webnovel

Patawarin mo ako (5)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Yes." Matatanaw mula sa kinatatayuan nila na mukhang may nangyayaring kritikal sa loob ng operating room. Inabot ng nurse ang dokumentong hawak nito kay Lu Jinnian at nagmamadaling sinabi, "Mister, pwede mo bang pirmahan na ito kaagad? Hinihintay nila yan maoperahan na ang pasyente."

Hindi pa rin nakapagsalita si Lu Jinnian nang mga sandaling iyon ngunit makikita sakanyang mukha na kalmado lang siya. Nagalangan siya noong una pero agad din niyang kinuha ang mga dokumento mula sa nurse. Ngunit nang mabasa niya ang dalawang salita "miscarriage operation" sa mga consent forms, biglang nadurog ang kanyang puso.

Ang babaeng mahal niya ay ipinagbubuntis ang kanyang anak. Masaya sana ang araw na ito para sakanya dahil nalaman niyang magiging tatay na siya pero sa sandali ring iyon ay nalaman niya na namatayan na pala siya ng anak.

Ginawa ni Lu Jinnian ang lahat para magmukha siyang kalmado noong kinukuha niya ang ballpen. Nanginig ang kanyang mga daliri habang tinatanggal ang takip hanggang sa unti-unti niya itong ibinababa base sa tinuturo ng nurse. Pero hindi niya napirmahan ito kaagad. 

Malinaw sakanya ang ibig sabihin ng tatlong salitang "intrauterine fetal death." Wala ng pagasang mailigtas pa ang bata, pero ramdam niya pa rin ang sobra sobrang sakit dahil kinakailangan siyang pumirma para sa abortion. 

"Mister." Muli siyang tinawag ng nurse nang mapansin nito na hindi siya gumagalaw.

Nakatitig lang siya sa consent form na nasa mga kamay niya. Itinikom niya ang kanyang mga labi at muling ibinaba ang ballpen.

Hindi niya na mabilang kung ilang beses na niyang naisulat ang dalawang salitang 'Lu Jinnian' noon. Simula kasi noong naging sikat siya, kinailangan na niyang isulat ang dalawang salitang ito araw-araw para sa kanyang mga taga hanga. Sa ngayon, wala siyang ibang kailangang gawin kundi muling isulat ang dalawang salitang ito pero para sakanya, ito na ang pinakamasakit at pinaka hindi niya makakalimutang pirma sa buong buhay niya.

Ramdam ng nurse ang bigat ng nararamdama niya nang makita siya nitong huminto matapos niyang isulat ang salitang 'Lu'. Siguro dahil babae rin ang nurse, hindi na nito napigilan ang sarili na magsalita na para bang naiinis at sinisisi siya nito.

"Siguradong may namamagitan sainyong dalawa. Mukhang hindi naman na kayo mga bata, nagpakasal na at nag'sex, pero hindi niyo inisip ang pagbubuntis, tama ba? Ngayon, may taong nasa bingit ng kamatayan, jeez…Pero ang babae ang pinaka nakakaawa. Huwag na nating pagusapan ang magiging damage sa katawan niya pagkatapos ng miscarriage… Bilang isang nanay, kung alam niyang walang kalaban-labang namatay ang sarili niyang anak, siguradong halos mamamatay siya sakit."

Biglang namutla ang mukha ni Lu Jinnian habang pinapakinggan ang panghuhusga ng nurse. Binuksan niya ang kanyang bibig pero wala namang lumabas na kahit na anong salita mula rito. Bandang huli, tiniis niya ang sakit na nararamdaman, tinapos ang kanyang pirma at agad na ibinalik sa nurse ang consent form.

Nang makita ng nurse ang pirma ni Lu Jinnian, agad nitong kinuha ang consent form para maoperahan na si Qiao Anhao at nagmadaling tumakbo pabalik.

Muli nanamang sumara ang pintuan ng operating room at nanumbalik ang katahimikan sa corridor.

Nakita ng assistant si Lu Jinnian na hindi gumagalaw sa kinatatayuan nito kaya sinabi niya ng mahina rito, "Mr. Lu, wag ka na masyadong malungkot."

Biglang nanlisik ang mga mata ni Lu Jinnian nang marinig niya ang mga simpleng salita ng pakikiramay ng kanyang assistant. Dumukot siya sa kanyang bulsa dahil gusto niya sanang manigarilyo pero may nakita siyang 'No Smoking' sa corridor kaya hindi niya nalang itinuloy. Tumingin siya sa kanyang assistant at sinabi, "Umalis ka nalang muna, kaya ko ng magisa."

Bago umalis ang assistant, may pahabol pa itong sinabi, "Mr. Lu, kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

Tumungo lang si Lu Jinnian at hindi na sumagot pa.

Halos kalahating minuto pa ang lumipas na nanatiling nakatayo ang assistant sa tabi ni Lu Jinnian bago siya tapikin nito at tuluyang umalis.