webnovel

Tignan mong maigi kung sino ako (8)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Hindi siya umimik.

Hindi rin naman interesado si Han Ruchu kung ano mang gusto niyang sabihin. Nakatingin lang ito sa screen na nasa harap habang kalmadong nagsasalita pero ang bawat salitang minumutawi ng bibig nito ay parang kutsilyong humihiwa sakanya. 

"Inuutos ko sayo ngayon na sumuko ka na kay Qiao Anhao dahil may isang bagay kang hindi alam. Ang Xu family at ang Qiao Family ay matagal ng nagkasundo sa engagement."

"Sigurado ako na hindi mo masyadong maintindihan kaya hayaan mong pasimplehin ko para sayo. Si Jiamu at si Qiao Qiao ay mayroon ng engagement. Ibig sabihin lang nito ay fiancé na ni Jiamu si Qiao Qiao at hindi magtatagal ay magpapakasal na sila. Isa pa, sa tingin ko may isang bagay ka pang dapat malaman. Si Qiao Qiao at Jiamu ay talagang nagmamahalan.

"Ano pa nga ba…isa kang hampaslupa na gustong mapasayo ang lahat pero walang wala ka naman! Anong karapatan mo para mahalin si Qiao Qiao

"Wag mong kakalimutan. Si Qiao Qiao ay nanggaling sa mga Qiao. Kahit patay na ang kanyang mga magulang at ulila nalang siya ngayon, hindi pa rin nito mababago na anak siya ng isang mayamang pamilya. Sa buong buhay mo, hinding hindi mo kayang pantayan ang mga mana at shares niya sa family business ng mga Qiao.

"Pero ibahin mo ang aming Jiamu. Siya lang naman ang magiging tagapagmana ng Xu family. Bagay talaga sila ni Qiao Qiao at mismong langit ang nagtalaga sakanila."

Habang nagsasalita si Han Ruchu, nakita ni Lu Jinnian sa malaking screen na nasa kanyang harap sina Qiao Anhao at Jiamu na nagduduet ng isang lumang kanta, "Hiroshima, my love". Walang tunog ang malaking screen kaya hindi niya marinig ang pagkanta ng mga ito pero kitang kita niya na magkatabing nakatayo sina Qiao Anhao at Jiamu. Gaya nga ng sinabi ni Han Ruchu, bagay talaga ang mga ito at mukhang itinalaga ng langit para sa isa't-isa.

"Ipinatawag kita ngayong gabi para sabihin sayo na….huwag mo ng subukan pang lumapit kay Qiao Qiao!"

"Naniniwala ako na malamang nasabi na sayo ito ng nanay mo noon; ang isang tao ay dapat marunong magpakita ng utang na loob. Huwag mong kakalimutan na ang anak ko ang naging dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon. Dinonate ni Jiamu ang kanyang bone marrow para mailigtas ang buhay mo kaya kung hindi dahil sa anak ko ay patay ka na ngayon."

"Maliban nalang kung ang gusto mong ibigay na kapalit sa kanya ay ang pangaagaw ng babaeng minamahal niya?"

Nasabi na ni Han Ruchu ang lahat ng gusto nitong sabihin at mukhang wala na itong iba pang gustong sabihin kaya naglakad na ito palabas ng monitoring room. Pero noong nasa may pintuan na ito, may bigla itong naalala kaya huminto ito sa paglalakad at muling humarap sakanya. Tumingin ito diretso sa kanyang mata at halata rito ang matinding poot at pandidiri.

"Alam mo sa sarili mo kung paano ka trinato ni Jiamu. Sana hindi ka maging kabit, na kagaya ng nanay mo!"

Pagkatapos magsalita ni Han Ruchu, muli itong tumalikod para tuluyan ng lumabas ng kwarto at ang tanging ingay na maririning lang noong mga sandaling iyon ay ang tunog ng mataas na takong nito na papalayo.

Hindi na maalala ni Lu Jinnian kung paano siya nakaalis ng clubhouse noong gabing iyon. Ang tanging naalala niya nalang ay noong oras na nahimasmasan na siya kung saan para siyang tangang nakatayo sa kalsada kahit sobrang lakas ng ulan. Hawak niya pa rin ang isang bigkis ng mga tangkay at ang pira-pirasong card. Hindi nagtagal ay nakita niya sina Qiao Anhao, Xu Jiamu at marami pang iba na palabas ng clubhouse. Halatang lasing na si Qiao Anhao noong mga oras na iyon dahil nakapasan na ito kay Xu Jiamu.

Malayo ang kinatatayuan niya at nakatingin lang siya sa mga likod nito. Pinilit niyang pagdugtong-dugtungin ang mga bagay at naisip niya na kaya pala nagaaral ng mabuti si Qiao Anhao ay dahil gusto nitong makarating sa first class noong third class lang ito at kung bakit gusto raw nitong magaral sa Hangzhou pero nanatili pa rin ito sa Beijing. Ang lahat pala ng iyon ay para kay Xu Jiamu.

Matagal siyang naglakad lakad sa ulan noong gabing iyon at hindi niya alam kung saan nga ba siya partikular na pupunta. Noong sumunod na araw, hindi siya nakalabas ng isang hotel room dahil inapoy siya ng lagnat. Pitong araw at pitong gabi niyang hindi maintihan ang kanyang sarili bago siya tuluyang nagising sa katotohanan.