webnovel

Saan ba ako nagkulang? (10)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ito ay mga D&C forms, at Qiao Anhao ang pangalan ng taong inoperahan… May nakita siyang dalawang salita, ito ay ang pangalan ng taong pumirma sa ilalim. At ang kanyang mga daliring nakahawak sa mga papel ay bigla nalang nanginig.

Lu Jinnian.

Pirma ito ni Lu Jinnian at sinasabi rito na pumayag itong sumailalim siya sa D&C operation.

Gulat na gulat at hindi makapaniwala si Qiao Anhao sa kanyang nakita, pero parang black and white lang ito sa paningin niya. Malinaw ang nakasulat dito, at mukha namang hindi ito isang prank.

Bigla nalang nablanko ang kanyang isip. Paulit-ulit niyang binasa ang mga nakasulat sa papel pero kahit anong paraan niya pa itong tignan, napaka linaw ng bawat salitang nakasulat dito.

Hindi na namalayan ni Qiao Anhao kung gaano na siya katagal sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya makagalaw at nakatitig lang siya sa mga papel. Nahimasmasan lang siya noong lumabas na si Zhao Meng mula sa CR at nagtanong sakanya kung nasaan ang hair dryer. Gulat na gulat siya sa pagsulpot nito kaya dali-dali niyang itinupi ang mga papel na isiniksik niya sa kanyang bag. Huminga muna siya ng malalim at ituro kay Zhao ang sofa. "Nandun."

Kahit na mukhang kalmado si Qiao Anhao, rinig pa rin ni Zhao Meng sakanyang boses na parang may mali kaya kahit tumutulo pa ang basa nitong buhok ay agad itong tumingin sakanya at nagaalalang nagtanong, "Qiao Qiao, anong problema?"

"Ayos lang ako." Umiling si Qiao Anhao. Noong mga sandaling iyon, sobrang naguguluhan talaga ang kanyang isip at sa tingin niya ay kailangan niyang maghanap ng isang lugar para mahimasmasan kaya ngumiti siya kay Zhao Meng at sinabi, "Nagugutom na ako, siguro bumaba na ang blood sugar ko. Medyo masama na ang pakiramdam ko kaya mauna na ako sa restaurant. Doon mo nalang ako haapin mamaya."

Tumungo lang si Zhao Meng at sinabi, "Yeah."

Hindi na sumagot si Qiao Anhao, kinuha niya na ang kanyang bag at lumabas ng kanilang kwarto.

Imbes na dumiretso sa restaurant, sumakay siya ng elevator at lumabas muna ng hotel. Nagkakad siya papunta sa walang taong hardin na nasa tabi lang din hotel at umupo sa stone bench. Kinuha niya ang mga papel na isinisiksik niya kanina sakanyang bag para muli itong basahin ng paulit ulit. Hindi nagtagal, napunit na ang gilid ng mga papel sa higpit ng hawak niya sa mga ito kaya.

Tinignan niya sa D&C forms kung kailan nangyari ang operasyon. Ang sinasabi rito ay halos dalawampung araw na ang nakakalipas noong nagpunta siya sa ospital.

Pero noong araw na iyon, sobrang himbing ng kanyang tulog kaya wala siyang maalalang kahit ano. Pagkagising niya kinabukasan, nakabalik na siya kwarto nila sa Mian Xiu Garden at ag sinabi ni Madam Chen sakanya ay nagkaroon lang daw siya.

Sadyang irregular ang kanyang pagreregla at sa tuwing nagkakaroon siya ay sobrang sumama talaga ang pakiramdam niya na para bang lagi siyang nasa bingit ng kamatayan. Kahit na mas nanghihina siya noong araw na iyon kumpara sa mga araw normal na araw na nagkakaroon siya, wala naman siyang naramdamang kahit anong kakaiba. May naramdaman na siya noon na parang may nangyayaring hindi tama pero pinili niyang wag nalang ito masyadong isipin

Maliban nalang kung noon ay.... nagkaraoon talaga siya ng D&C?

Pero medyo nakakaduda din ang sulat. Wala kasing nakasulat dito na kahit anong impormasyon ng nagpadala. Hindi kaya set up lang ito?

Habang mas iniisip ni Qiao Anhao ang mga bagay-bagay, mas lalo lang nalilito ang kanyang puso. Gusto niyang maniwala na hindi naman magagawang ipalaglag ni Lu Jinnian ang anak nila pero sobrang nagulat talaga siya sa sulat na ito.

Ilang sandali na ang lumipas pero labis pa ring naguguluhan ang kanyang puso kaya bandang huli, itiniklop niya ang mga hawak na papel at muli itong isiniksik sa loob ng kanyang bag bago niya kunin ang susi ng kanyang sasakyan para puntahan ang ospital na nakasaad sa forms.

Imbes na magpakabaliw habang pagisipang magisa kung totoo ba ang mga nakasulat sa papel, bakit hindi nalang siya pumunta sa ospital mismo at doon niya alamin ang katotohanan?

Wala naman masyadong mga sasakyan sa kalsada kaya halos dalawang oras lang ang itinagal ng kanyang byahe bago makarating sa City Hospital.

Dahil masyadong maraming tao sa ospital, natatakot si Qiao Anhao na baka makunan siya ng litrato na paguumpisahan ng mga chismis, kaya nagsuot siya ng sombrero at ng mouth mask pagkababa niya ng sasakyan.