa kwarto niya. Then ngayon, sasabihin niya lang sa akin na wala lang pala 'yon. Wow, ang sarap niyang ilubog sa kumukulong putik.

"Pero sorry pa rin." Ayaw kong ipakita sa kanya na apektado ako sa ginawa niya kanina. Umaarte akong okay lang 'yong ginawa niya para malaman ko rin kung anong background no'n toblerone. Gusto ko rin siyang tulungan or shoud I say bigyan siya ng advice para sa kung anong problema niya sa toblerone na 'yon.

"You don't have to say sorry, wala kang naging kasalanan because you haven't any part of my past." Parang pakiramdam ko may kumirot sa puso ko dahil sa huli niyang sinabi, parang pinaparamdam na niya sa akin na hindi ako makakatulong. Psh. Sayang bibigyan ko pa man din siya ng matindihang advice ng isang Jamilla. "But now you're starting to have a part in my future." Dagdag pa niya na ikinadahilan nang paglabas ng kaba ko sa aking dibdib. Gosh. Anong sinasabi ng Mokong na 'to?

Sa hindi nararapat na oras ay pilit kong pinipigilan na naman ang sarili na huwag ngumiti dahil sa sinabi niya. I have to find a best way so he wouldn't even notice that I was smiling.

"Ah, C-Cr lang ako." Tumayo ako and I immediately walk towards at confort room. Universe? Paki-sagot nga sa 'kin kung bakit siya ganyan? Hindi ko naman kasi inaasahan na sasabihin niya 'yon. Gosh! Gusto ko lang naman makatulong about sa past niya, eh.

Habang naglakad ako ay hindi ko talaga mapigilan na hindi ngumiti, hindi ko alam kung bakit basta pakiramdam ko na lang ay ang lalim nang kahulugan no'n huling sinabi niya. Ramdam kong nakasunod pa rin 'yon tingin niya sa 'kin hanggang makapasok ako sa loob ng CR. Oliver please, ayoko na.

It's just a short conversation pero bakit gano'n ang lakas niya magbigay ng dahilan kung bakit ako ngumingiti? Hindi ako kinikilig, okay? Ngumingiti nga lang kasi ako. 'Wala nang hihigit pa roon.

-

Lumabas ako ng banyo nang naka-ordinaryong expression lang. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi ngumiti, siguro naman kakayanin ko 'yon dahil napakalma ko na rin 'yong sarili ko.

Nakita ko siya na nag-aayos ng kanyang sarili. Wait? May pupuntahan ba siya? Maiiwan akong mag-isa dito sa condo niya? Luh. Matatakutin ako. Baka mamaya biglang mag-brownout, tapos may biglang lumitaw na puting tela, tapos hindi ko alam na may multo sa loob nito, tapos tatakutin niya muna ako, tapos bigla niya akong nilapitan at pinatay. Ay! Jusko. Napaka-OA ko.

"Sa'n ka pupunta?" Lumapit ako sa kanya.

"I-uuwi na kita." Masyado pa lang maaga para umuwi ka agad ako, sabi naman ni kuya sa kanya na pwede niya raw akong i-uwi ng 7 Pm, 4:45 Pm pa lang naman, eh.

"Mamaya na, mag-na-night seeing pa ako sa balkonahe mo, t'saka maaga pa lang naman." Sayang naman 'yong chance ko para makita 'yong mga nag-i-ilawang mga building sa balkonahe niya, at saka baka this is would be my first and last time na makapunta ulit dito sa condo niya. Since slave niya lang naman ako at 'pag matapos na 'yon ay hindi ko na ulit siya makakasama.

"Hmm... Okay." Nakita ko siyang pumasok muli sa loob ng kwarto niya at hindi rin naman siya gano'n nagtagal sa loob dahil lumabas agad siya, nagpalit lang pala ng damit. Na-curious tuloy ako, ano kaya itsura no'n loob ng kwato niya. I don't have any idea kung ano istura ng kwarto ng mga lalaki, although may kuya ako pero kasi ayaw niya 'kong papasukin sa loob ng kwarto niya, sabi niya raw magulo.

Habang hindi niya pa sinasarado ang pinto ng kwarto niya nang maigi, sumilip-silip ako sa loob nito, ang una kong napansin ay 'yong kama niya, natulog ba talaga siya kanina? Bakit ang ayos? 'Pag bumabangon ako sa higaan ko, hindi ko na i-naayos. Siguro, ayaw niya lang nang magulo, pati kasi 'yong loob din dito ng condo niya ay maayos rin, wala talagang makikitang magulo, lahat ng bagay ay nakalagay sa tamang lalagyan. 

"What are you looking at?" Naputol ang pagsilip na ginagawa ko dahil bigla siyang nagtanong sa akin.

"Pwedeng papasok sa kwarto mo?" I know na medyo makapal na 'yong mukha ko, pero gusto ko lang talaga makita 'yong kwarto ng mga lalaki lalo na 'yong sa kanya kasi mukhang malinis.

"Bawal." Simple niyang saad at sinarado na ang pinto ng kwarto niya.

"Psh, promise wala akong gagalawin." Pagpipilit ko. Sana naman pumayag na siya, hindi naman gano'n kasalbahe 'yong kamay ko para galawin at siraan lahat ng bagay sa loob ng kwarto niya, lilibot lang naman ako, eh. Mabait kaya ako.

"Bawal pa rin." Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko na lang siya. Hays. Ang damot naman.

Tumigil siya sa may living area kaya tumigil na rin ako, nakita kong meron siyang kinuha sa loob ng cabinet.

"What's that?" Curious kong tanong sa kanya.

"CD's, naghahanap ako ng papanoorin, magmo-movie marathon ako." He walked toward to his dvd player para ilagay na 'yong CD na napili niyang panoorin.

"Ikaw lang? 'Di mo manlang ako isasama?"

"Malamang kasama ka. Anong gagawin mo 'pag sinabi kong hindi? 'Di ba wala?" May toyo rin 'tong mokong na 'to, eh. Dapat kasi sinabi niyang magmo-movie marathon 'kami', hindi 'yon 'ako' lang 'yong sinabi niya kaya minsan nagmumukha talaga akong slow, eh. Hindi na 'ko kumontra sa sinabi niya dahil tinatamad na 'ko makipagtalo pa ulit.

Umupo na siya sa may lapag

at sumandal sa sofa. "Upo ka na dito sa tabi ko." Sabi niya sabay ipod sa kanan. Napansin niya siguro na hindi pa 'ko naupo kaya niyaya niya 'ko.

"Hindi ba parang madumi d'yan? ang laki naman ng sofa mo, d'yan mo pa naisipan umupo." Para makasigurado ako, nagtanong ako sa kanya. I will claim na medyo may pagka-maarte ako sa katawan, eh masisisi niyo ba ako na I just want to be a clean person, though magulo lahat ng gamit ko sa bahay pero maliban sa bookshelves ko.

"May carpet naman, hindi ka madudumihan, naglilinis naman ako." Oo nga, tama siya. "Therefore I decided to sit here kasi para ma-feel natin 'yong ambience ng pang-sinehan. Masisimula na oh, umupo ka na." May tiwala naman ako sa kanya. Umupo na rin ako pero hindi tabing-tabi sa kanya, siguro mga 10 meters away 'yong agwat ko mula sa kanya. Hindi naman niya ito pinansin dahil nagsimula na 'yong pinapanood namin kaya naka-focus na siya rito.

-

"Namatay siya." Biglang salita ni Oliver habang nanonood kami. Wait? Ako ba ang kausap niya? Siguro ako nga, kami lang naman dalawa ang nandito, eh.

"Sino?" Hindi naman siguro 'yong movie na pinapanood namin 'yong tinutukoy niya kasi panay nakakatawang scene lang naman ang pinapakita.

"Si Angel." Ha? Teka, teka. It seems like I've read that name already. Pero nakalimutan ko kung saan.

"Sino siya?" Mahiya-hiya kong tanong.

"'Yong fictional character sa story ko. Si Angel." Pakiramdam ko ay nagtitipon-tipon na lahat ng usok ko sa katawan at anytime sasabog na ito.

"Bakit mo sinabi?! Napaka-spoiler mo talagang tao! I haven't read yet that scene on your story. Nakakainis ka! Argh! Kung hindi ka lang talaga sikat, sinaktan na talaga kita." Kinain ko ang sinabi ko dahil nagawa ko pa rin siyang saktan, hinampas-hampas ko siya pero hindi gano'n kalakas kasi, Hello? Ini-spoiled niya lang ako, bubugbugin ko agad siya?

"Teka, teka! Alamin mo muna 'yong rason ko kung bakit siya namatay." Naramdaman kong hinawakan niya 'yong kamay ko para mapatigil ako sa paghampas sa kanya, tumingin ako sa kamay niya na nakawak sa kamay ko, bigla na lamang ako nanlumo dahil sa kaba na naramdaman ko ulit sa akin dibdib, ibang kaba ang nararamdaman ko unlike kanina na hindi gano'n kalakas, mas lumakas pa ito. Ano ba talaga ibig sabihin nito?

"Bitawan mo nga 'ko." Isn't hard to get my hand again 'cause he loosened the grip. Binaling ko ulit ang tingin ko sa pinapanood namin. "Hmm.. Pa'no nga siya namatay?" Ayaw kong mai-spoiled niya ako pero parang may isang bulati sa katawan ko ang nanghihikayat na alamin ko ito.

Naramdaman kong huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "I remember, when she was 12 years old, nagkaroon siya ng malalang sakit. At 'di alam ni Film na may sakit si Angel, hindi niya kasi magawang magtanong sa mga magulang nito dahil secret relationship lang ang meron sila, kasi syempre they are too young for that. Kinabahan na si Film kasi he doesn't even recieve any text or calls from Angel, siguro mga 1 week siyang walang alam. Araw-araw siyang nag-aabang pero wala talaga, until one time nakita niyang nag-post ang mama ni Angel sa account nito about sa pagkamatay niya. Biglang gumuho ang mundo ni Film hanggang mapabayaan na nito ang sarili niya, hindi niya magawang pumunta sa burol ni Angel kasi nahihiya siya sa mga magulang nito and at the same time, ayaw niyang makita si Angel na nakahiga sa kabaong. Kulang na lang patayin na rin ni Film ang sarili niya para makasama niya si Angel pero na realize niya na baka meron pang mas hihigit pa kay Angel kaya binaling na niya lang sa ibang bagay ang isip niya." Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa kuwento niya, ang sakit pala talaga 'pag iniwan ka ng mahal mo lalo na't first love mo 'yon.I must say, mahirap talagang kalabanin ang first love. Pa'no kaya nagagawa ng ibang tao na maging matatag sa kabila ng sakit na pinaramdam sa kanila ng taong mahal nila? Parang kapareho rin iyon ng story ni mama, kasi iniwan siya ni papa at sumama ito sa bago niyang pamilya.

"E di walang happy ending na naganap?" Halos parang nakatitig na lang ako sa pinapanood namin dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko na nga maintindihan ang mga nangyayari sa movie, eh.

"Wala, hindi ko na kayang bigyan pa sila ng happy ending though si Film ay kaya ko pa kasi unti-unti na niya nararamdaman ang saya."

"Aw, na-curious tuloy ako. Bakit parang ang dali-dali niyong patayin 'yong mga bida sa kwento niyo?"

"In my case, hindi gano'n kadali, Jamilla." Tumigil muna siya bago magsalita ulit. "Hindi ko inasahan 'yong pagkamatay ni Angel kaya masakit para sa akin isulat 'yong scene na iyon." Bakit pakiramdam ko may kakaiba sa istoryang iyon?

Bigla kong binaling ang paningin ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit basta parang may nanghihikayat sa akin na tingnan siya. Bigla akong nagulat dahil sa nasasaksihan ng dalawa kong mga mata. Umiiyak na pala siya, 'yong iyak na parang ang tagal niyang itinago at ngayon niya lang nailabas.

"Why are you crying?" Dali-dali kong kinuha ang panyo ko sa sholder bag na nakalagay lang sa sofa na sinasandalan namin. Inabot ko iyon sa kanya at tinanggap naman niya ito.

"Jamilla, actually." Huminga muna siya nang malalim bago ulit magsalita. "Ako 'yon portrayer no'n fictional character na lalaki sa istorya ko at totoong nangyari lahat ng nandoon."

"Ikaw si Film?!" Gulat kong tanong sa kanya. Medyo naguguluhan pa rin ako sa nangyayari ngayon. Tumingin siya sa akin at nagsalita.

"Yes, at si Angel ay 'yong taong iniwan ako. 'Yong taonv nagbigay sa akin ng rason kung bakit naging cold person ako." My tears is starting to making my cheeks wet. Gulat akong nakatingin sa kanya habang umiiyak. Kinuha ko rin 'yong panyo na hawak niya at pinunas sa mukha ko, wala na akong pake kung nalagyan na ito ni Oliver ng mga luha niya, basta ayoko lang na makita niya akong umiiyak.

"Hay, ano ba 'yan. Pati ako, umiiyak na rin. Hehe, sorry." Sabi ko.

"'Wag kang mag-sorry, okay lang. Okay na ako." Nakangiti niyang saad.

"Ang galing mo Oliver, naisulat mo pa rin 'yong istorya ng buhay mo kahit masakit." Kaya pala no'n first time naming nagkita ang cold niya sa akin. "Pero Oliver, konektado ba ito sa chocolate kanina?"

"Yes." Kaya pala ayaw niya ipatapon iyon.

Now I know 'yon istoryang iyon ay true to life pala. Mismong experience pala niya. Bahagya akong napatawa kasi parang pakiramdam ko ay pinaubaya sa akin ni universe ngayon na hindi muna maging slow.

"Tumawatawa ka?" Tanong niya sa akin.

"Para kasing nawala muna 'yon pagiging slow ko sa mga oras na 'to." Bigla siyang ngumiti kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Gosh.

"So? Forget about what I've said, Jamilla. Magsisimula na ulit akong mag-isip ng happy toughts and sisiguraduhin kong hindi na ako magiging cold sa 'yo." Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Anong ginagawa niya?

"Anong gagawin ko d'yan sa kamay mo?" Bigla siyang ngumisi at umiling-iling.

"Ngayon, bumalik na ulit ang pagiging slow mo."

"Ha?"

"Tutulungan kitang tumayo. Look, madilim ang paligid, 'di ba sabi mo? Gusto mo mag-night seeing?" Nagdalawang-isip pa ako bago ko kinuha ang kamay niya pero sa huli ay kinuha ko na rin, nakaramdaman ako ng numbness dahil sa haba ng oras nang pag-upo sa sahig kaya bigla akong natumba sa chest niya. Ako lang 'yong natumba pero siya'y hindi.

Gosh, parang natumba ako sa bato. Gosh, ang tigas pero mas nangibabaw sa akin 'yong naririnig ko mula sa loob ng dibdib niya, ang sunod-sunod na tibok ng puso niya. Sigurado ako hindi ito 'yon ordinaryong tibok ng puso dahil ang bilis no'n. Katulad ko, nakaramdaman ulit ako ng kaba sa akin dibdib. Gosh, anong nangyayari?

"'Di ka pa ba aalis d'yan sa dibdib ko?" Bigla ako napalunok ng laway dahil sa sinabi niya. Unti-unti kong tinggal ang sarili ko sa kanya at naglakad papunta sa balkonahe niya. Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Nakakahiya 'yon ginawa mo Jamilla. Gosh. Baka isipan niyang nilalandi mo siya. Huhu! Pagsisihan ko 'yong ginawa ko.

Napanganga ako nang bahagya when I saw the Manila Skyscraper. Hindi nakakasawang pagmasdan. Gosh.

"Ang ganda!"

"Maganda talaga." Saad niya rin.

"Picturan mo 'ko Oliver." I gave to him my phone pero hindi niya ito kinuha. Problema nito?

"Madilim na, magiging blurd pa lalo 'yong kuha ko. Next time na lang." May point naman siya. But wait? Am I alright? Sinabi niyang next time? So it means, pwede pa 'kong pumunta dito?

"E di meron pang chance para pumunta ulit ako dito?" Ngi-ngiti kong saad sa kanya.

"Of course, pero kung magiging magkaibigan tayo, anytime you can go here or visit me. Friends?" Hindi naman siguro masama kung magiging magkaibigan kami, may mabait naman siyang tintago and actually, maganda rin naman 'yong pakikitungo namin dalawa, sadyang hindi lang maganda no'ng una namin pagkikita.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin din naman siya sa akin habang naghihintay siya ng isasagot ko.

"Sige 'wag na lang." Saad niya.

"No. Gusto ko siyempre. Friends na tayo." Iniwas ko ang tingin sa kanya at binaling ang tingin sa mga buildings. "Pero basta ba't hindi mo na ako aasarin."

"Hindi ko maiipangako but remember, slave pa rin kita, kaya may karapatan pa rin kitang utusan." Ayt. Kamuntikan ko na palang makalimutan na slave pa rin pala niya 'ko hanggang ngayon, hindi ko kasi manlang naramdam, e.

"Okay.." Ningitian ko siya.